Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 8, 2019

Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon


Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

Dis 25, 2018

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis.

Nob 2, 2018

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"

Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila?

Okt 16, 2018

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Kamalian ng "Teoriyang Diyos-tao" (Mga Movie Clip)

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Kamalian ng "Teoriyang Diyos-tao" (Mga Movie Clip)

Sa relihiyosong mundo, may ilang mga denominasyon na naniniwalang naging tao ang Diyos na maaaring maging Diyos ang tao. Umaayon ba ang teoriyang ito sa intensyon ng Diyos nang nilikha Niya ang tao? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang ating Diyos ay tunay ngang Diyos, at ang tao ay tao lang.

Okt 14, 2018

Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?"

Alam ng maraming tao ang tungkol sa insidente ng Zhaoyuan sa Shandong ng gumulantang sa Tsina at sa buong mundo, at nagbunga ng maraming hinala tungkol sa insidente.

Okt 12, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 4/6)

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 4/6) Ang Tunay na Layunin sa Likod ng Pagtanggi at Paghatol ng CCP kay Kristo

Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagpakita ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao bilang karaniwan, at normal na tao sa panlabas, ngunit dinala Niya ang landas ng pagsisisi, “Magsisi: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit,” at ginawa ang gawain ng pagtubos sa tao sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Sapat na ito upang patunayan na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao.

Okt 11, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Ano ang Mabuting Relihiyon, at Ano ang Masamang Kulto?

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Ano ang Mabuting Relihiyon, at Ano ang Masamang Kulto?"

Ang Partido Komunista ng Tsina ay Marxist-Leninist, isang ateistang partido pulitikal na kumokontra sa lahat ng teismo. Kinokondena ng Partido Komunista ng Tsina ang lahat ng grupo ng relihiyon bilang “masasamang kulto.”

Okt 10, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 2/6)

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 2/6) Naging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?

Sa paggamit ng mga argumentong gaya ng materyalismo at ng teorya ng ebolusyon, hindi nag-aksaya ng lakas ang Patido Komunista ng Tsina sa pagkontra sa pag-iral ng Diyos at sa pamumuno Niya.

Okt 9, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6)

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6) Ang Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala

Iniisip ng Partido Komunista ng Tsina na ang paniniwala sa relihiyon ay sumibol mula sa takot at pagsamba sa pwersa ng kababalaghan ng tao na napag-iwanan na ng kaalaman sa syensya, at sinasabi nilang isang pamahiin lamang ang relihiyon.

Okt 5, 2018

Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - Paano Makikilala ang mga Modernong Fariseo

Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - "Paano Makikilala ang mga Modernong Fariseo"

Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, siniraang-puri at hinatulan Siya ng pinuno ng relihiyosong mundo, at sa huli ay sumanib sila sa pamahalaang Romano upang ipako Siya sa krus.

Okt 1, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw"


Tagalog Christian Movie Clips | Pagkamulat | "Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw"

Winakasan na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan na ang Kapanahunan ng Kaharian. Inihahayag Niya ang katotohanan at sinisimulan ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamilya ng Diyos.

Set 25, 2018

Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


Tagalog Christian Movie 2018 | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"

"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw.

Set 23, 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"


Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"

Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga mananampalataya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago kailanman at na tanging sa pag-asa sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maaaring maligtas.

Set 5, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos


Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos
I
Ang disposisyon ng Diyos kasamang pag-ibig 
N'ya't pag-aliw sa sangkatauhan,
kasama poot N'ya't lubos na pag-unawa sa mga tao.
Ang disposisyon ng Diyos,
ang disposisyon ng Diyos
ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay
o Diyos ng mga nilikha'y dapat nagtataglay.

Ago 29, 2018

"Paghihintay" opisyal na trailer

Christian Full Movie 2018 "Paghihintay" Hear the Voice of God and Welcome the Lord  (Tagalog Dubbed)

Si Yang Hou'en  ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo.

Okt 31, 2017

Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”

Jesus, Makapangyarihang Diyos, Jehovah, totoo, Biyaya

Kidlat ng Silanganan | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”

  Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

Okt 26, 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan


Kidlat ng Silanganan | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan

Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka’y karangalan ko, puso ko’y alay sa ‘Yo tunay na Diyos, 
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma’y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko’y galing Sa ‘Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso’y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko’y umigkas.

Okt 23, 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Biblia at Diyos




Kidlat ng Silanganan | Ang Biblia at Diyos

Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na “Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos,” “Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Okt 15, 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

Kidlat ng Silanganan | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao


Kidlat ng Silanganan | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

  Bawat yugto ng gawain na ginawa ng Diyos ay mayroong tunay na kahalagahan. Noong dumating si Jesus, Siya ay lalaki, at sa oras na ito Siya ay babae. Mula dito, iyong makikita na nilikha ng Diyos ang parehong lalaki at babae para sa Kanyang gawain at sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag ang Kanyang Espiritu ay dumating, maaari Siyang mag-anyo ng anumang katawang-tao na naisin at ang katawan ay kumakatawan sa Kanya. Maging ito man ay lalaki o babae, parehong kumakatawan sa Diyos basta’t ito ay ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung si Jesus ay dumating at nagpakita bilang isang babae, sa ibang salita, kung ang batang babae, hindi isang lalaki, na mabubuo ng Banal na Espiritu, ang yugtong iyon ng gawain ay magiging kumpleto pa rin. Kung gayon, ang yugtong ito ng gawain ay dapat matapos sa halip ng isang lalaki at ang gawain ay samakatwid makukumpleto pa rin. Ang gawain na tinupad sa parehong mga yugto ay mahalaga; walang gawain ang inulit o magkakasalungat sa bawat-isa. Sa oras ng Kanyang gawain, si Jesus ay tinawag na ang tanging Anak na Lalaki, na nagpapahiwatig ng kasarian ng lalaki. Sa gayon bakit ang tanging Anak na Lalaki ay hindi nabanggit sa yugtong ito? Ito ay dahil sa ang mga pangangailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na kakaiba mula doon kay Jesus. Sa Diyos ay walang pagkakaiba sa kasarian. Ang Kanyang gawain ay natupad ayon sa Kanyang mga pag-nanais at hindi sakop ng kahit anumang mga pagbabawal, lubusang malaya, ngunit ang bawat yugto ay mayroong tunay na kahulugan. Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao, at ito ay nangyayari na walang sinasabi na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang huling pagkakataon. Siya ay dumating upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawain. Kung sa yugtong ito ay hindi Siya naging tao upang personal na gumawa upang masaksihan ng tao, ang tao ay magpakailanmang mananatili sa paniwala na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, ang lahat ay naniwala na ang Diyos ay maaaring lalaki lamang at ang babae ay hindi maaaring matawag na Diyos, sapagkat ipinagpalagay ng lahat na ang lalaki ay mayroong awtoridad sa babae. Naniniwala sila na walang babae ang maaaring magkaroon ng awtoridad, kundi lalaki lamang. Sinabi rin nila na ang pinuno ng babae ay lalaki at na ang babae ay dapat sumunod sa lalaki at hindi niya maaaring malampasan. Noong ito ay sinambit sa nakaaran na ang lalaki ay ang pinuno ng babae, ito ay sinabi hinggil kay Adan at Eba na nilinlang ng ahas, at hindi sa lalaki at babae na nilikha ni Jehovah sa simula. Syempre, ang babae ay dapat na sumunod at mahalin ang kanyang asawa, kagaya ng isang lalaki na dapat matuto na suportahan ang kanyang pamilya. Ito ang mga batas at mga kautusan na itinakda ni Jehovah kung saan ay dapat sundin ng sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa mundo. Sinabi ni Jehovah sa babae, “at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Ito ay sinabi lamang upang ang sangkatauhan (iyon ay, kapwa babae at lalaki) ay maaaring mamuhay ng karaniwang pamumuhay sa ilalim ng dominyon ni Jehovah, upang ang mga buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng balangkas at hindi mawala ang kaayusan. Sa gayon, si Jehovah ay gumawa ng mga karampatang alituntunin kung paano ang lalaki at babae ay dapat kumilos, ngunit ang mga ito ay nakatukoy lamang sa lahat ng mga nilikhang namumuhay sa mundo at hindi sa Diyos na nagkatawang-tao. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang nilikha? Ang Kanyang mga salita ay para lamang sa sangkatauhan na Kanyang nilikha; ang mga ito ay alituntunin na itinakda para sa lalaki at babae upang ang sangkatauhan ay maaaring mamuhay ng karaniwang buhay. Noong simula, nang nilikha ni Jehovah ang sangkatauhan, ginawa Niya ang parehong babae at lalaki; sa gayon, ang Kanyang laman na nagkatawang-tao ay naiiba rin sa kahit alin sa lalaki o babae. Hindi Siya nagpasiya ng Kanyang gawain batay sa mga salitang winika Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses Niyang pagkakatawang-tao ay ganap na itinakda ayon sa Kanyang kaisipan noong una Niyang nilikha ang sangkatauhan. Iyon ay, ganap Niyang naisagawa ang trabaho ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao ayon sa lalaki at babae na hindi nadungisan ng kasalanan. Kung isasagawa ng tao ang mga salitang sinabi ni Jehovah kay Adan at Eba na nalinlang ng ahas sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi rin ba dapat mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa sa paraan na Kanyang kinakailangan? Ang Diyos ba ay Diyos parin samakatwid? Kung gayon, magagawa ba Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali na ang nagkatawang-tao ng Diyos ay maging babae, hindi rin ba ito malaking kamalian na nilikha ng Diyos ang babae? Kung ang lalaki ay naniniwala parin na ang Diyos na nagkatawang-tao bilang babae ay kamalian, hindi ba ang pagkakatawang-tao ni Jesus, na hindi nag-asawa at sa gayon hindi maaaring mahalin ang Kanyang asawa, ay maging higit na kamalian bilang kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang iyong ginagamit ang mga salita na sinambit ni Jehovah kay Eba upang masukat ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa araw na ito, dapat mong gamitin ang mga salita ni Jehovah kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba magkapareho ang dalawang ito? Yamang iyong hinatulan ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lalaki na hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao sa araw na ito sa pamamagitan ng babae na siyang nalinlang ng ahas. Iyon ay hindi patas! Kung gagawa ka ng ganoong paghatol, sa gayon ito ay patunay ng iyong kakulangan ng pagkamakatuwiran. Nang si Jehovah ay dalawang beses na nagkatawang-tao, ang kasarian ng Kanyang laman ay kaugnay sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Dalawang beses Siyang naging tao na ayon sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay katulad kay Adan na siyang nalinlang ng ahas. Siya ay lubos na walang kaugnayan sa kanya, at sila ay dalawang lalaki na iba ang mga katangian. Tiyak na hindi maaari na ang pagiging lalaki ni Jesus ay patunay na Siya lamang ang pinuno ng lahat ng mga kababaihan ngunit hindi ng lahat ng kalalakihan? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng mga Hudyo (kasama ng kapwa mga lalaki at mga babae)? Siya ay ang Diyos Mismo, hindi lamang pinuno ng babae ngunit ang pinuno rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang at ang pinuno ng lahat ng mga nilalang. Paano mo natitiyak na ang pagkalalaki ni Jesus ay magiging simbolo ng pinuno ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay lalaki na hindi nadungisan. Siya ay Diyos; Siya ay si Kristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging lalaking tulad ni Adan na naging tiwali? Si Jesus ay ang laman na ginamit nang pinaka-banal na Espiritu ng Diyos. Paano mo masasabi na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Kung gayon hindi ba lahat ng gawa ng Diyos ay kamalian? Maaari bang isama ni Jehovah kay Jesus ang pagkalalaki ni Adan na siyang nalinlang? Hindi ba ang kasalukuyang pagkakatawang-tao ay iba pang gawain ng Diyos nagkatawang-tao na iba sa kasarian ni Jesus ngunit kapareho sa kalikasan? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sasabihin na ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi maaaring babae yamang ang babae ang unang nalinlang ng ahas? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na ang babae ay ang pinaka-marumi at pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, marahil ang Diyos ay hindi maaaring maging tao bilang babae? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na “ang babae ay dapat laging sumunod sa lalaki at hindi kailanman magpakilala o direktang kumatawan sa Diyos”? Hindi mo naintindihan noong nakaraan; maaari mo pa rin bang lapastanganin ang gawain ng Diyos, lalo na ang laman ng nagkatawang-taong Diyos? Kung hindi mo ito nakikita nang malinaw, mabuting isipin ang iyong pananalita, upang ang iyong kahangalan at kamangmangan ay hindi maibunyag at ang iyong kapangitan ay mailantad. Huwag isipin na iyong naintindihan ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na ang lahat ng iyong nakita at naranasan ay kulang upang maunawaan ang kahit isa-sa-isang-libo ng Aking plano sa pamamahala. Kaya’t bakit ikaw ay masyadong mapagmataas? Ang iyong hamak na kapirasong talento at kaunting kaalaman ay kulang upang magamit kahit man lang sa isang segundo ng gawain ni Jesus! Gaano karaming karanasan ang tunay na mayroon kayo? Ang lahat ng iyong nakita at lahat ng iyong narinig sa iyong buong buhay at kung ano ang inyong mga naisip ay mas kaunti kaysa sa Aking ginagawa sa isang sandali! Mas mabuting huwag kang maghiniksik at maghanap ng kamalian. Hindi alintana kung gaano ka mapanghamak, ikaw parin ay isang nilalang na mas mababa kaysa sa langgam! Lahat ng nasa loob ng iyong tiyan ay mas mababa kaysa sa loob ng tiyan ng langgam! Huwag mong isipin na dahil marami kang naging karanasan at naging mas nakatatanda, maaari ka na magsalita at kumilos nang may hindi mapigil na kayabangan. Hindi ba ang iyong mga karanasan at iyong pagiging nakatatanda ay bunga ng mga salita na Aking winika? Naniniwala ka ba na ang mga ito ay nakakamit sa pamamagitan ng iyong pagtatrabaho at paghihirap? Ngayong araw, makikita mo ang Aking pagkakatawang-tao, at bilang resulta ikaw ay mayroong mga mayamang pagkaintindi, kung saan nagmula di-mabilang na mga paniniwala. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit na gaano kagila-gilalas ang iyong mga talento, hindi ka magkakaroon ng maraming pagkaintindi. Hindi ba dito nagmula ang iyong mga paniwala? Kung hindi sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao si Jesus, ano ang iyong malalaman sa pagkakatawang-tao? Hindi ba ito dahil sa iyong kaalaman ng unang pagkakatawang-tao kaya ikaw ay naglakas-loob na mangahas na hatulan ang pangalawang pagkakatawang-tao? Bakit kailangan mo itong kilatisin sa halip na maging masunuring tagasunod? Kayo ay pumasok sa daloy na ito at humarap sa nagkatawang-taong Diyos. Paanong ikaw ay pahihintulutang mag-aral? Mainam para sa iyo na pag-aralan ang kasaysayan ng iyong sariling pamilya, ngunit kung iyong pag-aaralan ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, paano ka pahihintulutan ng Diyos ngayon na gawin ito? Hindi ka ba bulag? Hindi ka ba naghahanap ng mga kaguluhan?

Okt 12, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)



Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Paghihintay (6)



“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!
Rekomendasyon: