Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pinuno. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pinuno. Ipakita ang lahat ng mga post

Peb 4, 2018

Ang tinig ng Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”

itsura, trono, pinuno, ipahayag, pinuno

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”


1. Ang sangkatauhan, labis nang sinira ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pamamagitan ng paghayag ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na katangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tangan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay ibabalik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamkamin muli ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Ang kasalukuyang mapanlupig na gawa ay gawaing sinadyang gawing maliwanag ang magiging katapusan ng tao. Bakit ko sinasabi na ang pagpaparusa at paghatol ngayon ay ang mga paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang mapanlupig na gawa ay ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay ginawa para ihayag kung ano ang kahahantungan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa loob ng mapanlupig na gawa ukol sa pagpaparusa at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at gayon uriin pagkatapos nito? Sa halip na sabihing ito ay ang paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahahantungan ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at gayon ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon mapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon, ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa klase. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pag-uring ito? Ang paghayag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang paglupig sa buong sansinukob (kasama ang lahat ng mapanlupig na gawa magmula sa kasalukuyang gawain). Itong paghahayag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa panahon ng pagpaparusa, at sa panahon ng mapanlupig na gawa sa mga huling araw.