Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na totoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na totoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 25, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."

Higit pang pansin:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan


Ene 1, 2018

Awit ng Papuri | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal




Kidlat ng SilangananAwit ng Papuri | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal

I
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao'y 'di laruan para sa Kanya.
II
Diyos ang Tagapaglikha at ang tao'y Kanyang nilikha.
Tila iba ang hanay,
ngunit lahat ng gawa ng Diyos ay higit pa sa kanilang ugnayan.
Mahal ng Diyos ang tao, laging alaga't malasakit binibigay.
Walang kapaguran, Siya'y nagbibigay,
hindi ramdam ang kalabisan,
o na kailangan Niya ng pagkilala.


Okt 14, 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos


Kidlat ng Silanganan | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

  Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao ay naging manhid at mapurol ang pag-iisip, isang demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang sa ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay naitala sa mga aklat ng kasaysayan kung saan hindi man lang kayang isalaysay nang buo ng tao ang kaniyang mga mapag-alsang gawi—sapagkat ang tao ay talagang itiniwali na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas na anupa’t hindi na malaman saan siya tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kaniya, at kapag hindi niya nakikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon ngang ibang nakasaksi na sa sumpa ng Diyos at sa poot ng Diyos, pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya masasabi ko na ang katinuan ng tao ay wala na sa likas nitong kaukulan, at ang katinuan ng tao, gayundin, ay wala na sa likas nitong kaukulan. Ang tao na Aking itinatangi ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man siya magmukhang kahabag-habag, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagkat ang tao ay wala nang unawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng kung ano ang totoo at di totoo. Ang Katinuan ng tao ay naging manhid, ngunit siya ay patuloy na naghahangad ng mga pagpapala; ang kaniyang pagkatao ay naging masyadong walang-dangal ngunit naghahangad pa rin siya na taglayin ang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya sa gayong katauhan uupo sa isang trono? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais na makamtan ang mga pagpapala, ipinapayo Kong humarap muna kayo sa salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na anyo—taglay mo ba ang katangian ng pagiging hari? Taglay mo ba ang katangian ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala ka pa ring mga ginawa ni katiting na pagbabago sa iyong mga disposisyon at hindi mo isinasagawa ang katotohanan, ngunit ikaw ay naghahangad pa rin ng isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo lang ang iyong sarili! Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay sinira na nang labis ng lipunan, siya ay inimpluwensiyahan ng mga etikang pyudal, at tinuruan sa “mga dalubhasaan.” Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pagkakaintindi sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng mga bagay na ito ay ang matinding nanghimasok sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kaniyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay lalong lumayo sa Diyos, at lalong naging tutol sa Kaniya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawat araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na magpakalugi para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa kaanyuan ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa katiwalian ng laman sa pusali. Marinig man nila ang katotohanan, ang mga nananahan sa kadiliman ay hindi mag-iisip isagawa ito, ni hindi nakahandang matamo ang Diyos kahit na Siya ay kanila pang makita. Papaanong ang isang sangkatauhan na ubod nang sama ay magkakaroon ng pag-asa sa kaligtasan? Papaanong ang isang sangkatauhan na napakasama ay mabubuhay sa liwanag?

Set 17, 2017

Eastern Lightning | Xiaozhen's Story | Musical Drama


Eastern Lightning | Xiaozhen's Story | Musical Drama

Xiaozhen used to be a pure, kind-hearted Christian, who always treated her friends sincerely. However, when it was to their benefit, her former friends became her enemies. After suffering this tragedy, Xiaozhen was forced to abandon her true heart and her former principles. She began to betray her own good conscience and good spirit, and wallowed in the mire of the evil world. … As she fell from grace and walked a path of depravity, she was trampled by the world and became riddled with scars and bruises. She had reached a dead end, and at her point of despair when she had given up all hope, Almighty God's sincere call finally awakened Xiaozhen's heart and spirit …

Ago 30, 2017

Kidlat-ng-Silanganan | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos , Jesus, awtoridad


Kidlat-ng-Silanganan | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

I
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.