Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga
tao o anumang bagay sa ibabaw ng lupa nang panahon na iyon, at wala pang
nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lamang ng Diyos
ang Kanyang gawaing pamamahala sa sandaling umiral ang sangkatauhan at
sa sandaling ang sangkatauhan ay naging tiwali. Mula sa puntong ito, ang
Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing
okupado ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis
mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at
dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa
Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at
iligtas ang sangkatauhan, na naging tiwali, ang Diyos ay hindi na muling
makapapasok sa kapahingahan. Kung ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon
din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang
tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay
isa na walang digmaan, walang karumihan, walang nagpapatuloy na
kalikuan. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang
“Satanas” ay tumutukoy sa salungat na mga puwersa), katiwalian ni
Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos.
Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa
Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang
matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa
kapahingahan, wala nang kalikuan ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at
wala nang pagsalakay ng anumang salungat na mga puwersa. Ang
sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong kinasasaklawan; sila ay
hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas,
bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng tiwali
ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng
kapahingahan ng Diyos. Naiwala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil
sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan;
hindi iyon dahil sa Siya ay dati nang hindi makapagpahinga. Ang pagpasok
sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay
titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni
nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay
titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si
Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa
masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga
puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos
sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang
Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng
sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong
sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng
Kanyang mga pagpapala; walang katiwalian ni Satanas, ni mangyayari man
ang anumang bagay na liko. Ang sangkatauhan ay mabubuhay nang normal sa
lupa, at tatahan sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang
Diyos at ang tao ay pumasok na sa kapahingahan na magkasama, ito ay
mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at na si Satanas ay
nawasak, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay ganap nang natapos.
Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao
ay hindi na tatahan sa ilalim ng sakop ni Satanas. Samakatuwid, ang
Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali;
ang Diyos at tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay
babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa
kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng
Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay
may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang
nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa
kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay
sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na
mananahan kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang
manahan kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi
maaaring mamuhay sa loob ng parehong kinasasaklawan; sa halip, kapwa
sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay
ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong
sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang
sangkatauhan ay siyang inaakay; sa pagsasaalang-alang ng kakanyahan, ang
sangkatauhan ay hindi katulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng
pagpapahinga ay ang bumalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid,
kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang
Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na
mananahan sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng
sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay
pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang
tunay na nilalang ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa
ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao
ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay
babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga
buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang
pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang
hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pag-itan ng Diyos at ni
Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan
pagkatapos ng pagkumpleto ng Kanyang gawaing pamamahala at ganap na
kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang
mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang
lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang
tao, sasambahin niya ang Diyos at mananahan din sa lupa, at habang
nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng
sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang
Diyos ay magiging ang Espiritupa rin, habang ang tao ay magiging laman
pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng
pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at
magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay
aakayin ng Diyos upang bisitahin ang langit at upang masiyahan din sa
buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan,
si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong mga taong
masasama ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa
kapahingahan; yaong mga masasamang mga indibidwal na minsan ay umusig sa
Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa
lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking mga
kalamidad ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong mga masasamang
indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling malalaman ng
lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na
kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos.
Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa
kapahingahan.
Ang paglapit ng katapusan ng lahat ng mga bagay ay nagpapahiwatig ng
katapusan ng gawain ng Diyos at nagpapahiwatig ng pagtatapos ng
pag-unlad ng sangkatauhan. Nangangahulugan ito na ang sangkatauhan na
ginawang tiwali ni Satanas ay umabot na sa katapusan ng pag-unlad, at na
ang mga inapo nina Adan at Eba ay lalaganap sa kani-kanilang mga
katapusan, at ito rin ay nangangahulugan na imposible para sa gayong
sangkatauhan, na ginawang tiwali na ni Satanas, ang magpatuloy na
umunlad. Ang Adan at Eba sa simula ay hindi naging tiwali, ngunit ang
Adan at Eba na itinaboy mula sa Hardin ng Eden ay ginawang tiwali ni
Satanas. Kapag ang Diyos at ang tao ay pumasok na sa kapahingahang
magkasama, sina Adan at Eba—na itinaboy mula sa Hardin ng Eden—at ang
kanilang mga inapo ay darating sa isang pagtatapos; ang sangkatauhan ng
hinaharap ay binubuo rin ng mga inapo nina Adan at Eba, ngunit hindi
sila mga tao na mananahan sa ilalim ng sakop ni Satanas. Sa halip, sila
ay mga tao na nailigtas at pinadalisay. Ito ay magiging isang
sangkatauhan na hinatulan at kinastigo, at isa na banal. Ang mga taong
ito ay hindi katulad ng sangkatauhan na katulad ng dati; maaaring
sabihin ng sinuman na ang mga ito ay isang ganap na ibang uri ng tao
mula sa orihinal na Adan at Eba. Ang mga taong ito ay pinili mula sa
lahat ng mga taong ginawang tiwali sa pamamagitan ni Satanas, at sila
ang mga taong sa huli ay tumayong matatag sa panahon ng paghatol at
pagkastigo ng Diyos; sila ay ang huling natitirang grupo ng mga tao sa
gitna ng tiwaling sangkatauhan. Tanging ang grupong ito ng mga tao ang
magagawang pumasok sa huling kapahingahan kasama ang Diyos. Ang mga
taong magagawang tumindig ng matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng
Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling
gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan
kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumasok sa kapahingahan ay
ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos
pagkatapos lamang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang
mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling
kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at
paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng
huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi
makakayang sumunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan.
Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa
kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa
sangkatauhan sa kanilang kalikuan, at tanging ang Kanyang gawaing
pagkastigo at paghatol ang magdadala sa liwanag doon sa mga suwail na
mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga
maaaring maligtas mula roon sa mga hindi maaari, at yaong mga mananatili
mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao
na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang
ikalawang buhay ng tao sa ibabaw ng lupa habang sila ay pumapasok sa
isang mas mataas na kinasasaklawan ng sangkatauhan; sa ibang salita,
sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mananahan
kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol
yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay
ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay mawawasak at, gaya
ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa.
Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa
ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa
lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa
araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila
ang puntirya ng pagpaparusa at ang mga masasama, at sila ay hindi
matuwid na mga tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay
hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit
pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at mawawasak dahil sa
kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at
hindi maaaring tubusin. Sila ay hindi na iiral sa ibabaw ng mundo ng
hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa
hinaharap. Sinuman at lahat ng mga gumagawa ng kasamaan at sinuman at
lahat nang hindi nailigtas ay mawawasak kapag ang banal sa gitna ng
sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan; hindi alintana kung ang mga ito
ay mga espiritu ng patay o ang mga nabubuhay pa rin sa laman. Hindi
alintana kung sa anong panahon kabilang ang mga gumagawa ng masama na
mga espiritu at gumagawa ng masama na mga tao, o mga espiritu ng mga
taong matuwid at sa mga tao na gumawa ng pagkamatuwid, sinumang gumagawa
ng kasamaan ay lilipulin, at ang sinumang tao na matuwid ay mabubuhay.
Maging ang isang tao o espiritu na tumatanggap ng kaligtasan ay hindi
ganap na nagpasya batay sa gawain ng huling panahon, ngunit sa halip ay
natukoy batay sa kung sila ay tumanggi o naging suwail sa Diyos. Kung
ang mga tao sa nakaraang panahon ay gumawa ng masama at hindi maaaring
mailigtas, ang mga ito ay walang alinlangan na puntirya para sa
kaparusahan. Kung ang mga tao sa panahon na ito ay gumawa ng kasamaan at
hindi maaaring mailigtas, sila rin ay tiyak na mga puntirya para sa
kaparusahan. Ang mga tao ay magkahiwalay sa batayan ng mabuti at masama,
hindi sa batayan ng panahon. Kapag hiniwalay sa batayan ng mabuti at
masama, ang mga tao ay hindi agad parurusahan o gagantimpalaan; sa
halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa
kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang
gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, Siya ay gumagamit
ng mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong
nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan.
Gagantimpalaan Niya lamang ang matuwid at parusahan ang masama sa
sandaling makumpleto ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang
masasama at matuwid sa sandaling makumpleto ang Kanyang gawain sa
katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang tungkol sa Kanyang
gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang
Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa
mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng
sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal
na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng
Kanyang gawain ay ang pinaka-mahalaga Niyang gawain. Ito ang huling
yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pupuksain ng
Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung
gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin maaaring pumasok sa
kapahingahan; at hindi magagawang dalhin ng Diyos ang lahat ng
sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain
ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain,
ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan
lamang maaaring matiwasay na mananahan ang Diyos sa kapahingahan.
Ang mga tao ngayon ay hindi mahiwalay sa mga bagay ng laman; hindi
nila maiwanan ang kasiyahan ng laman, ni hindi maiwanan ang mundo,
salapi, o ang kanilang tiwaling disposisyon. Karamihan sa mga tao ay
patuloy sa kanilang pagtugis sa isang walang interes na paraan. Sa totoo
lang, ang mga tao na ito ay ganap na walang Diyos sa kanilang mga puso
sa; higit pa, hindi sila takot sa Diyos. Wala ang Diyos sa kanilang mga
puso, kung kaya hindi nila maunawaan ang lahat ng ginawa ng Diyos, at
mas hindi magawang maniwala sa mga salita na Kanyang sinasabi mula sa
Kanyang bibig. Ang mga taong ito ay masyadong hayok sa laman; masyadong
malalim ang katiwalian at kulang sa anumang katotohanan kahit ano pa
man, idagdag pa, hindi sila naniniwala na ang Diyos ay maaaring maging
tao. Sinuman na hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—iyon ay,
ang sinumang hindi naniniwala sa gawain at salita ng nakikitang Diyos at
hindi naniniwala sa nakikitang Diyos ngunit sa halip ay sumasamba sa
di-nakikitang Diyos sa langit—ay walang Diyos sa kanyang puso. Sila ang
mga tao na suwail sa at nilalabanan ang Diyos. Ang mga taong ito ay may
kakulangan sa pagkatao at katuwiran, bukod pa sa katotohanan. Para sa
mga taong ito, ang nakikita at nahahawakang Diyos ay lalong hindi
maaaring paniwalaan, ngunit ang hindi nakikita at hindi nahahawakan na
Diyos ay ang pinaka-kapanipaniwala at ang pinaka-nakatutuwa rin sa
kanilang mga puso. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang katotohanan ng
realidad, at hindi rin ito ang tunay na kakanyahan ng buhay, higit na
hindi ang mga intensyon ng Diyos; sa halip, itinataguyod nila ang
katuwaan. Alinmang mga bagay ang pinaka-may kakayahan na magpahintulot
sa kanilang makamit ang kanilang sariling mga pagnanasa ay, walang duda,
ang kanilang mga paniniwala at paghahangad. Sila lamang ay naniniwala
sa Diyos upang masiyahan ang kanilang sariling mga pagnanasa, hindi
upang hanapin ang katotohanan. Ang mga tao bang ito ay hindi mga
manggagawa ng kasamaan? Sila ay lubos na may tiwala sa sarili, at hindi
sila naniniwala na wawasakin sila ng Diyos sa langit, ang mga
“mabubuting tao” na ito. Sa halip, naniniwala sila na pinahihintulutan
sila ng Diyos na manatili at, higit sa rito, ay gantimpalaan ang mga ito
ng napakaganda, sapagka’t marami silang mga bagay na ginawa para sa
Diyos at nagpakita ang isang mahusay na pakikitungo ng “katapatan” sa
Kanya. Kung hinahangad nila ang nakikitang Diyos, ang mga ito ay agad na
mag-aalsa laban sa Diyos o magwawala sa sandaling ang kanilang mga
kagustuhan ay hindi mapagbibigyan. Ito ang mga napakasasamang taong
naghahanap na masiyahan ang kanilang mga sariling pagnanasa; hindi sila
mga tao ng katapatan sa pagtugis ng katotohanan. Ang ganitong uri ng mga
tao ay ang tinatawag na masasamang tao na sumunod kay Cristo. Yaong mga
tao na hindi naghahanap ng katotohanan ay hindi maaaring maniwala sa
katotohanan. Silang lahat ang mga higit na hindi makakita ng hinaharap
na kalalabasan ng sangkatauhan, sapagkat hindi sila naniniwala sa kahit
anong gawain o pagsasalita ng nakikitang Diyos, at hindi sila
makapaniwala sa hinaharap na hantungan ng sangkatauhan. Samakatuwid,
kahit na sumunod sila sa nakikitang Diyos, gumagawa pa rin sila ng
masama at hindi hinahanap ang katotohanan, at hindi rin nila isinasagawa
ang katotohanan na kinakailangan Ko. Yaong mga tao na hindi naniniwala
na sila ay mawawasak ay sa pasalungat ang mga mismong indibidwal na
mawawasak. Lahat sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili na
napakatalino, at naniniwala sila na sila mismo ang siyang nagsasagawa sa
katotohanan. Isinasaalang-alang nila ang kanilang mga masasamang
pag-uugali bilang katotohanan at sa gayon pinapahalagahan ito. Ang mga
masasamang tao na ito ay labis na tiwala sa sarili; tinitignan nila ang
katotohanan bilang doktrina, at ipinagpapalagay ang masasama nilang mga
gawain na maging katotohanan, at sa katapusan ay maaari lamang nilang
anihin kung ano ang kanilang inihasik. Kung higit na mas malaki ang
tiwala sa sarili ng mga tao at mas higit ang pagkamataas nila, mas higit
na hindi nila maaaring matamo ang katotohanan; kung mas higit na
naniniwala ang tao sa makalangit na Diyos, mas higit na tinatanggihan
nila ang Diyos. Ito ang mga tao na parurusahan. Bago pumasok sa
kapahingahan ang sangkatauhan, kung ang bawat uri ng tao ay pinarusahan o
ginantimpalaan ay matutukoy ayon sa kung hinahanap nila ang
katotohanan, kung kilala nila ang Diyos, kung magagawa nilang sundin ang
nakikitang Diyos. Yaong mga nag-ukol ng paglilingkod sa nakikitang
Diyos ngunit hindi kilala o hindi sumunod sa Kanya ay kulang sa
katotohanan. Ang mga tao na ito ay mga gumagawa ng kasamaan, at ang mga
gumagawa ng kasamaan ay walang duda na parurusahan; at saka, sila’y
parurusahan ayon sa kanilang masamang pag-uugali. Ang Diyos ay
pinaniniwalaan ng tao, at Siya rin ay nararapat sa pagsunod ng tao.
Yaong nanampalataya lamang sa malabo at di-nakikitang Diyos ay ang mga
hindi naniniwala sa Diyos; at saka, hindi nila magawang sumunod sa
Diyos. Kung ang mga tao na ito ay hindi pa rin magawang maniwala sa
nakikitang Diyos sa panahon na matapos ang Kanyang gawaing panlulupig,
at ayaw ring tumigil sa pagiging suwail at tumatanggi sa Diyos na
nakikita sa katawang-tao, ang mga “walang katiyakan” na mga ito ay,
walang duda, na mawawasak. Ito ay katulad sa inyo—sinuman na nagsasabing
kinikilala ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit hindi magawang isagawa
ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na
aalisin at mawawasak, at sinuman na nagsasabing kinikilala ang
nakikitang Diyos at kumakain at umiinom din ng katotohanan na ipinahayag
ng nakikitang Diyos ngunit hinahanap ang malabo at di-nakikitang Diyos
ay lahat na higit na mawawasak sa hinaharap. Wala sa mga taong ito ang
maaaring manatili hanggang sa panahon ng kapahingahan pagkatapos na
matapos ang gawain ng Diyos; walang ni isa ang maaaring maging tulad ng
mga taong ito na mananatili hanggang sa oras ng kapahingahan. Ang mga
mala-demonyong tao ay ang mga hindi isinasagawa ang katotohanan; ang
kanilang kakanyahan ay isang pagtatanggi at pagiging suwail sa Diyos, at
wala silang kahit na kaunting mga intensyon ng pagsunod sa Diyos. Ang
ganitong mga tao ay mawawasak lahat. Maging kung ikaw ay nagtataglay ng
katotohanan o kung ikaw ay lumalaban sa Diyos ay malalaman sa iyong
kakanyahan, hindi ayon sa iyong anyo o sa iyong pananalita at
pag-uugali. Ang kakanyahan ng bawat tao ang magpapasya kung sila ay
mawawasak; ito ay tinutukoy ayon sa kakanyahan na ibinunyag sa
pamamagitan ng kanilang pag-uugali at ng kanilang pagtugis ng
katotohanan. Sa mga taong magkakatulad na gumagawa ng gawain at gumagawa
din ng magkatulad na dami ng gawain, yaong mga mabubuti na makataong
kakanyahan at nagtataglay ng katotohanan ay ang mga tao na maaaring
manatili, ngunit yaong mga masasama ang kakanyahang pantao at sumusuway
sa nakikitang Diyos ay yaong mga mawawasak. Alinman sa gawain ng Diyos o
mga salita na ukol sa hantungan ng sangkatauhan ay angkop na
nakikitungo sa sangkatauhan ayon sa kakanyahan ng bawa’t tao; hindi
magkakaroon ng mga aksidente, at tiyak na walang magiging kahit katiting
na pagkakamali. Tanging kapag ang isang tao ay nagsasakatuparan ng
gawain may mapapahalong pantaong emosyon o pakahulugan. Ang gawaing
ginagawa ng Diyos ay ang pinaka-angkop; Siya ay walang-pasubaling hindi
magpaparatang nang mali laban sa anumang nilalang. Maraming mga tao
ngayon ang hindi magawang makakita ang hinaharap na hantungan ng
sangkatauhan at hindi rin naniniwala sa mga salita na sinasabi Ko; lahat
ng mga hindi naniniwala, kasama ang mga hindi nagsasagawa ng
katotohanan, ay mga demonyo! Ang mga naghahanap at ang mga hindi
naghahanap ay dalawang magkaibang uri ng tao ngayon, at sila ay dalawang
uri ng mga tao na may dalawang magkaibang hantungan. Yaong mga taong
nagpapatuloy sa kaalaman ng katotohanan at sinasagawa ang katotohanan ay
ang mga tao na ililigtas ng Diyos. Ang mga hindi nakakaalam sa tunay na
daan ay mga demonyo at mga kaaway; sila ang mga inapo ni arkanghel at
mawawasak. Kahit na ang mga banal na mananampalataya ng isang malabong
Diyos—hindi ba mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng
magandang mga budhi ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga
demonyo; ang kanilang kakanyahan ay isang pagtanggi sa Diyos. Ang mga
hindi tumatanggap sa tunay na daan ay ang mga tumatanggi sa Diyos, at
kahit na ang mga taong ito ay magtiis ng maraming mga paghihirap, sila
pa rin ay mawawasak. Yaong mga ayaw lisanin ang mundo, na hindi kayang
mahiwalay sa kanilang mga magulang, na hindi makayang alisin ang
kanilang sarili sa kanilang sariling mga kasiyahan ng laman ay lahat
suwail sa Diyos at lahat ay mawawasak. Sinuman na hindi naniniwala sa
Diyos na nagkatawang-tao ay mala-demonyo; higit pa kaya, sila ay
mawawasak. Yaong mga naniniwala ngunit hindi sinasagawa ang katotohanan,
yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga
hindi man lamang naniniwala sa pag-iral ng Diyos ay mawawasak. Sinuman
na magagawang manatili ay isang tao na sumailalim sa kapaitan ng
kapinuhan at tumayong panatag; ito ay isang tao na tunay na dumaan sa
mga pagsubok. Sinuman na hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; iyon
ay, ang sinuman sa loob o labas ng daloy na ito na hindi kumikilala sa
Diyos na nagkatawang-tao ay isang antikristo! Sino si Satanas, sino ang
mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kung hindi ang mga
tumatanggi na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na
hindi masunurin sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na nagsasabing
naniniwala ngunit kulang sa katotohanan? Hindi ba sila ang mga tao na
naghahangad lamang ng mga pagpapala ngunit hindi magawang sumaksi sa
Diyos? Maaari ka pa ring makipag-inuman sa mga demonyong iyan ngayon at
magpahiwatig ng konsensya at pag-ibig sa mga demonyong ito; hindi ba ito
itinuturing na pagpapalawak ng magandang mga intensyon kay Satanas?
Hindi ba ito itinuturing na pakikipag-ugnay sa mga demonyo? Kung ang mga
tao ay hindi pa rin makilala ang pagitan ng mabuti at masama ngayon, at
pikit mata pa rin na nagdidiin ng pag-ibig at awa na walang anumang
paraang umaasa na hanapin ang kalooban ng Diyos, at hindi magawa sa
anumang paraan na tanggapin ang puso ng Diyos bilang kanilang sarili,
ang kanilang mga katapusan lahat ay mas kahabag-habag. Sinuman na hindi
naniniwala sa Diyos sa katawang-tao ay kaaway ng Diyos. Kung ikaw ay
maaaring magdiin ng konsensya at mahalin ang kaaway, hindi ka ba kulang
sa pakiramdam sa pagkamatuwid? Kung ikaw ay kaayon sa mga iyon na
kinamuhian Ko at hindi sinasang-ayunan, at magdiin pa rin ng pag-ibig o
sariling mga damdamin sa kanila, hindi ba ikaw ay suwail? Hindi mo ba
nasadyang tanggihan ang Diyos? Ang isang tao ba na katulad nito ay
nagtataglay ng katotohanan? Kung ang mga tao ay magdiin ng konsensya sa
mga kaaway, magdiin ng pag-ibig sa mga demonyo at magdiin ng awa kay
Satanas, hindi kaya nila sinasadyang inaabala ang gawain ng Diyos? Yaong
mga tao na naniniwala lamang kay Jesus at hindi naniniwala sa Diyos na
nagkatawang-tao sa mga huling araw at yaong mga nagsasabi na naniniwala
sa Diyos na nagkatawang-tao ngunit gumagawa ng masama ay lahat mga
anticristo, pabayaan mag-isa ang mga tao na hindi naniniwala sa Diyos.
Ang mga taong ito ay mawawasak lahat. Ang pamantayan kung saan ang tao
ay hinahatulan ang tao ay batay sa kanyang pag-uugali; ang isa na may
mabuting pag-uugali ay isang matuwid na tao, at ang isa na ang
pag-uugali ay karumaldumal ay masama. Ang pamantayan kung saan
hinahatulan ng Diyos ang tao ay batay sa kung ang kakanyahan ng isa ay
sumusunod sa Kanya; ang isang sumusunod sa Diyos ay isang matuwid na
tao, at ang hindi sumusunod sa Diyos ay isang kaaway at isang masamang
tao, hindi alintana kung ang pag-uugali ng taong ito ay mabuti o masama,
at hindi alintana kung ang pagsasalita ng taong ito ay tama o mali. May
ilang mga tao ang nais gumamit ng mabubuting gawa upang magtamo ng
magandang hantungan ng hinaharap, at may ilang mga tao ang nais na
gumamit ng mahusay na pananalita upang kumuha ng mabuting destinasyon.
Maling pinaniniwalaan ng mga tao na ibinabatay ng Diyos ang kalalabasan
ng tao ayon sa kanyang pag-uugali o pananalita, at sa gayon maraming mga
tao ang naghahanap na gamitin ito upang makakuha ng pansamantalang
pabor sa pamamagitan ng panlilinlang. Ang mga tao na makakaligtas
kinalaunan sa pamamagitan ng kapahingahan ay lahat pagtitiisan ang araw
ng pagdurusa at sasaksi din para sa Diyos; sila ay ang mga taong
nakatapos ng kanilang tungkulin at sadyang na sumusunod sa Diyos. Yaong
mga nais lamang gamitin ang pagkakataon na gumawa ng serbisyo upang
maiwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ang hindi maaaring manatili. Ang
Diyos ay may naaangkop na mga pamantayan para sa pag-aayos ng mga
kalalabasan ng lahat ng mga tao; hindi lamang Niya ginagawa ang mga
desisyon na ito ayon sa mga salita at pag-uugali ng isang tao, hindi rin
Niya ito ginagawa ayon sa kanilang pag-uugali sa isang yugto ng
panahon. Siya ay tiyak na hindi magiging maluwag sa lahat ng mga
masamang pag-uugali dahil sa nakaraang paglilingkod ng isang tao sa
Diyos, at hindi rin Niya patatawarin ang isa sa kamatayan dahil sa
isang-beses na paggugol sa Diyos. Walang sinuman ang maaaring makaiwas
sa paghihiganti para sa kanilang kasamaan, at walang sinuman ang
maaaring pagtakpan ang kanilang masamang pag-uugali at sa gayong paraan
ay maiwasan ang paghihirap ng pagkawasak. Kung magagawa ng sinuman nang
totohanan ang kanyang sariling tungkulin, kung gayon mangangahulugan ito
na sila ay walang hanggang tapat sa Diyos at hindi naghahanap ng mga
gantimpala, hindi alintana kung tatanggap sila ng mga biyaya o magdusa
ng kasawian. Kung ang mga tao ay tapat sa Diyos kapag nakita nila ang
mga biyaya ngunit mawala ang kanilang katapatan kapag hindi sila
makakita ng mga biyaya at sa katapusan ay hindi magawang sumaksi sa
Diyos at hindi pa rin magawa ang kanilang tungkulin ayon sa nararapat,
ang mga taong ito na minsang naglingkod sa Diyos nang matapat ay
mawawasak pa rin. Sa madaling salita, ang mga masasamang tao ay hindi
makakaligtas tungo sa walang-hanggan, at hindi rin sila maaaring pumasok
sa kapahingahan; tanging ang mga matuwid lamang ang mga panginoon ng
kapahingahan. Pagkatapos pumasok ng sangkatauhan sa tamang landas, ang
mga tao ay magkakaroon ng normal na mga pamumuhay ng tao. Lahat sila ay
gagawa ng kani-kanilang sariling mga kaukulang tungkulin at maging ganap
na tapat sa Diyos. Lubos nilang bibitawan ang kanilang pagsuway at ang
kanilang tiwaling disposisyon, at mabubuhay sila para sa Diyos at dahil
sa Diyos. Mawawalan sila ng pagsuway at paglaban. Magagawa nilang lubos
na sumunod sa Diyos. Ito ang buhay ng Diyos at tao at ang buhay ng
kaharian, at ito ang buhay ng kapahingahan.
Yaong mga nagdadala sa kanilang lubos na di-sumasampalatayang mga
anak at kamag-anak sa simbahan ay masyadong makasarili at ipinakikita
ang kanilang kabaitan. Ang mga taong ito ay pinagdidiinan lamang ang
pag-ibig, nang walang pagsasaalang-alang sa kung sila ay maniniwala o
kung ito ay kalooban ng Diyos. Ang ilan ay dinadala ang kanilang mga
asawa sa harap ng Diyos, o dinadala ang kanilang mga magulang sa harap
ng Diyos, at hindi alintana kung ang Banal na Espiritu ay sumasang-ayon o
gagampanan ang Kanyang gawain, sila ay pikit-matang “kumupkop ng
talentadong tao” para sa Diyos. Anong pakinabang ang maaaring makamit
mula sa pagpapalawak ng kagandahang-loob na ito sa mga tao na hindi
naniniwala? Kahit na ang mga di-mananampalataya na ito na walang
presensya ng Banal na Espiritu ay nagpupumilit na sumunod sa Diyos, sila
ay hindi pa rin maaaring mailigtas na katulad ng pinaniniwalaan ng isa.
Yaong mga tumatanggap ng kaligtasan ay hindi tunay na ganoon kadaling
matamo. Yaong hindi sumailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na
Espiritu at hindi pa ginagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao ay
kailanman hindi maaaring maging ganap. Samakatuwid, ang mga taong ito ay
kulang sa presensiya ng Banal na Espiritu mula sa sandaling simulan
nila ang tinatayang pagsunod sa Diyos. Ayon sa kanilang mga kondisyon at
aktuwal na mga estado, sila ay sadyang hindi maaaring gawing ganap.
Kaya, ang Banal na Espiritu ay hindi nagpapasya na gumugol ng mas
maraming enerhiya sa kanila, at hindi rin Siya nagbibigay ng anumang
pagliliwanag o gagabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lamang
Niya sila na sumunod at sa huli ay ibinubunyag ang kanilang mga
kalalabasan—ito ay sapat. Ang sigasig at mga intensyon ng tao ay galing
kay Satanas, at walang paraan upang magawa nilang gawing ganap ang
gawain ng Banal na Espiritu. Anuman ang uri ng isang tao, siya ay dapat
magtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu—magagawa bang gawing ganap ng
isang tao ang isang tao? Bakit iniibig ng isang lalaki ang kanyang
asawa? At bakit iniibig ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit
masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? At bakit ang mga
magulang ay nahuhumaling sa kanilang mga anak? Anong mga uri ng mga
intensyon ang talagang tinataglay ng mga tao? Hindi ba ito upang
masiyahan sa sariling mga plano at makasariling mga hangarin? Ito ba ay
tunay na para sa plano sa pamamahala ng Diyos? Ito ba ay para sa gawain
ng Diyos? Ito ba ay upang tuparin ang tungkulin ng isang nilalang? Yaong
mga dating naniwala sa Diyos at hindi matamo ang presensya ng Banal na
Espiritu ay hindi kailanman maaaring magtamo ng gawain ng banal na
Espiritu; natukoy na ang mga taong ito ay mawawasak. Hindi mahalaga kung
gaano ang pag-ibig na mayroon ang isa para sa kanila, hindi nito
maaaring palitan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang sigasig at
pag-ibig ng tao ay kumakatawan sa mga intensyon ng tao, ngunit hindi
maaaring kumatawan sa mga intensyon ng Diyos at hindi maaaring pumalit
sa gawain ng Diyos. Palawigin man ng isang tao ang pinakamaraming
posibleng halaga ng pag-ibig o awa patungo sa mga tao na naturingang
naniniwala sa Diyos at magpanggap na sumusunod sa Kanya ngunit hindi
alam kung paano ang maniwala sa Diyos, hindi pa rin nila matatamo ang
simpatiya ng Diyos o magtamo ng gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na
ang mga taong taos-pusong sumusunod sa Diyos ay mahina ang kakayahan at
hindi maunawaan ang maraming mga katotohanan, maaari pa rin nilang
paminsan-minsang matamo ang mga gawain ng Banal na Espiritu, kaysa sa
mga matataas ang kakayahan ngunit hindi taos-puso ang paniniwala ay
hindi maaaring matamo ang presensiya ng Banal na Espiritu. Walang
anumang posibilidad para sa kaligtasan ang mga taong ito. Kahit na
basahin nila o paminsan-minsang makinig sa mga mensahe o umawit ng mga
papuri sa Diyos, sa katapusan ay hindi nila magagawang manatili sa oras
ng kapahingahan. Maging ang taos-pusong naghahanap ay hindi natukoy sa
kung paano sila hatulan ng iba o kung paano sila tingnan ng mga tao sa
paligid nila, ngunit sa pamamagitan ng kung paano gumana ang Banal na
Espiritu sa kanila at kung mayroon silang presensya ng Banal na
Espiritu, at ito ay mas tinutukoy sa pamamagitan ng kung ang kanilang
disposisyon ay magbabago at kung mayroon silang kaalaman sa Diyos
matapos sumailalim sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng isang tiyak
na panahon; kung ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa isang tao, ang
disposisyon ng taong ito ay unti-unting magbabago, at ang kanilang
pananaw sa paniniwala sa Diyos ay unti-unting lalaking mas dalisay.
Hindi alintana kung gaano katagal nang sumusunod ang isa tao sa Diyos,
kung sila ay nagbago, ito ay nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay
kumikilos sa kanila. Kung hindi sila nagbago, ito ay nangangahulugan na
ang Banal na Espiritu ay hindi kumikilos sa kanila. Kahit na ang mga
taong ito ay magbigay ng paglilingkod, sila ay ibubuyo ng kanilang mga
intensyon na magtamo ng magandang kapalaran. Ang paminsan-minsang
paglilingkod ay hindi maaaring pumalit sa pagbabago ng kanilang
disposisyon. Sa huli ay mawawasak pa rin sila, sapagka’t hindi
kinakailangan ang mga nag-uukol ng paglilingkod sa loob ng kaharian, at
hindi rin kailangan para sa sinuman na hindi nagbago ang disposisyon na
maglingkod sa mga tao na ginawang perpekto at silang mga tapat sa Diyos.
Ang mga salitang iyon mula sa nakaraan, “Kapag ang sinuman ay
naniniwala sa Panginoon, ang pagpapala ay dadaloy sa kanyang buong
pamilya,” ay angkop para sa Kapanahunan ng Biyaya ngunit hindi nauugnay
sa hantungan ng tao. Sila ay angkop lamang para sa isang yugto sa nang
Kapanahunan ng Biyaya. Ang nilalayon na kahulugan ng mga salitang ito ay
nakadirekta sa kapayapaan at materyal na mga pagpapala na tinatamasa ng
mga tao; hindi nila ibig sabihin na ang buong pamilya ng isang taong
naniniwala sa Panginoon ay maililigtas, at hindi rin nila ibig sabihin
na kung ang isa ay magtamo ng magandang kapalaran, ang kanyang buong
pamilya ay madadala din sa kapahingahan. Kahit nakakatanggap ang sinuman
ng mga pagpapala o magdanas ng kasawiang ito ay tinukoy ayon sa
sariling kakanyahan, at hindi tinukoy ayon sa mga karaniwang kakanyahan
na ibinabahagi ng sinuman sa iba. Ang kaharian ay walang ganitong uri ng
kasabihan o ganitong uri ng patakaran. Kung magagawa ninuman na
makaligtas, ito ay dahil siya ay nakaabot sa mga kinakailangan ng Diyos,
at kung ang sinuman ay hindi magawang manatili sa oras ng kapahingahan,
ito ay dahil ang taong ito ay suwail sa Diyos at hindi naluguran ang
mga kinakailangan ng Diyos. Ang bawa’t isa ay may naaangkop na
hantungan. Ang mga hantungan na ito ay tinukoy ayon sa kakanyahan ng
bawat tao at ito ay ganap na walang-kaugnayan sa iba. Ang napakasamang
pag-uugali ng isang bata ay hindi maaaring ilipat sa kanyang mga
magulang, at ang pagkamatuwid ng isang bata ay hindi maaaring ibahagi sa
kanyang mga magulang. Ang napakasamang pag-uugali ng magulang ay hindi
maaaring mailipat sa kanyang mga anak, at ang pagkamatuwid ng magulang
ay hindi maaaring ibahagi sa kanyang mga anak. Ang bawa’t isa ay
dinadala ang kanyang kaukulang mga kasalanan, at tinatamasa ng bawa’t
isa ang kanyang kaukulang kapalaran. Walang sinuman ang maaaring pumalit
para sa iba. Ito ang pagkamatuwid. Sa pananaw ng tao, kung ang mga
magulang ay makakuha ng magandang kapalaran, ganyan din ang kanilang mga
anak, at kung ang anak gumawa ng masama, ang kanilang mga magulang ay
dapat magbayad-sala para sa kanilang mga kasalanan. Ito ang pananaw ng
tao at paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay. Hindi ito pananaw ng
Diyos. Ang kalalabasan ng bawat isa ay tinukoy ayon sa kakanyahan na
nanggagaling mula sa kanilang pag-uugali, at ito ay palaging natutukoy
nang naaangkop. Walang sinuman ang maaaring magdala sa mga kasalanan ng
iba: at higit pa, walang sinuman ang maaaring tumanggap ng kaparusahan
na kahalili ng iba. Ito ay tiyak. Ang haling na haling na pangangalaga
ng magulang para sa kanyang mga anak ay hindi nangangahulugan na maaari
silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga
anak, at hindi rin gumagana ang masunuring pagmamahal ng isang bata sa
kanyang mga magulang ay nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng
matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga magulang. Ito ang tunay
na kahulugan sa likod ng mga salita, “Kung magkagayo’y sasa bukid ang
dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan: Dalawang babaing
nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y
iiwan.” Walang sinuman ang maaaring dalhin ang kanilang mga anak na
gumagawa ng kasamaan sa kapahingahan batay sa ng kanilang malalim na
pag-ibig para sa kanilang mga anak, at hindi rin maaaring dalhin ng
sinuman ang kanyang asawang babae (o lalaki) sa kapahingahan batay sa
kanilang sariling matuwid na pag-uugali. Ito ay isang administratibong
patakaran; walang maaaring mga eksepsiyon para sa sinuman. Ang mga
gumagawa ng pagkamatuwid ay gumagawa ng pagkamatuwid, at ang gumagawa ng
masama ay mga gumagawa ng kasamaan. Ang mga gumagawa ng pagkamatuwid ay
magagawang makaligtas, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay mawawasak.
Ang banal ay banal; hindi sila marumi. Ang marumi ay marumi, at hindi
sila nagtataglay ng kahit na anumang bahaging banal. Lahat ng masasamang
tao ay dapat mawasak, at lahat ng mga taong matuwid ay dapat
makaligtas, kahit na ang mga anak ng gumagawa ng masama ay gumawa ng
matuwid na mga gawa, at kahit na ang mga magulang ng isang matuwid na
tao ay gumawa ng masamang mga gawa. Walang relasyon sa pagitan ng isang
nananampalatayang asawang lalaki at ng asawang hindi sumasampalataya, at
walang relasyon sa pagitan ng nananampalatayang mga anak at di
nananampalatayang magulang. Sila ay dalawang di-magkaayong uri. Bago
pumasok sa kapahingahan, ang isa ay may pisikal na mga kamag-anak,
ngunit sa sandaling ang sinuman ay pumasok na sa kapahingahan, siya ay
wala nang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi. Yaong mga
ginagawa ang kanilang tungkulin at ang mga hindi ay mga magkaaway; ang
mga umiibig sa Diyos at ang mga nagagalit sa Diyos ay magkasalungat sa
isa’t isa. Ang mga pumasok sa kapahingahan at ang mga taong nawasak ay
dalawang magkaibang uri ng mga nilalang. Ang mga nilalang na tutupad sa
kanilang tungkulin ay makakaligtas, at ang mga nilalang na hindi
makatupad ng kanilang mga tungkulin ay mawawasak; ano’ng higit pa, ito
ay mananatili ng walang-hanggan. Minamahal mo ba ang iyong asawang
lalaki upang tuparin ang iyong tungkuling bilang nilalang? Minamahal mo
ba ang iyong asawang babae upang tuparin ang iyong tungkuling bilang
nilalang? Hindi ka ba masunurin sa iyong hindi sumasampalatayang mga
magulang upang tuparin ang iyong tungkuling bilang nilalang? Ang pananaw
ba ng tao sa paniniwala sa Diyos ay tama o hindi? Bakit ka naniniwala
sa Diyos? Ano ang iyong nais matamo? Paano mo mahal ang Diyos? Yaong mga
hindi makatupad sa kanilang tungkulin bilang mga nilalang at hindi
makagawa ng buong pagsisikap ay mawawasak. Ang mga tao ngayon ay may
pisikal na relasyon sa isa’t isa, pati na rin ang mga ugnayan sa
pamamagitan ng dugo, ngunit sa ibang pagkakataon lahat ng ito ay
mababasag. Ang mga mananampalataya at hindi naniniwala ay hindi kaayon
ngunit sa halip ay salungat sa isa’t isa. Yaong mga nasa kapahingahan ay
naniniwala na mayroong Diyos at masunurin sa Diyos. Ang mga suwail sa
Diyos ay mawawasak lahat. Ang mga pamilya ay hindi na iiral pa sa lupa;
paano maaaring magkaroon ng mga magulang o mga anak o mga relasyon sa
pagitan ng mag-asawa? Ang mismong hindi pagkaayon sa paniniwala at
kawalan ng pananampalataya ang magpapatindi sa mga pisikal na relasyong
ito!
Noong una ay walang mga pamilya sa gitna ng sangkatauhan, lalaki at
babae lamang, dalawang uri ng mga tao. Walang mga bayan, bukod pa sa mga
pamilya, na dahil sa katiwalian ng tao, lahat ng uri ng mga tao ay
inayos ang kanilang mga sarili sa indibidwal na mga angkan, nang tumagal
ay nabuo ang mga bayan at mga bansa. Ang mga bayan at mga bansa na ito
ay binubuo ng maliit na indibidwal na mga pamilya, at sa ganitong paraan
ang lahat ng uri ng mga tao ay nagkalat sa pagitan ng iba’t-ibang mga
lahi ayon sa mga pagkakaiba sa wika at naghahating mga hangganan. Sa
totoo lang, hindi alintana kung gaano karaming mga lahi ang na sa mundo,
ang sangkatauhan ay mayroon lamang isang ninuno. Sa simula, may
dalawang uri lamang ng tao, at ang dalawang uri na ito ay lalaki at
babae. Gayunpaman, dahil sa ang pag-usad ng gawain ng Diyos, ang
paglipas ng kasaysayan at heograpikal na mga pagbabago, sa iba’t-ibang
antas ang dalawang mga uri ng tao na ito ay bumuo ng higit pang mga uri
ng mga tao. Kung tutuusin, gaano man karami ang mga lahi na bumubuo sa
sangkatauhan, ang lahat ng sangkatauhan ay nilikha pa rin ng Diyos.
Hindi mahalaga kung anong lahi kabilang ang tao, lahat ng ito ay Kanyang
mga nilikha; silang lahat ay mga inapo nina Adan at Eba. Kahit na sila
ay hindi ginawa ng mga kamay ng Diyos, sila ay mga inapo nina Adan at
Eba, na personal na nilikha ng Diyos. Hindi mahalaga kung sa aling uri
kabilang ang tao, silang lahat ay Kanyang mga nilikha; at dahil
nabibilang sila sa sangkatauhan, na nilikha ng Diyos, ang kanilang
hantungan ay kung saan dapat ang sangkatauhan, at sila ay nahahati ayon
sa mga panuntunan na bumuo sa sangkatauhan. Iyon ay upang masabi na, ang
mga gumagawa ng kasamaan at ang mga matuwid ay, pagkatapos ng lahat,
mga nilalang. Ang mga nilalang na gumawa ng masama ay mawawasak sa
bandang huli, at ang mga nilalang na gumanap ng matuwid na gawa ay
makakaligtas. Ito ang pinaka-angkop na kaayusan para sa dalawang uri ng
mga nilalang na ito. Hindi maaaring itanggi ng mga gumagawa ng kasamaan,
na dahil sa kanilang pagsuway, na sila ay mga nilikha ng Diyos ngunit
ninakaw sila ni Satanas kung kaya hindi sila maililigtas. Ang mga
nilalang na may matuwid na pag-uugali ay hindi maaaring umasa sa
katunayan na sila ay makakaligtas upang itanggi na sila ay nilikha ng
Diyos ngunit natanggap ang kaligtasan pagkatapos itiwali ni Satanas. Ang
mga gumagawa ng kasamaan ay mga nilalang na mga suwail sa Diyos; sila
ay ang mga nilalang na hindi maaaring mailigtas at ganap nang ninakaw ni
Satanas. Ang mga taong gumagawa ng masama ay mga tao din; sila ay mga
taong naging ganap na ginawang tiwali at mga tao na hindi maaaring
mailigtas. Dahil sila ay mga nilalang rin, ang mga taong matuwid ang
pag-uugali ay naging tiwali rin, ngunit sila ay mga tao na nais kumawala
sa kanilang tiwaling disposisyon at may kakayahang sumunod sa Diyos.
Ang mga taong matuwid ang pag-uugali ay hindi mapuno ng pagkamatuwid; sa
halip, sila ay nakatanggap ng kaligtasan at naging malaya sa kanilang
tiwaling disposisyon upang sundin ang Diyos; sila ay maninindigan
hanggang sa katapusan, ngunit hindi ibig sabihin na hindi sila ginawang
tiwali ni Satanas. Kapag natapos na ang gawain ng Diyos, sa gitna ng
lahat ng Kanyang mga nilikha, magkakaroon ng mga mawawasak at ang mga
makakaligtas. Ito ay isang pangyayari na hindi maiiwasan sa Kanyang
gawaing pamamahala. Hindi ito maikakaila ninuman. Ang mga gumagawa ng
kasamaan ay hindi makakaligtas; yaong mga tatalima at susunod sa Kanya
hanggang katapusan ay tiyak na makakaligtas. At dahil sa ang gawaing ito
ay sa pamamahala ng sangkatauhan, mayroong mga mananatili at yaong mga
aalisin. Ang mga ito ay iba’t ibang mga kalalabasan ng iba’t ibang uri
ng mga tao, at ito ang mga pinaka-angkop na mga kaayusan para sa Kanyang
mga nilikha. Ang pangwakas na kaayusan ng Diyos para sa sangkatauhan ay
upang hatiin sa pamamagitan ng pagwawatak-watak sa mga pamilya,
pagwawatak-watak sa mga bansa at pagwawatak-watak sa mga pambansang
hangganan. Ito ay hindi magkakaroon ng mga pamilya at pambansang
hangganan, sapagkat ang tao ay, pagkatapos ng lahat, ay may isang ninuno
at ito ay nilikha ng Diyos. Sa madaling sabi, ang mga nilalang na
gumagawa ng masama ay mawawasak, at ang mga nilalang na sumusunod sa
Diyos ay makakaligtas. Sa ganitong paraan, wala nang mga pamilya, walang
mga bayan at lalong walang mga bansa sa kabuuan ng hinaharap; ang
ganitong uri ng sangkatauhan ay ang pinakabanal na uri ng sangkatauhan.
Sina Adan at Eba ay nilikha upang pangalagaan ng tao ang lahat ng mga
bagay sa lupa; ang tao ay ang dating panginoon ng lahat ng mga bagay.
Ang intensyon ni Jehovah sa paglalang sa tao ay upang payagan ang tao na
umiiral sa lupa at mangalaga rin sa lahat ng mga bagay na sa ibabaw
nito, dahil ang tao ay hindi naman dating tiwali at hindi rin kayang
gumawa ng kasamaan. Gayunpaman, pagkatapos maging tiwali ng tao, hindi
na siya ang tagapag-alaga sa lahat ng mga bagay. At ang layunin ng
kaligtasan ng Diyos ay upang maibalik ang tungkulin na ito ng tao, upang
ibalik ang dating katuwiran ng tao at ang kanyang dating
pagkamasunurin; ang sangkatauhan sa kapahingahan ay ang pinaka-larawan
ng resulta sa inaasahang makamit ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Kahit
hindi na ito ang buhay na kagaya ng sa Hardin ng Eden, ang diwa nito ay
magiging kagaya ng sa dati; ang sangkatauhan ay hindi na magiging
kagaya ng dati na hindi tiwali, ngunit sa halip ay isang sangkatauhan na
naging tiwali at pagkatapos ay tumanggap ng kaligtasan. Ang mga taong
ito na nakatanggap ng kaligtasan ay ganap na (iyon ay, kapag ang Kanyang
gawain ay nagtapos na) papasok sa kapahingahan. Gayundin, ang mga
kahihinatnan ng mga taong naparusahan ay lubos ding mabubunyag sa
katapusan, at sila ay mawawasak lamang pagkatapos ng Kanyang gawain.
Ibig sabihin nito na pagkatapos ng Kanyang gawain, ang lahat ng mga
gumagawa ng kasamaan at ang mga taong nailigtas ay mabubunyag, para sa
gawain ng pagbunyag ng lahat ng mga uri ng mga tao ( maging sila man ay
gumagawa ng masama o ang nailigtas) ay isasagawa sa lahat ng tao nang
sabay-sabay. Ang mga gumagawa ng masama ay aalisin, at yaong mga
magagawang manatili ay sabay-sabay na ibubunyag. Samakatuwid, ang
kahihinatnan ng lahat ng mga uri ng mga tao ay ibubunyag nang
sabay-sabay. Hindi muna Niya hahayaan ang isang grupo ng mga tao na mga
nailigtas na pumasok sa kapahingahan bago ang pagbubukod sa mga gumagawa
ng kasamaan at paghuhusga o pagpaparusa sa mga ito ng paunti-unti; ang
katotohanan ay hindi ganito. Kapag nawasak na ang mga gumagawa ng masama
at yaong mga maaaring makaligtas ay pumasok na sa kapahingahan; ang
Kanyang gawain sa buong sansinukob ay magtatapos. Walang mauuna o
mahuhuli sa mga tatanggap ng mga pagpapala at mga magdurusa sa kasawian;
ang mga tatanggap ng mga pagpapala ay mabubuhay nang walang hanggan, at
ang mga magdurusa ng kasawian ay mamamatay ng walang hanggang. Ang
dalawang hakbang na ito ng gawain ay gagawing ganap nang sabay-sabay.
Ito ay tiyak na dahil may mga suwail na mga tao na dahil sa kanila ang
pagkamatuwid ng mga masunuring tao ay maibubunyag, at ito ay tiyak na
dahil may mga taong nakatanggap ng mga pagpapala na ang kasawian na
dinanas ng mga gumagawa ng kasamaan para sa kanilang masamang pag-uugali
ay maibubunyag. Kung hindi ibubunyag ng Diyos ang mga gumagawa ng
kasamaan, yaong mga taong tapat na sumusunod sa Diyos ay hindi kailanman
makikita ang araw; kung hindi dadalhin ng Diyos ang mga sumusunod sa
Kanya sa isang angkop na hantungan, yaong mga taong suwail sa Diyos ay
hindi matatanggap ang nararapat na ganti sa kanila. Ito ay ang proseso
ng Kanyang gawain. Kung hindi Niya isasagawa itong gawain ng pagpaparusa
sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti, ang Kanyang mga nilikha ay
hindi kailanman magagawang pumasok sa kani-kanilang mga hantungan. Kapag
ang sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan, ang mga gumagawa ng
kasamaan ay mawawasak, ang lahat ng sangkatauhan ay papasok sa tamang
landas, at ang bawat uri ng tao ay magiging kanilang sariling uri
alinsunod sa mga tungkulin na dapat nilang isagawa. Tanging ito lang ang
araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at ang hindi maiiwasang kalakaran
para sa pag-unlad ng sangkatauhan, at tanging kapag ang sangkatauhan ay
pumasok sa kapahingahan ang dakila at huling katuparan ng Diyos ay doon
pa lamang magiging ganap; ito ang magiging wakas ng Kanyang gawain. Ang
gawain na ito ang tatapos ng lahat ng sirang pisikal sa buhay ng
sangkatauhan, at ito ang tatapos sa buhay ng tiwaling sangkatauhan. Mula
dito ang sangkatauhan ay dapat pumasok sa isang bagong kaharian.
Bagaman ang tao ay umaakay ng pisikal na pag-iral, may mga makabuluhang
pagkakaiba sa pagitan ng kakanyahan ng kanyang buhay at ang kakanyahan
ng buhay ng tiwaling sangkatauhan. Ang kahulugan ng kanyang pag-iral at
ang kahulugan ng pag-iral ng tiwaling sangkatauhan ay naiiba rin. Kahit
na ito ay hindi ang buhay ng isang bagong uri ng tao, maaari itong
sabihin na buhay ng isang sangkatauhan na nakatanggap ng kaligtasan at
isang buhay sa sangkatauhan at nabawing katuwiran. Ito ang mga tao na
minsan ay naging suwail sa Diyos, at minsan nang nalupig ng Diyos at
pagkatapos ay iniligtas sa pamamagitan Niya; ito ay mga taong nagpahiya
sa Diyos at kalaunan ay sumaksi sa Kanya. Ang kanilang pag-iral,
pagkatapos sumasailalim at makalampas sa Kanyang pagsubok, ay ang
pinaka-makabuluhang pag-iral; sila ay mga tao na sumaksi sa Diyos sa
harap ni Satanas; sila ay mga tao na nararapat mabuhay. Ang mga
mawawasak ay ang mga tao na hindi maaaring maging saksi sa Diyos at
hindi nararapat mabuhay. Ang kanilang pagkawasak ay dahil sa kanilang
masamang pag-uugali, at pagkawasak ang kanilang pinakamabuting
hantungan. Kapag ang tao kinalaunan ay pumasok sa mabuting kaharian,
mawawala ang mga relasyon sa pagitan ng mag-asawa, sa pagitan ng ama at
anak na babae o sa pagitan ng ina at anak na lalaki na inakala ng tao na
mahahanap niya. Sa panahong iyon, ang tao ay susunod sa kanyang
sariling uri, at ang pamilya ay maaaring nawasak na. Dahil sa ganap na
pagkabigo, si Satanas ay hindi na muling manggagambala sa sangkatauhan,
at ang tao ay hindi na magkaroon ng tiwaling makademonyong disposisyon.
Ang suwail na mga tao ay mawawasak, at tanging ang mga masunuring tao na
lamang ang makakaligtas. At kaya napaka-kaunting mga pamilya ang
mananatiling buo; paano pa muling iiral ang pisikal na mga relasyon? Ang
nakalipas na pisikal na buhay ng tao ay lubos nang ipagbabawal; paano
maaaring umiiral ang pisikal na mga relasyon sa pagitan ng mga tao? Kung
walang napakasamang tiwaling disposisyon, ang buhay ng mga tao ay hindi
na ang lumang buhay ng nakaraan, ngunit sa halip ay isang bagong buhay.
Mawawalan ng mga magulang ang mga anak, at ang mga anak ay mawawalan ng
mga magulang. Mawawalan ng mga asawang lalaki ang mga asawang babae,
mawawalan ng mga asawang babae ang mga asawang lalaki. Ang mga tao
ngayon ay may pisikal na mga relasyon sa isa’t isa. Kapag silang lahat
ay pumasok sa kapahingahan mawawala na ang pisikal na mga relasyon.
Tanging ang gayong sangkatauhan ang magkakaroon ng pagkamatuwid at
kabanalan, tanging ang gayong sangkatauhan ay magiging isang sumasamba
sa Diyos.
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na
Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas
Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan
ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang
sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa
kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan
mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa
kanyang dating larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya
ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig
sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa ibabaw ng lupa at
ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Naiwala ng
tao ang kanyang pusong takot sa Diyos matapos na gawing tiwali ni
Satanas at naiwala ang tungkulin na dapat mataglay ng isa sa mga
nilalang ng Diyos, at naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay
ang tao sa ilalim ng sakop ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas;
kaya, walang paraan ang Diyos na kumilos sa gitna ng Kanyang mga
nilikha, at lalo pang hindi nagawang makamit ang takot mula sa Kanyang
mga nilikha. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at kinakailangang sumamba sa
Diyos, nguni’t ang tao ay tunay na tumalikod sa Diyos at sumamba kay
Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya naiwala ng Diyos
ang Kanyang katayuan sa puso ng tao, na ibig sabihin ay naiwala Niya ang
kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao, kaya’t upang ibalik ang kahulugan
ng Kanyang paglikha sa tao ay dapat Niyang ibalik ang tao sa orihinal
nitong wangis at alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon. Upang
mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula
sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan maaari Niyang unti-unting
ibalik ang orihinal na wangis ng tao at ibalik ang orihinal na tungkulin
ng tao, at sa katapusan ay mapanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang
kahuli-hulihang pagkawasak niyaong mga anak ng pagsuway ay
isasakatuparan din upang tulutan ang tao na sambahin ang Diyos nang mas
mabuti at mamuhay sa mundong ibabaw nang mas maayos. Yamang nilalang ng
Diyos ang tao, gagawin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang
ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, panunumbalikin Niya itong
lubos, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng
Kanyang awtoridad ay ang gawin ang tao na sambahin Siya at gawin ang tao
na sumunod sa Kanya; ang ibig sabihin nito ay gagawin Niya na ang tao
ay nabubuhay dahil sa Kanya at gagawin na mamatay ang Kanyang mga kaaway
dahil sa Kanyang awtoridad; ito ay nangangahulugan na gagawin Niya ang
bawa’t huling bahagi Niya na manatili sa gitna ng sangkatauhan at nang
walang anumang pagtutol ng tao. Ang kaharian na ninanais Niyang maitatag
ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay
isa na sumasamba sa Kanya, isa na ganap na sumusunod sa Kanya at
mayroong Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang tiwaling
sangkatauhan, ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay mauuwi sa
wala; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay
hindi na magagawang umiral sa ibabaw ng lupa. Kung hindi Niya wawasakin
ang mga kaaway na iyon na hindi masunurin sa Kanya, hindi Niya makukuha
ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi rin Niya maaaring itatag
ang Kanyang kaharian sa ibabaw ng lupa. Ito ang mga simbolo ng
pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang
dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin yaong mga nasa gitna
ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at upang dalhin yaong mga
nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan. Kapag ang sangkatauhan ay naibalik
na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng
sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang
sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang
Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa ibabaw ng lupa na
sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa ibabaw
ng lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang
tagumpay sa ibabaw ng lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol
magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na
layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa
paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng
Kanyang awtoridad sa ibabaw ng lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng
lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga
kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula
roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang
buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa
walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na
walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at
pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa ibabaw ng
lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa ibabaw ng lupa ay hindi na
iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang
mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama
Rekomendasyon:
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos