Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 18, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Karanasan

buhay, Diyos, relihiyon, Landas, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat


   Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos. Kung ang tao ay tunay na nabubuhay sa harap ng Diyos, makikita niya ang mga iyon bilang mga pagsubok ng Diyos at hindi palalampasin ang mga iyon. Kung sasabihin ng isang tao na dahil sa ang Diyos ay nasa kanya tiyak na hindi siya lalapitan ni Satanas, hindi ito tama sa kabuuan. Paano maipaliliwanag na si Jesus ay humarap sa mga tukso pagkatapos Niyang mag-ayuno sa ilang sa loob ng apatnapung araw? Kaya kung tunay na itinama ng tao ang kanyang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, makikita niya ang maraming mga bagay nang higit na mas malinaw at hindi magkakaroon ng pahilig at nakapanlilinlang na pagkaunawa. Kung ang isang tao ay totoong desidido na gawing perpekto ng Diyos, kinakailangan niyang lapitan ang mga bagay na hinaharap niya mula sa maraming magkakaibang mga anggulo, hindi nakahilig sa kanan o sa kaliwa. Kung wala kang taglay na kaalaman ukol sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makikipagtulungan sa Diyos. Kung hindi mo nalalaman ang mga panuntunan ng gawain ng Diyos at walang kamalayan sa kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka magkakaroon ng landas n pagsasagawa. Ang isang masigasig na paghahangad lamang ay hindi magtutulot sa iyo na makamit ang mga resulta ng mga hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng karanasan ay nakakatulad ng kay Lawrence, hindi inaalam ang pagkakaiba at nagtutuon lamang sa karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas, kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang nakakatulad ng tao na walang presensiya ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang gustong gawing perpekto ng Diyos. Kung paano umasal tungo sa iba’t-ibang mga tao, kung paano mauunawaan ang kalooban ng Diyos, kung paano malalaman ang disposisyon ng Diyos, at kung aling mga tao, aling mga pangyayari, at aling kapanahunan, ang habag ng Diyos, Kanyang kamahalan at pagkamakatwiran ay nakadirekta—hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng mga ito. Kung ang tao ay walang maraming mga pananaw bilang kanyang saligan, isang saligan para sa kanyang mga karanasan, kung gayon ang buhay ay hindi na pinagtatalunan, lalong-lalo na ang karanasan; siya ay nananatili lamang na napasasakop sa lahat ng bagay na may-kamangmangan, pinagtitiisan ang lahat. Ang lahat ng gayong mga tao ay masyadong mahirap na gawing perpekto. Maaaring sabihin na ang hindi pagtataglay ng anumang mga pananaw na tinalakay sa itaas ay sapat na katibayan ng iyong pagiging isang hangal, nakakatulad sa isang haliging asin, palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang kabuluhan, sila ay mga walang kuwenta! Ang ilang mga tao ay kailanman mala-bulag na nagpapasakop, palagi nilang nalalaman ang kanilang mga sarili at palaging ginagamit ang kanilang mga pamamaraan nang paggawi sa kanilang mga sarili kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o ginagamit ang “karunungan” upang makitungo sa mga maliliit na bagay na hindi na kailangang banggitin pa, yaon ay ang mga tao na walang pagkakilala, na parang likas nilang isinusuko ang kanilang mga sarili sa kahirapan, parehas lamang palagi, hindi nagbabago kailanman; ito ay isang hangal na walang pagkakilala o anuman. Hindi sila kailanman umaakma sa mga panukat sa mga pangyayari o sa iba’t-ibang mga tao. Ang gayong mga tao ay walang taglay na karanasan. Nakikita Ko na nakikilala ng ilang mga tao ang kanilang mga sarili sa isang partikular na punto na kapag nahaharap sa kanila na taglay ang gawain ng masamang espiritu iniyuyuko pa nila ang kanilang mga ulo at inaamin ang kasalanan, hindi nangangahas na manindigan at hatulan sila. Kapag naharap sa malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, hindi rin sila nangangahas sumunod, alinman, naniniwala na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay din ng Diyos, at kahit kaunti ay hindi sila nangangahas upang tumindig sa paglaban. Ang mga ito ay mga tao na hindi taglay ang dignidad ng Diyos, at tiyak na hindi nila makakayanang tiisin ang mabibigat na pasanin para sa Diyos. Ang gayong nalilitong mga tao ay hindi nakakakita ng pagkakaiba. Ang paraan ng karanasang ito kung gayon ay dapat na iwanan sapagkat ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.

Mar 7, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

Daan, Tinubos, Biyaya, itsura,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat



Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas


    Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatilingbuhay Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba    napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Mar 3, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

iglesia, Noah, Jesus, Biblia, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat



Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


 Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa pagsubok ninyong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para subukin na “suriin” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating kalikasan ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Sa kadahilanang ito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa inyo, ang pinakadakilang bahagi ng pagsisikap. Hindi ninyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas ninyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling mga panukala? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatauhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na piraso” sa bibig nito. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang mga tunay na nag-alay ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minahal ay hindi pa rin sapat na mabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal ninyo nang pag-aari? Ang konsensya mo kaya ay basta na lang nanlamig? Tunay ka kayang karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.

Peb 28, 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama

Pedro, Job, John, moses,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat


Kidlat ng SilangananSalita ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama


  Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa ibabaw ng lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lamang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala sa sandaling umiral ang sangkatauhan at sa sandaling ang sangkatauhan ay naging tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing okupado ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at iligtas ang sangkatauhan, na naging tiwali, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Kung ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang nagpapatuloy na kalikuan. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa salungat na mga puwersa), katiwalian ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala nang kalikuan ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala nang pagsalakay ng anumang salungat na mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong kinasasaklawan; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng tiwali ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Naiwala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati nang hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang katiwalian ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na liko. Ang sangkatauhan ay mabubuhay nang normal sa lupa, at tatahan sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay pumasok na sa kapahingahan na magkasama, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at na si Satanas ay nawasak, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay ganap nang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na tatahan sa ilalim ng sakop ni Satanas. Samakatuwid, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mananahan kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang manahan kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong kinasasaklawan; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; sa pagsasaalang-alang ng kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi katulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang bumalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mananahan sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na nilalang ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos ng pagkumpleto ng Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mananahan din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritupa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang bisitahin ang langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong mga taong masasama ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong mga masasamang mga indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking mga kalamidad ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong mga masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling malalaman ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

Peb 26, 2018

Ang tinig ng Diyos | Tanging ang mga Kilala ang Diyos at Kanyang mga Gawa ang Makapagbibigay Kasiyahan sa Diyos

Biblia, Jesus, Noah, Trinidad, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat



Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos | Tanging ang mga Kilala ang Diyos at Kanyang mga Gawa ang Makapagbibigay Kasiyahan sa Diyos



   Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging laman, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maging matalik na kaibigan ng Diyos? Ano ba ang makabuluhang kahalagahan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging matalik na kaibigan ng Espiritu ng Diyos? Kaya mo bang makita kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu? Ang maging matalik na kaibigan ng di-nakikita at di-nahahawakang Diyos—hindi ba iyon malabo at mahirap maunawaan? Ano ang praktikal na kahalagahan ng ganiyang pagsisikap? Hindi ba ang lahat ng ito ay mga mapanlinlang na kasinungalingan? Ang pinagsisikapan mo ay maging matalik na kaibigan ng Diyos, gayong sa totoo lang ikaw ay masunuring aso ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at pinagsisikapan mo ang di-umiiral na “Diyos ng lahat ng mga bagay” na di-nakikita at di-nahahawakan at mula sa iyong mga sariling pagkaintindi. Sa malabong pananalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw sarili mo. Matalik na kaibigan mo ang iyong sarili ngunit sinasabi mo na nagsisikap ka para maging matalik na kaibigan ng Diyos—hindi ba iyon isang paglalapastangan? Ano ang halaga ng gayong pagsisikap? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi maging tao, ang sangkap ng Diyos Mismo ay magiging di-nakikita, di-nahahawakang Espiritu, walang anyo at walang hugis, di-malapitan at di-maunawaan ng mga tao. Paano magiging matalik na kaibigan ng tao ang isang walang katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang ganitong kakatuwang pangangatuwiran ay hindi tama at hindi praktikal. Ang nilikhang mga tao ay ibang-iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano sila magiging matalik na magkaibigan? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging laman, kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao at nagpakumbaba sa Sarili Niya upang maging nilalang, ang taong nilalang ay walang kakayanan at hindi magiging Kanyang matalik na kaibigan, at maliban sa mga mananampalatayang maka-Diyos na may pagkakataong maging mga matalik na kaibigan ng Diyos matapos makapasok ang kanilang kaluluwa sa langit, karamihan sa mga tao ay hindi maaaring maging mga matalik na kabigan ng Diyos. At kung nais ng tao na maging matalik na kaibigan ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba siya isang kagila-gilalas na hangal na di-tao? Ang mga tao ay nagsusumikap magpamalas ng “katapatan” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ni katiting na pansin sa nakikitang Diyos sapagkat madaling magsikap sa isang di-nakikitang Diyos—maaari itong gawin ng tao ayon sa gusto niya. Ngunit ang pagsisikap sa nakikitang Diyos ay hindi madali. Ang mga tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay isa na hindi matatamo ang Diyos sapagkat lahat ng malabo at di-maintindihang mga bagay ay iniisip lamang ng mga tao, at hindi nila maaaring matamo. Kung ang Diyos na pumarito sa inyo ay mataas at matayog na Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo mahahanap ang Kanyang kalooban? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, at walang taglay na normal na pagkatao at hindi malapitan ng mga mortal lamang, kahit na marami Siyang ginawa para sa inyo ngunit wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, hindi Siya makita, paano ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa laman na taglay ng normal na pagkatao, hindi makikilala ng tao ang Diyos; ito lamang ay dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang mga tao ay may kakayanang maging malapit sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga tao ay nagiging matalik na kaibigan ng Diyos dahil nakikipag-ugnayan ang tao sa Kanya, sapagkat ang tao ay naninirahan kasama Siya at nananatiling Siya ay kasama, at unti-unti na kinikilala Siya. Kung hindi ito ganoon, hindi ba ang pagsisikap ng mga tao ay walang kabuluhan? Sa madaling salita, hindi lamang dahil sa mga gawain ng Diyos kung kaya ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya, kundi sa pagkatotoo at pagka-karaniwan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay dahil lamang sa ang Diyos ay naging tao kaya ang mga tao ay nagkaroon ng pagkakataon upang gawin ang kanyang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa bang maging matalik na kaibigan ng Diyos na nasa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay maging tao, ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magkakaroon ng kakayanan ang tao na maging matalik na kaibigan Niya, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa laman, at maging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, kayang unawain ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa laman, nakikihati sa kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng tao, naninirahang kasama ng tao, iniingatan ang tao, ginagabayan siya, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang tao, at hinahayaang matamo ng tao ang Kanyang kaligtasan at Kanyang mga pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari siyang maging matalik Niyang kaibigan. Natatanging ito ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nauunawaan ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan Niya? Hindi ba ito isang doktrinang walang katuturan?

Peb 22, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

Noah, Jesus, Biblia, iglesia,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat

Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Paano Nakilala ni Pedro si Jesus


  Sa panahon na gumugol si Pedro ng oras kasama si Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming katangiang karapat-dapat na tularan, at marami na tinutustusan siya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, ngunit handa siyang sundan Siya dahil sa kanyang paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw na makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig rin Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.

Peb 20, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos

Kaharian, Karanasan, Biyaya, Kabutihan,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat


Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos


    Maraming mga bagay ang nais Kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat Akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso’t isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, kayo ay lubhang ignorante sa Aking disposisyon at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo. Gaano man ang iyong pagkakaintindi dati o handa ka man intindihin ang mga isyung ito, dapat ko pa ring ipaliwanag ito sa inyo nang detalyado. Ang isyung ito ay hindi sobrang iba para sa inyo, ngunit mukhang hindi ninyo maunawaan o hindi pamilyar ang kahulugang nilalaman nito. Marami ang may banaag ng pag-unawa at karamihan ay mababaw ang kaalaman sa isyung ito. Upang matulungan kayong isagawa ang katotohanan, iyan ay, upang mas mahusay na mailagay ang Aking mga salita sa inyong pagsasagawa, sa tingin ko ito ang usapin na dapat ninyo munang maunawaan. Kung hindi, ang inyong pananampalataya ay mananatiling walang katiyakan, mapagkunwari, at talagang nakulayan ng relihiyon. Kung hindi mo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, samakatuwid magiging imposible para sa iyong gawin ang trabahong gagawin mo para sa Kanya. Kung hindi mo malalaman ang kalooban ng Diyos, magiging imposible rin na mapanatili ang paggalang at takot sa Kanya, tanging pagsasawalang bahalang nakagawian at pagsisinungaling, at bukod dito, ang di-magbabagong kalapastanganan. Ang maunawaan ang disposisyon ng Diyos sa katunayan ay napakahalaga, at ang kaalaman ng diwa ng Diyos ay hindi maaaring makaligtaan, nguni’t walang puspusang nagsiyasat o nag-usisa sa problema. Malinaw na makikita na inyong lahat isinanatabi ang mga batas ng pangangasiwa na inilabas ko. Kung hindi ninyo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, madali kayong magkasala kung gayon sa Kanyang disposisyon. Ang gayong pagkakasala ay katumbas ng pagpapasiklab ng galit ng Diyos Mismo, at sa huli ay nagiging pagsuway laban sa mga administratibong kautusan. Ngayon dapat ay napagtanto mo na maaari mong maunawaan ang disposisyon ng Diyos kapag iyong nalaman ang Kanyang kabuuan, at upang maintindihanang disposisyon ng Diyos ay katumbas ng pag-unawa sa mga administratibong kautusan. Walang duda, karamihan sa mga batas ng pangangasiwa ay may kaugnayan sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang kabuuan ng Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa loob nito. Inaatasan kayo nitong magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa disposisyon ng Diyos.

Peb 17, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Landas, panalangin, Langit, Fariseo, Jesus


Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang


    Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang panahon ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa ang mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang—tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Intsik ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay gumawa sa pasimula sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

Peb 15, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Biyaya, Karanasan, Kaharian, panginoon, Katapatan


Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at ang bahagi na dapat niyang gawin upang mailigtas. Gaano iyon Kalunus-lunos! Ang pagliligtas ng tao ay hindi mapaghiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayon man hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at gayon ay mas lalong lumalayo mula sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, sa gayon, kailangan nating magkaroon ng pag-talakay patungkol sa pamamahala ng Diyos, upang ang bawat tagasunod ay malinaw na malaman ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Maaari rin silang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Peb 13, 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Tinubos, Biyaya, Daan, Karatula, Cordero

Kidlat ng SilangananSalita ng Diyos Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

   Ang gawain ng Diyos sa mga tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Kanya. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang gawain ay hindi mapaghihiwalay mula sa Diyos, at pinamamahalaan ng mga kamay Niya, at maaari ring masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring tumanggi rito, dahil ito ay katotohanan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakana ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinaggagalingan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi maaaring humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit sa lahat, ay walang layuning humiwalay sa tao. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at ang saloobin Niya ay laging mabuti. Ang gawain ng Diyos at ang mga saloobin Niya (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) aykapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao. Ang mga ganoong pangitain ay pamamahala rin ng Diyos, at gawain na hindi kayang isagawa ng tao. Ang mga atas ng Diyos sa tao sa gawain Niya ay tinatawag na “pagsasagawa” ng tao. Ang mga pangitain ay ang sariling gawain ng Diyos Mismo, o ang kalooban Niya para sa sangkatauhan o ang mga layunin at kahalagahan ng gawain Niya. Ang mga pangitain ay maaari ring sabihin na bahagi ng pamamahala, dahil ang pamamahalang ito ay gawain ng Diyos, at ito ay nakatuon sa tao, na nangangahulugang ito ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa mga tao. Ang gawaing ito ay ang patunay at ang daan kung saan makikilala ng tao ang Diyos, at ito ay mahalagang-mahalaga para sa tao. Kung, sa halip na magbigay-pansin sa kaalaman na gawain ng Diyos, nagbibigay-pansin lamang ang mga tao sa mga aral ng paniniwala sa Diyos, o sa mga mabababaw at hindi makabuluhangsalaysayin, hindi nila makikilala ang Diyos, at, higit pa rito, sila’y hindi makasusunod sa puso ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay lubhang makatutulong sa kaalaman ng tao patungkol sa Diyos, at ito ay tinatawag na mga pangitain. Ang mga pangitain ay ang gawain ng Diyos, ang kalooban Niya, at ang layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos; ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng tao. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa kung ano ang dapat isagawa ng tao, kung ano ang dapat gawin ng mga nilalang na sumusunod sa Diyos. Ito ay tungkulin din ng tao. Ang dapat gawin ng tao ay hindi isang bagay na madaling maunawaan ng tao sa simula, ngunit mga atas na ginawa ng Diyos para sa tao sa gawain Niya. Ang mga atas na ito ay unti-unting naging mas malalim at mataas sa paggawa ng Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kailangang sundin ng tao ang utos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, kailangang pasanin ng tao ang kanilang krus. Iba ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang mga atas sa tao ay mas matataas kaysa sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Habang ang mga pananaw ay mas nagiging mataas, ang mga atas sa tao ay mas nagiging mataas, at nagiging mas malinaw at mas makatotohanan. Gayon din, ang mga pangitain ay mas nagiging makatotohanan. Ang maraming totoong pangitaing ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa pagsunod ng tao sa Diyos, ngunit, higit dito, ay kapaki-pakinabang sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos.

Peb 11, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos

Paghatol, manlilikha, naligtas, kabanalan, Kordero


 Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos


  Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, gayon pa man ginawa Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa mga taong iyon. Sa parehong oras ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Tinirhan Niya ang Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ipinakita Niya ang Kanyang sarili bilang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang gawin ang Kanyang ministeryo, nagpakita Siya sa ordinaryo, karaniwang katauhan, hindi Siya nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gawin ang Kanyang ministeryo nang ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-tao na buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago isagawa ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namuhay bilang di-banal, ganap na karaniwang katauhan, nakikisalamuha sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gawin ang Kanyang ministeryo. Siya ay naninirahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan ng higit sa karaniwan. Ngunit Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; at sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay naging ganap hanggang sa puntong kaya na Niyang isagawa ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang isagawa ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Ang dahilan na, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa ganap; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay maging ganap, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang tao, ay kailangang lumago at maging ganap, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gawin ang Kanyang ministeryo, ang buhay ng pagkakatawang-tao ng Diyos na tinatahanan Niya sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa sa parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay sinimulan ang Kanyang ministeryo nang maalab, gumagawa ng higit sa karaniwan na mga senyales at mga himala, sa gayon Siya ay maaaring walang panlupang diwa. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang panlupang diwa; walang laman kung walang katauhan, at ang isang tao na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Sa pagsabi na “kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gawin ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay naninirahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang trabaho; ito lamang ay na sa oras na iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin nang nagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos upang maisagawa ang gawain sa normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nagpapatira sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa trabaho, datapwat ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa diwa ay tinatapos sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang tagagawa ng trabaho ay ang Kanyang pagkatao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa laman, may balat ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang mismo ang nag-aanyong Diyos Mismo—lahat ng iba pa ay nilikha bilang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay ang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap makita. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit sa karaniwan na naiisip ng tao na maging, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na unawain ang totoong diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong katagal, umaasa Akong misteryo pa rin ito sa karamihan sa inyo. Ang isyu na ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyon na ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

Peb 9, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Landas… (3)

Jesus , katapatan, parusa, Adan at Eba, kabanalan


Kidlat ng SilangananAng  | tinig ng Diyos | Ang Landas… (3)

Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Peb 8, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Landas… (4)

Jesus, galit ng Diyos, mabigla, parusa, Cordero,


Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos | Ang Landas… (4)

Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iyon!” Sa Aking sariling pang-araw-araw na buhay Ako ay laging masaya na makita ang Aking mga batang kapatirang lalaki at babae bilang Aking mga kaniig sapagka’t sila ay punô ng kawalang-malay—sila ay dalisay at lubhang kaibig-ibig. Parang sila ay Aking sariling mga kasama. Ito ang kung bakit Ako ay laging naghahanap ng pagkakataon na dalhin ang lahat ng Aking mga kaniig na sama-sama, upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga simulain at mga plano. Nawa ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan sa atin upang lahat tayo ay tulad ng laman at dugo, walang mga hadlang at walang pagkakalayo. Nawa ay manalangin tayong lahat sa Diyos: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, sumasamo kami sa Iyo na pagkalooban kami ng akmang kapaligiran upang matanto naming lahat ang mga inaasam ng aming mga puso. Nawa ay mahabag Ka sa mga kasama namin na bata at kulang sa katwiran, upang magugol namin ang bawa’t patak ng kalakasan sa aming mga puso!”Ako ay naniniwala na ito dapat ang kalooban ng Diyos dahil noong matagal na, ginawa Ko ang sumusunod na pagsamo sa harapan ng Diyos: “Ama! Kaming mga nasa lupa ay tumatawag sa Iyo sa lahat ng sandali, at umaasa na ang Iyong kalooban ay matatapos sa lalong madaling panahon sa lupa. Ako ay handang hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay gawin Mo ang nais Mo, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa Akin sa lalong madaling panahon. Hangga’t ang Iyong kalooban ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon, handa kahit Ako para Ikaw ay magbukas ng isang bagong landas sa gitna namin. Ang tangi Kong pag-asa ay na ang Iyong gawain ay matatapos sa lalong madaling panahon. Ako ay naniniwala na walang mga panuntunan ang makapipigil sa Iyong gawain!” Ito ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon. Hindi mo ba nakita ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu? Kapag Aking nakakatagpo ang nakatatandang mga kapatirang lalaki at babae, palaging may damdamin ng kaapihan na hindi Ko matukoy. Kapag kasama Ko lamang sila Aking nakikita na sila ay umaalingasaw sa lipunan, at ang kanilang relihiyosong mga paniwala, mga karanasan sa pagtangan sa mga bagay-bagay, ang kanilang mga paraan ng pagsasalita, ang mga salitang kanilang ginagamit, atbp., ay nakakainis lahat. Para bang sila ay punô ng karunungan at Ako ay laging nananatiling malayo sa kanila sapagka’t sa Aking sarili, ang Aking pilosopiya sa buhay ay kulang na kulang. Kapag kasama nila Ako pakiramdam Ko ay lagi Akong pagód at pinahihirapan, at kung minsan ito ay nagiging masyadong seryoso, masyadong mapang-api na halos hindi Ako makahinga. Kaya sa mapanganib na mga sandaling ito, binibigyan Ako ng Diyos ng pinakamahusay na paraan na makalabas. Marahil ito ay sarili Kong maling kuru-kuro. Ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung ano ang pakinabang sa Diyos; ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga. Nananatili Akong malayo sa mga taong ito, at kung kinakailangan ng Diyos na pakitunguhan Ko sila, sa gayon, Ako’y susunod. Hindi naman na sila ay kasuklam-suklam, kundi dahil sa ang kanilang “karunungan”, mga paniwala, at mga pilosopiya sa buhay ay masyadong nakakainis. Ako ay narito upang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Akin, hindi para matuto sa kanilang mga karanasan sa pagtangan ng mga pangyayari. Natatandaan Ko na minsan ay sinabi ng Diyos sa Akin ang sumusunod: “Sa lupa, hanapin Mo ang kalooban ng Ama at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa Iyo. Lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Iyo.” Kapag iniisip Ko ito nakakaramdam Ako ng bahagyang kapayapaan. Ito ay sapagka’t lagi Kong nararamdaman na ang mga makalupang mga bagay ay masyadong masalimuot at hindi Ko lubos na malirip ang mga iyon—kailanman hindi Ko alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi Ko alam kung ilang ulit Akong masyadong naguluhan dahil dito at kinamuhian ang sangkatauhan—bakit ang mga tao ay masyadong kumplikado? Anong mali sa pagiging mas simple? Nagpupumilit na maging marunong—bakit nag-aabala? Kapag nakikitungo Ako sa mga tao kalimitan ito ay batay sa pagsusugo ng Diyos sa Akin, at kahit na may ilang ulit na hindi ito ang kaso, sinong maaaring makaalam kung ano ang natatago sa kaibuturan ng Aking puso?

Peb 7, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (5)

jesus, biblia, endtimes, pagibig, Amen


Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (5)



Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iy

Peb 6, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (6)

kristo, jesus, kristyano, buhay, kaligtasan

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (6)



Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.