Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Dis 11, 2018

Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Paano uunawain na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios” (Juan 1:1-2).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

“Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nanggagaling ang katotohanan mula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanan sa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, alalaon baga'y, mula sa Diyos Mismo, at hindi matatamo ng tao.

mula sa “Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. At nagkatawang-tao ang Verbo”. Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at sa pangwakas na kabanata ng Kanyang buong plano sa pamamahala, at sa gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao.

mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba't-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang "salita" ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala.

mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain ng "ang Salita ay napakita sa katawang-tao," upang gamitin ang salitang gawing perpekto ang tao, at tanggapin ng tao ang pakikitungo sa salita at kapinuhan ng salita. Sa Kanyang mga salita Siya ang sanhi upang iyong matamo ang tadhana at matamo ang buhay; sa Kanyang salita, nakikita mo ang Kanyang gawa at mga gawain. Ginagamit ng Diyos ang salita upang kastiguhin at papinuhin ka, at samakatwid kung magdurusa ka, ito ay dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa na gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Tanging matapos ang Kanyang mga salita ay makarating sa iyo ay saka lamang makakagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban mo. at magdudulot sa iyo na dumanas ng sakit o makaramdaman ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang maaaring makapagdala sa iyo sa realidad, tanging ang salita ng Diyos ang may kakayanang gawin kang perpekto. Kung ganoon, sa paano man dapat mong maunawaan na ang gawa na ginawa ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay pangunahin ang paggamit ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang bawat tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang kastiguhin ka. … At sa gayon, sa panahon ng mga huling araw, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, pangunahin Niyang ginamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing payak ang lahat. Tanging sa Kanyang salita maaari mong makita kung ano Siya; tanging sa mga salita Niya maaari mong makita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginawa kundi ang mangusap ng mga salita-samakatwid hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, hayaan ang tao na makita ang Kanyang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao na makita ang Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. At lahat ng anong mayroon Siya at sino Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at pagka-nakakamangha ay nasa sa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming mga paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita. … Ngayon, ang totoong Diyos Mismo na nagkatawang-tao ay nangungusap, at hindi kumikilos. Ito ang katotohanan! Gumagamit Siya ng mga salita upang maging perpekto ka, at gumagamit ng mga salita upang pakanin at diligan ka. Ginagamit din Niya ang mga salita upang gumawa, at ginagamit Niya ang mga salita sa halip na mga katunayan upang malaman mo ang Kanyang realidad. Kung may kakayanan kang maramdaman ang aspetong ito ng gawain ng Diyos, samakatwid mahirap maging di-aktibo.

mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngunit ang karaniwang taong ito na nakatago sa mga tao ang siyang gumagawa ng bagong tungkulin ng pagliligtas sa atin. Hindi Niya nililinaw ang anumang bagay para sa atin, hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya dumating. Ginagawa Niya lamang ang mga gawain na kailangan Niyang gawin sa mga hakbang na alinsunod sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at mga pagbigkas ay naging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at mga babala, hanggang sa pagpapagalit at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maawain, hanggang sa mga salitang malupit at makahari-ang mga iyon ay parehong nagtatanim ng awa at pangamba sa tao. Lahat ng Kanyang sinasabi ay palaging tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan. Ang Kanyang mga salita ay kumakagat sa ating mga puso, kumakagat sa ating mga kaluluwa, at iniiwan tayong napahiya at naaba. …

Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay ang dahilan ng ating kamatayan, at ang dahilan ng ating kapanganakang-muli; Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito'y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi. Siya ay maaawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, tayo ay Kanyang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi Siya kailanman lumilisan sa ating tabi, at itinatalaga Niya ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at handang magdusa para sa atin. Sa mga salita ng maliit at karaniwang laman, tinamasa natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. …

Nagpatuloy ang pagbigkas ng Diyos, at gumamit Siya ng iba't-ibang paraan at pagtingin upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan-hindi ba't Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap.

mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Aking mga salita ay ang habambuhay na hindi nagbabagong katotohanan. Ako ang tagapanustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang kahalagahan at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi natutukoy kahit na sila man ay kinikilala at tinatanggap ng sangkatauhan, ngunit sa pamamagitan ng mga sangkap ng mga salitang mayroon sila. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang maaaring makatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang kanilang mga tulong sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na nagrerebelde, tumatanggi, o lubos na nilalait ang Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaang Aking maging saksi ang oras at mga katotohanan at ipakita na ang Aking mga salita ay ang katotohanan, daan, at buhay. Hayaang ipakita sa kanila na lahat ng Aking sinabi ay tama, at iyon ang dapat ipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ang dapat tanggapin ng tao. Hahayaan ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katotohanang ito: Sa mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang mga taong hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, at ang mga hindi kayang tanggapin ang kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahatulan ng Aking mga salita, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi kailanman malilihis ang Aking tungkod sa kanila.

mula sa “Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinakamahalaga ay kung magagawa mong matuklasan na ang Salita ay nagkatawang-tao at ang Espiritu ng katotohanan ay napatunayan sa laman--na lahat ang katotohanan, ang buhay, at ang daan ay nagkatawang-tao, at ang Espiritu ay talagang dumarating sa lupa at sa laman. Bagamat, kung pahapyaw tutuusin, ito ay lilitaw na kakaiba mula sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa gawaing ito magagawa mong makita nang malinaw na ang Espiritu ay napatunayan na sa laman, at, higit pa rito, ang Salita ay naging laman, at ang Salita ay nagpakita sa laman, at nagawa mong maintindihan ang tunay na kahulugan ng mga salitang: Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Higit pa rito, kailangan mong maintindihan na ang mga salita sa kasalukuyan ay Diyos, at dapat mong mamasdan na ang mga salita ay naging laman. Ito ang pinakamahusay na patotoo na maaari mong pagtiisan. Pinatutunayan nito na taglay mo ang tunay na kaalaman ng Diyos na naging laman--hindi mo lamang nagagawang kilalanin at suriin Siya, ngunit nababatid din na ang landas na inyong nilalakaran sa kasalukuyan ay ang landas ng buhay, at ang landas ng katotohanan. Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng "ang Salita ay kasama ng Diyos": Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng laman at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng "ang Salita ay nagkatawang-tao," nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa "ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos," at tutulutan ka na paniwalaan nang matibay na "Sa simula ay ang Salita." Na ang ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ang Diyos ay nagtataglay ng mga salita, ang Kanyang mga salita ay kasama Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at lalo pang ginawang mas malinaw ng panghuling kapanahunan ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang mga salita--na marinig ang lahat ng Kanyang mga salita. Ang gayon ay ang gawain ng panghuling kapanahunan. Dapat kang makarating sa pagkaalam sa mga bagay na ito nang lubusan. Hindi ito isang pagtatanong sa pagkilala sa laman, ngunit pagkilala sa laman at sa Salita. Ito ang kung saan dapat kang sumaksi, yaong dapat malaman ng bawat isa. Sapagkat ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao--at ang huling pagkakataon na ang Diyos ay naging laman--lubos nitong kinukumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, ganap na ipinatutupad at pinabubukal ang lahat ng gawain ng Diyos sa laman, at tinutuldukan ang panahon ng pagiging laman ng Diyos.

mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.

Marahil, sa ngayon, ikaw ay nagnanais makatanggap ng buhay, o marahil ikaw ay nagnanais na makamtan ang katotohanan. Anupaman ang kalagayan, nais mong hanapin ang Diyos, hanapin ang Diyos na maaari mong maasahan, at kayang magbigay sa iyo ng buhay na walang hanggan. Kung nais mong makamtan ang buhay na walang hanggan, dapat mong maintindihan ang pinanggalingan ng buhay na walang hanggan, at malaman muna kung nasaan ang Diyos. Akin nang nabanggit na ang Diyos lang ang buhay na di-nababago, at ang Diyos lang ang nagaangkin sa daan ng buhay. Dahil ang Kanyang buhay ay di-nababago, ganoon din ito ay walang hanggan; dahil ang Diyos lang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Dahil dito, dapat maintindihan mo muna kung nasaan ang Diyos, at kung paano makakamtan ang daan ng buhay na walang hanggan. Pagsamahan natin ngayon ang tungkol sa dalawang usapin na ito nang magkabukod.

Kung talagang nais mong makamtan ang daan ng buhay na walang hanggan, at kung ikaw ay masigasig sa pagtuklas nito, sagutin mo muna ang tanong na ito: Nasaan ang Diyos ngayon? Maaring isagot mo na ang Diyos ay nakatira sa langit, siyempre—Siya ay hindi titira sa bahay mo, hindi ba? Maaring sabihin mo na, ang Diyos ay halatang naninirahan sa lahat ng mga bagay. O maaari mo ring masabi na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng bawat tao, o na ang Diyos ay nasa espirituwal na mundo. Hindi ko ipinagkakaila ang alinman sa mga ito, ngunit dapat kong linawin ang paksang ito. Hindi lubos na tamang sabihin na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng tao, ngunit hindi rin ito lubos na mali. Ito ay sa kadahilanang, sa gitna ng mga nananalig sa Diyos, may mga taong ang paniniwala ay totoo at mayroon namang ang paniniwala ay mali, mayroon ding mga sinasang-ayunan ang Diyos at may mga hindi Niya sinasang-ayunan, mayroon ding mga tao na nagbibigay-lugod sa Kanya at may mga kinamumuhian Niya, at mayroong mga ginagawa Niyang perpekto at may mga inaalis Siya. At sa gayon sinasabi ko na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng mga ilang tao lang, at ang mga taong ito ay mga walang-dudang mga tunay na naniniwala sa Diyos, sila ay sinasangayunan ng Diyos, sila ay nakalulugod sa Kanya, at sila ay ginagawa Niyang perpekto. Sila ang mga pinatnubayan ng Diyos. Dahil sila ay pinatnubayan ng Diyos, kung gayon sila ang mga tao na nakadinig at nakakita na ng daan ng Diyos sa buhay na walang hanggan. Ang mga tao na mali ang pagkakilala sa Diyos, silang mga hindi sinang-ayunan ng Diyos, silang mga kinamuhian ng Diyos, silang mga naalis ng Diyos—sila ay nauukol na itakwil ng Diyos, nauukol na maiwan na wala ang daan ng buhay, at nauukol na manatiling mangmang sa kung nasaan ang Diyos. Sa kabalintunaan, yaong sa mga puso’y naninirahan ang Diyos alam kung nasaan Siya. Sila ang mga taong kung kanino ipinagkaloob ng Diyos ang daan ng buhay na walang hanggan, at sila ang mga sumusunod sa Diyos. Ngayon, alam mo na ba, kung nasaan ang Diyos? Ang Diyos ay nasa puso ng tao at nasa kanyang tabi. Siya ay hindi lang nasa espirituwal na mundo, at nangingibabaw sa lahat, ngunit mas higit pa sa lupa kung saan umiiral ang tao. At sa gayon ang pagdating ng mga huling araw ay nagdala sa mga hakbang ng gawain ng Diyos sa panibagong teritoryo. Ang Diyos ang may paghahari sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, at Siya ang pangunahing salik ng tao sa kanyang puso, at bukod pa rito, Siya ay umiiral kasama ng mga tao. Sa pamamagitan lang nito maihahatid Niya ang daan ng buhay sa sangkatauhan, at maihahatid ang sangkatauhan sa daan ng buhay. Ang Diyos ay dumating sa lupa, at namumuhay kasama ng mga tao, upang ang tao ay makamtan ang daan ng buhay, at sa gayon ang tao ay maaring umiral. Kasabay nito, ang Diyos ay pinamumunuan ang lahat ng bagay sa buong sansinukob, upang sila ay maaring tumulong sa Kanyang pamamahala sa mga tao. At sa gayon, kung ikaw lang ay kinikilala ang doktrina na ang Diyos ay nasa langit at nasa puso ng tao, ngunit hindi mo kinikilala ang katotohanan ng pag-iral ng Diyos sa mga tao, kung gayon hindi mo kailanman makakamtan ang buhay, at hindi mo kailanman makakamtan ang daan ng katotohanan.

Ang Diyos Mismo, at ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga salita, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang sustansiya ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang sustento ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihayag ng Diyos nang Siya ay nagtungo sa lupa at namuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, buhay, kalooban ng Diyos, at Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon sa ngayon, sa gayon ikaw ay isang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Ito ay dahil sa ikaw ay laging naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon ikaw ay hindi maipagkakaila na isang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa pagkatotoo. Kapag ngayon ikaw ay nananatiling nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, gayon ikaw ay tulad ng isang walang buhay at walang pag-asa,[a] dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagkat Siya ang may taglay ng sangkap ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may katalinuhan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga mapanlinlang. Si Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, ngunit sa halip, ang partikular na katawang-tao na kinuha ng Diyos habang ginagawa Niya at tinatapos ang Kanyang gawain sa sangkatauhan. Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at kayang kumatawan sa Diyos, at magbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, silang mga huwad na Cristo ay babagsak lahat, dahil kahit na sila ay umaangkin na maging Cristo, sila ay walang tinataglay na sangkap ng pagiging Cristo. Dahil dito, sinasabi ko na ang katunayan ni Cristo ay hindi kayang ihayag ng tao, ngunit ito ay nasagot at napagpasiyahan ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung ikaw ay tunay na nagnanais magsasaliksik sa daan ng buhay, narararapat na kilalanin mo muna na sa pamamagitan ng pagpunta sa lupa naipagkakaloob Niya ang daan ng buhay sa tao, at dapat mong kilalanin na sa mga huling araw na Siya ay pumarito sa lupa upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao. Ito ay hindi ang nakalipas; ito ay nangyayari ngayon.

Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Paano, gayon, nila makikita ang Diyos? Kung ikaw ay sumusubok lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—ngunit ikaw ay nakaupo at walang imik na naghihintay ng kapahamakan, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na nilalang na sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita ng mga nanilaw sa luma mong libro patawid sa panibagong panahon? Paano ka nila papatnubayan sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga nasusulat na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga nakakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga magiging daan na maghahatid sa iyo sa pagka-perpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa iyo ng pagbubulay bulay? Hindi ba nito maipaunawa sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? Ikaw ba ay may kakayahan na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang magalak sa kapamilyang kasiyahang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, kung sino ang umaakay sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi, hindi mo makakamtan ang katotohanan kailanman, at hindi kailanman makakamtan ang buhay.

Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinaka-hibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guniguni. At sa gayon sinasabi ko na ang mga tao na hindi tatanggap kay Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Ikaw ay naniniwala sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Si Cristo ay darating sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kanya ay mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng sinaunang panahon at ang pagpasok sa bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng mga papasok sa bagong panahon. Kapag ikaw ay walang kakayanang magpasalamat sa Kanya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon ikaw ay nakatakdang masunog magpakailanman, at hindi kailanman papasok sa kaharian ng Diyos. Para dito si Cristo Sarili Niya ay ang kapahayagan ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kanyang gawain sa lupa. At gayon sinasabi ko sa iyo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. Ako ay nagsasabi rin sa iyo na kapag ikaw ay lumaban kay Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, sa gayon walang sinuman ang may kakayanan na magpasan ng mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito ikaw ay hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo ko sa lahat na huwag ilabas ang iyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang magdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang magpapahintulot na ikaw ay maipanganak muli at makita ang mukha ng Diyos.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao