Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 29, 2019

Latest Tagalog Christian Song | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"



Tagalog Christian Songs | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"



I

Kumakatawan lahat ang Jehova,

Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.

Ngunit mga kapanahunan lang

sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,

hindi ang Kanyang kabuuan.

Dis 19, 2019

Tagalog Christian Song - "Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon"




Tagalog Christian Songs - "Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon"



I

Ipinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain

sa mga bayang gentil.

Ang Kanyang kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob.

Ang Kanyang kalooban,

na nakapaloob sa nakakalat na mga tao,

lahat ay pinakikilos ng Kanyang kamay,

ginagawa ang mga inatas na tungkulin.

Hul 2, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos| Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” (Sipi 1)


Salita ng Buhay | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” (Sipi 1)

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita.

May 26, 2019

Ilang tao ng relihiyon ang babalik sa Diyos sa mga panahon ng kalamidad?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago.

Mar 7, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

Daan, Tinubos, Biyaya, itsura,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat



Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas


    Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatilingbuhay Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba    napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Mar 5, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

Daan, Tinubos, Biyaya, Magpasalama, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.



Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

  Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa. Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa? Nang inagos ang Aking mga anak at tao pabalik sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghuhukom sa harap ng malaking puting trono. Na ang ibig sabihin, kapag sinimulan ko ang Aking gawain sa lupa nang Ako mismo, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit na sa pagtatapos, nagsisimula Akong mag-atas ng aking mga salita sa buong sansinukob, at pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasama ng lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at walang kahalayan, ngunit isang banal na kaharian. Babaguhin Ko ang lahat ng mga bagay, upang sila ay makasama para sa Aking paggamit, upang hindi na nila muling dalhin ang makamundong paghinga, at hindi na muling madungisan ng lasa ng lupa. Sa lupa, ang tao ay humagilap para sa layunin at mga pinagmulan ng Aking mga salita, at nakapuna sa Aking mga gawa, gayon pa man walang kahit sinuman ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng Aking mga salita, at walang kahit sinuman ang tunay na nakamasid sa kahiwagaan ng Aking mga gawa. Ito ay ngayon lamang, kapag ako ay personal na dumating sa tao at ipahayag ang aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, pag-alis ng lugar para sa “Akin” sa kanilang mga isipan, sa halip ng paglikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkabatid at puno ng pag-usisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na ang pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang makakaunawa nito kung hindi ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang tunay na maniniwala na ako ay totoong umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ang “Ako” ng katotohanan, at walang sinuman ang may kakayahang akayin ang paghahambing sa pagitan nila. Kung hindi ako nagkatawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na dumating siya upang makikilala Ako, ang ganitong kaalaman ba’y hindi pa rin isang kabatiran? Sa bawat araw na naglalakad ako sa gitna ng mga walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw Ako ay kumikilos sa kalooban ng bawat tao. Kapag Ako ay tunay na nakita ng tao, magagawa niyang makilala Ako sa Aking mga salita, at maunawaan ang mga paraan kung saan Ako ay naglalahad pati na rin ng Aking mga layunin.

Peb 13, 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Tinubos, Biyaya, Daan, Karatula, Cordero

Kidlat ng SilangananSalita ng Diyos Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

   Ang gawain ng Diyos sa mga tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Kanya. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang gawain ay hindi mapaghihiwalay mula sa Diyos, at pinamamahalaan ng mga kamay Niya, at maaari ring masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring tumanggi rito, dahil ito ay katotohanan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakana ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinaggagalingan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi maaaring humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit sa lahat, ay walang layuning humiwalay sa tao. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at ang saloobin Niya ay laging mabuti. Ang gawain ng Diyos at ang mga saloobin Niya (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) aykapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao. Ang mga ganoong pangitain ay pamamahala rin ng Diyos, at gawain na hindi kayang isagawa ng tao. Ang mga atas ng Diyos sa tao sa gawain Niya ay tinatawag na “pagsasagawa” ng tao. Ang mga pangitain ay ang sariling gawain ng Diyos Mismo, o ang kalooban Niya para sa sangkatauhan o ang mga layunin at kahalagahan ng gawain Niya. Ang mga pangitain ay maaari ring sabihin na bahagi ng pamamahala, dahil ang pamamahalang ito ay gawain ng Diyos, at ito ay nakatuon sa tao, na nangangahulugang ito ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa mga tao. Ang gawaing ito ay ang patunay at ang daan kung saan makikilala ng tao ang Diyos, at ito ay mahalagang-mahalaga para sa tao. Kung, sa halip na magbigay-pansin sa kaalaman na gawain ng Diyos, nagbibigay-pansin lamang ang mga tao sa mga aral ng paniniwala sa Diyos, o sa mga mabababaw at hindi makabuluhangsalaysayin, hindi nila makikilala ang Diyos, at, higit pa rito, sila’y hindi makasusunod sa puso ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay lubhang makatutulong sa kaalaman ng tao patungkol sa Diyos, at ito ay tinatawag na mga pangitain. Ang mga pangitain ay ang gawain ng Diyos, ang kalooban Niya, at ang layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos; ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng tao. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa kung ano ang dapat isagawa ng tao, kung ano ang dapat gawin ng mga nilalang na sumusunod sa Diyos. Ito ay tungkulin din ng tao. Ang dapat gawin ng tao ay hindi isang bagay na madaling maunawaan ng tao sa simula, ngunit mga atas na ginawa ng Diyos para sa tao sa gawain Niya. Ang mga atas na ito ay unti-unting naging mas malalim at mataas sa paggawa ng Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kailangang sundin ng tao ang utos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, kailangang pasanin ng tao ang kanilang krus. Iba ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang mga atas sa tao ay mas matataas kaysa sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Habang ang mga pananaw ay mas nagiging mataas, ang mga atas sa tao ay mas nagiging mataas, at nagiging mas malinaw at mas makatotohanan. Gayon din, ang mga pangitain ay mas nagiging makatotohanan. Ang maraming totoong pangitaing ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa pagsunod ng tao sa Diyos, ngunit, higit dito, ay kapaki-pakinabang sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos.