Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehova. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehova. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 29, 2019

Latest Tagalog Christian Song | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"



Tagalog Christian Songs | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"



I

Kumakatawan lahat ang Jehova,

Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.

Ngunit mga kapanahunan lang

sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,

hindi ang Kanyang kabuuan.

Mar 25, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha

Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio.

Mar 21, 2019

Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos|Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.

Set 25, 2018

Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


Tagalog Christian Movie 2018 | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"

"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw.

Set 23, 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"


Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"

Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga mananampalataya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago kailanman at na tanging sa pag-asa sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maaaring maligtas.

Mar 6, 2018

Pelikulang Kristiano | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos



Kidlat ng SilangananPelikulang Kristiano | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus."

Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Peb 14, 2018

Sino ang Aking Panginoon - Debate Tungkol Lahat sa "Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos"

Kidlat ng SilangananClip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Debate Tungkol Lahat sa "Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos"


Sa dalawang libong taon, ang relihiyosong mundo ay umasa sa kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa Biblia na kinasihan ng Diyos at laging naniwala na "Ang Biblia ay mga salita ng Diyos," at "Ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon." Tama ba ang mga ideyang ito? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Rekomendasyon:

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos 






Ene 30, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Biblia, katotohanan, buhay, Jehova, Diyos

Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II


Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Ngayong narinig ninyo na ang nakaraang paksa sa pagsasamahan na tungkol sa awtoridad ng Diyos, nakatitiyak Ako na nasangkapan na kayo ng sapat na mga salita sa bagay na ito. Gaano man ang kaya ninyong tanggapin at unawain ay depende kung gaanong pagsasagawa ang ibubuhos ninyo dito. Umaasa Ako na buong sikap ninyong maaabot ang bagay na ito; huwag kayong makitungo dito nang hindi bukal sa puso kahit sa anong paraan! Ngayon, ang pagkilala ba sa awtoridad ng Diyos ay katulad ng pagkilala sa kabuuan ng Diyos? Maaaring masabi ng isang tao na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay ang simula ng pagkilala sa natatanging Diyos Mismo, at masasabi din ng iba na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay nangangahulugang nakatapak na ang isang tao sa pintuan ng pagkakilala sa diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang pagkilalang ito ay isang bahagi ng pag-unawa sa Diyos. Ano ang iba pang bahagi kung gayon? Ito ang paksa na nais Kong pagsamahan natin ngayon–Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.