Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.