Kidlat ng Silanganan | Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig
Ang hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo ay ang unang hakbang ng gawain ng panlulupig; ito ang kasalukuyang ikalawang hakbang ng gawain ng panlulupig. Bakit tinatalakay ang pagka-perpekto sa gawain ng panlulupig? Pagtatayo ito ng isang saligan para sa hinaharap—ito ang kasalukuyang huling hakbang sa gawain ng panlulupig, at pagkatapos nito, sila ay sasailalim sa malaking kapighatian, at sa panahong iyon ang gawain sa pagperpekto sa mga tao ay opisyal na magsisimula. Ang pangunahing bagay ngayon ay paglupig; gayunman, ito rin ang unang hakbang ng pagperpekto, pagperpekto sa pagkaunawa at pagkamasunurin ng mga tao, na syempre ay pagtatatag pa rin ng isang saligan para sa gawain ng panlulupig. Kung gusto mong maging perpekto, kailangan mong makapanindigan sa gitna ng kapighatian sa hinaharap at ilagay ang iyong buong lakas sa pagpapalawak sa susunod na hakbang ng gawain. Ito ay pagiging perpekto, at iyon ang punto kung kailan ang mga tao ay lubos na makakamit ng Diyos. Ang tinatalakay sa sandaling ito ay pagkalupig, na siya ring pagiging perpekto; gayunman, ang ginagawa sa ngayon ay ang saligan ng pagiging perpekto sa hinaharap. Upang gawing perpekto, ang mga tao ay kailangang makaranas ng kahirapan, at kailangang maranasan nila ito sa saligan ng pagkalupig. Kung hindi taglay ng mga tao ang kasalukuyang saligang ito, kung hindi sila lubusang nalupig, kung gayon magiging mahirap para sa kanila na makapanindigan sa susunod na hakbang. Ang pagkalupig lamang ay hindi pagtatamo ng panghuling layunin—ito ay pagsaksi lamang para sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang pagiging perpekto ay ang panghuling layunin, at kung hindi ka pa ginawang perpekto, kung gayon ikaw ay ibibilang na walang saysay. Sa pagsagupa sa kahirapan sa hinaharap, sa gayon lamang maaaring makita ang totoong tayog ng mga tao, iyon ay, ang totoong kadalisayan ng iyong pag-big sa Diyos ay makikita. Ngayon, sinasabi ng lahat ng mga tao: “Maging anuman ang gawin ng Diyos kami ay susunod, at kami ay nakahandang maging mga pagkakaiba, upang itakda ang pagiging makapangyarihan ng Diyos, disposisyon ng Diyos. Hindi alintana kung ipagkaloob man Niya o hindi ang Kanyang biyaya sa amin o isumpa man Niya kami o hatulan kami, pasasalamatan namin Siya.” Ang pagsasabi mo nito ngayon ay isa lamang munting pagkaunawa, ngunit kung ito ay maaaring gamitin sa realidad ay nakabatay kung ang iyong pagkaunawa ay tunay na makatotohanan. Na ngayon ay nakita at naunawaan ng mga tao ang mga bagay na ito ay ang tagumpay ng gawain ng panlulupig; maaari ka mang gawing perpekto o hindi ay pangunahing makikita kapag dumating ang kahirapan sa iyo. Sa panahong iyon makikita kung mayroon kang dalisay na pag-ibig sa iyong puso na para sa Diyos o wala, at kung mayroon ka talagang dalisay na pag-ibig para sa Kanya, sasabihin ninyong: “Kami ay mga pagkakaiba lamang; kami ay mga nilikha sa mga kamay ng Diyos.” At kapag iyong ipalalaganap ang ebanghelyo sa ibang mga bansa, iyong sasabihing: “Isa lamang akong taga-serbisyo at dahil sa aming tiwaling mga disposisyon kaya nagsalita nang marami sa amin ang Diyos kaya nakita namin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kung hindi sinabi ng Diyos ang gayong mga bagay hindi namin magagawang makita Siya, hindi namin matitikman ang Kanyang karunungan, at hindi kami makapagtatamo ng gayong kadakilang kaligtasan, ng gayong kalaking pagpapala.” Kung talagang pinanghahawakan ninyo ang gayong pananaw, kung gayon mainam ang inyong ginagawa. Nakapagsabi na kayo ngayon ng napakaraming mga bagay kaagad at palagi ninyong isinisigaw ang mga sawikaing: “Kami’y mga pagkakaiba at mga taga-serbisyo; kami ay nakahandang lupigin at maging maugong na mga saksi para sa Diyos ….” Hindi maaaring ipagsigawan lamang ang gayon at tapos na ito, at patunayan na ikaw ay isang tao na mayroong tayog. Kailangan mong magkaroon ng tunay na pagkaunawa, at ang iyong pagkaunawa ay kailangang subukin.
Balikan ang mga karanasan sa panahong ito at muling tumingin sa mga bagay na Aking sinabi, at pagkatapos ay ihambing ang mga ito sa kung ano ang iyong ginagawa. Totoo talaga na ikaw ay isang lubos na pagkakaiba! Anong antas ng pagkaunawa ang mayroon ka ngayon? Ang iyong mga ideya, mga saloobin, pag-uugali, ang iyong mga salita at mga pagkilos, ang lahat ng iyong isinasabuhay—hindi ba lahat ng mga ito ay isa lamang pagkakaiba para sa pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos? Hindi ba ang lahat ng ibinubunyag sa kasalukuyang mga salita ng Diyos ay tungkol sa tiwaling disposisyon ng sangkatauhan? Ang matuwid na disposisyon at kabanalan ng Diyos ay ipinakikita sa pamamagitan ng iyong mga ideya at iyong mga motibo, at sa pamamagitan ng kung ano ang iyong ibinubunyag. Siya, na naninirahan din sa lupaing marumi, ay hindi namantsahan ng dumi kahit kaunti. Siya ay naninirahan sa kaparehong maruming mundo kagaya mo, ngunit nagtataglay Siya ng katuwiran at pagkaunawa; kinasusuklaman Niya ang marumi. Ikaw mismo ay hindi magawang makita ang maruruming bagay sa iyong sariling mga salita at mga pagkilos ngunit magagawa Niya—maipakikita Niya ang mga ito sa iyo. Yaong mga lumang bagay sa iyo—ang iyong kawalan ng paglinang, kaunawaan, at katinuan, ang iyong paurong na paraan ng pamumuhay—lahat ay natuklasan sa pamamagitan ng Kanyang paghahayag sa mga ito sa ngayon. Ang Diyos ay dumating sa lupa upang gumawa sa ganitong paraan, upang makita ng mga tao ang Kanyang kabanalan at Kanyang matuwid na disposisyon. Hinahatulan at kinakastigo ka Niya at ipinauunawa ang iyong sarili. May mga pagkakataon na lumilitaw ang iyong napakasamang kalikasan at maaari Niyang ipakita ito sa iyo. Nababatid Niya ang katuturan ng sangkatauhan kagaya ng likod ng Kanyang kamay. Namumuhay din Siyang kagaya ng ginagawa mo, kinakain ang pagkain kagaya ng kinakain mo, naninirahan sa kaparehong tahanan kagaya mo, subalit mas marami Siyang nalalaman kaysa sa iyo. Ngunit ang pinakakinamumuhian Niya ay ang mga pilosopiya sa buhay ng mga tao at ang kanilang kalikuan at panlilinlang. Kinamumuhian Niya ang mga bagay na ito at hindi Siya nakahandang kilalanin ang mga ito. Pangunahin Niyang kinamumuhian ang mga makalamang pakikihalubilo ng sangkatauhan. Bagamat hindi Niya ganap na nauunawaan ang ilan sa pangkalahatang kaalaman ng mga pakikihalubilo ng mga tao, lubos Niyang nababatid kapag inihahayag ng mga tao ang ilan sa kanilang tiwaling disposisyon. Sa Kanyang gawain, sinasabihan Niya at tinuturuan ang mga tao sa pamamagitan ng mga bagay na ito sa kanila, at sa pamamagitan ng mga ito Niya hinahatulan ang mga tao at ibinubunyag ang Kanyang matuwid at banal na disposisyon. Sa ganitong paraan nagiging mga pagkakaiba ang mga tao para sa Kanyang gawain. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagbubunyag ng lahat ng uri ng mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at lahat ng mga pangit na mukha ni Satanas. Hindi ka Niya pinarurusahan, gagawin ka lamang Niyang isang pagkakaiba para sa kabanalan ng Diyos, at pagkatapos ay hindi ka makapaninindigan sa iyong sarili sapagkat masyado kang marumi. Siya ay nagsasalita sa pamamagitan ng mga bagay na ibinubunyag ng mga tao at inihahayag Niya ang mga ito upang malaman ng mga tao kung gaano kabanal ang Diyos. Hindi Niya palalampasin maging ang katiting na dumi sa mga tao, hindi maging ang pinakamaliit na ideyang marumi sa kanilang mga puso o mga salita at mga pagkilos na hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, walang dumi sa kaninumang tao at bagay ang matitira—lahat ng ito ay mahahayag. Sa gayon mo lamang makikita na Siya ay tunay na naiiba mula sa mga tao. Siya ay lubos na nagagalit maging sa katiting na dumi sa sangkatauhan. May mga pagkakataon na hindi pa nauunawaan ng mga tao, st sinasabing: “Bakit Ikaw ay palaging galit? O Diyos, bakit hindi Ka mapagbigay sa mga kahinaan ng sangkatauhan? Bakit wala Kang kaunting pagpapatawad para sa sangkatauhan? Bakit masyado Kang hindi mapagbigay sa tao? Nababatid Mo kung gaano katiwali ang mga tao, kaya bakit tinatrato Mo pa rin ang mga tao sa ganitong paraan?” Siya ay nasusuklam sa kasalanan; namumuhi Siya sa kasalanan. Partikular Siyang nasusuklam sa anumang pagiging rebelyoso na maaring mayroon ka. Kapag naghahayag ka ng isang rebelyosong disposisyon Siya ay nagagalit nang husto. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito kaya ang Kanyang disposisyon at pagiging Diyos ay maipapahayag. Kapag inihambing mo ito sa iyong sarili, makikita mo na bagamat kumakain Siya ng kaparehong pagkain, nagsusuot ng kaparehong pananamit, at mayroon Siyang kaparehong mga kagalakan kagaya ng sa mga tao, bagamat nakikipamuhay Siya katabi at kasama ng sangkatauhan, hindi Siya pareho. Hindi ba ito ang talagang kahulugan ng pagiging isang pagkakaiba? Sa pamamagitan ng mga bagay na ito sa mga tao kaya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay nakikita nang napakalinaw; ang kadiliman ang nagtakda sa napakahalagang pag-iral ng liwanag.
Syempre hindi Niya nilayong gamitin kayo bilang isang pagkakaiba, ngunit nang ang gawaing ito ay nagpakita ng mga resulta, ipinakikita nito ang pagiging rebelyoso ng sangkatauhan bilang isang pagkakaiba para sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Dahil kayo ay gumanap bilang mga pagkakaiba kaya mayroon kayong pagkakataon upang malaman ang likas na pagpapahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Dahil sa inyong sariling pagiging rebelyoso kaya kayo ay isinailalim sa paghatol at sa pagkastigo, ngunit dahil din sa inyong pagiging rebelyoso kaya kayo gumanap bilang mga pagkakaiba at nakamit ang napakalaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa inyo. Ang inyong pagiging rebelyoso ang siyang isang pagkakaiba para sa pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, at dahil dito kaya ninyo natamo ang gayong kadakilang kaligtasan, ang gayong kalaking pagpapala. Bagamat paulit-ulit ninyong tinanggap ang Aking paghatol, nagtamo din kayo ng dakilang kaligtasan na hindi natanggap kailanman ng mga nauna sa inyo. Ang gawaing ito ay totoong makahulugan para sa inyo. Ang “pagkakaiba” na ito ay talagang masyadong mahalaga para sa inyo—dahil sa pagganap bilang mga pagkakaiba kaya ninyo natamo ang kaligtasan at biyaya. Hindi ba napakahalaga ng pagiging ganitong uri ng pagkakaiba? Hindi ba ito totoong napakamakahulugan? Ito ay dahil sa kayo ay nakatira sa kaparehong kaharian ng Diyos, sapagkat nabubuhay kayong kasama Niya sa lupaing marumi na ito na kayo ay naging Kanyang mga pagkakaiba at nagkamit ng gayong kahanga-hangang kaligtasan. Kung hindi Siya naging tao, sino ang mahahabag sa inyo, at sino ang kakalinga sa inyong mga abang tao? Sino ang magmamalasakit sa inyo? Kung ang Diyos na nagkatawang tao ay hindi gumagawa sa gitna ninyo, hanggang saan ninyo magagawang makamit ang kaligtasang ito na hindi kailanman tinaglay ng sinuman noong una? Kung hindi Ako naging tao upang magmalasakit para sa inyo at upang hatulan ang inyong mga kasalanan, hindi ba matagal na panahon na kayong nahulog sa Hades? Kung hindi Ako naging tao upang ibaba ang Aking Sarili sa gitna ninyo, anong karapatan ang matataglay ninyo upang maging isang pagkakaiba para sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba gumaganap kayo bilang mga pagkakaiba sapagkat Ako ay naging tao sa gitna ninyo upang makapagkamit kayo ng gayong kadakilang kaligtasan? At hindi ba iyon lubusang dahil sa Ako ay naging tao? Kung hindi sa pakikipamuhay ng Diyos na nagkatawang-tao sa gitna ninyo, magagawa ba ninyong matuklasan na kayo ay nabubuhay sa isang impiyerno sa lupa, malala kaysa sa isang baboy o isang aso? Hindi ba ang paghatol at pagkastigo na inyong natamo ay dahil kayo ay mga pagkakaiba para sa Aking gawain sa laman? Ang gawain ng pagiging pagkakaiba ay talagang angkop para sa inyo sapagkat inyong natamo ang pagliligtas ng paghatol ng Diyos dahil dito. Hindi ba ninyo nadarama na ito ang pagpapala sa inyong buhay na makaganap kayo bilang isang karapat-dapat na pagkakaiba? Lahat ng inyong ginawa ay ang gawain ng pagiging mga pagkakaiba, ngunit nagkamit kayo ng kaligtasan na kailanman ay hindi kayo nagkaroon o inisip noong nakaraan. Ang pagiging isang pagkakaiba ay ang inyong tungkulin ngayon, at ang walang hanggang mga pagpapala na inyong matatamasa sa hinaharap ang magiging gantimpala na nararapat sa inyo. Ang kaligtasang inyong natamo ay hindi panandaliang pagkaunawa o kaalaman sa kasalukuyan, ngunit ito ay higit na dakilang pagpapala, isang walang hanggang pagpapatuloy ng buhay. Bagamat sa pamamagitan ng pagiging isang pagkakaiba kaya kayo nilupig, dapat ninyong malaman na ang kaligtasang ito, ang pagpapalang ito ay lubusang para makamit kayo; ito ay paglupig at gayundin upang mas mahusay kayong mailigtas. Ang pagiging pagkakaiba ay isang katotohanan, ngunit dahil sa inyong pagiging rebelyoso kaya kayo ay mga pagkakaiba at nakamit ang mga pagpapala na walang sinumang nakakamit kailanman. Ngayon nakakikita kayo at nakaririnig, at bukas kayo ay magkakamit, at makatatanggap ng higit na malalaking biyaya. Kaya hindi ba ang pagiging ganitong uri ng pagkakaiba ang pinakamahalagang bagay? Sa pamamagitan ng pagkakaiba ng inyong mga rebelyosong disposisyon kaya ang kasalukuyang gawain ng panlulupig ay nagbubunga, iyon ay, ang rurok ng ikalawang pagkastigo at paghatol ay upang gawin ang inyong maruming pagiging rebelyoso sa isang pagkakaiba para makita ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kung kayo ay muling magiging masunurin sa ikalawang pagkastigo at paghatol, ang Kanyang kabuuang matuwid na disposisyon ay lantarang mabubunyag sa inyo. Iyon ay, ang panahon ng pagwakas ng inyong pagsailalim sa gawain ng panlulupig ay kapag inyo nang natupad ang inyong tungkulin bilang pagiging isang pagkakaiba. Hindi ito sinadyang pagsasampal ng bansag sa inyo, ngunit ito ay pagkumpleto sa unang gawain ng paglupig sa pamamagitan ng inyong papel bilang mga taga-serbisyo, ibinubunyag ang matuwid, di-masasaktang disposisyon ng Diyos. Sa inyong pagganap bilang isang pagkakaiba, sa inyong pagiging rebelyoso bilang isang pagkakaiba, ang mga bunga ng ikalawang gawain ng panlulupig ay natamo. Ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi ganap na nabunyag sa inyo noong una ay nabuksan sa inyo ngayon upang makita ninyo ang Kanyang kabuuang matuwid na disposisyon, makita ang lahat ng kung ano Siya, na siyang karunungan ng Kanyang gawain, ang hiwaga, at ang kabanalan at kadalisayan. Ang mga bungang ito ng Kanyang gawain ay natamo sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga panahon ng paglupig gayundin ng magkakaibang antas ng paghatol. Habang lalong naaabot ng Kanyang paghatol ang rurok nito, lalong mas nahahayag Niya ang pagiging rebelyoso ng disposisyon ng mga tao at lalong nagagawa Niyang makamit ang resulta ng paglupig. Ang lahat ng Kanyang matuwid na disposisyon ay nabubunyag mula sa gitna ng ganitong uri ng gawaing paglupig. Ang gawain ng panlulupig ay pinaghiwalay sa dalawang mga hakbang na ipinatutupad sa iba’t-ibang mga panahon at sa magkakaibang mga antas. At syempre ang mga resulta na natatamo ay magkakaiba rin; iyon ay, ang antas ng pagiging masunurin ng mga tao ay lalong lumalalim. Mula sa pagkakataong ito magiging possible na sa wakas na dalhin ang mga tao sa tamang landas ng pagiging perpekto. Pagkatapos na ang lahat ng gawain ng panlulupig ay makumpleto (kapag natamo ng ikalawang paghatol ang pinakahuli nitong mga resulta) hindi na sa wakas hahatulan ng Diyos ang mga tao, ngunit papapasukin sila sa tamang landas ng pagdanas ng buhay. Ito ay sapagkat kinakatawan ng paghatol ang paglupig, at ang anyo ng paglupig ay paghatol at pagkastigo.
Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa pinakamaralita at pinakamaruming lugar na maaari Niyang ibunyag ang kabuuan ng Kanyang banal at matuwid na disposisyon. At sa paanong paraan binubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon? Sa pamamagitan paghatol sa mga kasalanan ng mga tao, paghatol kay Satanas, pagkasuklam sa mga kasalanan, at pagkamuhi sa Kanyang mga kaaway na naghihimagsik at kumakalaban sa Kanya. Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging rebelyoso ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kalikuan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng mga bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging rebelyoso ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging rebelyoso, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha. Kinakatawan ng Kanyang kabanalan ang Kanyang matuwid na disposisyon; sa katunayan ang Kanyang kabanalan ay ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang pinagmumulan ng Aking mga salita sa kasalukuyan ay pagsasalita, paghatol, ang paggawa ng gawain ng panlulupig batay sa inyong tiwaling mga disposisyon. Ito lamang ang totoong gawain, at ito lamang ang makapaglalagay sa kabanalan ng Diyos sa kapahingaan. Kung hindi ka nagkaroon kailanman ng tiwaling disposisyon, hindi ka hahatulan ng Diyos, hindi mo rin magagawang makita ang Kanyang matuwid na disposisyon. At dahil ikaw ay mayroong isang tiwaling disposisyon, hindi ka pakakawalan ng Diyos. Sa pamamagitan nito na nabubunyag ang Kanyang kabanalan. Kung ang karumihan at ang pagiging rebelyoso ng tao ay masyadong matindi at nakita Niya ito ngunit hindi Siya umimik at hindi ka hinatulan o kinastigo ka para sa iyong pagiging hindi matuwid, ipakikita nito na hindi Siya Diyos kailanman sapagkat hindi Niya kinamumuhian ang kasalanan, ngunit Siya ay magiging marumi lamang kagaya ng sangkatauhan. Ang Aking paghatol sa iyo sa kasalukuyan ay dahil sa iyong karumihan; Ang Aking pagkastigo sa iyo sa kasalukuyan ay dahil sa iyong katiwalian at pagiging rebelyoso. Hindi ito upang magkamit ng kapangyarihan at karangalan sa gitna ninyo o sadyaing sindakin kayo, ngunit dahil kayo na naninirahan sa isang lupaing marumi ay nadungisan ng napakaraming karumihan. Basta na lamang ninyo nawala ang inyong karangalan, ang inyong pagkatao, at hindi kayo naiiba sa baboy na naninirahan sa pinakamababahong mga lugar. Dahil sa mga bagay na ito sa inyo kaya kayo hinahatulan at kaya ang Kanyang matinding galit ay dumadalaw sa gitna ninyo. Dahil sa mga paghatol na ito kaya nagagawa ninyong makita na ang Diyos ay isang Diyos na matuwid, na ang Diyos ay ang Diyos na banal. Dahil sa Kanyang kabanalan at pagiging matuwid kaya Niya kayo hinatulan at dumalaw ang Kanyang matinding galit sa inyo. Sapagkat maaari Niyang ibunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita ang pagiging rebelyoso ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ibunyag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito upang ipakita na Siya ay Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit naninirahan din sa lupaing marumi. Kung Siya ay isang tao na dinudungisan ang sarili niya kasama ng iba pa at kung wala Siyang anumang mga elemento ng kabanalan o isang matuwid na disposisyon, hindi Siya magiging karapat-dapat para manghatol sa pagiging hindi matuwid ng sangkatauhan o maging hukom ng sangkatauhan. Kung hahatulan ng tao ang tao, hindi ba ito magiging parang pagsampal sa kanilang sariling mukha? Paano nagkaroon ang isang tao ng karapatan para hatulan ang kaparehong tao, na kasingdumi lamang nila? Ang kaisa-Isa na maaaring humatol sa lahat ng maruming sangkatauhan ay ang banal na Diyos Mismo, at paano magagawang hatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano magkakaroon ng kakayahan ang tao na makita ang mga kasalanan ng tao, at paano sila magiging karapat-dapat na hatulan ang tao? Kung hindi tinaglay ng Diyos ang karapatan na hatulan ang mga kasalanan ng tao, kung gayon paano Siya naging ang matuwid na Diyos Mismo? Kapag ang tiwaling mga disposisyon ng mga tao ay nabunyag, Siya ay nagsasalita upang hatulan sila, at sa gayon lamang nila makikita na Siya ay banal. Ang paghatol, pagkastigo, at pagbubunyag ng mga kasalanan ng sangkatauhan—walang isa mang tao o bagay ang makaliligtas sa paghatol na ito. Ang lahat ng marumi ay Kanyang hahatulan. Tanging sa pamamagitan nito kaya ang Kanyang disposisyon ay masasabing matuwid. Kung hindi, paano masasabing karapat-dapat kayong tawaging mga pagkakaiba?
Ang gawaing ginawa sa Israel ay lubhang naiiba mula sa kasalukuyang gawain. Ginabayan ni Jehova ang kanilang mga buhay ngunit hindi gaanong hinatulan o kinastigo nang kagaya ng kung ano ang ginagawa sa ngayon sapagkat sa panahong iyon, masyadong kaunti ang nalalaman ng mga tao ukol sa mga bagay sa mundo at mayroong kaunting mga tiwaling disposisyon. Sa panahong iyon, ang mga Israelita ay masunurin kay Jehova sa lahat ng paraan. Kung pagpapatayuin Niya sila ng dambana magkukumahog sila sa paggawa nito, at kung papagsusuotin sila ng mga damit ng mga pari sila ay susunod. Sa panahong iyon si Jehova ay para lamang pastol nila na pinapastol ang isang kawan ng mga tupa sa lupa, at sumusunod lahat ng mga tupa kung saan dadalhin ng pastol upang kumain ng damo sa pastulan. Ginabayan ni Jehova ang kanilang mga buhay; Siya ang gabay para sa kanilang pagkain, kasuotan, masisisulungan, at transportasyon. Hindi yaon ang panahon para sa pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos sapagkat ang mga tao sa panahong iyon ay mga bagong panganak, at mayroong kakaunting mga tao na mga rebelyoso o lumalaban, at sila ay hindi gaanong marungis. Kaya hindi sila maaaring maging mga pagkakaiba para sa disposisyon ng Diyos. Ang kabanalan ng Diyos ay ibinubunyag sa mga tao sa isang lupaing marumi. At ngayon ang karumihang nabunyag ng mga tao sa lupaing marumi ang hinahatulan ng Diyos. Sa ganitong paraan, kung ano Siya ang Kanyang ipinahayag lamang sa Kanyang paghatol. At bakit Siya humahatol? Sapagkat Siya ay nagagalit sa kasalanan, at kaya nagagawa Niyang magbigay ng mga salita ng paghatol. Kung hindi Siya nagagalit sa pagiging rebelyoso ng sangkatauhan, Siya ba ay mapopoot? Kung walang pagkagalit, walang pagkayamot sa loob Niya, kung ang mga tao ay rebelyoso ngunit hindi Niya pinansin, ipakikita niyon na Siya ay kasingdumi lamang ng sangkatauhan. Ang dahilan kaya nagagawa Niyang hatulan at kastiguhin ang sangkatauhan ay dahil nagagalit Siya sa karumihan. Ang lahat ng bagay na Kanyang ikinagagalit ay kung ano ang hindi Niya taglay sa Sarili Niya. Kung Siya ay mayroon ding paglaban at pagiging rebelyoso sa loob ng Sarili Niya, hindi Siya magagalit sa mga lumalaban at rebelyosong mga tao. Kung ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay ginagawa pa rin sa Israel ni hindi ito magkakaroon ng kabuluhan. Bakit ang gawain sa mga huling araw ay isinasagawa sa Tsina, ang pinakamadilim, ang pinakaaba sa mga lugar? Ito ay upang ibunyag ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos. Sa madaling sabi, habang lalong dumidilim ang isang lugar lalong mas mahusay nitong mapagniningning ang isang ilaw sa Kanyang kabanalan. Ang katotohanan ay ang paggawa sa lahat ng ito ay para sa kapakanan ng gawain ng Diyos. Ngayon lamang ninyo nalalaman na ang Diyos sa langit ay bumaba sa lupa at tumatayo sa gitna ninyo, at Siya ay naihambing sa inyong karumihan at pagiging rebelyoso, upang nagsimula na kayong magkaroon ng isang pagkaunawa sa Diyos—hindi ba ito isang malaking pagpapatibay? Ang totoo kayo ay isang grupo ng mga piniling tao sa Tsina, at sapagkat ang mga taong ito ay pinili at natamasa ang biyaya ng Diyos, at sapagkat ang mga taong ito ay hindi karapat-dapat magtamasa sa Kanyang biyaya, ipinakikita nito na ang lahat ng mga ito ay isang malaking pagpapatibay para sa inyo. Ibinunyag ng Diyos ang Sarili Niya at ang Kanyang kabuuang banal na disposisyon sa inyo, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng iyon sa inyo, nagtutulot sa inyo na tamasahin ang sapat na mga pagpapala. Hindi lamang ninyo natikman ang Kanyang matuwid na disposisyon, ngunit higit na mahalaga, natikman ninyo ang Kanyang pagliligtas gayundin ang Kanyang pagtubos at walang hanggang pag-ibig, upang kayo, ang pinakamaruruming tao, ay tumanggap ng gayong kalaking biyaya—hindi ba ito pagiging pinagpala? Hindi ba ito pagiging pagpapatibay ng Diyos? Kayo ang nasa pinakamabang katayuan at hindi kayo karapat-dapat sa gayong kalaking pagpapala, ngunit ang Diyos ay determinado na patibayin ka. Hindi ka ba nakadadama ng hiya? Kung hindi mo matupad ang iyong tungkulin, sa bandang huli lubos mong ikahihiya ang iyong sarili. Kakastiguhin mo ang iyong sarili. Hindi ka Niya hinahampas sa kasalukuyan o ikaw ay pinarurusahan; ang iyong laman ay nasa ligtas na kalagayan, ngunit sa bandang huli magdadala sa iyo ng kahihiyan ang Kanyang mga salita para sa iyong sarili. Hanggang sa ngayon hindi Ko pa lantarang kinastigo ang sinuman. Nakapagsalita Ako nang matindi, ngunit paano Ako nakitungo sa mga tao? Ako ay naging mapagkalinga, Aking pinagpayuhan sila, at Akin din silang binalaan. Ito ay para sa layunin na walang iba kundi ang iligtas kayo. Maari kayang hindi ninyo talaga nauunawaan ang Aking layunin? Kapag sinasabi Ko ito lahat kayo dapat ay makaunawa at dapat kayong mapukaw sa mga salitang ito. Marami na ang sa wakas ay malinaw ukol rito sa ngayon: Ang pagpapala bang ito ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng pagkilos bilang isang pagkakaiba? Hindi ba ang pagiging isang pagkakaiba ang pinaka-pinagpala sa lahat ng mga bagay? Sa bandang huli, ipalalaganap ninyo ang mga sumusunod na ebanghelyo: “Kami’y mga pangkaraniwang pagkakaiba.” Tatanungin nila kayo: “Ano ang kahulugan ng pagiging isang pagkakaiba?” At sa gayon ay inyong sasabihin: “Sa aming mga nakatapos sa gawain ng Diyos at nagsilbi bilang isang pagkakaiba para sa kapangyarihan ng Diyos—sa pamamagitan ng aming pagiging rebelyoso kaya kami ay naglilingkod bilang isang pagkakaiba para sa lahat ng Kanyang matuwid na disposisyon. Kami ang nagsisilbing mga bagay at mga karagdagan para panghuling gawain ng Diyos—kami ay mga kasangkapan.” Kapag narinig nila ang ganyan, maiintriga sila. Pagkatapos ay sasabihin mong: “Kami rin ay mga uliran at mga tularan para sa pagkumpleto sa gawain ng buong daigdig, at ang paglupig sa lahat ng sangkatauhan. Hindi alintana kung tayo man ay banal o marumi, kami ay higit na pinagpala kaysa sa inyo, dahil nakita namin ang Diyos. Ang kapangyarihan ng Diyos ay itinakda sa pamamagitan ng pagkakataon ng Kanyang paglupig sa amin, at dahil sa aming karumihan na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay itinakda. May kakayahan ba kayo sa gayon? Wala kayong karapatan! Kami lamang ito na Kanyang pinasigla! Bagamat hindi kami arogante, ipinagmamalaki naming purihin ang Diyos sapagkat walang sinuman ang maaaring kayanin ang gayong kalaking pangako, at walang sinuman ang makatatamasa sa gayong kalaking pagpapala. Ito ay isang hiwaga na ang gayong karuming mga tao ay talagang makakayang gawin ang gawain ng mga pagkakaiba sa pamamahala ng Diyos, at kami ay tunay na walang masasabi kundi ang magpasalamat.” Itatanong nila: “Kung gayon, ano ang isang uliran at huwaran?” At sasabihin mo: “Kami ang pinakarebelyoso sa lahat ng sangkatauhan at kami ang pinakamarumi. Kami yaong mga ginawang tiwali nang husto ni Satanas at pinakaaba at pinakamababa ang uri sa mga tao na nabibilang sa laman. Kami ang karaniwang pagsasalarawan sa pagiging ginamit ni Satanas. Kami ngayon ay pinili ng Diyos para maging yaong mga unang nilupig sa gitna ng sangkatauhan. Nakita namin ang matuwid na disposisyon ng Diyos, namana namin ang Kanyang pangako, at lulupigin Niya ang mas maraming mga tao sa pamamagitan namin. Kaya kami ang mga uliran at mga huwaran para sa kanilang mga nilupig sa gitna ng sangkatauhan.” Ito ang iyong pinakamahusay na pagsaksi, at ito ang iyong pinakamahusay na karanasan.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus