"Sino Siya na Nagbalik" Clip 5 - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Salita ng Diyos at mga Salita na Umaayon Sa Katotohanan
Alam mo ba ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng Diyos na katotohanan mismo, at ang mga salita ng mga espiritwal na tao na umaayon lamang sa katotohanan? Sisiyasatin ng maikling video na ito para sa iyo ang katanungang ito.
Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos.
Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig.
Best Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Trailer)
Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit.
Tagalog Christian Full Movie HD 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Trailer)
Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!
Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang
tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang
sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na
maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang
mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala
sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang
malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na
Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik
ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng
paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng
katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si
Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung
saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at
nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang
katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos
ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila
ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila
ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto
ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South
Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip
ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng
Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng
Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang
Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na
pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa
Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang
Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang
tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at
natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may
pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian
sa langit.