Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos?
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na itsura. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na itsura. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 4, 2019
Hul 31, 2019
Mga Video ng mga Sayaw at Kanta | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan
Mga Video ng mga Sayaw at Kanta | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan
Tagalog Christian Praise and Worship Music Video 2018 | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Mar 7, 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas
Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan
na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatilingbuhay Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang
bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng
suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng
sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay
sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay
pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay,
sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit,
malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito,
patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao,
nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat
ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng
tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin.
Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may
pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula
siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto
sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga
salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging
maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at
may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking
pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang
kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila
ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila
ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na
nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso;
ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala
silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang
kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod
dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa
ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring
matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit
lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may
kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging
kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan
Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong
alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao,
padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang
pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming
mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang
tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na
kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na
parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat
bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking
pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para
sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para
sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay
Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?
Peb 4, 2018
Ang tinig ng Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”
Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”
1. Ang sangkatauhan, labis nang sinira ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pamamagitan ng paghayag ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na katangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tangan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay ibabalik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamkamin muli ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Ang kasalukuyang mapanlupig na gawa ay gawaing sinadyang gawing maliwanag ang magiging katapusan ng tao. Bakit ko sinasabi na ang pagpaparusa at paghatol ngayon ay ang mga paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang mapanlupig na gawa ay ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay ginawa para ihayag kung ano ang kahahantungan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa loob ng mapanlupig na gawa ukol sa pagpaparusa at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at gayon uriin pagkatapos nito? Sa halip na sabihing ito ay ang paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahahantungan ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at gayon ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon mapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon, ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa klase. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pag-uring ito? Ang paghayag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang paglupig sa buong sansinukob (kasama ang lahat ng mapanlupig na gawa magmula sa kasalukuyang gawain). Itong paghahayag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa panahon ng pagpaparusa, at sa panahon ng mapanlupig na gawa sa mga huling araw.
Nob 25, 2017
Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari
Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan,Prinsipe ng Kapayapaan,
S'ya'y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggang,
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo'y umawit,
pagka't sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo'y inaliw N'ya,
Tinubos N'ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa'y pinamalas, ng Diyos ang bisig N'yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita'ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)