Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas
Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan
na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatilingbuhay Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang
bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng
suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng
sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay
sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay
pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay,
sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit,
malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito,
patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao,
nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat
ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng
tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin.
Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may
pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula
siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto
sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga
salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging
maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at
may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking
pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang
kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila
ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila
ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na
nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso;
ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala
silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang
kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod
dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa
ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring
matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit
lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may
kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging
kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan
Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong
alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao,
padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang
pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming
mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang
tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na
kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na
parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat
bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking
pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para
sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para
sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay
Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?
Kapag nag-umpisang lumitaw ang banaag ng liwanag sa Silangan, sa
panahong iyan itutuon ng lahat ng mga tao sa sansinukob ang kanilang
pansin sa nabanggit na pangyayari tungo sa liwanag sa Silangan. Sa
pagkakahimasmas mula sa pagkaidlip, pagmamasdan ng sangkatauhan ang
pinagmumulan ng liwanag sa silangan, nguni’t dahil sa mga limitasyon ng
kapangyarihan ng tao, walang sinuman ang makakakita sa lugar na
pinagmumulan ng liwanag. Kapag ganap na nailawan ang lahat ng mga nasa
sansinukob, babangon ang tao mula sa pagtulog at pananaginip, at doon
lamang niya mapapagtanto na unti-unti nang dumarating sa sanglibutan ang
Aking araw. Magdiriwang ang buong sangkatauhan dahil sa pagdating ng
liwanag, at dahil dito hindi na siya mananatiling tulog, at hindi na
magiging walang-saysay. Sa ilalim ng kaningningan ng Aking liwanag,
magiging malinaw ang isip at pananaw ng buong sangkatauhan, at kaagad na
mapupukaw sa kagalakan ng pamumuhay. Sa likod ng makapal na ulap,
sinusubaybayan Ko ang sangkatauhan. Namamahinga ang lahat ng mga hayop;
dahil sa pagdating ng banaag ng liwanag, namalayan ng lahat ng nilikha
na papalapit ang isang bagong buhay. Dahil dito, gumapang din palabas
ang mga hayop mula sa kanilang mga yungib, naghahanap ng pagkain.
Siyempre, hindi rin naiiba ang mga halaman, at sa kaningningan ng
liwanag kuminang na maningning ang berde nilang mga dahon, naghihintay
upang ialay sa Akin ang indibidwal nilang bahagi sa panahong nasa lupa
Ako. Hinahangad ng lahat ng mga tao ang pagdating ng liwanag, ngunit
takot silang lahat sa pagdating nito, nababahalang hindi na maitatago
ang kanilang sariling kapangitan, dahil ganap na hubad ang tao, at
walang panakip. Gaano karaming mga tao ang nabalot ng matinding takot
dahil sa pagdating ng liwanag at nagulantang dahil sa paglitaw ng
liwanag? Sa pagkakita sa liwanag, ilang tao ang napuno ng
walang-hanggang panggigipuspos, kinasusuklaman ang sarili nilang
karumihan, nguni’t, walang kapangyarihan upang baguhin ang katotohanan,
kundi maghintay lamang sa Akin upang ipahayag ang kaparusahan. Ilang mga
tao, na pinino ng pagdurusa sa kadiliman, sa pagkakita sa liwanag ay
dagling nagulantang sa malalim na kahulugan nito, at sa gayon ay niyakap
nila ang liwanag nang mahigpit, sa takot na mawala itong muli? Gaano
karaming mga tao, ang sa halip na magulat sa biglaang paglitaw ng
liwanag, ay nagpatuloy lamang sa pang-araw-araw na gawain, sapagka’t
sila’y nabulag sa loob ng mahabang panahon, kaya hindi nila napapansin
na dumating na ang liwanag, at hindi rin sila nasiyahan dito. Sa puso ng
mga tao, wala Ako sa itaas, o sa ibaba. Para sa mga tao, hindi mahalaga
kung totoo man Ako o hindi, na parang walang ikalulungkot ang buhay ng
tao kung wala Ako, at kung totoo man Ako, wala silang matatamong
kasiyahan. Dahil hindi Ako pinahahalagahan ng mga tao, iilan lamang ang
mga kasiyahang naipagkakaloob Ko sa kanila. Nguni’t sa sandaling bigyan
Ako ng sangkatauhan ng kahit katiting na pagsamba, kung gayon babaguhin
Ko rin ang Aking pakikitungo sa kanila. Sa kadahilanang ito, magiging
ganap lamang na mapalad ang mga tao na ialay ang kanilang mga sarili sa
Akin at hingin ang mga bagay na nasa Aking kamay kapag natatarok na nila
ang batas na ito. Tiyak na hindi lamang ang sariling mga kapakanan ng
tao ang layunin ng pag-ibig niya sa Akin? Tiyak na hindi lamang sa mga
bagay na Aking ibinibigay nakabatay ang kanyang pananampalataya sa Akin?
Maaari kayang, maliban kung makikita niya ang Aking liwanag, hindi Ako
kayang mahalin ng tao nang taos sa pamamagitan ng kanyang
pananampalataya? Tiyak na ang kalakasan at sigla ng tao ay hindi tunay
na para lamang sa mga kundisyon ng kasalukuyan? Maaari kayang kailangan
ng tao ang tapang upang mahalin Ako?
Sa pananalig sa Aking pag-iral, masunuring nagpapasakop ang
napakaraming mga bagay na nilikha sa mga lugar na kinaroroonan nila, at
sa kawalan ng Aking pagdisiplina, hindi sila nagpapasasa sa kalayaang
mapabayaan. Samakatuwid, nagiging mga hangganan ang mga bundok sa
pagitan ng mga bansa sa lupain, nagiging mga haramg ang mga tubig upang
panatilihing hiwalay ang mga tao sa pagitan ng mga lupain, at ang hangin
ay nagiging siyang bagay na dumadaloy sa pagitan ng mga tao sa
kalawakan sa lupa. Tanging ang sangkatauhan ang walang kakayahang
sumunod sa mga hinihiling ng Aking kalooban; ito ang dahilan kung bakit
sinasabi Ko na, sa lahat ng mga nilalang tanging ang tao lamang ang
nabibilang sa kategorya ng mga suwail. Hindi kailanman ganap na
nagpasakop ang tao sa Akin, at sa kadahilanang ito pinanatili Ko siya sa
ilalim ng mahigpit na pagdisiplina. Kung sa kalagitnaan ng
sangkatauhan, mangyayari na lalawig ang Aking kaluwalhatian sa buong
sansinukob, kung gayon nakatitiyak na Aking kukunin ang lahat ng Aking
kaluwalhatian at ihahayag ito sa harap ng sangkatauhan. Sapagka’t sa
karumihan ng tao hindi siya karapat-dapat na tumingin sa Aking
kaluwalhatian, sa loob ng libu-libong taon hindi Ako nagpakita
kailanman, nguni’t nanatili Akong nakatago; sa kadahilanang ito hindi
kailanman naihayag sa sangkatauhan ang Aking kaluwalhatian, at laging
nakalublob ang tao sa malalim na bangin ng kasalanan. Pinatawad Ko na
ang hindi-pagkamatuwid ng sangkatauhan, nguni’t hindi alam ng mga tao
kung paano pangalagaan ang kanilang mga sarili, at sa halip ay lagi
nilang ibinubukas ang kanilang mga sarili sa kasalanan, pinahihintulutan
nilang sirain sila ng kasalanan. Hindi ba kakulangan ito ng tao sa
paggalang at pagmamahal sa sarili? Sa kalagitnaan ng sangkatauhan,
mayroon bang isa na tunay na makaiibig? Ilang “katiting” ba ang maaring
timbang ng katapatan ng tao? Hindi ba’t may mga hindi-purong mga bagay
na nakahalo sa mga tinatawag niyang tunay? Hindi ba’t ang kanyang
katapatan ay ganap na napalobo ng labu-labong kalituhan? Ang
kinakailangan Ko ay ang hindi-nahahating pagmamahal ng tao. Hindi Ako
kilala ng tao, at bagaman sinusubukan niya Akong makilala, hindi niya
ibibigay sa Akin ang tunay at masigasig niyang puso. Mula sa tao hindi
Ko sinisingil kung ano ang ayaw niyang ibigay. Kung ibinibigay niya sa
Akin ang kanyang katapatan, tatanggapin Ko ito nang walang malumanay na
pagtutol; nguni’t kung hindi niya Ako pinagkakatiwalaan, at umaayaw
siyang ihandog ang kahit katiting ng sarili niya sa Akin, sa halip na
lalo pang mayayamot dahil diyan, pasimpleng itataboy Ko na lamang siya
sa ibang paraan at ipadadala siya sa lugar na kinababagayan niya. Ang
tao ay pababagsakin ng dumadagundong na kulog sa kalangitan; tatabunan
siya sa pagbagsak ng mga matataas na bundok; kakainin siya ng mga gutom
na mababangis na hayop; at lulunurin siya ng dumadaluyong na mga
karagatan. Sa pakikibahagi ng sangkatauhan sa gusot ng pagpapatayan ng
mga magkakapatid, hahanapin ng lahat ng mga tao ang kanilang sariling
pagkawasak sa mga kalamidad na lilitaw sa kalagitnaan ng sangkatauhan.
Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa
kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng
sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa
Aking mga tao na nasa kaharian ng kasalukuyan, sino sa inyo ang hindi
tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng
kalagayan ng tao? Kapag inihayag sa sangkaramihan ang tanda ng bago Kong
panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita ninyo mismo ng
inyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi na
kayo umaasa pa na magpakailanmang magtitiis sa mundong ito? Lumalakad
Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan
ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong
gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay
tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa
Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian;
mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila
mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin;
mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na
papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking
kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan,
yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking
kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa
Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita;
tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking
kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa
Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo
ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga
ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na
makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna
ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa
inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak
na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng
kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan
ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging
matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga
pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa
Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong
sansinukob.
Marso 19, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos