Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaluwalhatian. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaluwalhatian. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 10, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot

Paghatol, kaluwalhatian, Biyaya, buhay, Jesus

Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng DiyosWalang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot

 
   Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang maayos, at upang ang Aking inagurasyon gawain sa buong sansinukuban ay maisakatuparan nang higit na angkop at maingat, pagbunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng lupain at mga bayan. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang panahon: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang panahon, at tanda ng kabuuan ng isang panahon, sa halip na sa mga huling mga taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay pawang hindi kagaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi gagawin sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bayan at mga tribu sa labas ng Israel sa harap ng Aking luklukan, upang ang Aking luwalhati sa buong sansinukuban ay kayang punuin ang buong kalangitan. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bayan, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawain sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Ang kahihinatnan, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maihahambing sa ilang libong taon na gawain sa Israel, hindi rin maitulad sa isang dekadang gawain sa Hudea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang tinapos ni Jesus ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Hudea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Sila ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at sila ang tumatapos sa habang-buhay na pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila tinatanggap ang kabuuan ng sangkatauhan sa bagong panahon o payagan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon pagkaraan ng ilang panahon sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay lubusang kakamkamin ng mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng diyablo sa buong sangkatauhan ay hindi din tatagal ng higit sa anim na libong taon. At gayon, napapanahon na. Hindi ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking susupilin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at gayon matatapos na ang kabuuan ng Aking gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi Ko na kailanman pakikilusin ang Aking makapangyarihang Espiritu sa lupa. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong mga nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga sagana ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi masisira, maaabala, o maikukulong ni Satanas, at sila ang tanging mga sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ang sangkatauhan na mayroon ngayon ay ang Aking nasakop at nakatamo ng Aking pangako. At gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang biyaya. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking naipon mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging kaganapan at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bayan at denominasyon, at bawat lugar at bansa, sa buong sansinukuban. Sila ay galing sa iba’t-ibang lahi, iba’t-ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bayan at denominasyon sa buong mundo, at sa bawat sulok ng mundo. Sa bandang huli, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi naligtas at nasakop Ko ay lulubog nang matahimik sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, nananaig na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, iniwan lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa itaas ng kanilang mga pinto. Ang mga tao na Aking sinakop at Aking naging pamilya, hindi rin ba sila ang mga tao na kumain sa Aking laman ang Kordero at uminom ng Aking dugo ang Kordero, at nailigtas dahil sa Akin at Ako ay sambahin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinambit ni Jehovah sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng mas matinding pagdurusa sa inyong mga laman, mas matinding paghatol sa inyong mga kasalanan, mas matinding poot sa inyong kalikuan. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong kalikuan ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga paglabag ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, ang Jehovah, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang galos simula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

Ene 6, 2018

Awit ng Papuri | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono



Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Ang matagumpay na Hari ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono. Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian. Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.

Ene 5, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

kaluwalhatian, paggalang, katotohanan, buhay, Diyos

Kidlat ng Silanganan Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas


    Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawa’t isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Nguni’t, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “pakikipagsapalaran.” Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Ginagawa Ko ito upang hindi maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t gawin siyang tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang “kabataan,” o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Dis 15, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Ebanghelyo, kaluwalhatian, Canaan, Jesus, Iglesia

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob


    Pinapalaganap Ko ang Aking gawa sa mga bansang Gentil. Sa buong sansinukob ay kumikislap ang Aking kaluwalhatian; ang Aking kalooban ay nasa pagpapakalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at isinasagawa ang kilos na Aking pinapalaganap. Magmula ngayon, pumasok Ako sa isang makabagong panahon at dadalhin ang lahat ng tao sa ibang mundo. Kapag bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” magsisimula Ako ng isa pang bahagi ng gawa na nasa orihinal Kong plano, upang ang tao ay humayo nang higit pang malaman ang tungkol sa Akin. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawa, kaya’t naglalakbay Ako paroon at parito upang gawin ang Aking bagong tungkulin sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong panahon, at nagdudulot Ako ng bagong gawa upang dalhin ang maraming tao na bago sa panibagong panahon at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nagsasagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawa na hindi maarok ng tao at magdudulot sa kanila na manginig sa hangin, pagkatapos noon ay marami ang tahimik na maaanod paalis sa pag-ihip ng hangin. Ito ay ang “giikan” na nais Kong linisin; ito ay ang Aking hangad at ito rin ay Aking plano. Ito ay dahil maraming masasamang nilalang ang tahimik na lumipat habang Ako ay kumikilos, ngunit hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, marapat Ko silang hawiin sa tamang panahon. Pagkatapos lang noon Ako ay magiging bukal ng buhay, upang ang mga tunay na nagmamahal sa Akin ay makatanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ang samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang disyerto, ay walang purong ginto, kundi buhangin lamang. Sa harap nito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng Aking gawa. Dapat mong malaman na ang Aking nakukuha ay puro, pinong ginto, at hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking pamamahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging peste sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng lahat ng posibleng paraan upang sila ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang Aking nais gawin. Gamit ang oportunidad na ito, iwinawaksi Ko ang mga masasama, at napilitan silang Ako ay iwan. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, ngunit mayroon pa ring araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanais ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay iginagalaw ko ang Aking katawan at ipinapakita ang Aking maluwalhating mukha sa mga Gentil upang ang mga tao ay manirahan sa isang mundo nang sila lang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang winiwika Ko ang mga salita na dapat Kong sabihin at binibigyan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang naisakatuparan at naipalaganap ang Aking gawa. Pagkatapos, dapat Kong ipahayag ang Aking kalooban sa mga tao, at simulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawa para sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawa, at hinahayaan silang gawin sa abot ng kanilang makakaya ang gawain kasama Ako na marapat kong isakatuparan.