Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pelikula. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pelikula. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 29, 2018

"Paghihintay" opisyal na trailer

Christian Full Movie 2018 "Paghihintay" Hear the Voice of God and Welcome the Lord  (Tagalog Dubbed)

Si Yang Hou'en  ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo.

Ago 23, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Ikalimang Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Tungkol Kay Job
Sa Araw-araw na Pamumuhay ni Job Makikita Natin ang Kanyang Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan
Ang Paghahayag ng Pagkatao ni Job sa Kanyang mga Pagsubok (Ang Pag-unawa sa Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan ni Job sa Panahon ng Kanyang mga Pagsubok)

Hul 4, 2018

Debosyonal na Assistant ng Cristiano | Ang Panimulang App ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

🍒🍀*🍁* 💞💞💞💞🍀*🍁* 🍀🍒

  Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
 
  Upang tuparin ang malakas na hangarin ng mga tao mula sa iba’t ibang pinagmulan na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, inilabas ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang una nitong mobile app. Naglalaman ang app na ito ng mga e-book, musika at video. Kasama rito ang milyun-milyong salitang inihayag ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos, mga orihinal na kantang nirekord ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at higit pang mga movie at video tungkol sa ebanghelyo. Inaanyayahan namin ang lahat na nag-iimbestiga sa tunay na daan na gamitin ang app na ito. 
 
Home   Nakakapanabik na nilalaman sa home page sa isang iglap. Makinig sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at alamin ang gawain at mga salita ng Cristo ng mga huling araw. Naririnig ng mga matatalinong birhen ang tinig ng Diyos, sinusunod ang Kanyang mga yapak, malinaw sa lahat ang mga misteryo ng katotohanan, at naiintindihan ang bawat katiting na bahagi ng anim na libong taon ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang ebanghelyo ng pagbaba ng kaharian ay ang kasagutan sa iyong mga katanungan, at matutulungan ka nito na makita ang mga kamalian at kasinungalingan ni Satanas. Kunin ang mga video at artikulong ito na tunay na mga kuwento mula sa mga piniling tao ng Diyos na nagsasalaysay ng kanilang mga karanasan sa pagkadalisay at pagkaligtas sa pamamagitan ng paghatol ng Cristo sa mga huling araw.
 
Mga Aklat   Isang-click na pag-download sa mga pinakabagong pagbigkas ni Cristo ng mga huling araw, karanasan at pagpapatotoo ng mga mananagumpay, at iba pang mga libro. Hinahayaan kang makinig sa mga pagbigkas ng Manlilikha, at ibinabahagi ang pagpapatotoo ng mga napiling tao ng Diyos na nakakaranas ng paghatol sa harapan ng trono ni Cristo. Maginhawang function sa pagkuha ng sipi upang madali mong mairekord ang natutunan mo anumang oras. 
 
Mga Audio   Mga rekording ng mga sermon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos na nagbibigay ng masaganang pagdidilig at pagsusustena, nilulutas ang iyong mga pakikibaka sa iyong paniniwala sa Diyos. Makinig sa mga bagong kanta ng kaharian online, at pumasok sa bagong kapanahunan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kordero at pagkanta ng mga bagong awit. Ang Batch na pag-download at ang mga function ng pangangasiwa sa pag-download ay tumutulong sa isang mahusay na karanasang offline. Itago at ibahagi ang iyong mga paboritong track anumang oras. 

Hun 19, 2018

Pelikulang Kristiano | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?



Pelikulang Kristiano | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?

   Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Sa totoo lang, Han Lu. Hindi ito dahil hindi namin naiintindihan ang mga naniniwala sa Diyos. May mga kaibigan ako'ng mananampalataya. Alam kong ang mga naniniwala sa Diyos ay mabubuting tao na hindi gumagawa ng masasamang bagay. Kaya lang bakit gusto kayong hulihin ng Partido Komunista? Iyon ay dahil mabilis na lumalago Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at mas lumalaganap ang epekto nito. Patuloy niyo pa ring ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos, ikinabibigla 'yon ng religious community. Posible ba na hindi kayo sugpuin at paghigpitan ng Partido Komunista? Alam mo ba kung ano ang tungkol sa "Kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan"? Hudyat ito ng Partido Komunista sa buong mundo na gustong ipagbawal at wasakin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinisigaw nito ang slogan na "hindi aalis ang mga pulis hangga't hindi natatapos ang ban. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na ang sentral na pamumuno ay nagpasya na ganap na ipagbawal at alisin lahat ng sekretong iglesia. lalo na ang inyong Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos ang pampublikong paglilitis ng kaso ng Shandong Zhaoyuan, kahit maraming tao pa rin ang nagtatanong sa kaso ng Shandong Zhaoyuan, sinasabi na ang kasong ito ay malamang na isang kasinungalingang sadyang ginawa ng Partido Komunista para mabitag at dungisan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayunman, dininig ang kasong ito sa publiko ng hukuman. Gumawa rin ng kasunod na ulat sa kaso ang media ng pagbabalita. Kahit na gaano pa ninyo pagdudahan at itanggi ang May 28 Shandong Zhaoyan case, wala itong silbi. Kung masasabi at magagawa iyon ng Partido Komunista, Auntiek na maraming tao ang maniniwala rito. Kahit na hindi positibong bagay ang kasinungalingan at karahasan, epektibo ang mga ito. Hindi ba't ito ang lahat?

Abr 7, 2018

Pelikulang Kristiano | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (Trailer)



   Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Ene 4, 2018

Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig



Kidlat ng Silanganan Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig

   Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia.