Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Himno. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Himno. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 4, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos




Kidlat ng Silanganan Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos 



Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko'y nilimot Mo na.
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni't biyaya muli'y alay.
Batid na itinataas Mo, ako'y puno ng kahihiyan.
Lubhang 'di 'ko karapat-dapat sa'Yong pagmamahal!

Mar 2, 2018

Cristianong Kanta | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay



Kidlat ng SilangananCristianong Kanta | "Kung 'Di Ako Iniligtas ng D'yos" | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay


I
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon,
naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa.
Kung 'di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo,
nabitag sa sala't layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko.
Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N'ya'y dinadalisay ako.
Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko'y nabago.
Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa 'ki'y bagong buhay.
Diyos nakita ko nang harapan, tunay N'yang pag-ibig naranasan.

Peb 23, 2018

Kanta ng Papuri | Diyos ay pag-ibig | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos




Kidlat ng SilangananKanta ng Papuri | Diyos ay pag-ibig | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


I
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa, sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

Peb 6, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Kidlat ng SilangananIsang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol 


ISa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,hinaharap ng Diyos ang sansinukobat ito'y nagsimulang mayanig.Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?O nabubuhay sa Kanyang hagupit?Sa'n man Siya magpuntakinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niyaang kaligtasan at pag-ibig Niya.Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal, ngunit Siya ngayon ay tunay.

Peb 5, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo


Kidlat ng Silanganan | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo


IAko'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo, payapang-payapa ako.Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.Nguni't bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.Malimit nagrerebelde, sa paanuma'y sinasaktan Iyong puso.Nguni't 'di Mo alintana sala ko kundi gumagawa para sa 'king kaligtasan.Pag ako'y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.Pag nagrerebelde, mukha Mo'y itinatago, kadilima'y bumabalot sa akin.Pagbalik ko sa 'Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.Pag hinahagupit ni Satanas, hinihilom Mo aking sugat, puso'y nagagalak.Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.Bukang-liwayway ay agad lilitaw,at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,pag naro'n Kang kasama ko.Bukang-liwayway ay agad lilitaw,at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,pag naro'n Kang kasama ko.

Peb 4, 2018

Ang tinig ng Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”

itsura, trono, pinuno, ipahayag, pinuno

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa”


1. Ang sangkatauhan, labis nang sinira ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pamamagitan ng paghayag ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na katangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tangan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay ibabalik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamkamin muli ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Ang kasalukuyang mapanlupig na gawa ay gawaing sinadyang gawing maliwanag ang magiging katapusan ng tao. Bakit ko sinasabi na ang pagpaparusa at paghatol ngayon ay ang mga paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang mapanlupig na gawa ay ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay ginawa para ihayag kung ano ang kahahantungan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa loob ng mapanlupig na gawa ukol sa pagpaparusa at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at gayon uriin pagkatapos nito? Sa halip na sabihing ito ay ang paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahahantungan ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at gayon ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon mapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon, ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa klase. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pag-uring ito? Ang paghayag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang paglupig sa buong sansinukob (kasama ang lahat ng mapanlupig na gawa magmula sa kasalukuyang gawain). Itong paghahayag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa panahon ng pagpaparusa, at sa panahon ng mapanlupig na gawa sa mga huling araw.

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Makabuluhan ang Buhay Natin


Kidlat ng Silanganan | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Makabuluhan ang Buhay Natin


Buhay nati'y makabuluhan. Buhay nati'y makabuluhan. Ngayo'y nakakatagpo natin ang Diyos, gawain Niya'y nararanasan. Nakilala Siya sa katawang-tao, praktikal at totoo. Nakita natin ang kahanga-hanga't nakakamanghang gawain Niya. Buhay nati'y laging makabuluhan. Pinagtitibay nating si Cristo ang katotohana't buhay! Niyayakap ang hiwaga ng buhay ng tao. Paa nati'y nasa pinakamaliwanag na landas tungo sa buhay. Di na naghahanap, maliwanag ang lahat. Mamahalin Ka namin nang walang pagsisisi, o Diyos. Katotohana'y nahanap, buhay na walang-hanggan ating makakamtan. Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan. Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan.

Ene 28, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari



Kidlat ng SilangananTagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan, 
Prinsipe ng Kapayapaan,
S’ya’y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggang, 
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo’y umawit, 
pagka’t sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo’y inaliw N’ya,
Tinubos N’ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa’y pinamalas, ng Diyos ang bisig N’yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita’ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.

Ene 19, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos



Kidlat ng Silanganan | Kanta ng Papuri (Tagalog)  | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

I Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos. Puso ko'y mangungusap pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod. Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan. Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan. Mahabaging salita ng Diyos ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol. Kanyang mahigpit na Salita ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon. Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo nang dahil sa'Yong pagpapala. Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat. Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin! Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Ene 16, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay | Kidlat ng Silanganan


I Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman; bagay na di madaling kunin ng kahit na sino. Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula, Diyos lang ang may diwa ng buhay, Diyos lang ang may landas ng buhay. Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay, at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao; Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay. Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay; Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.

Ene 14, 2018

Ang Pag-asa ng mga Cristiano | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos




Kidlat ng SilangananAng Pag-asa ng mga Cristiano | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos


I Sangkatauhang tinapakan ni Satanas, sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha. Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon at mga bagay na salungat sa Maylikha. Puno ng tiwaling disposisyon gayunpaman, sa mata ng Diyos sila'y Kanya pa ring nilikha.

Ene 6, 2018

Awit ng Papuri | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono



Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Ang matagumpay na Hari ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono. Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian. Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.

Ene 3, 2018

Awit ng Papuri | Bumababa Ang Diyos Nang May Paghatol



  Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Bumababa Ang Diyos Nang May Paghatol



I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Dis 27, 2017

Awit ng Papuri | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos

 Paghatol, katotohanan,  paghatol, Diyos, buhay


Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos


Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa,
siya'y tunay na makilala.

Dis 21, 2017

Awit ng Papuri | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita


Kidlat ng Silanganan | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita


I
Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh …
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso'y umaapaw.
Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon;
ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.
Gaano kasaya kung tayo'y
nagkakaintindihan at walang katiwalian.
Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya.
Na walang kinikilingan, malapit na samasama.
Ahh ... ahh ... ahh ...
oohing……