Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na moses. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na moses. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 1, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat., Job, John, moses, Pablo


Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas

Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kilala ang sarili niya, kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang pagkakilala sa kanyang palad, kahit na ang lahat ng ibang tao ay “nakapasa” at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito tila sinukat niya ang iba hanggang sa kanilang katayuan ng pag-iisip. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay pumasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay lumapit sa Akin muli, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga korderong bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, at saka nagiging tila mga maliliit na ibong lilipad-lipad nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga ng Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi nila, na tila ang Aking mga salita ay abala sa kanila? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, Ko nang nakikitang lumapit ang tao sa akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga tangka ay tapat. Napakaraming beses, Ko nang nakita na ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses, na nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling mga tao, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matutuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng pagpapala o paghihirap. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging wagas sa kanilang pagdulog sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo ang tatayo sa Aking harapan na kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaan na pagsubok ng tao ay hindi magdudulot ng paglisan ng kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magdudulot sa kanya ng reklamo laban sa Aking inihanda? Walang sinumang tao ang lubos na nalugod sa espadang taglay ng Aking bibig: Alam lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi tunay na inaalam ang mas malalim. Kung ang mga taong nilalang ay tunay na makikita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa tunay na kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang makikitang bakas kung gaano kahusay ang Aking mga salita, o kung gaano ang kalikasan ng kanilang pagkatao ng nahahayag, at kung gaano kahigit sa kanilang mga katiwalian ang nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at hindi mapagkakatiwalaang saloobin.

Peb 28, 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama

Pedro, Job, John, moses,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat


Kidlat ng SilangananSalita ng Diyos | Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama


  Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa ibabaw ng lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lamang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala sa sandaling umiral ang sangkatauhan at sa sandaling ang sangkatauhan ay naging tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing okupado ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at iligtas ang sangkatauhan, na naging tiwali, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Kung ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang nagpapatuloy na kalikuan. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa salungat na mga puwersa), katiwalian ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala nang kalikuan ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala nang pagsalakay ng anumang salungat na mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong kinasasaklawan; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng tiwali ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Naiwala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati nang hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang katiwalian ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na liko. Ang sangkatauhan ay mabubuhay nang normal sa lupa, at tatahan sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay pumasok na sa kapahingahan na magkasama, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at na si Satanas ay nawasak, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay ganap nang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na tatahan sa ilalim ng sakop ni Satanas. Samakatuwid, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mananahan kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang manahan kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong kinasasaklawan; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; sa pagsasaalang-alang ng kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi katulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang bumalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mananahan sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na nilalang ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos ng pagkumpleto ng Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mananahan din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritupa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang bisitahin ang langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong mga taong masasama ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong mga masasamang mga indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking mga kalamidad ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong mga masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling malalaman ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.