Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 8, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Tanong 4: Binanggit ng Panginoong Jesus ang mga misteryo ng kaharian ng langit sa mga disipulo, at bilang nagbalik na Panginoong Jesus, naghayag na rin ba ng maraming misteryo ang Makapangyarihang Diyos? Maaari n’yo bang ibahagi sa amin ang ilan sa mga misteryong inihayag ng Makapangyarihang Diyos? Malaking tulong iyon sa amin sa pagtukoy sa tinig ng Diyos.

Sagot: Tuwing nagkakatawang tao ang Diyos, marami Siyang inihahayag na katotohanan at misteryo sa atin. Walang duda ‘yan. Nagkakatawang tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kaya nga, natural Siyang nagpapahayag ng maraming katotohanan, at naghahayag ng maraming misteryo. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naghayag ng maraming misteryo habang nangangaral at ginagawa ang Kanyang gawain, tulad ng, “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

Ago 6, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | 33. Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.

mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula

Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay.

mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad.Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito.

mula sa “Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay papasailalim sa kapinuhan at pagdurusa. Ang mga magtatagumpay at tatayo upang maging patotoo sa pagdurusa ay ang mga gagawing ganap sa huli; sila ang mga nagtagumpay. Sa pagdurusang ito, ang tao ay inatasang tanggapin ang kapinuhan na ito, at ang kapinuhan na ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling pagkakataon na dadalisayin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin ang huling pagsubok, kailangang tanggapin ang huling pagpipino. Ang mga pinaliligiran ng pagdurusa ay wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit ang mga tunay na nalupig at tunay na naghahangad sa Diyos ay makatatayo nang mabilis sa huli; sila ang mga nagtataglay ng kababaang-loob, at ang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang gawin ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain, at patuloy pa ring isinasagawa ang katotohanan at hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila ang mga makalalampas sa pagdurusa.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dati ko nang sinabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig-sabihin nila ay ang mga taong ito na tanging natamo lamang ay tunay na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagpupungos at lahat ng mga uri ng kapinuhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Wala pa silang nakitang anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi nila pinag-uusapan ang mga malalabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na mga kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos.

mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ago 4, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos?

Ago 2, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain.

Hul 31, 2019

Mga Video ng mga Sayaw at Kanta | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan

Mga Video ng mga Sayaw at Kanta | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan


Tagalog Christian Praise and Worship Music Video 2018 | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"


Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
 'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.

May 12, 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China


Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China
Inilalarawan ng crosstalk na Mga Mata Sa Lahat ng Dako kung paano tinatangka ng Partido Komunista ng Tsina na itaboy ang relihiyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang paghahanap sa buong bansa, pati na rin ang paggamit sa mga tao mula sa bawat uri at antas ng buhay bilang mga mata para mag-imbestiga, magbantay, at magmanman sa mga Kristiyano.

Mar 22, 2019

Saloobin ng mga Kristiyano: Talaga bang Walang Pakialam sa Kanilang Pamilya ang mga Nanalig sa Diyos?

Mu Xinping(asawa ni Zheng Weiguo): Ah, Xiaoyi, Xiaorui, may gusto akong sabihin sa inyo. Alam ko na mabuting manalig sa Diyos. Inaakay nito ang mga tao sa tamang landas. Kaya, nang manalig kayo sa Diyos, nakahinga ako nang maluwag at hindi na nag-aalala na maligaw kayo ng landas. Pero nakita ko na sinasabi sa mga dokumento ng gobyerno, gaya ng ilang taong nananalig kay Jesus, iniiwan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kanilang pamilya para ipangaral ang ebanghelyo.

Ene 25, 2019

Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" (Trailer)


Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" (Trailer)

Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos.

Dis 11, 2018

Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios” (Juan 1:1-2).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Nob 28, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo?

Nob 22, 2018

Pagkilala sa Diyos|Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw.

Okt 17, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)

I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din.

Okt 14, 2018

Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?"

Alam ng maraming tao ang tungkol sa insidente ng Zhaoyuan sa Shandong ng gumulantang sa Tsina at sa buong mundo, at nagbunga ng maraming hinala tungkol sa insidente.

Okt 13, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Sa Huli Sino Ba ang Sumisira sa mga Pamilya ng mga Kristiyano?"

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Sa Huli Sino Ba ang Sumisira sa mga Pamilya ng mga Kristiyano?"

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Mark16:15). Ayon sa mga kailangan ng Diyos, ipinalalaganap ng mga Kristiyano ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ng sa ganun ay maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas Niya.

Okt 1, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw"


Tagalog Christian Movie Clips | Pagkamulat | "Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw"

Winakasan na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan na ang Kapanahunan ng Kaharian. Inihahayag Niya ang katotohanan at sinisimulan ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamilya ng Diyos.

Set 21, 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli.

Hun 26, 2018

Christian Praise Music | "Awit ng Taos-pusong Pagkapit" | Lord, You Are My God

🎻🌹🎵🎻🌹🎻🌹🎵🎻🌹🎻🌹🎵🎻🌹🎻🌹🎵🎻🌹🎻🌹🎵🎻

I Narito ang Isa, S'ya ay D'yos sa katawang-tao. Wika't gawa N'ya, lahat katotohanan. Dunong N'ya at pagkamat'wid ay aking mahal. Nakita't nakamtan ko S'ya kaya ako'y mapalad. Narito ang Isa, S'ya ay D'yos sa katawang-tao. Wika't gawa N'ya, lahat katotohanan. Dunong Niya at pagkamat'wid ay aking mahal. Nakita't nakamtan ko S'ya kaya ako ay mapalad. Puso't pag-ibig N'ya ako'y nalupig. Nagmadali akong sundan S'ya, ‘di na naghahanap. S'ya'y iniibig, kaytamis, magtitiis para sa Kanya. Di ko na Siya maaaring mawala muli, Diyos aking mahal.

Hun 25, 2018

Tagalog Christian Praise Song | Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso

🎻♬。.。.🎻。.。♬ .•*¨*•.♬🎻♬。.。.🎻。.。♬ .•*¨*•.♬🎻

I La … la la la … la la la…. La … la la la … la la la … la…. Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan. O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa. Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko. Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos. Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D'yos saya ang ramdam. Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha...) Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.

Hun 23, 2018

Clip ng Pelikulang (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"

★⋰ 💕*⋱★⋰🍀*⋱★⋰ * ⋱★⋰🍀 *★⋰ * ⋱★⋰🍀 *⋱★⋰*💕⋱★

   Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si "Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay." Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito? 

Hun 14, 2018

Pelikulang Kristiano | "Nalantad Ang Katotohanan" - Ang Katotohanan Inilantad sa Likod ng May 28 Zhaoyuan Case

`҉҉´¨`*•.`҉҉•*¨``҉҉´¨`*•.`҉҉•*¨``҉҉﹒ ʚ💘ɞ  ʚ💘ɞ *¨``҉҉´¨`*•.`҉҉•*¨``҉҉´¨`*•.`҉҉•*¨``҉҉﹒

   "Nalantad Ang Katotohanan" - Ang Katotohanan Inilantad sa Likod ng May 28 Zhaoyuan Case Noong 2014, walang-pakundangang inimbento ng CCP ang kilalang-kilalang Pangyayari noong 5/28 sa Zhaoyuan sa Shandong Province para may mapagbatayan ang opinyon ng publiko na lubos na sugpuin ang mga bahay-iglesia, at ikinalat ang kasinungalingan sa buong mundo para tuligsain at siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, nalinlang ng propaganda ng CCP ang ilang taong walang kaalam-alam sa katotohanan. Sa programang ito, mabubunyag ang ilang malalaking pagdududa tungkol sa kasong ito para isa-isang himayin ang mga kasinungalingan ng CCP at linawin ang mga pangyayari sa inyo, at lubos na ilantad ang katotohanan sa likod ng Pangyayari sa Shandong Zhaoyuan sa harap ng mundo. 

Rekomendasyon:  🍭°*”˜˜”*°🍒🌽 🍒°*”˜˜”*°🍭

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan