Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Ang ilang mga pagsasamahang ito ay nagkaroon ng epekto sa bawat isang tao. Sa ngayon, sa wakas ay mararamdaman talaga ng mga tao ang tunay na pag-iral ng Diyos at ang Diyos ay totoong napakalapit sa kanila. Bagamat ang mga tao ay naniniwala sa Diyos sa maraming mga taon, hindi nila kailanman tunay na naintindihan ang Kanyang mga saloobin at mga ideya gaya nang naiintindihan nila ngayon, o tunay na naranasan ang Kanyang praktikal na mga gawa gaya nang nararanasan nila sa ngayon. Maging sa kaalaman o sa aktwal na pagsasagawa, karamihan sa mga tao ay natuto ng isang bagong bagay at nagkamit ng mas mataas na pagkaunawa, at napagtanto nila ang kanilang pagkakamali sa kanilang sariling mga paghahangad sa nakaraan, napagtanto ang kababawan ng kanilang karanasan at na masyadong marami ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos, at naunawaan na ang pinakakulang sa tao ay ang kaalaman sa Disposisyon ng Diyos. Ang kaalamang ito sa bahagi ng mga tao ay isang uri ng madamdaming kaalaman; upang maabot ang makatwirang kaalaman ay kinakailangan ng unti-unting pagpapalalim at pagpapalakas sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Bago tunay na maintindihan ng tao ang Diyos, sa pansarili maaring masabi na sila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos sa kanilang mga puso, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa sa mga tiyak na katanungan kagaya ng kung anong uri ng Diyos Siya talaga, ano ang Kanyang kalooban, ano ang Kanyang disposisyon, at ano ang Kanyang tunay na saloobin tungo sa sangkatauhan. Nailalagay nito sa malaking kompromiso ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos—ang kanilang pananampalataya ay hindi makararating sa kadalisayan o pagka-perpekto. Kahit na ikaw ay nasa harapan ng salita ng Diyos, o nadarama mo na nakaharap mo na ang Diyos sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, hindi pa rin ito masasabing lubos mo na Siyang naiintindihan. Sapagkat hindi mo nalalaman ang mga saloobin ng Diyos, o kung ano ang Kanyang iniibig at Kanyang kinamumuhian, kung ano ang ikinagagalit Niya at kung ano ang nakagagalak sa Kanya, wala kang tunay na pagkaunawa sa Kanya. Ang iyong pananampalataya ay itinayo sa isang pundasyon ng kalabuan at kathang-isip, batay sa iyong pansariling mga kagustuhan. Ito ay malayo pa rin sa tunay na pananampalataya, at ikaw ay malayo pa rin sa pagiging isang tunay na mananampalataya. Ang mga pagpapaliwanag sa mga halimbawa mula sa mga kuwento mula sa Biblia ay nagtulot sa mga tao na malaman ang puso ng Diyos, kung ano ang Kanyang iniisip sa bawat hakbang sa Kanyang gawain at bakit Niya ginawa ang gawaing ito, ano ang Kanyang orihinal na layunin at Kanyang plano nang Kanyang gawin ito, kung paano Niya nakamit ang Kanyang mga ideya, at kung paano Niya inihanda at binuo ang Kanyang plano. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, makakamit natin ang isang detalyado, tiyak na pagkaunawa sa bawat partikular na layunin ng Diyos at bawat tunay na saloobin sa panahon ng Kanyang anim na libong taon ng gawaing pamamahala, at ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao sa magkakaibang mga pagkakataon sa magkakaibang mga panahon. Ang pagkaunawa sa kung ano ang iniisip ng Diyos, kung ano ang Kanyang saloobin, at ang disposisyon na Kanyang ibinubunyag habang hinaharap Niya ang bawat sitwasyon, ay makatutulong sa bawat tao na lalo pang mapagtanto nang mabuti ang Kanyang pag-iral, at lalo pang madama nang mabuti ang Kanyang pagiging totoo at pagiging tunay. Ang Aking layunin sa paglalahad sa mga kuwentong ito ay hindi upang maunawaan ng mga tao ang kasaysayan ng Biblia, ni hindi upang tulungan silang makabisado ang mga aklat sa Biblia o ang mga tao rito, at lalong hindi upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang nasa likod ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang bawat maliit na bahagi Niya, at makamit ang isang mas tunay at mas wastong pagkaunawa at kaalaman ukol sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa ng puso ng mga tao ang, paunti-unti, maging bukas sa Diyos, mapalapit sa Diyos, at maunawaan Siya nang mas mabuti, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang diwa, at makilalang mabuti ang tunay na Diyos Mismo.
Ang pagkaalam sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at ano Siya ay mayroong positibong epekto sa mga tao. Makatutulong ito na lalo silang magkaroon ng tiwala sa Diyos, at makatutulong na makamit nila ang tunay na pagsunod at takot sa Kanya. Sa gayon, hindi na sila magiging mga bulag na tagasunod, o basta na lamang Siya sasambahin. Hindi gusto ng Diyos ang mga hangal o yaong basta na lamang sumusunod sa karamihan, kundi isang grupo ng mga tao na mayroong malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso at kaalaman sa disposisyon ng Diyos at maaaring sumaksi sa Diyos, mga tao na hindi kailanman iiwan ang Diyos dahil sa Kanyang karilagan, dahil sa kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at dahil sa Kanyang matuwid na disposisyon. Bilang isang tagasunod ng Diyos, kung mayroon pa ring kawalan nang linaw sa iyong puso, o mayroon pa ring pag-aalinlangan at pagdududa sa tunay na pag-iral ng Diyos, ng Kanyang disposisyon, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang plano na iligtas ang sangkatauhan, kung gayon ang iyong pananampalataya ay hindi makakamit ang pagpupuri ng Diyos. Hindi nanaisin ng Diyos ang ganitong uri ng tao na sumunod sa Kanya, at hindi Niya gugustuhin ang ganitong uri ng tao na humarap sa Kanya. Sapagkat ang ganitong uri ng tao ay hindi naiintindihan ang Diyos, hindi nila maibigay ang kanilang puso sa Diyos—ang kanilang mga puso ay sarado sa Kanya, kaya ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay puspos nang karumihan. Ang kanilang pagsunod sa Diyos ay matatawag lamang na bulag. Makakamit lamang ng mga tao ang tunay na pananampalataya at maging tunay na mga tagasunod kung sila ay may isang tunay na pagkaunawa at kaalaman sa Diyos, na lumilikha ng tunay na pagsunod at takot sa Kanya. Sa ganitong paraan lamang nila maibibigay ang kanilang puso sa Diyos, upang buksan ito sa Kanya. Ito ang nais ng Diyos, sapagkat lahat ng kanilang ginagawa at iniisip ay makatatagal sa pagsubok ng Diyos, at maaring sumaksi sa Diyos. Lahat ng Aking sinasabi sa inyo na may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, o kung anong mayroon at kung ano Siya, o ang Kanyang kalooban at ang Kanyang mga saloobin sa lahat ng Kanyang ginagawa, at mula sa alinmang pananaw, mula sa alinmang anggulo na Aking sinasabi, ang lahat ng ito ay upang tulungan kayo na maging mas tiyak ukol sa tunay na pag-iral ng Diyos, at lalong tunay na maintindihan at pahalagahan ang Kanyang pagmamahal sa sangkatuhan, at lalong tunay na maunawaan at pahalagahan ang pagmamalasakit ng Diyos para sa mga tao, at ang Kanyang dalisay na pagnanais na pamahalaan at iligtas ang sangkatauhan.
Sa araw na ito ay una muna nating ibubuod ang mga saloobin ng Diyos, mga ideya, at ang bawat galaw buhat nang likhain ang mga tao, at upang matingnan kung anong gawain ang Kanyang isinakatuparan mula sa paglikha ng mundo hanggang sa opisyal na nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya. Madidiskubre natin pagkatapos kung alin sa mga saloobin at mga ideya ng Diyos ang hindi nalalaman ng tao, at mula roon ay mabibigyang-linaw natin ang pagkakasunod-sunod ng plano sa pamamahala ng Diyos, at ganap na maintindihan ang nilalaman kung saan nilikha ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala, ang pinagmulan at ang proseso ng pag-unlad nito, at gayundin lubusang maintindihan kung anong mga resulta ang Kanyang nais mula sa Kanyang gawaing pamamahala—iyon ay, ang pinakasentro at ang layunin ng Kanyang gawaing pamamahala. Upang maitindihan ang mga bagay na ito kailangan nating bumalik sa isang malayo, payapa at tahimik na panahon nang wala pa ang mga tao …
Noong ang Diyos ay bumangon mula sa Kanyang higaan, ang una Niyang iniisip ay ito: upang lumikha ng isang buhay na tao, isang tunay, na buhay na tao—yaong makakasalamuha at Kanyang madalas na makakasama. Ang taong ito ay maaaring makinig sa Kanya, at maaaring pagtiwalaan ng Diyos at maaaring makipag-usap sa kanya. Sa gayon, sa unang pagkakataon, ang Diyos ay kumuha ng isang dakot na lupa at ginamit ito upang likhain ang kauna-unahang buhay na tao na Kanyang inisip, at pagkatapos ang buhay na nilalang na ito ay binigyan Niya ng isang pangalan—Adan. Sa sandaling nakamit ng Diyos ang buhay at humihingang taong ito, ano ang Kanyang nadama? Sa unang pagkakataon, nakaramdam Siya ng kagalakan sa pagkakaroon ng isang minamahal, ng isang makakasama. Naramdaman din Niya sa unang pagkakataon ang pananagutan ng pagiging isang ama at ang pagmamalasakit na kaagapay nito. Ang buhay at humihingang taong ito ay nakapagdulot ng kasiyahan at kagalakan sa Diyos; naginhawaan Siya sa unang pagkakataon. Ito ang unang bagay na kailanman ay ginawa ng Diyos na hindi naisakatuparan gamit ang Kanyang mga saloobin o maging ng mga salita, ngunit nagawa gamit ang Kanyang sariling dalawang kamay. Kapag ang uri ng nilalang na ito—isang buhay at humihingang tao—ay tumayo sa harap ng Diyos, gawa sa laman at sa dugo, na may katawan at anyo, at nagagawang makipag-usap sa Diyos, nakaranas Siya ng isang uri ng kagalakan na hindi pa Niya nadama noong una. Tunay Niyang nadama ang Kanyang pananagutan at ang buhay na nilalang na ito hindi lamang may hatak sa kanyang puso, ngunit ang bawat kanyang maliit na galaw ay nakakaantig din sa Kanya at nagpapasigla sa Kanyang puso. Kaya kapag ang buhay na nilalang na ito ay tumatayo sa harapan ng Diyos, ito ang unang pagkakataon na inisip Niya na magkamit ng mas maraming mga tao na kagaya nito. Ito ang magkakasunod na mga pangyayari na nagsimula sa unang saloobing ito ng Diyos. Para sa Diyos, ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nagaganap sa unang pagkakataon, ngunit sa unang mga pangyayaring ito, maging anuman ang Kanyang nadama noon—kagalakan, pananagutan, pagmamalasakit—wala Siyang mababahaginan na sinuman. Simula sa sandaling iyon, tunay na nadama ng Diyos ang isang kalumbayan at isang kalungkutan na hindi pa Niya nadama noong una. Nadama Niya na hindi matatanggap o mauunawaan ng mga tao ang Kanyang pagmamahal at pagmamalasakit, o ang Kanyang mga layunin sa mga tao, kaya nakaramdam pa rin Siya ng kalungkutan at hapdi sa Kanyang puso. Bagamat ginawa Niya ang mga bagay na ito para sa tao, walang malay ang tao ukol rito at hindi naiintindihan. Maliban sa kaligayahan, ang kagalakan at kaaliwan na idinulot ng tao sa Kanya ay mabilis na nakasama nito ang Kanyang unang mga pagkaramdam ng kalumbayan at kalungkutan. Yaon ang mga saloobin at mga damdamin ng Diyos sa panahong iyon. Habang ginagawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito, sa Kanyang puso napunta Siya mula sa kagalakan patungo sa kalumbayan at mula sa kalumbayan patungo sa pagdurusa, lahat ay may kahalong bagabag. Ang gusto Niyang gawin ay mabilis na hayaan ang taong ito, ang sangkatauhang ito na malaman kung ano ang nasa Kanyang puso at kaagad na maintindihan ang Kanyang mga saloobin. Sa gayon, sila ay magiging Kanyang mga tagasunod at maging kaayon Niya. Hindi na sila makikinig sa pagsasalita ng Diyos ngunit mananatiling walang kibo; hindi na sila magiging walang malay sa kung paano ang pagsama sa Diyos sa Kanyang gawain; sa ibabaw ng lahat, hindi na sila magiging mga taong nagwawalang-bahala sa mga kinakailangan ng Diyos. Ang unang mga bagay na ito na binuo ng Diyos ay totoong makabuluhan at nagtataglay ng malaking kahalagahan para sa Kanyang plano sa pamamahala at para sa mga tao sa araw na ito.
Pagkatapos likhain ang lahat ng mga bagay at mga tao, ang Diyos ay hindi nagpahinga. Hindi Siya makapaghintay na ipatupad ang Kanyang pamamahala, ni hindi Siya makapaghintay na makamit ang mga taong mahal na mahal Niya sa gitna ng sangkatauhan.
Sumunod, hindi katagalan pagkatapos likhain ng Diyos ang mga tao, nakikita natin mula sa Biblia na nagkaroon ng malaking baha sa buong daigdig. Si Noe ay nabanggit sa kasaysayan ng baha, at maaaring sabihin na si Noe ang unang tao na tumanggap sa tawag ng Diyos upang gumawa kasama Niya upang maisakatuparan ang isang tungkuling galing sa Diyos. Mangyari pa, ito rin ang unang pagkakataon na tumawag ang Diyos ng isang tao sa lupa na gumawa ng isang bagay alinsunod sa Kanyang utos. Sa sandaling natapos ni Noe ang paggawa sa arko, nagpasapit ng baha ang Diyos sa lupa sa unang pagkakataon. Nang gunawin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, iyon ang unang pagkakataon buhat nang likhain sila na nadama Niya na napagtagumpayan Siya ng galit sa mga tao; ito ang nagtulak sa Diyos upang gawin ang masakit na desisyon na wasakin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng isang baha. Matapos mawasak ng baha ang mundo, ginawa ng Diyos ang Kanyang unang tipan sa mga tao na hindi na Niya ito kailanman muling gagawin. Ang sagisag ng tipang ito ay isang bahaghari. Ito ang unang tipan ng Diyos sa sangkatauhan, kaya ang bahaghari ang unang sagisag ng isang tipan na ibinigay ng Diyos; ang bahaghari na ito ay isang tunay, pisikal na bagay na umiiral. Ang mismong pag-iral ng bahaghari na ito ang siyang madalas na nagpapadama ng lungkot sa Diyos para sa nakaraang sangkatauhan na Kanyang nawala, at nagsisilbing isang patuloy na paalala sa Kanya kung ano ang nangyari sa kanila. … Hindi babagalan ng Diyos ang Kanyang hakbang—hindi Na Siya makapaghintay na tahakin ang susunod na hakbang sa Kanyang pamamahala. Pagkatapos, pinili ng Diyos si Abraham bilang Kanyang unang pinili para sa Kanyang gawain sa buong Israel. Ito din ang unang pagkakataon na pumili ang Diyos ng gayong kandidato. Ipinasya ng Diyos na simulan ang pagpapatupad sa Kanyang gawaing pagliligtas sa sangkatauhan sa pamamagitan ng taong ito, at upang ipagpatuloy ang Kanyang gawain sa gitna ng mga lahi ng taong ito. Makikita natin sa Biblia na ito ang ginawa ng Diyos kay Abraham. Sa gayon ay ginawa ng Diyos ang Israel na unang bayan na pinili, at sinimulan ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa pamamagitan ng mga taong Kanyang pinili, ang mga Israelita. At minsan pa sa unang pagkakataon, ipinagkaloob ng Diyos sa mga Israelita ang mga ipinahayag na mga patakaran at mga kautusan na dapat sundin ng sangkatauhan, at ipinaliwanag sila nang detalyado. Ito ang unang pagkakataon na pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng gayong katiyak, mga pamantayang patakaran kung paano sila dapat magbigay ng mga sakripisyo, kung paano sila dapat mabuhay, kung ano ang dapat nilang gawin at hindi dapat gawin, aling mga pagdiriwang at mga araw ang dapat nilang ipagdiwang, at mga panuntununag kanilang susundin sa lahat ng kanilang gagawin. Ito ang unang pagkakataon na binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng gayong kadetalyadong, mga pamantayang tuntunin at mga panuntunan para sa kanilang mga buhay.
Kapag sinabi Kong “ang unang pagkakataon,” ito ay nangangahulugang hindi pa nakabuo ang Diyos ng gayong kaparehong gawain noong una. Ito ay isang bagay na hindi pa umiiral noong una, at bagamat nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at nilikha Niya ang lahat ng mga nilalang at buhay na mga bagay, hindi pa Siya nakabuo ng gayong uri ng gawain. Ang lahat ng gawaing ito ay may kaugnayan sa pamamahala ng Diyos sa mga tao; ang lahat ng ito ay may kinalaman sa mga tao at ang kanyang pagliligtas at pamamahala sa mga tao. Pagkatapos kay Abraham, ang Diyos ay muling humirang sa unang pagkakataon—pinili Niya si Job upang maging yaong sa ilalim ng kautusan na makapaninindigan sa mga panunukso ni Satanas habang nagpapapatuloy na matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan at maging saksi para sa Kanya. Ito rin ang unang pagkakataon na tinulutan ng Diyos si Satanas na tuksuhin ang isang tao, at unang pagkakataon na nakipagpustahan Siya kay Satanas. Sa katapusan, sa unang pagkakataon, nakamit ng Diyos ang isang tao na may kakayahang maging saksi para sa Kanya habang kinakaharap si Satanas—isang tao na maaring sumaksi para sa Kanya at ganap na makapanghihiya kay Satanas. Magbuhat nang likhain ng Diyos ang sangkatauhan, ito ang unang tao na Kanyang nakamit na nagagawang sumaksi para sa Kanya. Sa sandaling nakamit Niya ang taong ito, lalong nasabik ang Diyos na ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala at tahakin ang susunod na yugto sa Kanyang gawain, inihahanda ang Kanyang susunod na pipiliin at ang lugar ng Kanyang gawain.
Pagkatapos ng pagbabahagi tungkol sa lahat ng ito, mayroon na ba kayong tunay na pagkaunawa ukol sa kalooban ng Diyos? Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una. Kaya, sa buong daigdig, maliban sa mga taong nilalayon ng Diyos na pamahalaan at iligtas, walang mga nilalang ang kailanman ay naging malapit sa Diyos, na may gayong katalik na kaugnayan sa Kanya. Sa Kanyang puso, ang sangkatauhan na ito na nais Niyang pamahalaan at iligtas ang pinakamahalaga, at pinahahalagahan Niya ang sangkatauhang ito sa ibabaw ng lahat; kahit na nagbayad Siya ng napakalaking halaga para rito, at kahit na patuloy Siyang sinasaktan at sinusuway ng mga ito, hindi Siya sumuko sa mga ito at nagpapatuloy nang walang kapaguran sa Kanyang gawain, nang walang reklamo o pagsisisi. Ito ay dahil nalalaman Niyang sa malaot-madali, ang mga tao ay magigising isang araw sa Kanyang panawagan at maaantig sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, makikilala na Siya ang Panginoon ng paglikha, at magbabalik sa Kanyang panig …
Matapos marinig ang lahat ng ito sa araw na ito, maaari ninyong maramdaman na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay talagang normal. Parang palaging nararamdaman ng tao ang kalooban ng Diyos para sa kanila mula sa Kanyang mga salita at mula sa Kanyang gawain, ngunit palaging mayroong isang partikular na agwat sa pagitan ng kanilang mga damdamin o ng kanilang kaalaman at sa kung ano ang iniisip ng Diyos. Kaya, iniisip Ko na kinakailangang makipagniig sa lahat ng mga tao tungkol sa kung bakit nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at ang pangyayari sa likod ng Kanyang pagnanais na makamit Niya ang mga taong Kanyang inasam. Mahalaga na maibahagi ito sa lahat, nang upang ang lahat ay malinaw sa kanilang puso. Sapagkat ang bawat saloobin at ideya ng Diyos, at ang bawat yugto ng Kanyang gawain ay nakatali sa, at mahigpit na nakaugnay sa, Kanyang kabuuang gawaing pamamahala, kapag naintindihan mo ang mga saloobin ng Diyos, at mga ideya, at ang Kanyang kalooban sa bawat hakbang ng Kanyang gawain, ito ay katumbas ng pagkaunawa sa pinagmumulan ng gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Sa saligang ito lalalim ang iyong pagkaunawa sa Diyos. Bagamat ang lahat ng ginawa ng Diyos nang bago Niya nilikha ang mundo na Aking nabanggit noong nakaraan ay ilang impormasyon lamang sa mga tao ngayon at parang walang kinalaman sa paghahangad ng katotohanan, sa paglipas ng panahon ng iyong karanasan ay magkakaroon ng isang araw na iyong maiisip na hindi ito isang bagay na karaniwan gaya ng ilang mga piraso ng impormasyon, o na ito ay isang bagay na masyadong karaniwan gaya ng ilang mga misteryo. Habang lumalawig ang iyong buhay at kapag may kaunting katayuan ang Diyos sa iyong puso, o kapag higit mong lubos at malalim na naintindihan ang Kanyang kalooban, tunay mong maiintindihan ang kahalagahan at pangangailangan ukol sa kung ano ang sinasabi Ko sa araw na ito. Hindi alintana kung hanggang saan ninyo tinanggap ito; kinakailangan na inyong naiintindihan at nalalaman ang mga bagay na ito. Kapag ang Diyos ay gumawa ng isang bagay, kapag pinatutupad Niya ang Kanyang gawain, maging ito man ay ayon sa Kanyang mga ideya o sa Kanyang sariling mga kamay, maging ito man ay ginawa Niya sa unang pagkakataon o kung ito man ang huli—sa katapusan, ang Diyos ay may isang plano, at ang Kanyang mga layunin at ang Kanyang mga saloobin ay nasa sa lahat Niyang ginagawa. Ang mga layuning ito at mga saloobin ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang mga ito ay nagpapahayag ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ang dalawang mga bagay na ito—ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—ay dapat maintindihan ng bawat isang tao. Sa sandaling maintindihan ng isang tao ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, magagawa nilang maintindihan nang unti-unti kung bakit ginagawa ng Diyos ang Kanyang ginagawa at kung bakit sinasabi Niya ang kanyang sinasabi. Mula roon, magkakaroon sila sa gayon ng mas maraming pananampalataya upang sumunod sa Diyos, upang hangarin ang katotohanan, at upang maghangad ng pagbabago sa disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang pagkaunawa ng tao sa Diyos at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay hindi mapaghihiwalay.
Kahit na anuman ang marinig ng mga tao o magkamit ng pagkaunawa sa kung ano ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kanilang nakakamit ay buhay na nagmumula sa Diyos. Sa sandaling ang buhay na ito ay iparanas sa iyo, ang iyong takot sa Diyos ay lalaki nang lalaki, at ang pagpitas sa aning ito ay magaganap sa talagang likas na paraan. Kung ayaw mong maintindihan o makilala ang tungkol sa disposisyon ng Diyos o ang Kanyang diwa, kung ayaw mo man lamang bulay-bulayin o pagtuunan ng pansin ang mga aral na ito, masasabi Ko sa iyo nang may katiyakan na ang paraan ng iyong kasalukuyang paghahangad sa iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi ka kailanman tutulutang mapalugod ang Kanyang kalooban o makamit ang Kanyang pagpupuri. Higit sa roon, hindi mo kailanman tunay na mararating ang kaligtasan—ito ang mga panghuling mga kahihinatnan. Kapag hindi naiintindihan ng mga tao ang Diyos at hindi nalalaman ang Kanyang disposisyon, ang kanilang mga puso ay hindi kailanman magagawang tunay na mabubuksan sa Kanya. Sa sandaling maintindihan nila ang Diyos, mauunawaan na nila at pahahalagahan kung ano ang nasa Kanyang puso nang may interes at pananampalataya. Kapag naintindihan mo at pinahalagahan kung ano ang nasa puso ng Diyos, ang iyong puso ay dahan-dahan, unti-unting, magbubukas sa Kanya. Kapag bumukas ang iyong puso sa Kanya, madarama mo kung gaano kahiya-hiya at kasuklam-suklam ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa Diyos, ang iyong mga hinihiling sa Diyos, ang iyong sariling malabis na mga hangarin. Kapag ang iyong puso ay tunay na nagbukas sa Diyos, makikita mo na ang Kanyang puso ay gaya ng isang walang hanggang mundo, at ikaw ay papasok sa isang kaharian na hindi mo pa nararanasan kahit kailan. Sa kahariang ito ay walang pandaraya, walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan. Mayroon lamang kataimtiman at katapatan; tanging liwanag at pagkamarangal; tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob. Ito ay puno ng pagmamahal at pag-aaruga, puno ng awa at pagpapaubaya, at sa pamamagitan nito ay mararamdaman mo ang kaligayahan at kagalakan ng pagiging buhay. Ang mga bagay na ito ang Kanyang ibubunyag sa iyo kapag binuksan mo ang iyong puso sa Diyos. Ang walang-hanggang mundong ito ay puno ng karunungan, at puno ng Kanyang pagka-makapangyarihan; ito ay puno rin ng Kanyang pag-ibig at ng Kanyang awtoridad. Makikita mo dito ang bawat aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, kung ano ang nagbibigay sa Kanya ng kagalakan, bakit Siya nag-aalala at bakit Siya nalulungkot, bakit Siya nagagalit…. Ito ang makikita ng bawat isang tao na magbubukas ng kanilang puso at hahayaang makapasok ang Diyos. Makapapasok lamang sa iyong puso ang Diyos kung ito ay bubuksan mo sa Kanya. Makikita mo lamang kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at makikita mo lamang ang Kanyang kalooban para sa iyo, kung Siya ay nakapasok sa iyong puso. Sa sandaling iyon, madidiskubre mo na ang lahat ng tungkol sa Diyos ay napakahalaga, na kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay karapat-dapat pakaingatan. Kumpara doon, ang mga taong nakapaligid sa iyo, ang mga bagay at mga pangyayari sa iyong buhay, at maging ang iyong mga mahal sa buhay, ang iyong kasama, at ang lahat ng mga bagay na iyong minamahal, ay hindi man lamang dapat banggitin. Ang mga ito ay napakaliit, at napakababa; mararamdaman mo na walang materyal na bagay ang muling makapaglalapit sa iyo, at hindi ka na nila mapagbabayad muli ng anumang halaga para sa kanila. Sa kababaang-loob ng Diyos makikita mo ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang pangingibabaw; higit pa rito, sa isang bagay na Kanyang ginawa na pinaniniwalaan mong masyadong maliit, makikita mo ang Kanyang walang hanggang karunungan at ang Kanyang pagpapaubaya, at makikita mo ang Kanyang tiyaga, ang Kanyang pagtitimpi, at ang Kanyang pag-unawa sa iyo. Magbubunga ito sa iyo ng pag-ibig para sa Kanya. Sa araw na iyon, makikita mo na ang sangkatauhan ay nabubuhay sa isang maruming mundo, na ang mga taong nasa tabi mo at ang mga bagay na nangyayari sa iyong buhay, at maging yaong iyong iniibig, ang kanilang pag-ibig sa iyo, at ang kanilang tinatawag na pag-iingat para sa iyo o ang kanilang malasakit para sa iyo ay hindi man lamang dapat banggitin—ang Diyos lamang ang iyong minamahal, at ang Diyos lamang ang iyong pakapahalagahan. Kapag dumating ang araw na iyon, naniniwala Ako na magkakaroon ng ilang mga tao na magsasabing: Ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila, at ang Kanyang diwa ay napakabanal—sa Diyos ay walang panlilinlang, walang kasamaan, walang inggit, at walang alitan, ngunit tanging pagkamatuwid at kawastuhan, at lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay dapat kasabikan ng mga tao. Dapat itong pagsikapan at hangarin ng mga tao. Sa anong batayan nakatatayo ang kakayahan ng mga tao na makamtam ito? Ito ba ay nakatayo batay sa pagkaunawa ng mga tao sa disposisyon ng Diyos, at sa kanilang pagkaunawa sa diwa ng Diyos. Kaya ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay isang habang buhay na aral sa bawat tao, at ito ay isang habang buhay na layunin na hinahangad ng bawat isang tao na nagsisikap na mabago ang kanilang disposisyon, at nagsisikap na makilala ang Diyos.
Katatalakay pa lamang natin ukol sa lahat ng gawain na nabuo ng Diyos, ang pagkakasunod-sunod ng mga bagay na Kanyang ginawa sa unang pagkakataon. Ang bawat isa sa mga bagay na ito ay kaugnay sa plano sa pamamahala ng Diyos, at sa kalooban ng Diyos. Ang mga ito din ay kaugnay sa sariling disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa. Kung nais nating higit na maintindihan kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, hindi tayo maaaring tumigil sa Lumang Tipan o sa Kapanahunan ng Kautusan, kundi kailangan nating humakbang pasulong kasabay ng mga hakbang na tinahak ng Diyos sa Kanyang gawain. Kaya, yamang tinatapos ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, ang ating sariling mga hakbang ay nakarating sa Kapanahunan ng Biyaya—isang kapanahunan na puno ng biyaya at pagtubos. Sa kapanahunang ito, gumawa muli ang Diyos ng isang napahalagang bagay sa unang pagkakataon. Ang gawain para sa bagong kapanahunang ito kapwa para sa Diyos at sangkatauhan ay isang bagong panimula. Ang bagong panimulang ito ay isa muling bagong gawain na ginawa ng Diyos sa unang pagkakataon. Ang bagong gawaing ito ay isang bagay na walang kapantay na pinatupad ng Diyos na hindi malilirip ng mga tao at lahat ng mga nilalang. Ito ay isang bagay na ngayon ay tanyag na sa lahat ng mga tao—ito ang unang pagkakataon na ang Diyos ay naging isang tao, ang unang pagkakataon na nagsimula Siya ng bagong gawain sa anyo ng isang tao, sa pagkakakilanlan ng isang tao. Ang bagong gawaing ito ay sumasagisag na natapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, na hindi na Siya gagawa o magsasalita ng anuman sa ilalim ng kautusan. Ni magsasalita Siya o gumawa ng anumang bagay sa anyo ng kautusan o alinsunod sa mga panuntunan o mga patakaran ng kautusan. Iyon ay, ang lahat ng Kanyang gawain batay sa kautusan ay pinatigil na magpakailanman at hindi na matutuloy, dahil gusto ng Diyos na magsimula ng bagong gawain at gumawa ng mga bagong bagay, at ang Kanyang plano ay muling nagkaroon ng bagong pasimula. Kaya, kailangang pangunahan ng Diyos ang sangkatauhan tungo sa bagong kapanahunan.
Maging ito man ay nakagagalak o nakatatakot na balita sa mga tao ay depende kung ano ang kanilang diwa. Maaring masabi na ito ay hindi nakagagalak na balita, ngunit ito ay nakatatakot na balita sa ilang mga tao, sapagkat nang simulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, ang mga tao na sumusunod lamang sa mga kautusan at mga patakaran, na sumusunod lamang sa mga doktrina ngunit hindi takot sa Diyos ay maaaring gamitin ang lumang gawain ng Diyos upang hatulan ang Kanyang bagong gawain. Para sa mga taong ito, ito ay nakatatakot na balita; ngunit sa bawat tao na walang muwang at bukas, na taimtim sa Diyos at nagnanais na makatanggap ng Kanyang pagtubos, ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang nakagagalak na balita. Sapagkat simula nang magkaroon ng mga tao, ito ang unang pagkakataon na ang Diyos ay nagpakita at namuhay sa gitna ng sangkatauhan sa isang anyo na hindi ang Espiritu; sa halip, Siya ay isinilang sa isang tao at namuhay sa gitna ng mga tao bilang Anak ng tao, at gumawa sa kanilang kalagitnaan. Ang “unang pagkakataon” na ito ang sumira sa mga pagkaintindi ng mga tao at lampas din sa lahat ng imahinasyon. Bilang karagdagan, lahat ng mga sumusunod sa Diyos ay nagkamit ng isang totoong pakinabang. Hindi lamang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan, ngunit tinapos din Niya ang lumang mga pamamaraan ng paggawa at istilo ng paggawa. Hindi na Niya pinahihintulutan ang Kanyang mga sinugo na ipaabot ang Kanyang kalooban, at hindi na Siya nakatago sa mga ulap, at hindi na nagpapakita o nakikipag-usap sa mga tao nang may kapangyarihan sa pamamagitan ng “kulog.” Hindi kagaya ng anumang bagay noong una, sa pamamagitan ng isang pamamaraan na hindi maiisip ng mga tao na mahirap para sa kanila na maintindihan o tanggapin—ang maging tao—Siya ay naging Anak ng tao upang paunlarin ang gawain sa kapanahunang iyon. Ang hakbang na ito ay ikinabigla ng mga tao, at ito ay talagang nakakaasiwa sa kanila, sapagkat ang Diyos ay muling nagsimula ng bagong gawain na hindi pa Niya ginawa noong una. Sa araw na ito, titingnan natin kung ano ang gawain na isinakatuparan ng Diyos sa bagong kapanahunan, at sa lahat ng bagong gawaing ito, ano sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ang naiintindihan natin?
Ang mga sumusunod na mga salita ay naitala sa Bagong Tipan ng Biblia.
1. (Mateo 12:1) Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.
2. ( Mateo 12:6-8) Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
Tingnan muna natin ang talatang ito: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain. ”
Bakit natin napili ang talatang ito? Anong kaugnayan mayroon ito sa disposisyon ng Diyos? Sa tekstong ito, ang unang bagay na nalalaman natin ay araw iyon ng Sabbath, ngunit lumabas ang ating Panginoong Jesus at pinangunahan ang Kanyang mga disipulo sa taniman ng mais. Ang higit pang “nakagigitla” ay “nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.” Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga kautusan ng Diyos na si Jehovah na ang mga tao ay huwag basta-bastang lumabas o sumali sa anumang mga aktibidad sa araw ng Sabbath—maraming mga bagay ang hindi maaaring gawin sa panahon ng Sabbath. Ang pagkilos na ito sa bahagi ng Panginoong Jesus ay nakalilito para doon sa mga nabuhay sa ilalim ng kautusan sa mahabang panahon, at ito ay pumukaw pa ng mga pagbatikos. Tungkol sa kanilang kalituhan at kung paano sila nagsalita tungkol sa ginawa ni Jesus, isasantabi muna natin iyon sa ngayon at tatalakayin muna kung bakit pinili ng ating Panginoong Jesus na gawin ito sa panahon ng Sabbath, sa lahat ng mga araw, at ano ang gusto Niyang ipakiusap sa mga tao na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa pagkilos na ito. Ito ang kaugnayan sa pagitan ng talatang ito at ng disposisyon ng Diyos na gusto Kong talakayin.
Nang dumating ang ating Panginoong Jesus, ginamit Niya ang Kanyang mga praktikal na mga pagkilos upang makipagniig sa mga tao: Iniwanan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang bagong gawain, at ang bagong gawain na ito ay hindi kinailangan ang pag-aalaala ng Sabbath; nang lumabas ang Diyos mula sa pagkakapiit sa araw ng Sabbath, ito ay patikim pa lamang ng Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang tunay na dakilang gawain ay patuloy na nasasaksihan. Nang pasimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, iniwanan na Niya ang tanikala ng Kapanahunan ng Kautusan, at nilansag ang mga tuntunin at mga panuntunan mula sa kapanahunang iyon. Para sa Kanya, walang bakas ng anumang may kaugnayan sa kautusan; itinakwil na Niya ito nang tuluyan at hindi na inalala, at hindi na Niya kinailangan sa sangkatauhan na ito ay alalahanin. Kaya nakikita mo dito na ang Panginoong Jesus ay nagpunta sa taniman ng mais sa panahon ng Sabbath; ang Panginoon ay hindi nagpahinga, sa halip ay gumagawa sa labas. Ang Kanyang pagkilos na ito ay nakabigla sa mga pagkaintindi ng mga tao at ipinatalastas Niya sa kanila na hindi na Siya nabubuhay sa ilalim ng kautusan, at na iniwan na Niya ang tanikala ng Sabbath at nagpakita sa harap ng sangkatauhan at sa kanilang kalagitnaan sa isang bagong anyo, at sa isang bagong paraan ng paggawa. Ang Kanyang pagkilos na ito ang nagsabi sa mga tao na dala Niya ang isang bagong gawain na nagsimula sa paglabas sa kautusan at paglabas ng Sabbath. Nang ipatupad ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, hindi na Siya nananangan sa nakaraan, at hindi na Niya iniintindi ang mga tuntunin ng Kapanahunan ng Kautusan. Ni hindi Siya naapektuhan sa Kanyang gawain sa nakaraang kapanahunan, ngunit Siya ay gumawa gaya nang dati sa panahon ng Sabbath at nang ang Kanyang mga disipulo ay nagutom, maaari silang pumitas ng mais para kainin. Ang lahat ng ito ay totoong karaniwan sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay maaaring magkaroon ng bagong pasimula para sa karamihan ng gawain na gusto Niyang gawin at ang mga bagay na gusto Niyang sabihin. Sa oras na magkaroon Siya ng bagong simula, ni hindi Niya binabanggit ang Kanyang nakaraang gawain o ipinagpapatuloy ito. Sapagkat ang Diyos ay may mga alituntunin sa Kanyang gawain. Kapag gusto Niyang magsimula ng bagong gawain, ito ay kapag gusto Niyang dalhin ang sangkatauhan sa isang panibagong yugto ng Kanyang gawain, at kapag ang Kanyang gawain ay nakapasok na sa isang mas mataas na bahagi. Kung ang mga tao ay patuloy na kikilos alinsunod sa mga lumang kasabihan o mga tuntunin o patuloy na manghawak nang mahigpit sa mga ito, hindi Niya aalalahanin o pupurihin ito. Ito ay sapagkat nagdala na Siya ng bagong gawain, at pumasok na sa bagong yugto ng Kanyang gawain. Kapag nagpapasimula Siya ng bagong gawain, nagpapakita Siya sa sangkatauhan sa isang lubos na bagong anyo, mula sa isang ganap na bagong anggulo, at sa isang ganap na bagong paraan nang upang makita ng mga tao ang ibat-ibang mga aspeto ng Kanyang Disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ang isa sa Kanyang mga layunin sa Kanyang bagong gawain. Ang Diyos ay hindi nananangan sa luma o tumatahak sa hindi kilalang daan; kapag Siya ay gumagawa at nagsasalita hindi ito gaanong nagbabawal gaya ng iniisip ng mga tao. Sa Diyos, ang lahat ay may kasarinlan at kalayaan, at walang pagbabawal, walang paghihigpit—ang dinadala Niya sa sangkatauhan ay pawang kalayaan at kasarinlan. Siya ay isang buhay na Diyos, isang Diyos na dalisay na, totoong umiiral. Hindi Siya isang laruan o isang nililok na luwad, at Siya ay lubos na naiiba mula sa mga idolo na dinadambana at sinasamba ng mga tao. Siya ay buhay at masigla at ang dala ng Kanyang mga salita at gawain sa tao ay pawang buhay at kaliwanagan, pawang kalayaan at kasarinlan, sapagkat hawak Niya ang katotohanan, ang buhay, at ang daan—hindi Siya nakatali sa anuman sa kahit alinman sa Kanyang gawain. Maging anuman ang sabihin ng mga tao at kahit paano nila tingnan o suriin ang Kanyang bagong gawain, ipatutupad Niya ang Kanyang gawain nang walang pag-aatubili. Hindi Siya mag-aalala tungkol sa kaninumang mga pagkaintindi o pag-aakusa sa Kanyang gawain at mga salita, o maging ang kanilang matinding pagtutol o paghadlang sa Kanyang bagong gawain. Walang sinuman sa lahat ng nilalang ang maaaring gumamit sa katuwiran ng tao, o sa imahinasyon ng tao, kaalaman, o moralidad upang sukatin o ipakahulugan ang ginagawa ng Diyos, upang siraan, o sirain o isabotahe ang Kanyang gawain. Walang pagbabawal sa Kanyang gawain, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito maaaring guluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng mga erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan. Kahit na alinman sa Kanyang gawain ang Kanyang tinutupad, ito ay dapat na malinang at palawakin sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at ito ay dapat na ipatupad nang walang kahadlangan sa buong daigdig hanggang sa ang Kanyang dakilang gawain ay mabuo. Ito ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at karunungan, ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan. Kaya, ang Panginoong Jesus ay malayang makalalabas at makagagawa sa panahon ng Sabbath sapagkat sa Kanyang puso ay walang mga patakaran, walang kaalaman o doktrina na nagmula sa sangkatauhan. Ang mayroon Siya ay ang bagong gawain ng Diyos at ang Kanyang daan, at ang Kanyang gawain ay ang paraan para mapalaya ang sangkatauhan, upang mapakawalan sila, upang tulutan silang umiral sa kaliwanagan, at upang tulutan silang mabuhay. At silang mga sumasamba sa mga idolo o huwad na mga diyos ay nabubuhay araw-araw na sinasakop ni Satanas, pinipigilan ng lahat ng uri ng mga patakaran at mga pagbabawal—sa araw na ito ay isang bagay ang ipinagbabawal, bukas ay iba naman—walang kalayaan sa kanilang mga buhay. Sila ay parang mga bilanggo na naka-tanikala nang walang kagalakan na masasabi. Ano ang inilalarawan ng “pagbabawal”? Isinasagisag nito ang mga paghihigpit, mga pagbabawal, at kasamaan. Sa sandaling ang isang tao ay sumamba sa isang idolo, sila ay sumasamba sa isang huwad na diyos, sumasamba sa masamang espiritu. Dala-dala ng pagbabawal ang gayon. Hindi ka maaaring kumain nito o ng ganoon, sa araw na ito hindi kayo makalalabas, bukas hindi mo maaaring paganahin ang iyong kalan, sa susunod na araw hindi ka maaaring lumipat sa isang bagong bahay, dapat na pumili ng mga tiyak na araw para sa mga kasal at mga libing, at maging sa pagluwal sa isang sanggol. Ano ang tawag dito? Ito ay tinatawag na pagbabawal; ito ay pagkaalipin sa sangkatauhan, at ito ang tanikala ni Satanas at mga masasamang espiritu ang namamahala sa kanila, at pinipigilan ang kanilang mga puso at mga katawan. Ang mga pagbabawal bang ito ay umiiral sa Diyos? Kapag pinag-uusapan ang kabanalan ng Diyos, dapat mo munang isipin ito: Sa Diyos walang mga pagbabawal. Ang Diyos ay may mga tuntunin sa Kanyang mga salita at gawain, ngunit walang mga paghihigpit, sapagkat ang Diyos Mismo ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Tingnan natin ngayon ang mga sumusunod na talata: “Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” (Mateo 12:6-8). Ano ang tinutukoy ng “templo” dito? Upang maging madali, ang “templo” ay tumutukoy sa isang kahanga-hangang, mataas na gusali, at sa Kapanahunan ng Kautusan, ang templo ay lugar para sa mga saserdote upang sambahin ang Diyos. Nang sinabi ng Panginoong Jesus “dito ay may isang lalong dakila kay sa templo,” kanino tumutukoy ang “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa laman, sapagkat Siya ay mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang ito sa mga tao? Sinasabi nila sa mga tao na lumabas sila sa templo—Nakalabas na ang Diyos at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga bakas ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang gawain. Ang pinagmulan ng Panginoong Jesus ang nagsasabi na ito ay sa ilalim ng kautusan, itinuturing na ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Iyon ay, sumasamba ang mga tao sa templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, sa halip ay sambahin ang Diyos sapagkat Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, ang karamihan sa mga tao sa ilalim ng kautusan ay hindi na sumasamba kay Jehovah, ngunit basta na lamang nagdadaan sa proseso ng pagsasakripisyo, at tiniyak ng Panginoong Jesus na ang prosesong ito ay “pagsamba sa idolo.” Itinuturing ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila, at mas mataas kaysa sa Diyos. Sa kanilang mga puso ay mayroon lamang templo, hindi Diyos, at kung mawala nila ang templo, nawala nila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo wala silang masasambahan at hindi na matutupad ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na tahanang dako ay kung saan nabubuhay sa ilalim ng bandila ng pagsamba sa Diyos na si Jehovah, na nagpapahintulot sa kanila na manatili at tuparin ang kanilang sariling mga gawain. Ang kanilang tinatawag na pagsasagawa ng mga sakripisyo ay upang tuparin lamang ang kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit ang itinuturing ng mga tao nang panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sapagkat ginamit nila ang templo bilang isang taguan, at ang mga sakripisyo bilang isang balatkayo para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos, sinabi ng Panginoong Jesus ito upang balaan ang mga tao. Kung gagamitin ninyo ang mga salitang ito sa kasalukuyan, ang mga ito ay kapwa may bisa pa rin at kapwa mahalaga pa rin. Bagamat ang mga tao sa araw na ito ay nakaranas ng gawain ng Diyos na kaiba kaysa sa naranasan ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkap ng kanilang kalikasan ay magkapareho. Sa nilalaman ng gawain sa araw na ito, ginagawa pa rin ng mga tao ang kaparehong uri ng mga bagay gaya ng “ang templo ay higit na dakila kaysa sa Diyos.” Halimbawa, itinuturing ng mga tao na ang pagtupad ng kanilang tungkulin bilang kanilang trabaho; Itinuturing nila na ang pagsasaksi sa Diyos at ang paglaban sa malaking pulang dgragon bilang pagkilos na pulitikal sa pagsasanggalang sa mga karapatang pantao, para sa demokrasya at kalayaan; binabago nila ang kanilang tungkulin sa mga karera upang gamitin ang kanilang mga kakayahan, ngunit itinuturing nila ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan bilang isang relihiyosong doktrina na susundin; at iba pa. Hindi ba ang mga pagpapahayag na ito sa bahagi ng mga tao ay halos walang pinagkaiba sa “ang templo ay higit na dakila kaysa sa Diyos”? Maliban sa dalawang libong taon na ang nakaraan, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa pisikal na templo, ngunit sa araw na ito, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa mga hindi totoong mga templo. Itinuturing niyaong mga tao na nagpapahalaga sa mga patakaran ang mga patakaran na higit na dakila kaysa sa Diyos, itinuturing niyaong mga taong nagpapahalaga sa katayuan ang katayuan na higit na dakila kaysa sa Diyos, itinuturing niyaong umiibig sa kanilang karera ang karera na higit na dakila kaysa sa Diyos, at iba pa—ang lahat ng kanilang mga pahayag ang nagbunsod sa Akin upang masabing: “Pinupuri ng mga tao ang Diyos bilang pinakadakila sa pamamagitan ng kanilang mga salita, ngunit sa kanilang mga mata ang lahat ng bagay ay higit na dakila kaysa sa Diyos.” Ito ay dahil sa sandaling makakita ng pagkakataon ang mga tao sa kahabaan ng daan ng kanilang pagsunod sa Diyos na maipakita ang kanilang sariling mga kakayahan, o upang matupad ang kanilang sariling gawain o kanilang sariling karera, inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos at inilalaan ang kanilang mga sarili sa karera na kanilang pinahahalagahan. At tungkol naman sa ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, at ang Kanyang kalooban, ang mga bagay na iyon ay matagal nang naitapon. Sa senaryong ito, ano ang ipinagkaiba ng mga taong ito at yaong nagsasagawa ng kanilang sariling gawain sa loob ng templo dalawang libong taon na ang nakararaan?
Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.” Mayroon bang praktikal na bahagi sa pangungusap na ito? Nakikita ba ninyo ang praktikal na bahagi nito? Ang bawat isang bagay na sinasabi ng Diyos ay nanggagaling mula sa Kanyang puso, kaya bakit Niya sinabi ito? Paano ninyo uunawain ito? Maaari ninyong maintindihan ang kahulugan ng pangungusap na ito ngayon, ngunit sa panahong iyon hindi kasingdami ng tao ang nakaintindi sapagkat kalalabas pa lamang ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan. Para sa kanila, ang paglabas mula sa Sabbath ay isang bagay na napakahirap gawin, bukod sa pagkaunawa kung ano ang isang totoong Sabbath.
Ang pangungusap na “ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” ay nagsasabi sa mga tao na ang lahat sa Diyos ay hindi kinakailangan, at bagamat maipagkakaloob ng Diyos ang lahat ng iyong mga materyal na pangangailangan, sa sandaling ang iyong mga materyal na pangangailangan ay naging sapat, mapapalitan ba ng kasiyahan mula sa mga bagay na ito ang iyong paghahangad sa katotohanan? Yaon ay malinaw na hindi mangyayari! Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya na ating pinagsamahan ay kapwa ang katotohanan. Ito ay hindi masusukat sa pamamagitan ng mabigat na halaga ng mga materyal na bagay o ang halaga nito ay maaaring masukat sa pamamagitan ng salapi, dahil ito ay hindi isang materyal na bagay, at tinutustusan nito ang mga pangangailangan sa puso ng bawat isang tao. Para sa bawat isang tao, ang halaga nitong mga katotohanang hindi nahahawakan ay dapat na higit kaysa sa halaga ng anumang mga materyal na bagay na sa tingin mo ay mainam, tama? Ang pananalitang ito ay isang bagay na dapat ninyong pag-isipang mabuti. Ang pangunahing punto ng Aking sinabi ay na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos at ang lahat sa Diyos ay ang pinakamahalagang mga bagay para sa bawat isang tao at ang mga ito ay hindi mapapalitan ng anumang materyal na bagay. Bibigyan kita ng isang halimbawa: Kapag ikaw ay nagugutom, kailangan mo ng pagkain. Masasabing ang pagkaing ito ay masarap o hindi ganoon kasarap, ngunit kapag ikaw ay nabusog, ang hindi magandang pakiramdam na iyon ng pagiging gutom ay hindi na narooon—ito ay mapapawi na. Maaari ka ng umupo doon nang payapa, at ang iyong katawan ay mapapahinga. Ang gutom ng mga tao ay maaaring malunasan ng pagkain, ngunit kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at nararamdaman mong wala kang pagkaunawa sa Kanya, paano mong malulunasan ang kahungkagan sa iyong puso? Maaari ba itong malunasan ng pagkain? O kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, ano ang magagamit mo upang punan ang gutom na yaon sa iyong puso? Sa proseso ng iyong karanasan ng kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, habang naghahangad ng pagbabago sa iyong disposisyon, kung hindi mo naiintindihan ang Kanyang kalooban o hindi nalalaman kung ano ang katotohanan, kung hindi mo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, hindi ka ba makadarama nang sobrang pagkabalisa? Hindi ka ba makadarama ng isang matinding pagkagutom at pagkauhaw sa iyong puso? Hindi ba hahadlangan ng mga damdaming ito na madama mo ang kapayapaan sa iyong puso? Kaya paano mong pupunan ang guton na yaon sa iyong puso—mayroon bang paraan para lunasan ito? Ang ilang mga tao ay bumabaling sa pamimili, ang ilan ay hinahanap ang mga kaibigan upang magsabi, ang ilang mga tao ay matutulog nang matutulog, ang iba ay nagbabasa ng mas maraming salita ng Diyos, o sila’y lalong magsisipag at gugugol ng mas maraming pagmamalasakit para tuparin ang kanilang mga tungkulin. Malulunasan ba ng mga bagay na ito ang iyong mismong mga suliranin? Ganap ninyong naiintindihang lahat ang mga ganitong uri ng mga pagsasagawa. Kapag nakadarama ka ng kahinaan, kapag nakadarama ka ng isang matinding pagnanais na magkamit ng pagliliwanag mula sa Diyos upang hayaan kang malaman ang realidad ng katotohanan at ang Kanyang kalooban, ano ang pinaka-kailangan mo? Ang kailangan mo ay hindi isang masaganang pagkain, at hindi iilang mga salita. Higit kaysa doon, hindi ang panandaliang kalinga at kasiyahan ng laman—ang iyong kailangan ay para sa Diyos na direkta, sabihin sa iyo nang malinaw kung ano ang dapat mong gawin at kung paano mo gagawin ito, upang sabihin sa iyo nang malinaw kung ano ang katotohanan. Pagkatapos mong maintindihan ito, kahit ito ay kakapiraso, hindi ka ba nakadama ng higit na kasiyahan sa iyong puso kaysa sa nakakain ka ng isang saganang pagkain? Kapag ang puso mo ay nasiyahan, hindi ba ang iyong puso, ang iyong kabuuang pagkatao, ay nagkamit ng tunay na kapayapaan? Sa pamamagitan ng paghahambing na ito at pagsusuri, naiintindihan na ba ninyo ngayon kung bakit gusto Kong ibahagi sa inyo ang pangungusap na ito, “ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath”? Nangangahulugan ito na anumang mula sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang lahat ng Kanya ay higit na dakila kaysa sa anumang ibang bagay, kabilang ang bagay o ang tao na minsa’y pinaniniwalaan mong pinakamahalaga sa iyo. Na ang ibig sabihin, kung ang isang tao ay hindi maaaring magkaroon ng mga salita mula sa bibig ng Diyos o hindi nila naiintindihan ang Kanyang kalooban, hindi sila maaring magkamit ng kapayapaan. Sa inyong hinaharap na mga karanasan, maiintindihan ninyo kung bakit gusto Kong makita ninyo ang talatang ito sa araw na ito—ito ay napakahalaga. Ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay katotohanan at buhay. Ang katotohanan para sa tao ay isang bagay na hindi maaaring wala sila sa kanilang mga buhay, na hindi kailanman maaaring sila’y wala; maaari mong sabihin na ito ang pinakadakilang bagay. Bagamat hindi mo ito nakikita o nahihipo, ang kahalagahan nito sa iyo ay hindi maaaring balewalain; ito ang tanging bagay na makapagbibigay ng kapayapaan sa iyong puso.
Ang inyo bang pagkaunawa sa katotohanan ay nakalakip sa iyong sariling mga katayuan? Sa totoong buhay, dapat mo munang isipin kung alin sa mga katotohanan ang may kaugnayan sa mga tao, mga bagay, at mga kaganapan na iyong nakaharap; sa gitna ng mga katotohanang ito mo masusumpungan ang kalooban ng Diyos at maiuugnay ang iyong nakaharap sa kanyang kalooban. Kung hindi mo nalalaman kung alin sa mga aspeto ng katotohanan ang may kaugnayan sa mga bagay na iyong nakaharap subalit dumiretso sa paghahanap ng kalooban ng Diyos, ang ganitong paglapit ay parang bulag at hindi magkakamit ng mga resulta. Kung gusto mong masumpungan ang katotohanan at maintindihan ang kalooban ng Diyos, una kailangan mong tingnan kung anong uri ng mga bagay ang dumating sa iyo, sa aling mga aspeto ng katotohanan sila may kaugnayan, at maghanap para sa katotohanan sa salita ng Diyos na may kaugnayan sa kung anong naranasan mo. At pagkatapos ay hanapin mo ang landas sa pagsasagawa na tama para sa iyo sa katotohanang iyon; sa ganitong paraan makakamit mo ang isang di-tuwiran na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Ang paghahanap at pagsasagawa ayon sa katotohanan ay hindi wala-sa-loob na paglalagay ng isang doktrina o pagsunod sa isang pormula. Ang katotohanan ay hindi gawa sa pormula, hindi rin ito isang kautusan. Hindi ito patay—ito ay buhay, ito ay isang buhay na bagay, at ito ang patakaran na dapat sundin ng isang nilikha at ang patakaran na dapat taglayin ng tao sa kanilang buhay. Ito ay isang bagay na higit mong maiintindihan mula sa karanasan. Hindi alintana anong yugto ka man nakarating sa iyong karanasan, ikaw ay hindi maihihiwalay sa salita ng Diyos o sa katotohanan, at kung ano ang iyong pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang iyong pagkakilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay ipinahayag lahat sa mga salita ng Diyos; ang mga ito ay may ugnayang hindi maihihiwalay sa katotohanan. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay ang mga katotohanan mismo; ang katotohanan ay isang tunay na kapahayagan ng disposisyon ng Diyos at ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Ginagawa nitong kongkreto ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos at malinaw na sinasabi ito; sinasabi nito sa iyo nang mas tuwiran kung ano ang gusto ng Diyos, kung ano ang hindi Niya gusto, kung ano ang nais Niyang gawin mo at kung ano ang hindi Niya pinahihintululot na gawin mo, anong mga tao ang hinahamak Niya at anong mga tao ang Kanyang kinagigiliwan. Sa likod ng mga katotohanan na ipinahahayag ng Diyos nakikita ng tao ang Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at kaligayahan, gayundin ang Kanyang diwa—ito ang pagbubunyag ng Kanyang disposisyon. Maliban sa pagkakilala sa kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at pagkaunawa sa Kanyang disposisyong mula sa Kanyang salita, ang mahalaga ay ang pangangailangan na marating ang pagkaunawang ito sa pamamagitan ng praktikal na karanasan. Kung aalisin ng isang tao ang kanyang sarili mula sa totoong buhay nang upang makilala ang Diyos, hindi niya magagawang makamtan iyon. Kahit na may mga tao na nakapagkakamit ng ilang pagkaunawa mula sa salita ng Diyos, ito ay limitado lamang sa mga teorya at mga salita, at mayroong kaibahan sa kung ano talaga ang Diyos.
Ang ating pinag-uusapan ngayon ay nakapaloob lahat sa saklaw ng mga kuwentong naitala sa Biblia. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, at sa pagsusuri sa mga bagay na ito na naganap, maiintindihan ng mga tao ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya na Kanyang ipinahayag, nagpapahintulot sa kanila na makilala ang bawat aspeto ng Diyos nang mas malawakan, mas malaliman, mas komprehensibo, at mas mabuti. Kaya, ang tanging paraan lang ba na makilala ang bawat aspeto ng Diyos ay sa pamamagitan ng mga kuwentong ito? Hindi, hindi ganoon! Sapagkat kung ano ang sinasabi ng Diyos at ang gawain na Kanyang ginagawa sa Kapanahunan ng Kaharian ay makatutulong nang maigi sa mga tao na makilala ang Kanyang disposisyon, at makilala ito nang lubusan. Gayunman, iniisip Ko na mas madaling makilala ang disposisyon ng Diyos at maintindihan ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya sa pamamgitan ng ilang mga halimbawa o mga kuwentong naitala sa Biblia na pamilyar sa mga tao. Kung kukunin Ko ang mga salita ng paghatol at pagkastigo at ang mga katotohanan na inihahayag ng Diyos sa araw na ito upang maipakilala Ko Siya sa inyo salita para sa salita, mararamdaman mo na masyado itong mapurol at masyadong nakapapagod, at mararamdaman pa ng ilang mga tao na ang mga salita ng Diyos ay mukhang mula sa pormula. Ngunit kapag kinuha natin ang mga kuwentong galing sa Biblia bilang mga halimbawa upang matulungan ang mga tao na makilala ang disposisyon ng Diyos, hindi nila ito ituturing na nakakainip. Maaari mong sabihin na sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag sa mga halimbawang ito, ang mga detalye sa kung ano ang nasa puso ng Diyos sa panahong iyon—ang Kanyang kalooban at damdamin, o ang Kanyang mga saloobin o mga ideya—ay nasabi na sa mga tao sa wika ng tao, at ang layunin ng lahat ng ito ay upang tulutan silang magpahalaga, maramdaman na ang kung ano ang mayroon at ano ang Diyos ay hindi isang pormula. Ito ay hindi isang alamat, o isang bagay na hindi nakikita o nahihipo ng mga tao. Ito ay isang bagay na talagang umiiral na nararamdaman ng mga tao, at maaaring pahalagahan. Ito ang sukdulang layunin. Maaari mong masabi na ang mga taong nabubuhay sa kapanahunanng ito ay pinagpala. Maaari silang lumapit sa mga kuwento sa Biblia upang magkamit ng mas malawak na pagkaunawa sa mga nagdaang gawain ng Diyos; nakikita nila ang Kanyang disposisyon sa mga gawain na Kanyang ginawa. At nagagawa nilang maintindihan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan nitong mga disposisyon na kanyang ipinahayag, maintindihan ang kongkretong pagpapakita ng Kanyang kabanalan at ang Kanyang pag-aaruga para sa mga tao nang upang marating ang isang lalong mas malalim na pagkakilala sa disposisyon ng Diyos. Naniniwala Ako na nararamdaman ninyong lahat ito!
Sa loob ng saklaw ng gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, makikita mo ang isa pang aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng Kanyang laman, at ito ay naging posible para makita at pahalagahan ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Sa Anak ng tao, nakita ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao na isinabuhay ang Kanyang pagkatao, at nakita nila ang pagka-Diyos ng Diyos na ipinahayag sa laman. Ang dalawang uri ng paghahayag na ito ay nagbigay-daan sa mga tao na makita ang isang totoong tunay na Diyos, at nagtulot sa kanila na makabuo ng isang naiibang konsepto ng Diyos. Gayunman, sa yugto ng panahon sa pagitan ng paglikha sa mundo at sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, iyon ay, bago ang Kapanahunan ng Biyaya, kung ano ang nakita, narinig, at naranasan ng mga tao ay ang aspeto ng pagka-Diyos ng Diyos. Ito ay ang kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos sa isang hindi nahihipong kaharian, at ang mga bagay na Kanyang ipinahayag mula sa Kanyang tunay na persona na maaaring makita o mahipo. Kadalasan, nagagawa ng mga bagay na ito na maramdaman ng mga tao na ang Diyos ay napakadakila, at na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Ang impresyon na karaniwang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay na Siya ay aandap-andap, at nararamdaman pa ng mga tao na ang bawat isa sa Kanyang mga saloobin at mga ideya ay masyadong misteryoso at masyadong mailap na walang paraan para maabot ang mga ito, lalong hindi nagtangka na maintindihan at pahalagahan ang mga ito. Para sa mga tao, ang lahat ng mga bagay tungkol sa Diyos ay masyadong malayo—sa sobrang layo ay hindi na ito makita ng mga tao, hindi na ito mahipo. Mistula Siyang nasa kalawakan, at parang ni hindi Siya umiiral. Kaya para sa mga tao, ang pagkaunawa sa puso at isip ng Diyos o anuman sa Kanyang iniisip ay hindi maaaring makamit, at hindi pa maaabot. Kahit na gumawa ang Diyos ng ilang kongkretong gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, at nagpalabas din Siya ng ilang tiyak na mga salita at nagpahayag ng ilang tiyak na mga disposisyon upang tulutan ang mga tao na pahalagahan at makita ang ilang kaalaman ukol sa Kanya, ngunit sa katapusan, yaon ang pagpapahayag ng Diyos sa kung anong mayroon at kung ano Siya sa isang hindi nahihipong kaharian, at kung ano ang naiintindihan ng mga tao, kung ano ang nalalaman nila ay sa aspetong pagka-Diyos pa rin ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Hindi magawang makamit ng mga tao ang isang kongkretong konsepto mula sa pagpapahayag na ito ng[a] kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at ang kanilang impresyon ukol sa Diyos ay nananatili pa rin sa loob ng saklaw ng “ang isang Espiritu na mahirap malapitan, na aandap-andap.” Sapagkat ang Diyos ay hindi gumamit ng isang tiyak na bagay o isang imahe sa materyal na kaharian upang magpakita sa mga tao, hindi pa rin nila Siya magawang ipakahulugan gamit ang wika ng tao. Sa mga puso at mga isip ng mga tao, palagi nilang gustong gamitin ang kanilang sariling wika upang makapagtatag ng isang pamantayan para sa Diyos, upang gawin Siyang nahihipo at gawin Siyang tao, gaya ng gaano Siya katangkad, gaano Siya kalaki, ano ang Kanyang hitsura, ano talaga ang gusto Niya at ano ang Kanyang tiyak na personalidad. Sa totoo lang, sa Kanyang puso nalalaman ng Diyos na ganito ang iniisip ng mga tao. Napakalinaw Niya sa mga pangangailangan ng tao, at mangyari pa nalalaman din Niya kung ano ang dapat gawin, kaya ipinatupad Niya ang Kanyang gawain sa naiibang paraan sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa ganitong paraan ay kapwa maka-Diyos at gawaing makatao. Sa yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, nakikita ng mga tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong mga pagpapahayag. Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan, maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang pagpapahayag at isang pagbunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang laman na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila mararamdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos, ang mga salita, at ang gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ding ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na kaharian. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, kalagayan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at gawing makatao. Bagamat ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa laman, nagsalita mula sa pananaw ng laman, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at ang Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at katotohanan ng Diyos. Bagamat ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na kaharian, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao—hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaring katawanin ang sinumang tao—Hindi maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.
Susunod titingnan natin ang isang talinghaga na inilahad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.
3. Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa
(Mateo 18:12-14) Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu’t siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu’t siyam na hindi nangaligaw. Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.
Ito ay isang talinghaga—anong uri ng pakiramdam ang nakukuha ng mga tao mula sa talatang ito? Ang paraan ng pagkakapahayag ng talinghagang ito ay gumagamit ng isang tayutay sa wika ng tao; ito ay isang bagay na nakapaloob sa saklaw ng kaalamang pantao. Kung ang Diyos ay nagsalita ng kaparehong bagay sa Kapanahunan ng Kautusan, maaaring madama ng mga tao na hindi ito talaga katugon ng kung sino ang Diyos, ngunit nang ipahayag ng Anak ng tao ang talatang ito sa Kapanahunan ng Biyaya, ito ay nakaaaliw, malugod, at malapit sa mga tao. Nang ang Diyos ay maging tao, nang Siya ay nagpakita sa anyo ng isang tao, gumamit Siya ng isang angkop na angkop na talinghaga upang ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan. Ang tinig na ito ay kumakatawan sa sariling tinig ng Diyos at ang gawain na gusto Niyang gawin sa kapanahunang iyon. Kinakatawan din nito ang isang saloobin na mayroon ang Diyos tungo sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung titingin mula sa pananaw ng saloobin ng Diyos tungo sa mga tao, inihambing Niya ang bawat isang tao sa isang tupa. Kung ang isang tupa ay mawala, gagawin Niya ang lahat nang makakaya upang mahanap ito. Kinakatawan nito ang isang panuntunan ng gawain ng Diyos sa gitna ng mga tao sa panahong ito sa laman. Ginamit ng Diyos ang talinghagang ito upang ipaliwanag ang Kanyang kapasyahan at saloobin sa gawaing iyon. Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Maaari Niyang samantalahin ang kalaman ng sangkatauhan at gamitin ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o “iniliwat” sa tao ang Kanyang malalim, at may pagka-Diyos na wika na pinagsisikapang maintindihan ng mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao. Nakatulong ito sa mga tao na maintindihan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang gusto Niyang gawin. Maaari din Siyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng isang tao, gamit ang wika ng tao, at makipagniig sa mga tao sa isang paraan na kanilang maiintindihan. Maaari pa Siyang magsalita at gumawa gamit ang wika ng tao at kaalaman nang upang maramdaman ng mga tao ang kabaitan at pagiging malapit ng Diyos, nang upang makita nila ang Kanyang puso. Ano ang nakikita mo dito? Na walang pagbabawal sa mga salita at mga pagkilos ng Diyos? Sa paraang nakikita ng mga tao, walang paraan na magagamit ng Diyos ang pantaong kaalaman, wika, o mga paraan ng pananalita upang pag-usapan ang tungkol sa kung ano ang gustong sabihin ng DiyosMismo, ang gawain na gusto Niyang gawin, o upang ipahayag ang Kanyang sariling kalooban; ito ay maling pag-iisip. Ginagamit ng Diyos ang ganitong uri ng talinghaga nang upang maramdaman ng mga tao ang pagiging totoo at ang sinseridad ng Diyos, at makita ang Kanyang saloobin sa yugto ng panahong iyon. Ginising ng talinghaga ito ang mga tao mula sa isang panaginip na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa napakahabang panahon, at kinumbinsi din nito ang maraming salinlahi ng mga tao na nabubuhay sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagbabasa sa talatang ito ng talinghaga, malalaman ng tao ang sinseridad ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan at maintindihan ang bigat ng sangkatauhan sa Kanyang puso.
Tingnan natin muli ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.” Ito ba ay sariling mga salita ng Panginoong Jesus, o ang mga salita ng Kanyang Ama na nasa langit? Sa wari, para bang ang Panginoong Jesus ang nagsasalita, ngunit kinakatawan ng Kanyang kalooban ang kalooban ng Diyos Mismo, kaya nga sinabi Niyang: “Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.” Ang mga tao sa panahong ito ay kinikilala lamang ang Ama na nasa langit bilang Diyos, at ang taong ito na kanilang nakita sa harap ng kanilang mga mata ay isinugo lamang Niya, at hindi Niya maaaring katawanin ang Ama na nasa langit. Yaon ang dahilan kung bakit kinailangan ng Panginoong Jesus na sabihin din iyon, nang upang maramdaman talaga nila ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan, at maramdaman ang pagiging totoo at katumpakan ng Kanyang sinabi. Bagamat ito ay isang simpleng bagay na sabihin, ito ay talagang mapagkalinga at ibinunyag nito ang kababaang-loob at pagka-tago ng Panginoong Jesus. Hindi alintana kung ang Diyos man ay naging tao o Siya ay gumagawa sa espirituwal na kaharian, kilala Niya ang puso ng tao nang pinakamahusay, at naiintindihan nang pinakamahusay kung ano ang kinakailangan ng mga tao, nalalaman Niya kung ano ang ikinababahala ng mga tao, at kung ano ang nakapagpapalito sa kanila, kaya idinagdag Niya ang isang linyang ito. Itinatampok ng linyang ito ang isang suliranin na nakatago sa sangkatauhan: Ang mga tao ay nag-aalinlangan sa sinabi ng Anak ng tao, na ang ibig sabihin, nang nagsasalita ang Panginoong Jesus idinagdag Niya ang: “Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.” Sa ganitong katuwiran lamang makapamumunga ang Kanyang mga salita, upang papaniwalain ang mga tao sa katumpakan ng mga ito at mapagbuti ang kanilang kredibilidad. Ipinakikita nito na nang ang Diyos ay maging karaniwang Anak ng tao, ang Diyos at ang sangkatauhan ay nagkaroon ng isang mahirap na kaugnayan, at ang kalagayan ng Anak ng tao ay talagang nakakahiya. Ipinakikita din nito kung gaano kahamak ang kalagayan ng Panginoong Jesus sa gitna ng mga tao sa panahong iyon. Nang sinabi Niya ito, ito ay upang sabihin talaga sa mga tao: Makatitiyak kayo—hindi nito kinakatawan kung ano ang nasa sarili Kong puso, ngunit ang kalooban ng Diyos ang nasa inyong mga puso. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito kakatwang bagay? Bagamat ang Diyos na gumagawa sa laman ay maraming mga kalamangan na wala sa Kanya sa Kanyang pagiging tao, kinailangan Niyang tiisin ang kanilang mga alinlangan at pagtanggi gayundin ang kanilang kamanhiran at kamangmangan. Maaaring sabihin na ang proseso ng gawain ng Anak ng tao ay ang proseso ng pagdanas sa pagtatakwil ng sangkatauhan, at ang proseso ng pagdanas sa pakikipagtunggali ng sangkatauhan sa Kanya. Higit pa roon, ito ang proseso ng paggawa upang patuloy na makuha ang tiwala ng sangkatauhan at lupigin ang sangkatauhan sa pamamangitan ng kung anong mayroon at kung ano Siya, sa pamamagitan ng Kanyang sariling diwa. Hindi naman talaga naglunsad ang Diyos ng mano-manong digmaan laban kay Satanas; ang Diyos lamang ay naging isang karaniwang tao at nagsimula ng isang pakikibaka sa kanila na sumusunod sa Kanya, at sa pakikipagbaka ng anak ng tao nakumpleto ang Kanyang gawain sa Kanyang kababaang-loob, sa kung anong mayron at kung ano Siya, sa Kanyang pag-ibig at karunungan. Natamo Niya ang mga taong gusto Niya, nakuha ang pagkakakilanlan at kalagayan na nararapat sa Kanya, at nakabalik sa Kanyang luklukan.
Susunod, tingnan natin ang sumusunod na dalawang talata ng kasulatan.
4. Magpatawad ng Makapitumpung Pito
(Mateo 18:21-22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.
5. Ang Pag-ibig ng Panginoon
(Mateo 22:37-39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Itinatampok talaga ng dalawang paksang ito ang gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.
Nang ang Diyos ay naging tao, nagdala Siya kasama noon ng isang yugto ng Kanyang gawain—dinala Niya ang isang tiyak na gawain at ang disposisyon na gusto Niyang ipahayag sa kapanahunang ito. Sa yugtong iyon, ang lahat ng bagay na ginawa ng Anak ng tao ay umikot sa palibot ng gawain na gustong ipatupad ng Diyos sa kapanahunang ito. Gagawin Niya nang walang labis at walang kulang. Ang bawat bagay na Kanyang sinabi at ang bawat uri ng gawain na Kanyang ipinatupad ay may kaugnayang lahat sa kapanahunang ito. Hindi alintana kung ito man ay ipinahayag Niya sa isang makataong paraan sa wikang pantao o sa pamamagitan ng wika na may pagka-Diyos—maging sa alinmang paraan, o mula sa alinmang pananaw—ang Kanyang layunin ay upang tulungan ang mga tao na maintindihan kung ano ang gusto Niyang gawin, kung ano ang Kanyang kalooban, at kung ano ang Kanyang mga kinakailangan sa mga tao. Maaari Siyang gumamit ng iba’t-ibang mga pamamaraan mula sa magkakaibang mga pananaw upang tulungan ang mga tao na maintindihan at malaman ang Kanyang kalooban, maintindihan ang Kanyang gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan. Kaya sa Kapanahunan ng Biyaya ay makikita natin ang Panginoong Jesus na malimit gumamit ng wikang pantao upang ipahayag ang gusto Niyang ipakiusap sa sangkatauhan. Higit pa rito, nakikita natin Siya mula sa pananaw ng isang karaniwang patnubay na nakiipag-usap sa mga tao, tinutustusan ang kanilang mga pangangailangan, tinutulungan sila sa kung ano ang kanilang hiniling. Ang paraang ito ng paggawa ay hindi nakita sa Kapanahunan ng Kautusan na dumating bago ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay naging mas malapit at naging mas mapagmalasakit sa sangkatauhan, gayundin ang mas nagagawang makamit ang mga praktikal na resulta kapwa sa anyo at sa pamamaraan. Ang pagpapahayag upang patawarin ang mga tao ng “makapitumpung pito” ay nililinaw talaga ang puntong ito. Ang layuning nakamit sa bilang ng pagpapahayag na ito ay upang tulutan ang mga tao na maintindihan ang layunin ng Panginoong Jesus sa panahong iyon nang sinabi Niya ito. Ang Kanyang layunin ay na dapat patawarin ng mga tao ang iba—hindi minsan o dalawang beses, at hindi rin nang pitong beses, kundi makapitumpung pito. Anong uri ng ideya itong “makapitumpung beses”? Ito ay upang kumbinsihin ang mga tao na gawin nilang sariling pananagutan ang pagpapatawad, isang bagay na dapat nilang matutunan, at isang paraan na dapat nilang panatilihin. Bagamat ito ay isa lamang pagpapahayag, ito ay nagsilbing isang mahalagang punto. Nakatulong ito sa mga tao na lubos na pahalagahan kung ano ang ibig Niyang sabihin at makita ang wastong mga pamamaraan ng pagsasagawa at ang mga panuntunan at mga pamatayan sa pagsasagawa. Nakatulong ang pagpapahayag na ito sa mga tao na maintindihan nang malinaw at nagbigay sa kanila ng tamang pagkaintindi na dapat nilang matutunan ang pagpapatawad—upang magpatawad nang walang mga kondisyon at walang mga limitasyon, ngunit kalakip ang saloobin ng pagpaparaya at pagkaunawa sa iba. Nang sinabi ito ng Panginoong Jesus, ano ang nasa puso Niya? Talaga bang iniisip Niya ang makapitumpung pito? Hindi. Mayroon bang takdang bilang na magpapatawad ang Diyos sa tao? Maraming mga tao ang totoong intresado sa “takdang bilang” na nabanggit, na gusto talagang maintindihan ang pinagmulan at kahulugan ng bilang na ito. Gusto nilang maintindihan kung bakit ang bilang na ito ay lumabas sa bibig ng Panginoong Jesus; naniniwala sila na mayroong isang mas malalim na pakahulugan sa bilang na ito. Sa katunayan, ito ay pagpapahayag lamang ng Diyos sa Kanyang pagkatao. Anumang pagpapahiwatig o kahulugan ay dapat na maintindihan kasama ng mga kahilingan ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan. Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na kaharian na hindi nakikita ng mga tao. Sapagkat ang mga tao na nabubuhay sa laman, hindi sila makadadaan sa espirituwal na kaharian. Ngunit pagkatapos maging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na kaharian. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at paggamit ng mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at panuntunan ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagamat ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga panuntunan sa paggawa sa laman ay nakakamit karamihan sa pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resultta na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagkatao ay higit na kongkreto, mapananaligan, at nakatuon, ang mga pamamaraan ay lalong higit na naibabagay sa pangyayari, at sa anyo ay daig ang Kapanahunan ng Kautusan.
Sa ibaba, pag-usapan natin ang tungkol sa pag-ibig sa Panginoon at pag-ibig sa iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ito ba ay isang bagay na ipinahahayag mismo sa pagka-Diyos? Malinaw na hindi! Ang lahat ng mga ito ay sinabi ng Anak ng tao sa sangkatauhan; mga tao lamang ang magsasabi ng isang bagay gaya ng “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ang pag-ibig sa iba ay katulad lamang ng pagpapahalaga sa iyong sariling buhay,” at mga tao lamang ang magsasalita sa ganitong paraan. Ang Diyos ay hindi kailanman nagsalita sa ganitong paraan. Sa paanuman, hindi taglay ng Diyos ang ganitong uri ng wika sa Kanyang pagiging Diyos dahil hindi Niya kailangan ang ganitong uri ng paniniwala, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” upang isaayos ang Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ay isang likas na pagbubunyag ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Kailan pa ninyo narinig na sinabi ng Diyos ang anumang gaya nito “Iniibig Ko ang sangkatauhan gaya ng pag-ibig Ko sa Aking Sarili”? Sapagkat ang pag-ibig ay nasa diwa ng Diyos, at nasa kung anong mayroon at kung ano Siya. Ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan at ang paraan ng Kanyang pagtrato sa tao at ang Kanyang saloobin ay isang likas na pagpapahayag ng Kanyang disposisyon. Hindi Niya kailangang gawin ito nang sadya sa naturang paraan, o sadyang sundin ang isang tiyak na paraan o isang pamantayang moral upang matamo ang pag-ibig Niya sa kapwa gaya sa Sarili Niya—tinataglay na Niya ang ganitong uri ng diwa. Ano ang nakikita mo dito? Kapag ang Diyos ay gumagawa bilang isang tao, marami sa Kanyang mga pamamaraan, mga salita, at mga katotohanan ay ipinapahayag lahat sa paraan ng tao. Ngunit gayundin sa disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang kalooban ay ipinahahayag para malaman at maintindihan ng mga tao. Kung ano ang kanilang nalaman at naintindihan ay eksaktong ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, na kumakatawan sa likas na pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos Mismo. Na ang ibig sabihin, ang Anak ng tao sa laman ay ipinahayag sa likas na disposisyon at diwa ng Diyos Mismo sa pinakamalawak na paraan hangga’t maaari at bilang tumpak hangga’t maaari. Hindi lamang sa ang pagkatao ng Anak ng tao ay hindi isang balakid o isang hadlang sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos na nasa langit, ngunit ito lamang talaga ang paraan at ang tanging tulay para sa mga tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon ng paglikha. Sa puntong ito, hindi ba ninyo nararamdaman na marami ang mga pagkakatulad sa pagitan ng kalikasan at mga pamamaraan ng gawain na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng mga Biyaya at ang kasalukuyang yugto ng gawain? Ang kasalukuyang yugto ng gawaing ito ay gumagamit din ng napakaraming wika ng tao upang ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at ito ay gumagamit ng napakaraming mga pamamaraan mula sa pang-araw-araw na buhay ng sangkatauhan at kaalaman ng tao upang ipahayag ang sariling disposisyon ng Diyos. Sa sandaling ang Diyos ay maging tao, maging kung Siya man ay nagsasalita mula sa pananaw ng isang tao o sa may pagka-Diyos na paraan, marami sa Kanyang wika at mga pamamaraan ng pagpapahayag ay sa pamamagitan lahat ng paggamit sa wika ng tao at mga pamamaraan. Iyon ay, nang ang Diyos ay maging tao, ito ang pinakamainam na pagkakataon para makita mo ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at upang malaman ang bawat tunay na aspeto ng Diyos. Nang ang Diyos ay maging tao, habang Siya ay lumalaki, nakuha Niyang maintindihan, matutunan, at maunawaan ang ilan sa mga kaalaman ng sangkatauhan, sentido kumon, wika, at mga pamamaraan ng pagpapahayag sa pagkatao. Tinataglay ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga bagay na ito na nanggaling mula sa mga tao na Kanyang nilikha. Sila ay naging mga kasangkapan ng Diyos na nasa laman sa pagpapahayag ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagka-Diyos, at nagtulot sa Kanya upang gawin itong mas angkop, mas mapananaligan, at mas tumpak nang Siya ay gumagawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan, mula sa pananaw ng tao at gamit ang wika ng tao. Ginawa itong mas naaabot at mas madaling maintindihan para sa mga tao, kaya natamo ang mga resulta na gusto ng Diyos. Hindi ba higit na praktikal para sa Diyos na gumawa na nasa laman sa ganitong paraan? Hindi ba ito ang karunungan ng Diyos? Nang maging laman ang Diyos, nang magawang makuha ng laman ng Diyos ang gawain na gusto Niyang ipatupad, ito ay nang praktikal Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang gawain, at ito din ang panahon nang maaari na Niyang opisyal na simulan ang Kanyang ministeryo bilang ang Anak ng tao. Nangangahulugan ito na wala na ang malaking agwat sa pagitan ng Diyos at ng tao, na malapit nang ipatigil ng Diyos ang Kanyang gawain sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng mga sinugo, at na maaari nang ipahayag ng personal ng Diyos ang lahat ng mga salita at gawain sa laman na gugustuhin Niya. Nangangahulugan din ito na ang mga tao na ililigtas ng Diyos ay naging mas malapit sa Kanya, at na ang Kanyang gawaing pamamahala ay nakapasok sa isang bagong teritoryo, at na ang buong sangkatauhan ay nakaambang iharap sa isang bagong panahon.
Nalalaman ng lahat ng nakabasa sa Biblia na maraming mga bagay ang nangyari nang ipanganak si Jesus. Ang pinakadakila sa mga ito ay ang tinutugis ng hari ng mga diablo, hanggang sa punto na ang lahat ng mga bata na edad dalawang taon pababa ay pinagpapatay. Maliwanag na sinuong ng Diyos ang malaking panganib sa pagiging laman sa gitna ng mga tao; ang malaking halaga na Kanyang binayaran sa pagbuo ng Kanyang pamamahala sa pagliligtas sa sangkatauhan ay maliwanag din naman. Ang mga dakilang pag-asa na pinanghawakan ng Diyos para sa Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan ay maliwanag din. Nang maisagawa ng Diyos na nasa laman ang gawain sa gitna ng sangkatauahan, ano ang Kanyang nararamdaman? Dapat na maintindihan ng mga tao iyon nang kaunti, tama? Anu’t-anuman, ang Diyos ay maligaya na maaari Niyang umpisahang paunlarin ang Kanyang bagong gawain sa sangkatauhan. Nang ang Panginoong Jesus ay mabautismuhan at opisyal na sinimulan ang Kanyang gawain upang tuparin ang Kanyang ministeryo, ang puso ng Diyos ay napuno nang kagalakan pagkatapos ng maraming taon ng paghihintay at paghahanda, maisusuot na Niya sa wakas ang laman ng isang karaniwang tao at masisimulan ang Kanyang bagong gawain sa anyo ng isang tao na laman at dugo na maaaring makita at mahipo ng mga tao. Sa wakas ay maaari na Siyang makipag-usap nang harapan at masinsinan sa mga tao sa pamamagitan ng pagkakakilanlan ng isang tao. Sa wakas ay maaari nang humarap ang Diyos sa mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao; maaari na Siyang maglaan para sa mga tao, liwanagan sila, at tulungan sila gamit ang wika ng tao; maaari na Siyang kumain sa kaparehong hapag at mamuhay sa kaparehong lugar sa kanila. Maaari na din Niyang makita ang mga tao, makita ang mga bagay, at makita ang lahat ng bagay gaya ng nagagawa ng mga tao at maging sa pamamagitan ng kanilang sariling mga mata. Para sa Diyos, ito na ang Kanyang unang tagumpay sa Kanyang gawain sa laman. Maaari ding itong masabi na ito ay tagumpay ng isang dakilang gawain—ito mangyari pa ang lubos na ikinaliligaya ng Diyos. Simula noon ay ang unang pagkakataon na nakaramdam ang Diyos ng isang uri ng kaaliwan sa Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay totoong praktikal at talagang likas, at ang kaaliwan na naramdaman ng Diyos ay totoong totoo. Para sa sangkatauhan, sa bawat pagkakataon na isang bagong yugto ng gawain ang naipagtagumpay, at sa bawat pagkakataon na nakararamdam ng kasiyahan ang Diyos, ay kapag ang sangkatauhan ay nagiging mas malapit sa Diyos, at kapag ang mga tao ay lalong napapalapit sa kaligtasan. Sa Diyos, ito din ang paglulunsad ng Kanyang bagong gawain, kapag ang Kanyang plano sa pamamahala ay umuusad ng isang hakbang pasulong, at, higit sa rito, kapag ang Kanyang kalooban ay nalalapit sa lubos na pagtatagumpay. Para sa sangkatauhan, ang pagdating ng gayong pagkakataon ay mapalad, at talagang mabuti; para sa lahat niyaong naghihintay para sa kaligtasan ng Diyos, ito ay napakahalagang balita. Kapag ang Diyos ay nagpapatupad ng isang bagong yugto ng gawain, pagkatapos ay mayroon Siyang bagong pasimula, at kapag ang bagong gawain at bagong pasimula na ito ay naumpisahan na at naipakilala sa gitna ng sangkatauhan, at kapag ang kalalabasan ng yugto ng gawaing ito ay natiyak na, at ito ay naipagtagumpay, at nakita na ng Diyos ang panghuli nitong mga epekto at bunga. Ito din ay kapag sa mga epektong ito ay nalugod ang Diyos, at ang Kanyang puso, mangyari pa, ay maligaya. Sapagkat, sa mga mata ng Diyos, nakita na Niya at napagpasyahan ang mga tao na Kanyang hinahanap, at nakamit na Niya ang grupong ito, isang grupo na magagawang maging matagumpay ang Kanyang gawain at magbibigay sa Kanya ng kaluguran, ang Diyos ay nakadadama na muling magbibigay ng tiwala, isinasantabi Niya ang Kanyang mga alalahanin, at makararamdam Siya ng kaluguran. Sa ibang salita, kapag nagawang masimulan ng laman ng Diyos ang bagong gawain sa tao, at sinimulan na Niyang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin nang walang kahadlangan, at kapag naramdaman Niyang ang lahat ay naipagtagumpay, nakita na Niya ang katapusan. At dahil sa katapusan na ito Siya ay nalulugod, at mayroong masayang puso. Paano naipahahayag ang kaligyahan ng Diyos? Naiisip niyo ba? Iiyak ba ang Diyos? Maaari bang umiyak ang Diyos? Maaari bang ipalakpak ng Diyos ang Kanyang mga kamay? Maaari bang sumayaw ang Diyos? Maaari bang kumanta ang Diyos? Ano kayang kanta iyon? Mangyari pa ang Diyos ay maaaring kumanta ng isang maganda, nakaaantig na kanta, isang kanta na maaaring ipahayag ang Kanyang galak at kaligayahan sa Kanyang puso. Maaari Niya itong kantahin para sa sangkatauhan, kantahin para sa Sarili Niya, at kantahin ito para sa lahat ng mga bagay. Ang kaligayahan ng Diyos ay maaaring ipahayag sa kahit anumang paraan—ang lahat ng ito ay normal sapagkat ang Diyos ay may mga kagalakan at mga kalungkutan, at ang Kanyang iba’t-ibang mga damdamin ay maaaring ipahayag sa iba’t-ibang mga paraan. Ito ay Kanyang karapatan at ito ang pinakanormal na bagay. Hindi kayo dapat mag-isip ng anupamang bagay ukol rito, at huwag ninyong itanyag ang inyong sariling mga pagbabawal sa Diyos, sasabihin sa Kanya na hindi Niya dapat ginagawa ang ganito o ganoon, hindi Siya dapat kumilos ng ganito o ganoon, upang limitahan ang Kanyang kaligayahan o anumang damdaming mayroon Siya. Sa puso ng mga tao ang Diyos ay hindi maaaring maging masaya, hindi Niya magagawang lumuha, hindi Siya maaaring tumangis—hindi Siya maaaring magpahayag ng anumang damdamin. Sa pamamagitan ng pinag-usapan natin dito nang dalawang beses, naniniwala ako na hindi na ninyo titingnan ang Diyos sa ganitong paraan, ngunit hahayaan ang Diyos na magkaroon ng ilang kalayaan at kaginhawaan. Ito ay napakainam na bagay. Sa hinaharap kung magagawa ninyong tunay na maramdaman ang kalungkutan ng Diyos kapag narinig ninyo ang tungkol sa pagiging malungkot Niya, at magagawa ninyong tunay na maramdaman ang Kanyang kaligayahan kapag nabalitaan ninyo ang tungkol sa Kanyang pagiging masaya—anu’t-anuman, magagawa ninyong malaman at maintindihan nang malinaw kung ano ang nakapagpapasaya sa Diyos at kung ano ang nakapagpapalungkot sa Kanya—kung kayo ay nalulungkot kapag malungkot ang Diyos, at sumasaya sapagkat masaya ang Diyos, nakamit na Niya nang lubos ang iyong puso at wala ng magiging balakid sa Kanya. Hindi mo na tatangkain na ipilit ang Diyos sa kathang-isip ng tao, mga pagkaintindi, at kaalaman. Sa panahon na iyon, ang Diyos ay magiging buhay at malinaw sa iyong puso. Siya ang magiging Diyos ng iyong buhay at ang Panginoon ng lahat sa iyo. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng paghahangad? Tiwala ba kayo na matatamo ninyo ito?
Susunod ay babasahin natin ang sumusunod na mga talata.
6. Ang Sermon sa Bundok
1) Ang Mga Kapahayagan (Mat 5:3-12)
2) Asin at ang Ilaw (Mat 5:13-16)
3) Kautusan (Mat 5:17-20)
4) Galit (Mat 5:21-26)
5) Pangangalunya (Mat 5:27-30)
6) Diborsiyo (Mat 5:31-32)
7) Mga Pangako (Mat 5:33-37)
8) Mata sa Mata (Mat 5:38-42)
9) Mahalin Mo ang Iyong mga Kaaway (Mat 5:43-48)
10) Ang Tagubilin Tungkol sa Pag-aabuloy (Mat 6:1-4)
11) Panalangin (Mat 6:5-8)
7. Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus
1) Ang Talinghaga Ukol sa Manghahasik (Mat 13:1-9)
2) Ang Talinghaga Ukol sa mga Panirang Damo (Mat 13:24-30)
3) Ang Talinghaga Ukol sa Binhi ng Mustasa (Mat 13:31-32)
4) Ang Talinghaga Ukol sa Lebadura (Mat 13:33)
5) Ang Talinghaga Ukol sa Mga Panirang Damo Ipinaliwanag (Mat 13:36-43)
6) Ang Talinghaga Ukol sa Kayamanan (Mat 13:44)
7) Ang Talinghaga Ukol sa Perlas (Mat 13:45-46)
8) Ang Talinghaga Ukol sa Lambat (Mat 13:47-50)
8. Ang mga Utos

Tingnan muna natin ang bawat bahagi ng “Ang Sermon sa Bundok.” Ano ang kaugnayan ng lahat ng ito? Maaaring masabi nang may katiyakan na ang lahat ng mga ito ay mas mataas, mas kongkreto, at mas malapit sa mga buhay ng mga tao kaysa sa mga alituntunin sa Kapanahunan ng Kautusan. Kung sasabihin sa makabagong mga pananalita, ito ay mas mahalaga kaysa sa mismong pagsasagawa ng mga tao.
Basahin natin ang tiyak na nilalaman ng mga sumusunod: Paano mo dapat unawain ang mga banal na kapalaran? Ano ang dapat mong malaman tungkol sa kautusan? Paano dapat bigyan ng kahulugan ang galit? Paano dapat makitungo sa mga mapakiapid? Ano ang binabanggit, anong uri ng mga patakaran mayroon tungkol sa diborsiyo, at sino ang makakukuha ng diborsiyo at sino ang hindi makakukuha ng diborsiyo? Paano naman ang mga pangako, mata sa mata, ibigin mo ang iyong mga kaaway, ang tagubilin ukol sa pag-aabuloy, atbp.? Ang lahat ng mga bagay na ito ay may kinalaman sa bawat aspeto ng kaugalian sa pananampalataya sa Diyos ng mga tao, at ng kanilang pagsunod sa Diyos. Ang ilan sa mga pagsasagawang ito ay naaangkop pa rin sa araw na ito, ngunit ang mga ito ay mas sinauna kaysa sa kasalukuyang mga kinakailangan sa mga tao. Ang mga ito ay maituturing na panimulang mga katotohanan na nasasagupa ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Mula sa panahon na nagsimulang gumawa ang Panginoong Jesus, nagsimula na Siyang gumawa sa disposisyon sa buhay ng mga tao, ngunit ito ay batay sa saligan ng mga kautusan. Ang mga patakaran at mga kasabihan sa mga paksang ito ay may kinalaman ba sa katotohanan? Mangyari pa mayroon! Ang lahat ng naunang mga alituntunin, mga panuntunan, at ang sermon sa Kapanahunan ng Biyaya ay may kinalamang lahat sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at mangyari pa sa katotohanan. Maging anuman ang ipahayag ng Diyos, sa alinmang paraan Niya ito ipahayag, o gamit ang anumang uri ng wika, ang saligan nito, ang pinagmulan nito, at ang pasimula nito ay nakabatay lahat sa mga panuntunan ng Kanyang disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ay walang kamalian. Kaya kahit na ngayong ang mga bagay na ito na Kanyang sinabi ay parang medyo mababaw, hindi mo pa rin masasabi na hindi sila ang katotohanan, sapagkat sila ay mga bagay na kailangan para sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya nang upang malugod ang kalooban ng Diyos at upang makamit ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Maaari mo bang sabihin na ang alinman sa mga bagay na ito sa sermon ay hindi nakaugnay sa katotohanan? Hindi mo maaaring sabihin! Ang bawat isa sa mga ito ay ang katotohanan sapagkat ang lahat ng mga ito ay mga kinakailangan ng Diyos para sa sangkatauhan; silang lahat ay mga panuntunan at isang saklaw na ibinigay ng Diyos para kung paano umasal ang sarili, at kinakatawan nila ang disposisyon ng Diyos. Gayunman, batay sa antas ng kanilang paglago sa buhay sa panahong iyon, nagawa lamang nila na tanggapin at maunawaan ang mga bagay na ito. Sapagkat ang kasalanan ng sangkatauhan ay hindi pa nalulunasan, maaari lamang ibigay ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito, at maaari lamang Niyang gamitin ang gayong kasimpleng mga aral sa gitna ng ganitong saklaw upang sabihin sa mga tao sa panahong iyon kung paano sila dapat kumilos, ano ang dapat nilang gawin, sa gitna ng aling mga panuntunan at saklaw nila dapat gawin ang mga bagay, at kung paano sila dapat maniwala sa Diyos at matugunan ang Kanyang mga kahilingan. Ang lahat ng ito ay napagpapasyahan batay sa tayog ng sangkatauhan sa panahong iyon. Ito ay hindi madali para sa mga taong nabubuhay sa ilalim ng kautusan na tanggapin ang mga aral na ito, kaya kung ano ang itinuro ng Panginoong Jesus ay kailangang manatili sa gitna ng saklaw na ito.
Susunod, titingnan natin kung ano ang nasa “Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus.”
Ang una ay ang talinghaga ukol sa manghahasik. Ito ay isang kawili-wiling talinghaga; ang paghahasik ng mga binhi ay isang karaniwang pangyayari sa buhay ng mga tao. Ang ikalawa ay ang talinghaga ukol sa mga panirang damo. Kung ang pag-uusapan natin ay ukol sa kung ano ang mga panirang damo, ang sinuman na nakapaghasik ng mga pananim at ang mga matatanda ay makaaalam. Ang ikatlo ay ang talinghaga ukol sa buto ng mustasa. Alam ninyong lahat kung ano ang mustasa, tama? Kung hindi ninyo alam, maaari ninyong tingnan sa pamamagitan ng Biblia. Para sa ikaapat, ang talinghaga ukol sa lebadura, nalalaman ng karamihan sa mga tao na ang lebadura ay ginagamit sa pagbuburo; ito ay isang bagay na ginagamit ng mga tao sa kanilang mga pang-araw-araw na buhay. Ang lahat ng mga talinghaga sa ibaba, kasama na ang ikaanim, ang talinghaga ukol sa kayamanan, ang ikapito, ang talinghaga ukol sa perlas, at ang ikawalo, ang talinghga ukol sa lambat, ay iginuhit lahat mula sa mga buhay ng mga tao; silang lahat ay mula sa tunay na buhay ng mga tao. Anong uri ng larawan ang ipinipinta ng mga talinghagang ito? Ito ay isang larawan ng Diyos na naging isang normal na tao at namumuhay kasama ng sangkatauhan, gamit ang wika ng isang normal na buhay, gamit ang wika ng tao upang makipag-usap sa mga tao at upang ipagkaloob sa kanila kung ano ang kanilang kailangan. Nang maging tao ang Diyos at nabuhay sa gitna ng sangkatauhan sa mahabang panahon, pagkatapos na maranasan at masaksihan ang iba’t-ibang mga paraan ng pamumuhay ng mga tao, ang mga karanasang ito ay naging Kanyang batayang aklat sa pagbabagong-anyo ng Kanyang wika na may pagka-Diyos sa wika ng tao. Mangyari pasiyempre, ang mga bagay na ito na Kanyang nakita at narinig sa buhay ay nagpayaman din sa karanasang pantao ng Anak ng tao. Kapag gusto Niyang maunawaan ng mga tao ang ilang mga katotohanan, ipaunawa sa kanila ang ilan sa mga kalooban ng Diyos, maaari Niyang gamitin ang mga talinghaga kagaya ng mga nasa itaas upang sabihin sa mga tao ang tungkol sa kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan sa mga tao. Ang mga talinghagang ito ay may kaugnayang lahat sa buhay ng mga tao; walang isa man ang malayo sa mga buhay ng tao. Nang ang Panginoong Jesus ay namuhay kasama ng sangkatauhan, nakita Niya ang mga magsasaka na inaasikaso ang kanilang mga bukirin, alam Niya kung ano ang mga panirang damo at kung ano ang lebadura; naiintindihan Niya na gusto ng mga tao ang kayamanan, kaya ginamit Niya pareho ang mga talinghaga ukol sa kayamanan at ukol sa perlas; Malimit Niyang makita ang mga mangingisda na naghahagis ng kanilang mga lambat; at iba pa. Nakita ng Panginoong Jesus ang mga aktibidad na ito sa mga buhay ng sangkatauhan, at naranasan din Niya ang gayong uri ng buhay. Siya ay kagaya ng bawat iba pang normal na tao, naranasan ang pagkain ng tatlong beses isang araw ng tao at mga pang-araw-araw na gawain. Personal Niyang naranasan ang buhay ng isang karaniwang tao, at nasaksihan Niya ang mga buhay ng iba. Nang masaksihan Niya at personal na maranasan ang lahat ng ito, ang inisip Niya ay hindi kung paano magkaroon ng isang magandang buhay o kung paano siya makapamumuhay nang mas malaya, mas may kaginhawaan. Nang maranasan Niya ang tunay na buhay ng tao, nakita ng Panginoong Jesus ang paghihirap sa buhay ng mga tao, nakita Niya ang paghihirap, ang kaabahan, at ang kalungkutan ng mga tao sa ilalim ng katiwalian ni Satanas, nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at nabubuhay sa kasalanan. Habang personal Niyang nararanasan ang buhay ng tao, naranasan din Niya kung gaano kahina ang mga tao na nabubuhay sa kalagitnaan ng katiwalian, at nakita Niya at naranasan ang kahapisan nilang nabubuhay sa kasalanan, na nangaligaw sa pagpapahirap ni Satanas, nang masama. Nang makita ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, nakita ba Niya sila gamit ang Kanyang pagka-Diyos o ang Kanyang pagkatao? Ang Kanyang pagkatao ay talagang umiral—ito ay buhay na buhay—maaari Niyang maranasan at makita ang lahat ng ito, at mangyari pa nakita rin Niya sa Kanyang diwa at sa Kanyang pagka-Diyos. Iyon ay, si Kristo Mismo, nakita ito ng Panginoong Jesus ang tao, at ang lahat ng Kanyang nakita ang nakapagpadama sa Kanya sa kahalagahan at pangangailangan sa gawain na Kanyang tinanggap sa pagkakataong ito sa laman. Bagamat nalalaman Niya sa Sarili Niya na ang pananagutan na kailangan Niyang tanggapin sa laman ay napakalawak, at gaano kalupit ang pagdurusa na Kanyang haharapin, nang Kanyang makita na ang sangkatauhan ay mahina sa kasalanan, nang Kanyang makita ang pagiging aba ng kanilang mga buhay at ang kanilang mahinang pagpupunyagi sa ilalim ng kautusan, nakadama Siya ng ibayong kadalamhatian, at lalo siyang naging sabik na sabik na mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Hindi alintana anumang uri ng hirap ang Kanyang haharapin o kung anumang uri ng hapis ang Kanyang daranasin, Lalo Siyang naging determinado na tubusin ang sangkatauhang nabubuhay sa kasalanan. Sa panahon ng prosesong ito, maaari mong masabi na nagsimulang maintindihan ng Panginoong Jesus nang lalong mas malinaw ang gawain na kinailangan Niyang gawin at kung ano ang ipinagkatiwala sa Kanya. Lalo ding nadagdagan ang Kanyang kasabikan na makumpleto ang gawain na Kanyang tinanggap—upang akuin ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, upang ibayad-sala sa sangkatauhan upang hindi na sila mabuhay sa ilalim ng pagkakasala at malimutan ng Diyos ang kasalanan ng tao dahil sa handog ukol sa kasalanan, nagpahintulot sa Kanya upang ipagpatuloy ang Kanyang gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan. Maaaring masabi na sa puso ng Panginoong Jesus, nakahanda Siyang ialay ang Sarili Niya para sa sangkatauhan, upang isakripisyo ang Sarili Niya. Nakahanda din Siyang umakto bilang handog para sa kasalanan, magpapako sa krus, at sabik Siyang makumpleto ang gawaing ito. Nang makita Niya ang miserableng kalagayan ng buhay ng mga tao, mas lalo Niyang ginusto na matupad ang Kanyang misyon kaagad-agad, nang walang pagkaantala kahit isang sandali o saglit. Nang magkaroon Siya ng gayong pakiramdam ng pagmamadali, hindi Niya inisip kung gaano kalaki ang Kanyang magiging pasakit, at hindi Niya inisip pa kung gaano kadaming kahihiyan ang kailangan Niyang tiisin—mayroon lamang siyang pinanghahawakang isang paninindigan sa Kanyang puso: Hangga’t inialay Niya ang Kanyang Sarili, hangga’t Siya ay ipinako sa krus bilang isang handog sa pagkakasala, ang kalooban ng Diyos ay maisasakatuparan at magagawa Niyang makapagpasimula ng panibagong gawain. Ang mga buhay ng sangkatauhan sa kasalanan, ang kanilang kalagayan sa pag-iral sa kasalanan ay lubos na mababago. Ang Kanyang paninindigan at kung ano ang pinagpasyahan Niyang gawin ay may kaugnayan sa pagliligtas sa tao, at mayroon lamang Siyang isang layunin: upang ipatupad ang kalooban ng Diyos, nang upang magawa Niyang matagumpay na maumpisahan ang susunod na yugto sa Kanyang gawain. Ito ang kung ano ang nasa isip ng Panginoong Jesus sa panahong iyon.
Sa pagkabuhay sa laman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng normal na pagkatao; Taglay Niya ang mga damdamin ng isang normal na tao at ang pangangatwiran ng isang normal na tao. Alam Niya kung ano ang kaligayahan, kung ano ang pagdurusa, at nang makita Niya ang sangkatauhan sa ganitong uri ng buhay, lubos Niyang nadama na ang pagbibigay lamang sa mga tao ng ilang mga aral, ang pagkakaloob lamang sa kanila ng isang bagay o ang pagtuturo sa kanila ng isang bagay ay hindi makapaglalabas sa kanila mula sa kasalanan. Ni ang ipatupad lamang sa kanila ang mga utos ay makatutubos sa kanila mula sa kasalanan—nang akuin lamang Niya ang kasalanan ng sangkatauhan at naging kagaya ng makasalanang laman nagawa Niyang ipagpalit ito para sa kalayaan ng sangkatauhan, at ipagpalit ito para sa kapatawaran ng Diyos sa sangkatauhan. Kaya pagkatapos maranasan at masaksihan ng Panginoong Jesus ang buhay ng mga tao sa kasalanan, naroroon ang matinding pagnanais na nahayag sa Kanyang puso—upang tulutan ang mga tao na alisin ang kanilang mga sarili sa pakikipagbuno sa kasalanan. Ang pagnanais na ito ang lalong nagpadama sa Kanya na dapat Siyang mapunta sa krus at akuin ang kasalanan ng tao sa lalong madaling panahon, kaagad-agad. Ito ang mga saloobin ng Panginoong Jesus sa panahong iyon, pagkatapos Niyang mamuhay kasama ng mga tao at nakita, narinig, at naramdaman ang paghihirap ng buhay ng mga tao sa kasalanan. Na ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring magtaglay ng ganitong uri ng kalooban para sa sangkatauhan, na magagawa Niyang ipahayag at ibunyag ang ganitong uri ng disposisyon—ito ba ay isang bagay na maaaring taglayin ng isang karaniwang tao? Ano ang iisipin ng isang karaniwang tao sa pamumuhay sa ganitong uri ng kapaligiran? Ano ang kanilang iisipin? Kung ang lahat ng mga ito ay haharapin ng isang karaniwang tao, titingnan ba nila ang mga suliranin mula sa isang mataas na pananaw? Siguradong hindi! Bagamat ang kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay eksaktong kagaya nang sa tao, natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita sa wika ng tao, at minsan ay ipinapahayag pa Niya ang Kanyang mga ideya sa pamamagitan ng mga pamamaraan at pagpapahayag ng sangkatauhan, ang paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao, ang diwa ng mga bagay, at kung paaano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng mga bagay ay lubos na hindi magkapareho. Ang Kanyang pananaw at ang taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na hindi matatamo para sa isang tiwaling tao. Ito ay dahil sa ang Diyos ay katotohanan, ang laman na Kanyang isinusuot ay nagtataglay din ng diwa ng Diyos, at ang Kanyang mga saloobin at yaong inihahayag ng Kanyang pagkatao ay katotohanan din naman. Para sa mga tiwaling tao, kung ano ang Kanyang ipinahahayag sa laman ay mga panustos ng katotohanan, at ng buhay. Ang mga panustos na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa buong sangkatauhan. Para sa sinumang tiwaling tao, sa kanyang puso ay mayroon lamang mangilan-ngilang mga tao ang nakakasama niya. Mayroon lamang iilang mga tao ang pinahahalagahan niya, na ipinagmamalasakit niya. Kapag ang sakuna ay tanaw na una niyang iniisip ang sarili niyang mga anak, asawa, o mga magulang, at ang isang lalong mapagkawang-gawang tao ay iisipin lamang ang ilan sa mga kamag-anak o isang mabuting kaibigan; mag-iisp pa ba siya ng iba? Hindi kailanman! Sapagkat ang mga tao ay, kung tutuusin, mga tao, at makatitingin lamang sila sa lahat ng bagay mula sa pananaw at mula sa tangkad ng isang tao. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na naiiba mula sa isang taong tiwali. Kahit gaano man siya ka-ordinaryo, gaano ka-normal, gaano man kababa ang uri ng laman ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at ang Kanyang saloobin tungo sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi matatamo ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang babantayan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng isang banal, mula sa taas ng Kanyang katayuan bilang Maylalang. Palagi Niyang titingnan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya maaaring tingnan ang tao mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin sila gamit ang pananaw ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay gaya ng kaalaman ng tao at mga patakaran ng tao at mga teorya bilang isang panukat. Ito ay sa loob ng saklaw ng kung ano ang nakikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata; ito ay sa loob ng saklaw na maaaring matamo ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang isang banal na pananaw, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang isang panukat. Nakabibilang sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaiba na ito ay pinagpapasyahan ng iba’t-ibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong iba’t-ibang mga diwa na ito ang nagpapasya ng kanilang mga pagkakakilanlan at mga kalagayan gayundin ang pananaw at taas kung paano nila nakikita ang mga bagay. Nakikita ba ninyo ang pagpapahayag at pagbunyag ng Diyos Mismo sa Panginoong Jesus? Maaari ninyong masabi na kung ano ang ginawa at sinabi ng Panginoong Jesus ay may kinalaman sa Kanyang ministeryo at sa sariling gawaing pamamahala ng Diyos, na ang lahat ng ito ay pagpapahayag at pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Bagamat nagkaroon Siya nang pagpapakita bilang isang tao, ang kanyang banal na diwa at ang pagbubunyag ng Kanyang pagka-Diyos ay hindi maitatanggi. Ang pagpapakita ba na ito bilang tao ay talagang isang pagpapakita ng pagkatao? Ang Kanyang pagpapakita bilang tao ay, sa Kanyang tunay na diwa, ay lubos na kaiba mula sa pantaong pagpapakita ng mga taong tiwali. Ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao, at kung Siya ay talagang naging isa sa karaniwan, mga taong tiwali, magagawa ba Niyang makita ang buhay ng mga tao sa kasalanan mula sa isang banal na pananaw? Siguradong hindi! Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng Anak ng tao at ng karaniwang mga tao. Ang mga taong tiwali ay nabubuhay lahat sa pagkakasala, at kapag ang sinuman ay nakakakita ng kasalanan, wala silang tiyak na damdamin ukol rito; silang lahat ay magkakatulad, gaya lamang ng isang baboy na naninirahan sa putik na ni hindi nakadadama ng pagkaasiwa, o nang pagiging marumi—kumakain ito nang mabuti, at nakatutulog nang husto. Kapag nililinis ng sinuman ang kural, ang baboy ay hindi talaga mapapalagay ang loob, at hindi ito mananatiling malinis. Hindi magtatagal, muli itong magpapagulong-gulong sa putik, lubos na palagay ang loob, sapagkat ito ay isang maruming nilalang. Kapag nakakakita ng baboy ang mga tao, dama nila na ito ay marumi, at kung lilinisin mo ito, hindi magiging maganda ang pakiramdam ng baboy—ito ang dahilan kung bakit hindi nag-aalaga ng baboy ang mga tao sa kanilang bahay. Ang paraan ng pagtingin ng mga tao sa mga baboy ay palaging kaiba mula sa kung ano ang nararamdaman ng mga baboy sa kanilang sarili, sapagkat ang mga tao at mga baboy ay hindi magkauri. At sapagkat ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay hindi kauri ng taong tiwali, ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang makatitindig mula sa isang banal na pananaw, at makatatayo mula sa taas ng Diyos upang makita ang sangkatauhan, upang makita ang lahat ng bagay.
Nang ang Diyos ay naging tao at namuhay sa gitna ng sangkatauhan, anong pagdurusa ang Kanyang naranasan sa laman? Naintindihan ba ng sinuman? Sinasabi ng ilang mga tao na ang Diyos ay nagdusa nang husto, at bagamat Siya ang Diyos Mismo, hindi naiintindihan ng mga tao ang Kanyang diwa at palagi Siyang itnuturing bilang isang tao, na nagpapadama sa Kanya na inaapi at nagkasala—sinasabi nila na ang pagdurusa ng Diyos ay talagang sobra. Ang ibang mga tao ay nagsasabi na ang Diyos ay inosente at walang sala, ngunit Siya ay nagdusa kagaya ng mga tao at nagtiis ng pag-uusig, paninirang-puri, at mga kahihiyan kasama ng sangkatauhan; sinasabi nila na Siya din ay nagbata ng mga maling akala at ng mga pagsuway ng Kanyang mga tagasunod—Ang pagdurusa ng Diyos ay talagang hindi masusukat. Tila hindi ninyo talaga naiintindihan ang Diyos. Sa katunayan, ang pagdurusa na ito na inyong sinasabi ay hindi itinuturing bilang isang tunay na pagdurusa para sa Diyos, sapagkat may mas malaking pagdurusa kaysa dito. Kung gayon ay ano ang totoong pagdurusa para sa Diyos Mismo? Ano ang tunay na pagdurusa para sa laman ng Diyos na nagkatawang-tao? Para sa Diyos, ang hindi pagkaunawa sa Kanya ng sangkatuhan ay hindi ibinibilang na pagdurusa, at ang pagkakaroon ng mga tao ng ilang maling akala ukol sa Diyos ay hindi ibinibilang na pagdurusa. Gayunman, madalas na nadarama ng mga tao na ang Diyos ay nagdanas ng malaking kawalang-katarungan, na nang panahong ang Diyos ay nasa laman hindi Niya maipakita ang Kanyang pagkatao sa sangkatauhan at tinulutan silang makita ang Kanyang kadakilaan, at ang Diyos ay buong kababaaang-loob na nagtatago sa isang walang kabuluhang laman, kaya maaaring ito ay napakahirap para sa Kanya. Isinasapuso ng mga tao ang kung ano ang kanilang naiintindihan at kung ano ang kanilang nakikita sa pagdurusa ng Diyos, at nagbibigay ng samut-saring simpatiya sa Diyos at madalas nag-aalay pa ng kaunting papuri para rito. Sa katotohanan, mayroong kaibahan, mayroong agwat sa pagitan ng kung ano ang pagkaintindi sa pagdurusa ng Diyos at kung ano ang Kanyang tunay na nararamdaman. Sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan—para sa Diyos, hindi alintana kung ito ang Espiritu ng Diyos o ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pagdurusa na iyon ay hindi tunay na pagdurusa. Kung ganoon ano talaga ang dinanas ng Diyos? Pag-usapan natin ang pagdurusa ng Diyos mula lamang sa pananaw ng Diyos na nagkatawang-tao.
Nang ang Diyos ay naging tao, ang pagiging isang karaniwan, normal na tao, pamumuhay sa gitna ng sangkatauhan, kasama ng mga tao, hindi ba Niya nakikita at nararamdaman ang mga pamamaraan ng mga tao, mga kautusan, at mga pilosopiya para mabuhay? Ano ang naramdaman Niya sa mga pamamaraan at mga kautusan na ito? Nakaramdam ba Siya ng pagkamuhi sa Kanyang puso? Bakit Siya makadarama ng pagkamuhi? Anu-ano ba ang mga pamamaraan at mga kautusang ito ng mga tao para mabuhay? Sa anong mga panuntunan ba sila nag-ugat? Ano ang kanilang batayan? Ang mga pamamaraan ng mga tao, mga kautusan, atbp. para mabuhay—ang lahat ng ito ay nilikha batay sa lohika ni Satanas, kaalaman, at pilosopiya. Ang mga taong nabubuhay sa ilalim ng ganitong uri ng mga kautusan ay walang pagkatao, walang katotohanan—sinasalungat nilang lahat ang katotohanan, at mga laban sa Diyos. Kapag tiningnan natin ang diwa ng Diyos, makikita natin na ang Kanyang diwa ay ang kabaligtaran ng lohika ni Satanas, kaalaman, at pilosopiya. Ang Kanyang diwa ay puno ng pagkamatuwid, katotohanan, at kabanalan, at iba pang mga katotohanan sa lahat ng mga positibong bagay. Ang Diyos, taglay ang diwang ito at namuhay sa gitna ng gayong sangkatauhan—ano ang nararamdaman Niya sa Kanyang puso? Hindi ba ito puno nang pagdurusa? Ang Kanyang puso ay nagdurusa, at ang pagdurusang ito ay isang bagay na walang sinuman ang makaiintindi at makatatanto. Sapagkat ang lahat ng bagay na Kanyang kinakaharap, nasasagupa, naririnig, nakikita, at nararanasan ay katiwalian ng lahat ng sangkatauhan, kasamaan, at ang kanilang paghihimagsik laban at pagsalangsang sa katotohanan. Ang lahat nang nanggagaling sa mga tao ay ang pinagmumulan ng Kanyang pagdurusa. Na ang ibig sabihin, sapagkat ang Kanyang diwa ay hindi katulad ng sa mga taong tiwali, ang katiwalian ng mga tao ay naging sanhi ng Kanyang pinakamalaking pagdurusa. Nang ang Diyos ay maging tao, nagagawa ba Niyang makahanap ng isang tao na may kaparehong wika sa Kanya? Hindi ito masusumpungan sa gitna ng sangkatauhan. Walang masusumpungan na maaaring makipagniig, na maaaring magtaglay ng ganitong palitan sa Diyos—anong uri ng damdamin ang sasabihin mong mayroon ang Diyos? Ang mga bagay na tinatalakay ng mga tao, na kanilang iniibig, na kanilang hinahangad at kinasasabikan ay may kinalamang lahat sa kasalanan, may mga tunguhing masama. Kapag kinakaharap lahat ito ng Diyos, hindi ba ito parang isang kutsilyo sa Kanyang puso? Sa harap ng ganitong mga bagay, maaari ba Siyang magtaglay ng kaligayahan sa Kanyang puso? Makahahanap ba Siya nang kaaliwan? Yaong mga nabubuhay kasama Niya ay mga taong puno ng pagiging rebelyoso at kasamaan—paanong hindi magdurusa ang Kanyang puso? Gaano ba talaga kalaki ang pagdurusang ito, at sino ang mayroong pakialam dito? Sino ang makikinig? At sino ang magpapahalaga nito? Hindi kailanman maiintindihan ng mga tao ang puso ng Diyos. Ang Kanyang pagdurusa ay isang bagay na tiyak hindi magagawang pahalagahan ng mga tao, ang pagiging malamig at manhid ng sangkatauhan ang nagiging sanhi ng lalong pagsidhi ng pagdurusa ng Diyos.
Mayroong ilang mga tao na madalas nakikisimpatiya sa paghihirap ni Kristo sapagkat mayroong isang talata sa Biblia na nagsasabing: “May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon sa langit; datapuwa’t ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.” Kapag naririnig ito ng mga tao, isinasapuso nila ito at naniniwala sila na ito ang pinakamalaking pagdurusa na binata ng Diyos, at ang pinakamalaking pagdurusa na binata ni Jesus. Ngayon, sa pagtingin rito mula sa pananaw ng mga katotohanan, gayon nga ba? Hindi naniniwala ang Diyos na ang mga paghihirap na ito ay pagdurusa. Hindi Siya kailanman nagreklamo laban sa kawalang-katarungan para sa mga paghihirap ng laman, at hindi Niya kailanman pinagbayad ang mga tao o ginantimpalaan Siya ng anumang bagay. Gayunman, nang Kanyang masaksihan ang lahat ng bagay sa sangkatauhan, ang tiwaling mga buhay at ang kasamaan ng mga taong tiwali, nang Kanyang masaksihan na ang sangkatauhan ay nasa mahigpit na paghawak ni Satanas at ibinilanggo ni Satanas at hindi makatakas, na ang mga taong nabubuhay sa pagkakasala ay hindi alam kung ano ang katotohanan—hindi Niya kayang tiisin ang lahat ng mga kasalanang ito. Ang Kanyang pagkamuhi sa mga tao ay nadaragdagan araw-araw, ngunit kailangan Niyang batahin ang lahat ng ito. Ito ang pinakamatinding pagdurusa ng Diyos. Hindi magawa ng Diyos na ganap na ipahayag maging ang tinig ng Kanyang puso o ang Kanyang mga damdamin sa kalipunan ng Kanyang mga tagasunod, at walang sinuman sa Kanyang mga tagasunod ang tunay na makauunawa sa Kanyang pagdurusa. Walang sinuman ang nagtangka man lang na intindihin o aliwin ang Kanyang puso—binabata ng Kanyang puso ang pagdurusang ito araw-araw, taun-taon, nang paulit-ulit. Ano ang inyong nakikita sa lahat ng ito? Ang Diyos ay hindi humihiling sa mga tao ng anumang kapalit para sa kung ano ang Kanyang naibigay, ngunit dahil sa diwa ng Diyos, tiyak na hindi Niya pahihintulutan ang kasamaan ng sangkatauhan, katiwalian, at kasalanan, ngunit makararamdam ng ibayong pagkamuhi at pagkasuklam, na magbibigay-daan sa puso ng Diyos at sa Kanyang laman na magbata ng hindi matapus-tapos na pagdurusa. Nakikita ba ninyo ang lahat ng ito? Malamang kaysa hindi, walang nakakakita sa inyo nito, sapagkat walang sinuman sa inyo ang tunay na makauunawa sa Diyos. Sa paglipas ng panahon unti-unti ninyong mararanasan ito sa inyong mga sarili.
Susunod, tingnan natin ang sumusunod na mga talata mula sa kasulatan.
9. Si Jesus ay Nagsasagawa ng mga Himala
1) Pinakain ni Jesus ang Limang libo
(Juan 6:8-13) Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro, May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa’t gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan? Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya’t nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang. Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila. At nang sila’y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang. Kaya’t kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.
2) Ang Pagkabuhay Mag-uli ni Lazaro ay Nakaluwalhati sa Diyos
(Juan 11:43-44) At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.
Kabilang sa mga himala na isinagawa ng Panginoong Jesus, ang dalawa lamang na ito ang ating pinili sapagkat sila ay sapat upang ipakita ang kung ano ang gusto nating sabihin dito. Ang dalawang himalang ito ay talagang kagila-gilalas, at sila ang tunay na kinatawan ng mga himala ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.
Una, tingnan muna natin ang unang talata: Pinakain ni Jesus ang Limang libo.
Anong uri ng konsepto ang “limang piraso ng tinapay at dalawang isda”? Ilang mga tao ba ang karaniwang masasapatan sa limang piraso ng tinapay at dalawang isda? Kung inyong susukatin batay sa ganang kumain ng isang karaniwang tao, magiging sapat lang ito para sa dalawa katao. Ito ang pinakakaraniwang konsepto ng limang piraso ng tinapay at dalawang isda. Gayunman, nakasulat ito sa talatang ito na ang limang piraso ng tinapay at dalawang isda ay pinakain ang ilan? Nakatala ito sa Kasulatan sa ganitong paraan: “Madamo nga sa dakong yaon. Kaya’t nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang.” Kumpara sa limang piraso ng tinapay at dalawang isda, ang limang libo ba ay malaking bilang? Ano ang ibig sabihin na ang bilang na ito ay napakalaki? Mula sa pananaw ng isang tao, ang paghahati-hati sa limang piraso ng tinapay at dalawang isda sa pagitan ng limang libong tao ay imposible, sapagkat ang pagkakaiba sa pagitan nila ay sobrang napakalaki. Kahit na ang bawat isang tao ay magkaroon lang ng isang maliit na kagat, ito ay hindi pa rin kakasya sa limang libong tao. Ngunit narito, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng isang milagro—hindi lamang Niya tinulutang makakain ang limang libong tao hanggang sa sila ay mabusog, ngunit may sobra pa. Mababasa sa Kasulatan: “At nang sila’y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang. Kaya’t kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.” Itinulot ng himalang ito na makita ng mga tao ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Panginoong Jesus, at nagbigay-daan din ito sa kanila na makita na walang imposible para sa Diyos—nakita nila ang katotohanan ng pagiging makapangyarihan ng Diyos. Ang limang piraso ng tinapay at dalawang isda ay naging sapat upang pakainin ang limang libong katao, ngunit kung sakaling walang anumang pagkain magagawa kayang pakainin ng Diyos ang limang libong tao? Mangyari pa magagawa Niya! Ito ay isang himala, kaya hindi maaaring hindi madama ng mga tao na ito ay mahirap unawain at madama na ito ay hindi kapani-paniwala at misteryoso, ngunit para sa Diyos, ang paggawa ng gayong bagay ay wala lang. Yamang ito ay isang bagay na karaniwan para sa Diyos, bakit ito ang pipiliin para sa pagpapakahulugan? Sapagkat taglay ng kung ano ang nasa likod ng himalang ito ang kalooban ng Panginoong Jesus, na hindi pa kailanman nadiskubre ng sangkatauhan.
Una, subukan nating unawain kung anong uri ng mga tao itong limang libo na ito. Sila ba ay mga tagasunod ng Panginoong Jesus? Mula sa Kasulatan, nalalaman natin na sila ay hindi Niya mga tagasunod. Nalaman ba nila kung sino ang Panginoong Jesus? Siguradong hindi! Anut-anuman, hindi nila alam na ang taong nakatayo sa harap nila ay si Kristo, o marahil ang ilan sa mga tao ay alam lamang kung ano ang Kanyang pangalan, at alam ang isang bagay o nakarinig ng isang bagay tungkol sa mga bagay na Kanyang ginawa. Sila ay naintriga lamang tungkol sa Panginoong Jesus mula sa mga kuwento, ngunit tiyak na hindi ninyo masasabi na sinusundan nila Siya, lalong hindi dahil naintindihan Siya. Nang makita ng Panginoong Jesus ang limang libong tao na ito, sila ay gutom at ang naiisip lamang ay ang mabusog sila, dahil sa kalagayang ito kaya tinugunan ng Panginoong Jesus ang kanilang mga kahilingan. Nang tugunan Niya ang kanilang mga kahilingan, ano ang nasa Kanyang puso? Ano ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao na gusto lamang mabusog? Sa panahong ito, ang mga kaisipan ng Panginoong Jesus at ang Kanyang saloobin ay may kinalaman sa disposisyon at diwa ng Diyos. Kaharap ng limang libong tao na ito na pawang mga gutom na gusto lamang makakain nang husto, kaharap ng mga taong ito na puno ng pagkamausisa at mga inaasahan ukol sa Kanya, naisip lamang ng Panginoong Jesus na gamitin ang himalang ito upang bigyan sila ng biyaya. Gayunman, hindi Niya itinaas ang Kanyang mga inaasahan na sila ay magiging Kanyang mga tagasunod, sapagkat nalalaman Niya na gusto lamang nilang makisali sa kasayahan at mabusog, kaya ginawa Niya ang pinakamahusay Niyang magagawa doon, at gumamit ng limang piraso ng tinapay at dalawang isda upang pakainin ang limang libong mga tao. Binuksan Niya ang mga mata nitong mga taong nasiyahan sa palabas, na gustong makakita ng mga himala, at kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata ang mga bagay na maaaring matapos ng Diyos na nagkatawang-tao. Bagamat ang Panginoong Jesus ay gumamit ng isang bagay na nasasalat upang mapasiya ang kanilang pagkamausisa, batid na Niya sa Kanyang puso na ang limang libong tao na ito ay gusto lamang makakain nang masarap, kaya ni hindi Siya nagsalita nang anuman o nangaral nang anupaman sa kanila—hinayaan lamang Niya silang makitang nagaganap ang himalang ito. Tiyak na hindi Niya magagawang ituring ang mga taong ito kagaya ng kung paano Niya itinuturing ang Kanyang mga disipulo na totoong sumusunod sa Kanya, ngunit sa puso ng Diyos, ang lahat ng mga nilalang ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala, at hahayaan Niya ang lahat ng mga nilalang sa Kanyang paningin na tamasahin ang biyaya ng Diyos kung ito ay kinakailangan. Kahit na ang mga taong ito ay walang alam kung sino Siya o nauunawaan Siya, o mayroong tiyak na palagay ukol sa Kanya o pasasalamat tungo sa Kanya kahit na pagkatapos nilang makain ang mga tinapay at isda, hindi ito isang bagay na ginawang usapin ng Diyos—binigyan Niya ang mga taong ito ng kahanga-hangang pagkakataon na matamasa ang biyaya ng Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao na ang Diyos ay may prinsipyo sa kung ano ang Kanyang ginagawa, at hindi Niya binabantayan o ipinagsasanggalang ang mga hindi sumasampalataya, at lalong hindi Niya sila hahayaang tamasahin ang Kanyang biyaya. Iyon ba talaga ang dahilan? Sa mga mata ng Diyos, hangga’t sila’y mga buhay na nilalang na Siya Mismo ang lumikha, pamamahalaan at pangangalagaan Niya sila; gagamutin Niya sila, magpaplano para sa kanila, at pamamahalaan sila sa iba’t-ibang mga paraan. Ito ang mga kaisipan at saloobin ng Diyos tungo sa lahat ng mga bagay.
Bagamat hindi binalak ng limang libo katao na kumain sa tinapay at sa isda na sundin ang Panginoong Jesus, hindi Siya mahigpit sa kanila; sa sandaling sila ay nabusog, alam ba ninyo kung ano ang ginawa ng Panginoong Jesus? Nangaral ba Siya ng anuman sa Kanila? Saan Siya nagpunta pagkatapos gawin ito? Hindi naitala ng Kasulatan na nagsabi nang anuman ang Panginoong Jesus sa kanila; nang maisagawa Niya ang Kanyang himala tahimik Siyang umalis. Kaya gumawa ba Siya ng mga kinakailangan sa mga taong ito? Mayroon bang anumang pagkamuhi? Wala nang mga ito—ayaw na lamang Niyang pansinin ang mga taong ito na hindi magagawang sumunod sa Kanya, at sa panahong ito ang Kanyang puso ay nagdurusa. Sapagkat nakita Niya ang kasamaan ng sangkatauhan at naramdaman Niya ang pagtatakwil sa Kanya ng sangkatauhan, at nang makita Niya ang mga taong ito o nang Siya ay kasama nila, ang katangahan at kamangmangan ng tao ay nagpalungkot sa Kanya at nag-iwan ng pagdurusa sa Kanyang puso, kaya gusto na lamang Niyang iwan kaagad-agad ang mga taong ito. Hindi nagkaroon ang Panginoong Jesus ng anumang mga kahilingan sa kanila sa Kanyang puso, ayaw Niyang pansinin ang mga ito, lalong ayaw Niyang gugulin ang Kanyang lakas sa kanila, at nalalaman Niyang hindi nila magagawang sumunod sa Kanya—sa kabila ng lahat ng ito, ang Kanyang saloobin tungo sa kanila ay napakalinaw pa rin. Gusto lamang Niyang maging mabait sa kanila, upang pagkalooban sila ng biyaya—ito ang saloobin ng Diyos tungo sa bawat nilalang sa ilalim ng Kanyang pamamahala: para sa bawat nilalang, tratuhin silang mabuti, maglaan para sa kanila, pakanin sila. Sa kadahilanan na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, ibinunyag Niya sa likas na paraan ang sariling diwa ng Diyos at trinato ang mga taong ito nang may kabutihan. Tinirato Niya sila nang mabuti gamit ang isang mahabagin at mapagparayang puso. Paano mang nakita ng mga taong ito ang Panginoong Jesus, at hindi alintana anuman ang uri ng maging kalalabasan, tinatrato lamang Niya ang bawat nilalang batay sa Kanyang katayuan bilang Panginoon ng lahat ng nilikha. Anuman ang Kanyang ibinunyag ay, nang walang pasubali, ay disposisyon ng Diyos, at kung anong mayroon at kung ano Siya. Kaya ang Panginoong Jesus ay tahimik na gumawa ng isang bagay, pagkatapos ay tahimik na umalis—anong aspeto ng disposisyon ng Diyos ito? Maaari ba ninyong masabi na ito ay kagandahang-loob ng Diyos? Masasabi ba ninyo na ang Diyos ay walang pag-iimbot? Magagawa ba ito ng isang karaniwang tao? Siguradong hindi! Sa diwa, sinu-sino ang limang libong tao na ito na pinakain ng Panginoong Jesus ng limang tinapay at dalawang isda? Maaari ba ninyong masabi na sila ang mga taong naging kaayon Niya? Maaari ba ninyong masabi na sila ay laban sa Diyos? Maaaring masabi nang may katiyakan na sila ay ganap na hindi kaayon ng Panginoon, at ang kanilang diwa ay tiyak na laban sa Diyos. Ngunit paano sila tinirato ng Diyos? Gumamit Siya ng isang pamamaraan upang pahupain ang paglaban ng mga tao sa Diyos—ang pamamaraang ito ay tinatawag na “kagandahang loob.” Iyon ay, bagamat nakita sila ng Panginoong Jesus bilang mga makasalanan, sa mga mata ng Diyos gayunman sila ay Kanyang nilikha, kaya mabuti pa rin ang Kanyang pagtrato sa kanila. Ito ang pagpapaubaya ng Diyos, at ang pagpapaubayang ito ay pinagpasyahan ng sariling pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Kaya, ito ay isang bagay na walang sinuman sa nilikha ng Diyos ang makagagawa—Diyos lamang ang makagagawa nito.
Kung magagawa mong tunay na pahalagahan ang mga kaisipan at saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan, kung magagawa mong tunay na maunawaan ang mga damdamin at malasakit ng Diyos sa bawat nilalang, mauunawaan mo ang malasakit at pagmamahal na ginugol sa bawat isa sa mga taong nilikha ng Maylalanag. Kapag ito ay nangyari, gagamit ka ng dalawang salita upang isalarawan ang pag-ibig ng Diyos—ano ang dalawang salitang ito? Sinasabi ng ilang mga tao na “walang pag-iimbot,” at ang ilan ay sinasabing “mapagkawanggawa.” Sa dalawang ito, ang “mapagkawanggawa” ay ang salita na pinaka-hindi nararapat upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos. Ito ay isang salita upang ilarawan ang pagiging malawak ng mga saloobin at mga damdamin ng isang tao. Kinamumuhian Ko talaga ang salitang ito, sapagkat ito ay tumutukoy sa paglalaan ng kawanggawa kahit kanino, nang basta-basta na lang, hindi alintana ang anumang mga panuntunan. Ito ay isang masyadong madamdamin na pagpapahayag ng mga taong hangal at nalilito. Nang ang salitang ito ay ginamit upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos, mayroon itong hindi maiiwasang intensyon na mamusong. Mayroon Akong dalawang salita na mas angkop na naglalarawan sa pag-ibig ng Diyos—ano ang dalawang salitang ito? Ang una ay ang “malaki.” Hindi ba masyadong makahulugan ang salitang ito? Ang ikalawa ay ang “malawak.” Mayroong tunay na kahulugan sa likod ng dalawang salitang ito na Aking ginamit upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos. Kapag inintindi nang literal, ang “malaki” ay naglalarawan sa bulto o kapasidad, ngunit hindi naman alintana kung gaano kalaki ang bagay na iyon—ito ay isang bagay na nasasalat at nakikita ng mga tao. Ito ay dahil ito ay umiiral, hindi ito isang bagay na malabo, at ibinibigay nito ang pakiramdam sa tao na talagang tumpak at praktikal. Hindi alintana kung tinitingnan mo ito mula sa isang patag o sa isang anggulo na may tatluhang dimensiyon; hindi mo kailangang isipin ang pag-iral nito, sapagkat ito ay isang bagay na umiiral talaga. Bagamat ang paggamit ng “malaki” upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos ay parang may pakiramdam ng pagsukat sa Kanyang pag-ibig, gayunman, ibinibigay din nito ang pakiramdam na ito ay hindi nasusukat. Sinasabi Ko na ang pag-ibig ng Diyos ay masusukat sapagkat ang Kanyang pag-ibig ay hindi isang uri ng walang katauhan, ni ito man ay sumibol mula sa isang alamat. Sa halip, ito ay isang bagay na pinaghahati-hatian ng lahat ng mga bagay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, at ito ay isang bagay na tinatamasa ng lahat ng mga nilalang sa magkakaibang antas at mula sa iba’t-ibang mga pananaw. Bagamat hindi ito nakikita o nasasalat ng mga tao, ang pag-ibig na ito ay nagdudulot ng panustos at buhay sa lahat ng mga bagay habang ito ay ibinubunyag nang unti-unti sa kanilang mga buhay, at dumadami sila at sumasaksi sa pag-ibig ng Diyos na tinatamasa nila sa bawat isang sandali. Aking sinasabi na ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nasusukat sapagkat ang misteryo ng pagkakaloob at pagtustos ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay isang bagay na mahirap para sa mga tao na maarok, kagaya ng mga saloobin ng Diyos para sa lahat ng mga bagay, at lalo na yaong para sa sangkatauhan. Na ang ibig sabihin, walang sinuman ang nakaaalam sa dugo at mga luha na ibinuhos ng Maylalang para sa sangkatuhan. Walang sinuman ang makauunawa, walang sinuman ang makaiintindi sa lalim at bigat ng pag-ibig na mayroon ang Maylalang para sa sangkatauhan, nilikha gamit ang Kanyang sariling mga kamay. Ang paglalarawan sa pag-ibig ng Diyos bilang “malaki” ay upang tulungan ang mga tao na pahalagahan at maintindihan ang laki nito at ang katotohanan sa pag-iral nito. Ito rin ay upang mas malalim na maintindihan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng salitang “Maylalang,” at nang upang ang mga tao ay magtamo ng mas malalim na pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng katawagang “paglikha.” Ano ang karaniwang inilalarawan ng salitang “malawak”? Ito ay karaniwang ginagamit para sa karagatan o sa daigdig, gaya ng malawak na daigdig, o ang malawak na karagatan. Ang kalawakan at ang tahimik na kalaliman ng daigdig ay lampas sa pagkaunawa ng tao, at ito ay isang bagay na nakabibihag sa mga kathang-isip ng tao, na lubos nilang hinahangaan. Ang misteryo at lalim nito ay maaaring makita ngunit hindi maaaring maabot. Kapag iniisip mo ang ukol sa karagatan, iniisip mo ang lalim nito—mukha itong walang hanggan, at mararamdaman mo ang pagiging misteryoso at ang kalawakan nito. Ito ang dahilan kung bakit ginamit Ko ang salitang “malawak” upang ilarawan ang pag-ibig ng Diyos. Ito ay upang tulungan ang mga taong madama kung gaano ito kahalaga, at madama ang malalim na kagandahan ng Kanyang pag-ibig, at na ang kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan at napakalawak. Ito ay upang tulungan silang madama ang kabanalan ng Kanyang pag-ibig, at ang dignidad at ang pagiging hindi maaaring magkasala ng Diyos na naibubunyag sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig. Ngayon sa tingin ninyo ang “malawak” ay isang angkop na salita para sa paglalarawan sa pag-ibig ng Diyos? Natutupad ba ang pag-ibig ng Diyos sa dalawang salitang ito, “malaki” at “malawak”? Talaga! Sa wika ng tao, ang dalawang salita lamang na ito ang talagang angkop, at talagang malapit sa paglalarawan sa pag-ibig ng Diyos. Ano sa tingin ninyo? Kung ipalalarawan Ko sa inyo ang pag-ibig ng Diyos, gagamitin ba ninyo ang dalawang salitang ito? Malamang ay hindi ninyo magagamit, sapagkat ang inyong pagkaunawa at pagpapahalaga sa pag-ibig ng Diyos ay limitado sa isang patag na pananaw, at hindi pa umakyat sa taas ng distansiya na may tatluhang dimensiyon. Kaya kung ipalalarawan Ko sa inyo ang pag-ibig ng Diyos, madadama ninyo na gahol kayo sa mga salita; maaaring hindi pa kayo makaimik. Ang dalawang salita na Aking tinalakay sa araw na ito ay maaaring mahirap para sa inyo na maunawaan, o marahil basta hindi kayo sumasang-ayon. Nagsasabi lang ito sa katotohanan na ang inyong pagpapahalaga at pagkaunawa sa pag-ibig ng Diyos ay mababaw at nakapaloob sa isang makitid na saklaw. Nasabi Ko noong una na ang Diyos ay hindi makasarili—tandaan ninyo ang salitang hindi makasarili. Maaari bang sabihin na ang Diyos ay maaari lamang ilarawan bilang isang hindi makasarili? Hindi ba ito isang napakakitid na saklaw? Pakabulayin pa ninyo ang usaping ito nang upang magtamo ng isang bagay mula rito.
Ang nasa itaas ay kung ano ang ating nakita sa disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa mula sa himala. Bagamat ito ay isang kuwento na nabasa na ng mga tao sa loob ng ilang libong taon, mayroon itong isang simpleng balangkas, na nagtutulot sa mga tao na makakita ng isang simpleng pangyayari, ngunit sa simpleng balangkas na ito makakakita tayo ng isang bagay na mas mahalaga, na siyang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ang mga bagay na ito na mayroon Siya at ano Siya ay kumakatawan sa Diyos Mismo, at mga pagpapahayag ng sariling mga saloobin ng Diyos. Kapag ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga saloobin, ito ay isang pagpapahayag ng tinig ng Kanyang puso. Siya ay umaasa na magkakaroon ng mga tao na makauunawa sa Kanya, makikilala Siya at mauunawaan ang Kanyang kalooban, at umaaasa Siya na magkakaroon ng mga tao na makaririnig sa tinig ng Kanyang puso at magagawang aktibong makipagtulungan upang mapalugod ang Kanyang kaooban. At ang mga bagay na ito na ginawa ng Panginoong Jesus ay isang tahimik na pagpapahayag ng Diyos.
Susunod, tingnan natin ang talatang ito: Ang Pagkabuhay Mag-uli ni Lazaro ay Nakaluluwalhati sa Diyos.
Ano ang inyong pakiramdam pagkatapos mabasa ang talatang ito? Ang kahalagahan ng himalang ito na isinagawa ng Panginoong Jesus ay mas dakila kaysa doon sa nauna sapagkat walang himala ang mas nakamamangha kaysa sa pagbuhay muli sa isang tao mula sa kanyang libingan. Ang pagsasagawa ng Panginoong Jesus ng isang bagay kagaya nito ay lubhang napakahalaga sa kapanahunang iyon. Sapagkat ang Diyos ay naging laman, nakikita lamang ng mga tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, ang Kanyang praktikal na bahagi, ang Kanyang hindi mahalagang bahagi. Kahit na nakita ng ilang mga tao at naintindihan ang ilan sa Kanyang katangian o ilang mga kalakasan na sa wari ay taglay Niya, walang nakaaalam kung saan nagmula ang Panginoong Jesus, kung sino talaga ang Kanyang diwa, at kung ano pa ang Kanyang kayang gawin. Ang lahat ng ito ay nakalingid sa sangkatauhan. Masyadong maraming mga tao ang may gusto ng katunayan ukol sa bagay na ito, at upang malaman ang katotohanan. Maaari bang gumawa ang Diyos ng isang bagay upang patunayan ang Kanyang sariling pagkakakilanlan? Para sa Diyos, napakadali nito—madaling-madali lamang. Makagagawa Siya ng anumang bagay kahit saan, anumang oras upang patunayan ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa, ngunit ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay gamit ang isang plano, at sa mga pamamaraan. Hindi Siya basta-basta na lamang gumagawa ng mga bagay; naghahanap Siya ng tamang panahon, at tamang pagkakataon upang gawin ang isang bagay na pinakamahalagang makita ng sangkatauhan. Pinatutunayan nito ang Kanyang awtoridad at ang Kanyang pagkakakilanlan. Kung gayon, magagawa bang patunayan ng pagkabuhay mag-uli ni Lazaro ang pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus? Tingnan natin itong sipi ng kasulatan: “At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. Siya na patay ay lumabas.” Nang ginawa ito ng Panginoong Jesus, nagsabi lamang Siya ng isang bagay: “Lazaro, lumabas ka.” At sa gayon Si Lazaro ay lumabas mula sa kanyang puntod—ito ay naisakatuparan dahil sa nag-iisang linya na binigkas ng Panginoon. Sa panahong ito, hindi nagtayo ang Panginoong Jesus ng dambana, at hindi Siya nagpatupad ng anumang iba pang mga pagkilos. Nagsalita lamang Siya ng isang bagay. Matatawag ba itong himala o pag-uutos? O ito ay isang uri ng salamangka? Kung tutuusin, tila baga ito ay maaaring matawag na isang himala, at kung titingnan ninyo ito mula sa makabagong pananaw, mangyari pa maaari pa rin ninyo itong matawag na isang himala. Gayunman, tiyak na ito ay hindi maaaring tawaging isang orasyon upang tawagin pabalik ang isang kaluluwa mula sa patay, at lalong hindi pangkukulam. Tamang sabihin na ang himalang ito ay ang pinakakaraniwan, bahagyang pagpapakita ng awtoridad ng Maylikha. Ito ang awtoridad, at ang kakayahan ng Diyos. May awtoridad ang Diyos na hayaang mamatay ang isang tao, hayaang lisanin ng kaluluwa ang kanyang katawan at bumalik sa Hades, o kung saan man ito dapat tumungo. Kapag ang sinuman ay namatay, at kung saan sila tutungo pagkatapos mamatay—ang mga ito ay pinagpapasyahan ng Diyos. Magagawa Niya ito anumang oras at kahit saan. Hindi Siya nababahala sa mga tao, mga pangyayari, mga bagay, espasyo, o lugar. Kung gusto Niyang gawin ito magagawa Niya ito, sapagkat ang lahat ng mga bagay at lahat ng mga buhay na nilalang ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala, at ang lahat ng mga bagay ay nabubuhay at namamatay sa pamamagitan ng Kanyang salita, Kanyang awtoridad. Maaari Niyang buhayin muli ang isang taong patay—ito ay isa ding bagay na magagawa Niya anumang oras, kahit saan. Ito ang awtoridad na ang Maylalang lamang ang nagtataglay.
Nang ang Panginoong Jesus ay gumawa ng isang bagay gaya ng pagbuhay muli kay Lazaro mula sa patay, ang Kanyang layunin ay upang magbigay ng katunayan para sa mga tao at para kay Satanas na makita, at upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng bagay ng sangkatauhan, ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay pinagpapasyahan ng Diyos, at bagamat Siya ay naging laman, gaya nang dati, nananatili Siyang may awtoridad sa pisikal na mundo na nakikita at gayundin sa espirituwal na mundo na hindi nakikita ng mga tao. Ito ay upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng bagay ng sangkatauhan ay hindi nasa ilalim ng pamamahala ni Satanas. Ito ay isang pagbunyag at isang pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, at ito ay isa ring paraan para sa Diyos na makapaghatid ng mensahe sa lahat ng mga bagay na ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang pagbuhay muli ng Panginoong Jesus kay Lazaro—ang ganitong uri ng pagharap ay isa sa mga pamamaraan ng Maylalang upang turuan at tagubilinan ang sangkatauhan. Ito ay isang kongkretong pagkilos kung saan ay ginamit Niya ang Kanyang kakayahan at awtoridad upang tagubilinan ang sangaktauhan, at upang magkaloob para sa mga tao. Ito ay isang paraan na walang mga salita para sa Maylalang na tulutan ang sangkatauhan na makita ang katotohanan na Siya ang may pamamahala sa lahat ng mga bagay. Ito ay isang paraan para masabi Niya sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos na walang kaligtasan maliban sa pamamagitan Niya. Ang ganitong uri ng tahimik na mga pamamaraan ng Kanyang pagtatagubilin sa sangkatauhan ay tumatagal hanggang sa walang hanggan—ito ay pamalagian, at nagdulot ito sa mga puso ng tao ng isang pagkagimbal at kaliwanagan na hindi kailanman kukupas. Ang pagkabuhay mag-uli ni Lazaro ay nakaluwalhati sa Diyos—ito ay may malaking epekto sa bawat isang mga sumusunod sa Diyos. Ito ay matatag na itinatakda sa bawat tao na nauunawaang mabuti ang pangyayaring ito, ang pananaw na “tanging ang Diyos lamang ang makapamamahala sa buhay at kamatayan ng sangkatauhan.” Bagamat ang Diyos ay may ganitong uri ng awtoridad, at kahit nagpadala Siya ng isang mensahe tungkol sa Kanyang kapangyarihan sa ibabaw ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkabuhay mag-uli ni Lazaro, hindi ito ang Kanyang pangunahing gawain. Hindi kailanman gumagawa ang Diyos ng isang bagay na walang kahulugan. Ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay may malaking halaga; ang lahat ng ito ay isang karaniwang kayamanan. Tiyak na hindi Niya gagawin ang pagpapalabas sa tao sa kanilang libingan bilang pangunahin o tanging layunin o bagay sa Kanyang gawain. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay na walang kahulugan. Ang isang pagkabuhay mag-uli ni Lazaro ay sapat upang ipakita ang awtoridad ng Diyos. Ito ay sapat upang patunayan ang pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus. Ito ang dahilan kung bakit hindi na inulit ng Panginoong Jesus ang ganitong uri ng himala. Ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay alinsunod sa Kanyang sariling mga panuntunan. Sa wika ng tao, ito ay magiging “na ang Diyos ay maingat sa seryosong gawain.” Iyon ay, kapag gumagawa ang Diyos ng mga bagay hindi Siya lumalayo mula sa layunin ng Kanyang gawain. Nalalaman Niya kung anong gawain ang Kanyang gustong ipatupad sa yugtong ito, kung ano ang gusto Niyang isakatuparan, at Siya ay gagawa talaga alinsunod sa Kanyang plano. Kung nagkaroon ang isang taong tiwali ng ganitong uri ng kakayahan, mag-iisip na lamang siya ng mga paraan upang ibunyag ang kanyang kakayahan nang upang malaman ng iba kung gaano siya kakapangyarihan, nang upang yumukod sila sa kanya, para makontrol niya ang mga ito at lamunin sila. Ito ang kasamaan na nagmumula kay Satanas—ito ay tinatawag na katiwalian. Ang Diyos ay walang gayong disposisyon, at wala Siya ng gayong diwa. Ang Kanyang layunin sa paggawa ng mga bagay ay hindi upang ipagmapuri ang Sarili Niya, ngunit upang ipagkaloob sa sangkatauhan ang higit pang pagbubunyag at paggabay, kaya kakaunti lamang ang mga halimbawa na nakikita ng mga tao sa Biblia sa ganitong uri ng bagay. Hindi ito nangangahulugan na ang mga kakayahan ng Panginoong Jesus ay limitado, o hindi Niya magagawa ang ganitong uri ng bagay. Ibig sabihin lamang na ayaw itong gawin ng Diyos, sapagkat ang pagbuhay mag-uli ng Panginoong Jesus kay Lazaro ay mayroong totoong praktikal na kahalagahan, at dahil din sa ang pangunahing gawain ng pagiging laman ng Diyos ay hindi ang pagsasagawa ng mga himala, hindi ang pagbuhay mag-uli sa mga tao mula sa mga patay, kundi ito ang gawain ng pagtubos sa sangkatuhan. Kaya, karamihan sa mga gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus ay pagtuturo sa mga tao, pagkakaloob sa kanila, at pagtulong sa kanila, at ang mga bagay kagaya ng pagbuhay mag-uli kay Lazaro ay maliit na bahagi lamang ng ministeryo na ipinatupad ng Panginoong Jesus. Higit sa rito, maaari ninyong sabihin na ang “pagmamapuri” ay hindi bahagi ng diwa ng Diyos, kaya ang hindi pagpapakita ng mas marami pang mga himala ay hindi sinadyang pagsasagawa ng pagpipigil, ni hindi dahil sa mga limitasyong pangkapaligiran, at ito ay tiyak na hindi sa kawalan ng kakayahan.
Nang pabalikin ng Panginoong Jesus si Lazaro mula sa patay, gumamit Siya ng isang linya: “Lazaro, lumabas ka.” Wala Siyang sinabi maliban dito—ano ang kinakatawan ng mga salitang ito? Kinakatawan nila na maipagtatagumpay ng Diyos ang anumang bagay sa pamamagitan ng pagsasalita, kabilang ang pagbuhay mag-uli sa isang taong patay. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, nang Kanyang nilikha ang mundo, ginawa Niya sa pamamagitan ng mga salita. Gumamit siya ng mga sinalitang kautusan, mga salita na may awtoridad, at kagaya lamang kung paanong ang lahat ng mga bagay ay nilikha. Ito ay naisakatuparan kagaya niyon. Ang nag-iisang linyang ito na sinalita ng Panginoong Jesus ay kagaya lamang ng mga salitang sinalita ng Diyos nang Kanyang likhain ang kalangitan at lupa at ang lahat ng mga bagay; taglay nito ang kapantay na awtoridad ng Diyos, ang kakayahan ng Maylalang. Ang lahat ng mga bagay ay inanyuan at nanindigan dahil sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at kapareho lamang, si Lazaro ay naglakad palabas ng kanyang puntod dahil sa mga salita mula sa bibig ng Panginoong Jesus. Ito ang awtoridad ng Diyos, ipinakita at natupad sa Kanyang nagkatawang-taong laman. Ang ganitong uri ng awtoridad at kakayahan ay pag-aari ng Maylalang, at ang Anak ng tao kung kanino natupad ang Maylalang. Ito ang pagkaunawa na itinuro ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbuhay mag-uli kay Lazaro mula sa mga patay. Iyon lamang sa paksang ito. Susunod, basahin natin ang mga kasulatan.
10. Ang Paghatol ng mga Fariseo kay Jesus
(Marcos 3:21-22) At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya’y hulihin: sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
11. Ang Pagsaway ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo
(Mateo 12:31-32) Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
(Mateo 23:13-15) Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba’t mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya’t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa. Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.
Mayroong dalawang magkahiwalay na mga talata sa itaas—tingnan muna natin ang nauna: Ang Paghatol ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus.
Sa Biblia, ang pagsusuri ng mga Fariseo kay Jesus Mismo at ang mga bagay na Kanyang ginawa ay: “sapagka’t kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. … Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio” (Marcos 3:21-22). Ang paghatol ng mga eskriba at mga Fariseo sa Panginoong Jesus ay hindi mga panggagaya o pag-iisip sa wala—ito ang kanilang konklusyon sa Panginoong Jesus mula sa kung ano ang kanilang nakita at kung ano ang narinig sa Kanyang mga pagkilos. Bagamat ang kanilang konklusyon sa wari ay ginawa sa ngalan ng katarungan at lumilitaw sa mga tao na parang may matatag na batayan, ang kahambugan kung paano nila hinatulan ang Panginoong Jesus ay mahirap din para sa kanila na mapigilan. Ang silakbo ng lakas ng pagkamuhi para sa Panginoong Jesus ang nagbunyag sa kanilang sariling lisyang mga ambisyon at ang kanilang masasama at malademonyong mababangis na mukha, gayundin ang kanilang masamang kalikasan ng paglaban sa Diyos. Ang kanilang sinabi sa kanilang paghatol sa Panginoong Jesus ay udyok ng kanilang lisyang mga ambisyon, pagkainggit, at ang pangit at masamang kalikasan ng kanilang pagkapoot sa Diyos at sa katotohanan. Hindi nila siniyasat ang pinagmulan ng mga pagkilos ng Panginoong Jesus, ni siniyasat nila ang diwa ng kung ano ang Kanyang sinabi o ginawa. Ngunit basta-basta nila, nang may pagkainip, nang may pagkahibang, at nang sinadyang masamang hangarin na batikusin at siraan ang kung ano ang Kanyang ginawa. At ito ay hanggang sa punto pa ng basta-bastang paninira sa Kanyang Espiritu, iyon ay, ang Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos. Ito ang kanilang ibig sabihin nang kanilang sinabing “Siya ay nasisiraan ng bait,” “ang Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo.” Na ang ibig sabihin, sinabi nila na ang Espiritu ng Diyos ay Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo. Inilalarawan nila ang gawain ng laman ng Espiritu ng Diyos na nadaramtan ng kabaliwan. Hindi lamang nila nilapastangan ang Espiritu ng Diyos bilang Beelzebub at ang prinsipe ng mga demonyo, ngunit kanilang hinatulan ang gawain ng Diyos. Kanilang hinatulan at nilapastangan ang Panginoong JesuKristo. Ang diwa ng kanilang paglaban at paglapastangan sa Diyos ay lubos na kagaya ng diwa ni Satanas at ang paglaban at paglapastangan ng diablo sa Diyos. Hindi lamang nila kinakatawan ang mga taong tiwali, ngunit higit pang sila ay larawan ni Satanas. Sila ay daluyan para kay Satanas sa gitna ng sangkatauhan, at sila ang mga kasabwat at mga sinugo ni Satanas. Ang diwa ng kanilang pamumusong at ang kanilang paninirang-puri sa Panginoong JesuKristo ay ang kanilang pakikipaglaban sa Diyos para sa kanilang kalagayan, ang kanilang pakikipagpaligsahan sa Diyos, ang kanilang walang katapusang pagsubok sa Diyos. Ang diwa ng kanilang paglaban sa Diyos at ang kanilang asal sa paglaban sa Kanya, gayundin ang kanilang mga salita at kanilang mga saloobin ay tahasang nilalapastangan at ginagalit ang Espiritu ng Diyos. Kaya, pinagpapasyahan ng Diyos ang isang makatuwirang paghatol sa kung ano ang kanilang sinabi at ginawa, at pinagpapasyahan ang kanilang mga gawa bilang pagkakasala ng paglapastangan laban sa Banal na Espiritu. Ang pagkakasalang ito ay walang kapatawaran kapwa sa mundong ito at sa mundong susunod, kagaya ng sinasabi sa mga sumusunod na talata sa kasulatan: “datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” at “ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa tunay na kahulugan ng mga salitang ito mula sa Diyos “hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Iyon ay pag-aalis sa kalituhan kung paano tutuparin ng Diyos ang mga salitang “hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.”
Ang lahat ng ating napag-usapan ay may kaugnayan sa disposisyon ng Diyos, at ng Kanyang saloobin tungo sa mga tao, mga usapin, at mga bagay. Sa karaniwan, ang dalawang talata sa itaas ay walang eksepsyon. May napansin ba kayong anuman sa dalawang talata na ito ng kasulatan? Sinasabi ng ilang mga tao na nakikita nila ang galit ng Diyos. Sinasabing ilang mga tao na nakikita nila ang bahagi ng disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti sa pagkakasala ng sangkatauhan, at na kapag gumawa ang mga tao ng isang bagay na kapusungan sa Diyos, hindi nila makakamit ang Kanyang kapatawaran. Sa kabila ng katotohanan na nakikita at nauunawaan ng mga tao ang galit ng Diyos at hindi pagkunsinti sa pagkakasala ng sangkatauhan sa dalawang talatang ito, hindi pa rin nila talaga maunawaan ang Kanyang saloobin. Nagtataglay ang dalawang talatang ito ng pahiwatig ng tunay na saloobin at pamamaraan ng Diyos tungo sa kanila na lumalapastangan at nagpapagalit sa Kanya. Taglay ng talatang ito sa kasulatan ang tunay na kahulugan ng Kanyang saloobin at pamamaraan: “sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.” Kapag nilalapastangan ng mga tao ang Diyos, kapag ginalit nila Siya, naglalathala Siya ng hatol ng hurado, at ang hatol na ito ay ang Kanyang huling kahihinatnan. Ito ay isinasalarawan sa ganitong paraan sa Biblia: “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31), at “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” (Mateo 23:13). Gayunman, nakatala ba sa Biblia kung ano ang kinalabasan nilang mga eskriba at mga Fariseo, gayundin ng mga taong nagsabing siya ay baliw pagkatapos sabihin ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito? Nakatala ba kung sila ay nagdanas ng kaparusahan? Ito ay tiyak na wala. Ang pagsasabi rito na “wala” ay hindi sa hindi ito naitala, ngunit sa katotohanan walang kalalabasan na maaaring makita gamit ang mga mata ng tao. Nililinaw ng “wala” na ito ang isang isyu, iyon ay, ang saloobin at mga panuntunan ng Diyos sa pagharap sa mga bagay. Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay. Ito ay dahil sa ilalim ng gayong mga kalagayan na pinagpasyahan ng Diyos na hindi ililigtas ang ganitong uri ng tao, upang huwag nang magpakita ng habag o magkaroon ng pagpapaubaya para sa kanila, upang huwag na silang pagkalooban ng mga pagkakataon, ang saloobin na Kanyang isinasaalang-alang sa kanila ay isantabi sila. Ano ang kahulugan ng “isantabi”? Ang kahulugan ng terminong ito sa kanyang sarili ay upang ilagay ang isang bagay sa isang panig, upang huwag nang bigyang pansin ito. Dito, kapag ang Diyos ay “nagsasantabi,” mayroong dalawang magkaibang paliwanag sa kahulugan nito: Ang unang paliwanag ay na binigyan Niya ng buhay ang taong yaon, ang lahat ng bagay sa taong yaon ay pakikitunguhan ni Satanas. Hindi na magiging pananagutan ng Diyos at hindi na Niya ito pamamahalaan. Maging ang taong iyon ay baliw, o hangal, at maging sa buhay o sa kamatayan, o kung sila ay bumaba sa impiyerno para sa kanilang kaparusahan, wala na itong magiging kaugnayan sa Diyos. Mangangahulugan ito na ang nilalang na iyon ay wala ng kaugnayan sa Maylalang. Ang ikalawang paliwanag ay na pinagpasyahan na ng Diyos na sa Sarili Niya ay may gustong gawing isang bagay sa taong ito, sa Kanyang sariling mga kamay. Posible na gagamitin Niya ang serbisyo ng ganitong uri ng tao, o na gagamitin Niya ang ganitong uri ng tao bilang isang pantapat. Maaaring magkakaroon Siya ng isang natatanging paraan ng pakikitungo sa ganitong uri ng tao, isang natatanging paraan ng pagtrato sa kanila—kagaya lamang ni Pablo. Ito ang panuntunan at saloobin sa puso ng Diyos kung paano pinagpapasyahang makitungo sa ganitong uri ng tao. Kaya kapag kinalaban ng mga tao ang Diyos, at siniraan at nilapastangan Siya, kapag ginalit nila ang Kanyang disposisyon, o kung narating na nila ang hangganan ng Diyos, ang mga kahihinatnan ay hindi sukat akalain. Ang pinakamalalang kahihinatnan ay ibibigay ng Diyos ang kanilang buhay at ang lahat sa kanila kay Satanas, nang tuluyan. Hindi sila patatawarin magpakailanman. Ito ay nangangahulugan na ang taong ito ay naging pagkain sa bibig ni Satanas, isang laruan sa kanyang kamay, at simula noon wala nang kinalaman ang Diyos sa kanila. Naiisip ba ninyo kung anong uri ng kahapisan ito nang tuksuhin ni Satanas si Job? Sa kondisyon na hindi pinapayagan si Satanas na saktan ang buhay ni Job, napakatindi pa rin ang dinanas ni Job. At hindi ba lalong mas mahirap isipin ang pagdaraanang pinsala kay Satanas ng isang tao na ganap na ibinigay kay Satanas, na ganap na napasakamay ni Satanas, na lubusang nawala ang pagmamalasakit at habag ng Diyos, na wala na sa ilalim ng pamamahala ng Maylalang, na inalisan na ng karapatan na sambahin Siya, at ang karapatan na maging isang nilalang sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, na ang kaugnayan sa Panginoon ng paglikha ay lubusang pinutol? Ang pag-uusig ni Satanas kay Job ay isang bagay na maaring makita ng mga mata ng tao, ngunit kapag ibinigay ng Diyos ang buhay ng isang tao kay Satanas, ang kahihinatnan nito ay isang bagay na hindi maiisip ninuman. Ito ay kagaya lamang ng ilang mga tao na ipapanganak muli bilang isang baka, o isang asno, o ilang mga taong pinangibabawan, inalihan ng mga maruruming, masasamang espiritu, at iba pa. Ito ang kalalabasan, ang katapusan ng ilang mga taong ibinigay kay Satanas ng Diyos. Mula sa labas, tila itong mga taong nanlibak, nanira, humatol, at lumapastangan sa Panginoong Jesus ay hindi nagdanas ng anumang mga kahihinatnan. Gayunman, ang katotohanan ay na ang Diyos ay mayroong saloobin sa pakikitungo sa lahat ng bagay. Maaaring hindi Siya gumamit ng malinaw na wika upang sabihin sa mga tao ang kalalabasan ng kung paano Siya nakikitungo sa bawat uri ng tao. May mga pagkakataon na hindi Siya tuwirang nagsasalita, ngunit Siya ay gumagawa ng mga bagay nang tuwiran. Ang hindi Niya pagsasalita ukol dito ay hindi nangangahulugan na walang kahihinatnan—maaaring ang kahihinatnan ay mas malala pa. Mula sa mga pagpapakita, tila ang Diyos ay hindi nakikipag-usap sa ilang mga tao upang ibunyag ang Kanyang saloobin; ang totoo, ayaw ng Diyos na bigyang pansin sila sa mahabang panahon. Ayaw na Niya silang makita kailanman. Dahil sa mga bagay na kanilang ginawa, ang kanilang pag-uugali, dahil sa kanilang kalikasan at sa kanilang diwa, gusto na lamang ng Diyos na maglaho sila sa Kanyang paningin, nais na ibigay sila nang tuluyan kay Satanas, upang ibigay ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan kay Satanas, upang tulutan si Satanas na gawin ang maibigang gawin. Malinaw kung hanggang saan namumuhi ang Diyos sa kanila, kung hanggang saan nayayamot ang Diyos sa kanila. Kapag ginalit ng isang tao ang Diyos hanggang sa puntong ayaw man lamang silang makita ng Diyos, na lubusan ng sumuko ang Diyos sa kanila, hanggang sa puntong ayaw na ng Diyos na makitungo sa kanila Mismo—kapag nakarating ito sa punto na ibibigay na sila kay Satanas upang gawin ang maibigan, upang tulutan si Satanas na mamahala, lamunin, at tratuhin sila sa anumang paraan—ang taong ito ay natapos na nang tuluyan. Ang kanilang karapatan na maging isang tao ay binawi na magpakailanman, at ang kanilang karapatan bilang nilalang ay dumating na sa katapusan. Hindi ba ito ang pinakamalalang parusa?
Ang lahat ng ito sa itaas ay ang kumpletong paliwanag sa mga salitang: “hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating,” at ito din ay isang simpleng komentaryo sa mga talatang ito ng kasulatan. Sa tingin Ko ay mayroon na kayong pagkaunawa ngayon dito!
Ngayon basahin natin ang mga talata sa ibaba.
12. Ang mga Salita ni Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli
(Juan 20:26-29) At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya.
(Juan 21:16-17) Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa. Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.
Ang ikinukuwento ng mga talatang ito ay ilang mga bagay na ginawa at sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga disipulo pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Una, tingnan natin ang anumang mga pagkakaiba sa pagitan ng bago at pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus. Siya pa rin ba ang dating Panginoong Jesus sa mga nakaraang mga araw? Nilalaman ng kasulatan ang mga sumusunod na linya na inilalarawan ang Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli: “Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.” Masyadong malinaw na ang Panginoong Jesus sa panahon na iyon ay hindi na isang laman, ngunit isang espirituwal na katawan. Ito ay dahil nahigitan na Niya ang mga limitasyon ng laman, at nang ang pinto ay isinara nakarating pa rin Siya sa kalagitnaan ng mga tao at hinayaan silang makita Siya. Ito ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli at ang Panginoong Jesus na nabubuhay sa laman bago ang pagkabuhay na mag-uli. Bagamat walang pagkakaiba sa pagitan ng kaanyuan ng espirituwal na katawan sa sandaling iyon at ang kaayuan ng Panginoong Jesus mula sa dati, si Jesus nang sandaling iyon ay naging isang Jesus na nakadama na parang isang estranghero sa mga tao, sapagkat Siya ay naging espirituwal na katawan pagkatapos mabuhay na mag-uli mula sa mga patay, at kung ihahambing sa Kanyang nagdaang laman, ang espirituwal na katawang ito ay lalong palaisipan at nakalilito para sa mga tao. Lumikha din ito ng higit na agwat sa pagitan ng Panginoong Jesus at ng mga tao, at naramdaman ng mga tao sa kanilang mga puso na ang Panginoong Jesus sa sandaling iyon ay naging higit na misteryoso. Ang mga pagkaunawang ito at mga damdamin sa bahagi ng mga taong bigla na lang dinala pabalik sa isang kapanahunan ng paniniwala sa isang Diyos na maaaring makita o mahipo. Kaya, ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matitak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa laman, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa “pagkawala” o “paglayo” ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay.
Yamang Siya ay isang espirituwal na katawan, paano nangyaring nahahawakan Siya ng mga tao, at nakikita Siya? Ito ay may kinalaman sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan. Mayroon ba kayong napansing anumang bagay sa mga talata ng kasulatan? Sa karaniwan ang mga espirituwal na mga katawan ay hindi maaring makita o mahawakan, at pagkatapos ng pagkabuhay mag-uli ang gawain na binalikat ng Panginoong Jesus ay nakumpleto na. Kaya sa teorya, tiyak hindi na Niya kailangang bumalik sa kalagitnaan ng mga tao sa Kanyang katutubong imahe upang makipagkita sa kanila, ngunit ang pagpapakita ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus sa mga tao kagaya ni Tomas ang lalong nagpatatag sa kahalagahan nito, at ito ay tumagos nang mas malalim sa mga puso ng mga tao. Nang Siya ay lumapit kay Tomas, hinayaan Niya ang nagdududang si Tomas na hawakan niya ang Kanyang kamay, at sinabi sa kanya: “at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Ang mga salitang ito, ang mga pagkilos na ito ay hindi ang mga bagay na gusto lamang sabihin at gawin ng Paginoong Jesus pagkatapos na Siya ay mabuhay mag-uli, ngunit ang mga bagay na gusto Niyang gawin bago pa man Siya ipinako sa krus. Maliwanag na ang Panginoong Jesus na hindi pa ipinapako sa krus ay mayroon nang pagkaunawa sa mga taong kagaya ni Tomas. Kaya ano ang ating nakikita mula rito? Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus pagkatapos Niyang mabuhay mag-uli. Ang Kanyang diwa ay hindi nagbago. Ang mga pagdududa ni Tomas ay hindi lamang nagsisimula ngunit taglay na Niya sa buong panahon na siya ay sumusunod sa Panginoong Jesus, ngunit Siya ang Panginoong Jesus na nabuhay mag-uli sa mga patay at nagbalik mula sa espirituwal na mundo sa Kanyang dating imahe, sa Kanyang dating disposisyon, at sa Kanyang pagkaunawa sa sangkatauhan mula sa panahon na Siya ay nasa laman, kaya Siya ay nagpunta upang hanapin muna si Tomas, upang hayaan siyang mahipo ang Kanyang tadyang, upang hayaan siyang makita hindi lamang ang Kanyang espirituwal na katawan pagkatapos mabuhay mag-uli, ngunit upang hayaan siyang mahipo at maramdaman ang pag-iral ng Kanyang espirituwal na katawan, at tuluyang mapakawalan ang kanyang mga pagdududa. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, si Tomas ay laging nag-aalinlangan na siya ang Kristo, at hindi niya mapaniwalaan ito. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos at itinatag lamang sa batayan ng kung ano ang kanyang nakikita sa kanyang sariling mga mata, kung ano ang kanyang nahihipo sa kanyang sariling mga kamay. Ang Panginoong Jesus ay may mabuting pagkaunawa sa pananampalataya ng ganitong uri ng tao. Naniniwala lamang sila sa Diyos na nasa langit, at hindi naniniwala nang lubusan, at hindi tinatanggap ang Isa na ipinadala ng Diyos, o ang Kristo na nasa laman. Nang upang makilala niya at maniwala sa pag-iral ng Panginoong Jesus at na totoo talagang Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, tinulutan Niya si Tomas na iabot ang kanyang kamay at mahawakan ang Kanyang tadyang. Ang pag-aalinlangan ba ni Tomas ay may pinagkaiba bago at pagkatapos ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus? Siya ay palaging nagdududa, at maliban sa espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na personal na nagpakita sa kanya at tinutulutan si Tomas na mahipo ang mga bakas ng pinagpakuan sa Kanyang katawan, walang sinuman ang makalulutas sa kanyang mga pag-aalinlangan, at walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanya sa mga ito. Kaya, mula sa sandaling tinulutan siya ng Panginoong Jesus na hipuin ang Kanyang tadyang at hayaan siyang tunay na madama ang pag-iral ng mga bakas ng pinagpakuan, naglaho ang pagdududa ni Tomas, at totoong nalaman niya na ang Panginoong Jesus ay nabuhay nang muli at kinilala niya at pinaniwalaan na ang Panginoong Jesus ay ang tunay na Kristo, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Bagamat sa sandaling ito ay hindi na nag-alinlangan si Tomas, nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makipagkita kay Jesus. Nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makasama Siya, na sundan Siya, na makilala Siya. Nawala niya ang pagkakataon para gawin siyang perpekto ni Jesus. Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus at ang Kanyang mga salita ay naglaan ng isang konklusyon, at isang hatol sa kanila na puno ng mga pag-aalinlangan. Ginamit Niya ang Kanyang aktwal na mga salita at mga pagkilos upang sabihan ang mga mapag-alinlangan, upang sabihin yaong mga naniniwala lamang sa Diyos sa langit ngunit hindi naniniwala kay Kristo: Hindi pinuri ng Diyos ang kanilang pananampalataya, ni hindi pinuri ang kanilang pagsunod na puno ng mga pag-aalinlangan. Ang araw na lubos silang maniniwala sa Diyos at kay Kristo ay maaaring ang araw lamang na nakumpleto na ng Diyos ang Kanyang dakilang gawain. Mangyari pa, ang araw na yaon ay ang araw din na ang kanilang pag-aalinlangan ay tatanggap ng isang hatol. Ang kanilang saloobin tungo kay Kristo ang nagpasya sa kanilang kapalaran, at ang kanilang sutil na pag-aalinlangan na nangahulugan sa kanilang pananampalataya ay hindi nagkamit ng mga resulta, at ang kanilang katigasan na nangahulugan na ang kanilang mga pag-asa ay walang saysay. Sapagkat ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa langit ay bunga ng mga ilusyon, at ang kanilang pagdududa tungo kay Kristo ay ang kanila talagang tunay na saloobin tungo sa Diyos, kahit na hinipo nila ang mga bakas ng pinagpakuan sa katawan ng Panginoong Jesus, ang kanilang pananampalataya ay walang kabuluhan at ang kanilang kalalabasan ay maari lamang ilarawan bilang suntok sa hangin—walang saysay. Kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas ay totoong malinaw ding nagsasabi sa bawat isang tao: Ang Panginoong Jesus na nabuhay muli ay ang Panginoong Jesus na noong una ay gumugol ng tatlumpu’t tatlo at kalahating mga taon na gumagawa sa gitna ng sangkatauhan. Bagamat Siya ay ipinako sa krus at naranasan ang libis ng lilim ng kamatayan, at naranasan Niya ang mabuhay mag-uli, ang Kanyang bawat mga aspeto ay hindi sumailallim sa anumang mga pagbabago. Bagamat mayroon na Siya ngayong mga bakas ng pagkakapako sa Kanyang katawan, at kahit na Siya ay nabuhay mag-uli at lumabas mula sa libingan, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang pagkaunawa sa sangkatauan, ang Kanyang mga hangarin tungo sa sangkatauahan ay hindi nagbabago kahit na kaunti. Gayundin, sinasabi Niya sa mga tao na Siya ay bumaba mula sa krus, napagtagumpayan ang kasalanan, napagtagumpayan ang mga pagdurusa, at napagtagumpayan ang kamatayan. Ang mga bakas ng pagkapako ay mga katunayan lamang ng Kanyang pagkapanalo kay Satanas, katunayan ng pagigigng isang handog sa pagkakasala upang matagumpay na matubos ang buong sangkatauhan. Sinasabi Niya sa mga tao na inako na Niya ang kasalanan ng sangkatauhan at nakumpleto na Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos. Nang Siya ay makabalik upang makita ang Kanyang mga disipulo, Sinabi Niya sa kanila sa Kanyang kaanyuan: “Ako ay buhay pa, umiiral pa rin Ako; sa araw na ito ay talagang nakatayo Ako sa inyong harapan nang upang Ako ay inyong makita at mahipo. Ako ay palaging sasainyo.” Gusto din ng ating Panginoong Jesus na gamitin ang kaso ni Tomas upang maging isang babala para sa mga tao sa hinaharap: Bagamat ikaw ay naniniwala sa Panginoong Jesus, hindi mo nakikita o nahihipo Siya, ngunit ikaw ay maaaring pagpalain sa inyong tunay na pananampalataya, at nagagawa mong makita ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng iyong tunay na pananampalataya; ang ganitong uri ng tao ay pinagpala.
Ang mga salitang ito na naitala sa Biblia na sinalita ng Panginoong Jesus nang Siya ay magpakita kay Tomas ay malaking tulong sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang pagpapakita at ang Kanyang mga salita kay Tomas ay mayroong isang malaking epekto sa mga susunod na salinlahi, at taglay nila ang walang hanggang kahalagahan. Si Tomas ay kumakatawan sa isang uri ng tao na naniniwala sa Diyos subalit pinagdududahan ang Diyos. Sila ay likas na mapagduda, mayroong masasamang puso, mga taksil, at hindi naniniwala sa mga bagay na makukumpleto ng Diyos. Hindi sila naniniwala sa pagiging makapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang pamamahala, at hindi sila naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Gayunpaman, ang pagkabuhay mag-uli ng Panginoong Jesus ay isang sampal sa mukha sa kanila, at nagbigay din ito ng isang pagkakataon sa kanila upang matuklasan ang kanilang sariling pagdududa, upang makilala ang kanilang sariling pagdududa, at upang makilala ang kanilang sariling kataksilan, kaya ito ang tunay na paniniwala sa pag-iral at sa pagkabuhay mag-uli ng Panginoong Jesus. Kung ano ang nangyari kay Tomas ay isang babala at isang babala para sa mga susunod na salinlahi nang upang mas maraming mga tao ang makapagbabala sa kanilang mga sarili upang huwag maging mapagduda kagaya ni Tomas, at kung sila ay magkagayon, sila ay lulubog sa kadiliman. Kung ikaw ay sumusunod sa Diyos, ngunit gaya lamang ni Tomas, lagi mong nanaisin na mahipo ang tadyang ng Panginoong Jesus at madama ang mga bakas ng pinagpakuan upang makatiyak, upang mapatunayan, upang manghula kung ang Diyos ba ay umiiral o hindi, pababayaan ka ng Diyos. Kaya, hinihiling ng Panginoong Jesus sa mga tao na huwag maging kagaya ni Tomas, pinaniniwalaan lamang kung ano ang kanilang nakikita sa kanilang sariling mga mata, ngunit upang maging isang dalisay, tapat na tao, na huwag magkimkim ng mga pagdududa tungo sa Diyos, ngunit manampalataya lamang at sundin Siya. Ang ganitong uri ng tao ay pinagpala. Ito ay isang napakaliit na kahilingan na mayroon ang Panginoong Jesus para sa mga tao, at isang babala sa Kanyang mga tagasunod.
Yaon ang saloobin ng Panginoong Jesus tungo sa kanila na puno ng pagdududa. Kaya ano ang sinabi ng Panginoong Jesus, at ano ang Kanyang ginawa sa kanila na nagagawang tapat na manampalataya at sumusunod sa Kanya? Ito ang ating susunod na titingnan, tungkol sa isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus kay Pedro.
Sa pag-uusap na ito, paulit-ulit na tinanong ng Panginoong Jesus si Pedro ng isang bagay: “Pedro, iniibig mo ba Ako?” Ito ay isang lalong mas mataas na pamantayan na kinakailangan ng Panginoong Jesus mula sa mga taong kagaya ni Pedro pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, na tunay na naniniwala kay Krsito at nagsisikap na ibigin ang Panginoon. Ang tanong na ito ay isang uri ng pagsisiyasat, at isang uri ng pag-uusisa, ngunit higit pa rito, ito ay isang kinakailangan at inaasahan sa mga taong kagaya ni Pedro. Ginamit Niya ang pamamaraang ito ng pagtatanong nang upang makapagbulay ang mga tao sa kanilang mga sarili masiyasat ang kanilang mga sarili: Ano ang mga kinakailangan ng Panginoong Jesus para sa mga tao? Mahal ko ba ang Panginoon? Isa ba akong tao na umiibig sa Diyos? Paano ko dapat ibigin ang Diyos? Kahit na itinanong lamang ng Panginoong Jesus ang katanungang ito kay Pedro, ang totoo sa Kanyang puso, gusto Niyang gamitin ang pagkakataong ito sa pagtatanong kay Pedro upang itanong ang ganitong uri ng katanungan sa mas maraming mga tao na naghahangad na ibigin ang Diyos. Biniyayaan lamang si Pedro na umakto bilang kinatawan ng ganitong uri ng tao, upang tumanggap ng pagtatanong mula sa sariling bibig ng Panginoong Jesus.
Kung ihahambing sa “at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin,” na sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, ang Kanyang tatlong ulit na pagtatanong kay Pedro: “Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?” ay nagpapahintulot sa mga tao na madamang mabuti ang ang katigasan ng saloobin ng Panginoong Jesus, at ang pagmamadali na Kanyang nadama sa panahon ng Kanyang pagtatanong. At tungkol sa nagdududang si Tomas sa kanyang tuso at mapanlinlang na kalikasan, tinulutan Siya ng Panginoong Jesus na idaiti ang kanyang kamay at hipuin ang Kanyang mga bakas ng pinagpakuan, na nagpahintulot sa kanyang maniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao na muling nabuhay at kilalanin ang pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus bilang Kristo. At bagamat hindi pinagsabihan nang may katigasan ng Panginoong Jesus si Tomas, ni hindi Niya ipinahayag sa salita ang anumang malinaw na paghatol sa kanya, hinayaan Niya siyang malaman na nauunawaan Niya siya sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos, habang ipinakikita din ang Kanyang saloobin tungo sa at pagpapasiya sa gayong uri ng tao. Ang mga kahilingan at mga inaasahan ng Panginoong Jesus sa gayong uri ng tao ay hindi nakikita mula sa kung ano ang Kanyang sinabi. Sapagkat ang mga taong kagaya ni Tomas ay walang diwa ng tunay na pananampalataya. Ang mga kahilingan ng Panginoong Jesus para sa kanila ay nasa ganito lamang, ngunit ang saloobin na Kanyang ibinunyag sa mga taong kagaya ni Pedro ay lubos na naiiba. Hindi Niya hiniling na idaiti ni Pedro ang kanyang kamay at hipuin ang Kanyang mga marka ng pinagpakuan, ni Hindi Niya sinabi kay Pedro: “huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Sa halip, paulit-ulit Niyang itinanong ang kaparehong katanungan kay Pedro. Ito ay isang nakawiwili, makahulugang tanong na hindi lamang magtutulak sa bawat tagasunod ni Kristo na makadama ng pagsisisi, at ng takot, ngunit madadama din ang kabalisahan ng Panginoong Jesus, malungkot na kalooban. At kapag sila ay nasa matinding kalungkutan at pagdurusa, magagawa nilang mas maunawaan ang pag-aalala ng Panginoong Jesus at ang Kanyang pagmamalasakit; kanilang mapagtatanto ang Kanyang taimtim na aral at ang mahigpit na mga pangangailangan ng dalisay, tapat na mga tao. Ang katanungan ng Panginoong Jesus ay nagtutulot sa mga tao na madama na ang mga inaasahan ng Panginoon sa mga tao na nabunyag sa mga simpleng pananalitang ito ay hindi basta na lamang mananampalataya at susunod sa Kanya, subalit matamo ang pagiging iniibig, iibigin ang iyong Panginoon, iibigin ang iyong Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay mapagmalasakit at matalimahin. Ito ay ang mga taong nabubuhay para sa Diyos, namamatay para sa Diyos, iniaalay ang lahat ng bagay sa Diyos, at gumugugol at nagbibigay ng lahat para sa Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nagbibigay din ng kaaliwan sa Diyos, nagtutulot sa Kanya na matamasa ang sumaksi, at nagtutulot sa Kanya na makapagpahinga. Ito ang ganti ng sangkatauhan sa Diyos, kanilang pananagutan, obligasyon at tungkulin, at ito ay isang paraan na kailangang sundin ng mga tao habang sila ay nabubuhay. Ang tatlong mga katanungang ito ay isang kahilingan at isang pagpapayo na ginawa ng Panginoong Jesus kay Pedro at sa lahat ng mga tao na gagawing perpekto. Ang tatlong mga katanungang ito ang gumabay at nag-udyok kay Pedro na kumpletuhin ang kanyang landas sa buhay, at ang mga tanong sa paghihiwalay ng Panginoong Jesus ang umakay kay Pedro na magsimula sa kanyang landas ng pagiging perpekto, na umakay sa kanya, dahil sa kanyang pag-ibig para sa Panginoon, upang magmalasakit para sa puso ng Panginoon, upang sundin ang Panginoon, upang maghandog ng kaaliwan sa Panginoon, at upang ihandog ang kanyang buong buhay at ang kanyang buong sarili dahil sa pag-ibig na ito.
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay pangunahin para sa dalawang uri ng tao na sumasampalataya at sumusunod sa Kanya. Ang una ay ang uri ng tao na sumasampalataya at sumusunod sa Kanya, na makapag-iingat sa Kanyang mga utos, na makapagpapasan ng krus at makapanghahawak sa paraan ng Kapanahunan ng Biyaya. Makakamit ng ganitong uri ng tao ang pagpapala ng Diyos at matatamasa ang biyaya ng Diyos. Ang ikalawang uri ng tao ay gaya ni Peter, isang tao na gagawing perpekto. Kaya, pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay nabuhay na muli, una Niyang ginawa ang dalawang totoong makahulugan na mga bagay na ito. Ang isa ay kay Tomas, ang isa pa kay Pedro. Ano ang kinakatawan ng dalawang bagay na ito? Kinakatawan ba nila ang tunay na mga hangarin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatuhan? Kinakatawan ba nila ang katapatan ng Diyos tungo sa sangkatauhan? Ang gawain na Kanyang ginawa kay Tomas ay upang balaan ang mga tao na huwag maging mapagduda, ngunit upang maniwala lamang. Ang gawain na Kanyang ginawa kay Pedro ay upang patatagin ang pananampalataya ng mga tao gaya ni Pedro, at upang gumawa ng malinaw na mga kinakailangan sa ganitong uri ng tao, upang ipakita kung anong mga layunin ang dapat nilang hangarin.
Pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay mabuhay na muli, nagpakita Siya sa mga tao na iniisip Niyang kinakailangan, nakipag-usap sa kanila, at gumawa ng mga kailangan sa kanila, isinantabi ang Kanyang mga layunin, at ang Kanyang mga inaasahan sa mga tao. Na ang ibig sabihin, bilang Diyos na nagkatawang-tao, hindi alintana kung ito man at sa Kanyang panahong nasa laman, o sa espirituwal na katawan pagkatapos mapako sa krus at nabuhay na muli—ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan at mga kailangan ukol sa mga tao ay hindi nagbago. Siya ay nag-aalala sa mga disipulong ito bago Siya dalhin sa krus; sa Kanyang puso, malinaw sa Kanya ang ukol sa katayuan ng bawat isang tao, nauunawaan Niya ang pagkukulang ng bawat isang tao, at mangyari pa ang Kanyang pagkaunawa sa bawat isang tao ay pareho din pagkatapos Niyang mamatay, nabuhay muli, at naging isang espirituwal na katawan gaya nang kung Siya ay nasa laman. Nalalaman Niya na ang mga tao ay hindi nakatitiyak nang lubos ukol sa Kanyang pagkakailanlan bilang Kristo, ngunit sa Kanyang panahong nasa laman hindi Siya gumawa ng mahigpit na mga kahilingan sa mga tao. Ngunit pagkatapos Niyang mabuhay na muli nagpakita Siya sa kanila, at ginawa Niya silang lubusang nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, at ginamit Niya ang katotohanan ng Kanyang pagpapakita at ang Kanyang pagkabuhay muli bilang pinakadakilang pangitain at pagganyak para sa habambuhay na paghahangad ng sangkatauhan. Ang Kanyang pagkabuhay muli mula sa kamatayan ay hindi lamang pinatatag yaong lahat na sumusunod sa Kanya, ngunit ganap ding pinahintulot ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa gitna ng sangkatauhan, at sa gayon ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay unti-unting lumaganap sa bawat sulok ng sangkatauhan. Masasabi mo ba na ang pagpapakita ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay muli ay nagkaroon ng anumang kahalagahan? Kung ikaw ay si Tomas o si Pedro sa panahong iyon, at iyong nasagupa ang isang bagay na ito sa iyong buhay na totoong makahulugan, anong uri ng epekto ang ibibigay nito sa iyo? Titingnan mo ba ito bilang pinakamainam at pinakadakilang pananaw sa iyong buhay ng paniniwala sa Diyos? Titingnan mo ba ito bilang isang puwersa na nagtutulak sa iyo sa pagsunod sa Diyos, pagsisikap na mapalugod Siya, at ang paghahangad sa pag-ibig ng Diyos sa iyong buhay? Gugugol ka ba ng isang habambuhay na pagsisikap upang ipalaganap ang pinakadakilang pananaw na ito? Gagawin mo ba ang pagpapalaganap ng pagliligtas ng Panginoong Jesus bilang isang atas na tinatanggap mo mula sa Diyos? Kahit na hindi pa ninyo nararanasan ito, ang dalawang kaso nina Tomas at Pedro ay sapat na para sa makabagong mga tao upang magkaroon ng isang malinaw na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at sa Diyos. Maaaring sabihin na pagkatapos maging tao ng Diyos, pagkatapos Niyang maranasan ang buhay sa gitna ng sangkatauhan at ang buhay ng tao, at pagkatapos Niyang makita ang kabulukan ng sangkatauhan at ang kalagayan ng buhay ng tao, mas lalong matinding naramdaman ng Diyos sa laman ang kawalan ng pag-asa, ang kalungkutan, at ang kahabag-habag ng sangkatauhan. Nagkamit ng mas maraming kahabagan ang Diyos para sa kalagayan ng tao dahil sa Kanyang pagkatao habang nabubuhay sa laman, dahil sa Kanyang likas na ugali sa laman. Ito ang umakay sa Kanya upang magkaroon ng mas malaking malasakit para sa Kanyang mga tagasunod. Ang mga ito marahil ay mga bagay na hindi ninyo naiintindihan, ngunit mailalarawan Ko ang pangamba at pagmamalasakit ng Diyos na nasa laman para sa bawat isa sa Kanyang mga tagasunod sa pariralang: matinding pagmamalasakit. Kahit na ang terminong ito ay nanggaling mula sa wika ng tao, at bagamat ito ay isa talagang pantaong paririala, tunay nitong ipinapahayag at inilalarawan ang mga damdamin ng Diyos para sa Kanyang mga tagasunod. Sa matinding malasakit ng Diyos para sa mga tao, sa panahon ng inyong mga karanasan unti-unti ninyong itong madarama at mararanasan. Gayunman, ito ay matatamo lamang sa unti-unting pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos sa batayan ng paghahangad ng isang pagbabago sa inyong sariling disposisyon. Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus ay pinatotohanan ang Kanyang matinding pagmamalasakit sa Kanyang mga tagasunod sa pagiging tao at ipinasa sa Kanyang espirituwal na katawan, o maaari ninyong sabihing Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahuanan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula din Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan.
13. Si Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay
(Lucas 24:30–32) At nangyari, nang siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya’y nakilala nila; at siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
14. Binigyan ng mga Disipulo si Jesus ng Inihaw na Isda Upang Kainin
(Lucas 24:36–43) At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.
Sunod nating titingnan ang mga talatang kasulatan sa itaas. Ang unang talata ay isang paglalahad sa Panginoong Jesus na kumakain ng tinapay at ipinaliliwanag ang mga kasulatan pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, at ang ikalawang talata ay isang pagsasalaysay sa Panginoong Jesus na kumakain ng isdang inihaw. Anong uri ng tulong ang inilalaan ng dalawang talatang ito para sa pagkilala sa disposisyon ng Diyos? Naiisip ba ninyo ang larawan na inyong makukuha mula sa mga paglalarawan sa Panginoong Jesus na kumakain ng tinapay at pagkatapos ay inihaw na isda? Naiisip ba ninyo, kung ang Panginoong Jesus ay nakatayo sa harapan ninyo na kumakain ng tinapay, ano kaya ang maaari ninyong maramdaman? O Siya ay kumakain kasama ninyo sa iisang mesa, kumakain ng isda at tinapay kasama ng mga tao, anong uri ng pakiramdam ang magkakaroon ka sa sandaling iyon? Kung maramdaman mo na ikaw ay magiging masyadong malapit sa Panginoon, na Siya ay masyadong malapit sa iyo, kung gayon ang pakiramdam na ito ay tama. Ito mismo ang bunga na gustong ibunga ng Panginoong Jesus mula sa pagkain ng tinapay at ng isda sa harap ng napakarami pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Kung ang Panginoong Jesus ay nagsalita lamang sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, kung hindi nila madama ang Kanyang laman at mga buto, ngunit nadama na Siya ay isang hindi maabot na espiritu, ano ang kanilang mararamdaman? Hindi ba sila madidismaya? Kapag ang mga tao ay nadidismaya, hindi ba nila madadama na sila ay iniwanan? Hindi ba nila madadama ang agwat sa Panginoong Jesus? Anong uri ng negatibong epekto ang malilikha ng agwat na ito sa kaugnayan ng mga tao sa Diyos? Ang mga tao ay tiyak na matatakot, na hindi sila nangahas na mapalapit sa Kanya, at sa gayon ay magkakaroon sila ng saloobin ng paglalagay sa Kanya sa isang angkop na distansya. Magmula noon, puputulin nila ang kanilang malapit na kaugnayan sa Panginoong JesuKristo, at magbabalik sa isang kaugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng Diyos na nasa langit, gaya noong una sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang espirituwal na katawan na hindi nahihipo o madama ay magreresulta sa paglalaho ng kanilang pagiging malapit sa Diyos, at gagawin din nito na ang malapit na kaugnayan na iyan—na itinatag sa panahon na ang Panginoong Jesus ay nasa laman, na walang agwat sa pagitan Niya at ng mga tao—na tumigil sa pag-iral. Ang mga pakiramdam ng mga tao tungo sa espirituwal na katawan ay mga takot lamang, pag-iwas, at ang isang walang imik na pagtitig. Hindi sila nangangahas na mapalapit o makipag-usap sa Kanya, pabayaang sundin, pagtiwalaan, o magkaroon ng pag-asa sa Kanya. Ang Diyos ay bantulot na makita ang ganitong uri ng damdamin na mayroon ang mga tao para sa Kanya. Ayaw Niyang makita ang mga tao na iniiwasan Siya o ang pag-aalis sa kanilang mga sarili mula sa Kanya; gusto lamang Niyang maintindihan Siya ng mga tao, maging malapit sa Kanya, at maging Kanyang pamilya. Kung ang iyong sariling pamilya, nakita ka ng iyong mga anak ngunit hindi ka nakilala at hindi nangahas na lumapit sa iyo ngunit palaging iniiwasan ka, kung hindi mo magawang makamit ang kanilang pagkaunawa para sa lahat ng iyong ginawa para sa kanila, paano kaya ang mararmdaman mo? Hindi ba ito magiging masakit? Hindi ba magdurugo ang iyong puso? Iyan mismo ang nadarama ng Diyos kapag iniiwasan Siya ng mga tao. Kaya, pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita pa rin ang Panginoong Jesus sa mga tao sa Kanyang anyo ng laman at dugo, at kumain at uminom kasama nila. Itinuturing ng Diyos na pamilya ang mga tao at nais din Niya ang sangkatauhan na makita Siya sa gayong paraan; sa ganitong paraan lamang tunay na matatamo ng Diyos ang mga tao, at tunay na maiibig at mapaglilingkuran ng mga tao ang Diyos. Ngayon nauunawaan ba ninyo ang Aking layunin sa pagkuha sa dalawang talatang ito ng kasulatan kung saan ang Panginoong Jesus ay kumakain ng tinapay at ipinaliliwanag ang mga kasulatan, at binigyan Siya ng mga disipulo ng inihaw na isda para kainin pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay?
Maaaring sabihin na ang mga serye ng mga bagay na sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay mapag-alaala, at ginawa sa mabubuting mga hangarin. Sila ay puno ng kabutihan at pagmamahal na pinanghahawakan ng Diyos tungo sa mga tao, at puno ng pagpapahalaga at metikulosong pangangalaga na Mayroon Siya para sa mas malapit na kaugnayan na Kanyang itinatag sa tao sa Kanyang panahong nasa laman. Higit pa rito, sila ay puno ng pagbabalik sa nakaraan at ang pag-asa na nagkaroon Siya sa buhay ng pagkain at pamumuhay kasama ng Kanyang mga tagasunod sa Kanyang panahon na nasa laman. Kaya, ayaw ng Diyos na makadama ang mga tao ng pagiging malayo sa pagitan ng Diyos at ng tao, ni hindi gustong ilayo ng sangkatauhan ang kanilang mga sarili mula sa Diyos. Higit pa rito, ayaw ng Diyos na madama ng sangkatauhan na ang Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay hindi na ang Panginoon na totoong malapit sa mga tao, na hindi na Siya kasama ng sangkatauhan sapagkat Siya ay nagbalik na sa espirituwal na mundo, nagbalik na sa Ama na hindi kailanman magagawang makita o maabot ng mga tao. Ayaw Niyang maramdaman ng mga tao na mayroong pagkakaiba sa kalagayan sa pagitan Niya at ng sangkatauhan. Kapag nakikita ng Diyos ang mga tao na gustong sumunod sa Kanya ngunit inilalagay Siya sa isang angkop na distansiya, ang Kanyang puso ay nagdurusa sapagkat nangangahulugan ito na ang kanilang mga puso ay masyadong malayo sa Kanya, nangangahulugan ito na magiging masyadong mahirap para sa Kanya na makamit ang kanilang mga puso. Kaya kung Siya ay nagpakita sa mga tao sa isang espirituwal na katawan na hindi nila magawang makita o mahipo, ito ang maglalayong muli sa tao mula sa Diyos, maaaring ito ang mag-akay sa sangkatauhan na maipagkamaling tingnan ang Kristo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay bilang naging napakataas, naiiba ang uri kaysa sa mga tao, at yaong hindi na makikiupo sa mesa at kakain kasama ng tao sapagkat ang mga tao ay mga makasalanan, marumi, at hindi kailanman magiging malapit sa Diyos. Nang upang maalis ang ganitong mga maling akala ng sangkatauhan, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng maraming mga bagay na madalas Niyang ginagawa sa laman, Gaya ng nakatala sa Biblia, “kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.” Ipinaliwanag din Niya ang mga kasulatan sa kanila, gaya ng nakagawian Niyang gawin. Ang lahat ng ito na ginawa ng Panginoong Jesus ang nagpadama sa bawat taong nakakita sa Kanya na ang Panginoon ay hindi nagbago, na Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus. Bagamat Siya ay ipinako sa krus at naranasan ang kamatayan, Siya ay nabuhay muli, at hindi iniwanan ang sangkatauhan. Siya ay nagbalik upang pumagitna sa mga tao, at ang lahat sa Kanya ay hindi nagbago. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan ng mga tao ay ang dati pa ring Panginoong Jesus. Ang Kanyang pagkilos at ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao ay ramdam na kilalang kilala. Siya ay puno pa rin ng kagandahang-loob, biyaya, at pagpapaubaya—Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus na minahal ang iba gaya ng pag-ibig Niya sa Sarili Niya, na makapagpapatawad sa sangkatauhan ng makapitumpung pito. Gaya ng dati, Siya ay kumakaing kasalo ng mga tao, ipinaliliwanag ang mga kasulatan sa kanila, at higit na mas mahalaga, kagaya lamang noong unang, Siya ay yari sa laman at dugo at maaaring mahipo at makita. Ang Anak ng tao sa ganitong paraan ay nagtutulot sa mga tao na madama ang pagiging malapit ang loob, upang mapanatag, at upang madama ang kagalakan ng pagbawi sa isang bagay na nawala, at nadama nila ang kapanatagan na sapat upang buong tapang at buong pagtitiwala na simulang umasa at tingalain ang Anak ng taong ito na makapagpapatawad sa sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Nagsimula na rin silang manalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus nang walang mga pag-aalinlangan, manalangin sa Kanya nang upang makamit ang Kanyang biyaya, ang Kanyang pagpapala, at upang magtamo ng kagalakan at kapayapaan mula sa Kanya, upang makamit ang pangangalaga at pag-iingat mula sa Kanya, at simulan ang pagsasagawa ng mga pagpapagaling at pagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Sa panahong ang ating Panginoong Jesus ay gumagawa na nasa laman, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkadismaya. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula ng kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa laman. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting napalitan mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay nasa laman. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may katawan at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila din ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang kababaang loob, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nadidismaya sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras.
Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat.
Bagamat ang panahon ng Panginoong Jesus na nasa laman ay puno ng kahirapan at pagdurusa, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa Kanyang espirituwal na katawan ng laman at ng dugo, Kanyang nakumpleto at natupad nang perpekto ang Kanyang gawain sa laman na tubusin ang sangkatauhan. Sinimulan Niya ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng pagiging laman, at tinapos Niya ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng pagpapakita sa sangkatauhan sa Kanyang makalamang anyo. Ipinahayag Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, Sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo. Sa pamamagitan ng Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo, pinatupad Niya ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya at pinatatag Niya at pinangunahan ang lahat ng Kanyang mga tagasunod sa Kapanahunan ng Biyaya. Maaaring sabihin na sa gawain ng Diyos tinatapos Niya talaga ang anumang sinimulan Niya. Mayroong mga hakbang at isang plano, at ito ay puno ng karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging makapangyarihan, at ang Kanyang mga kahanga-hangang mga gawa. Ito ay puno din ng pag-ibig at habag ng Diyos. Mangyari pa, ang pinaka diwa na nagpapagana sa lahat ng gawain ng Diyos ay ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan; ito ay nagingibabaw sa Kanyang pagmamalasakit na hindi Niya maisasantabi kailanman. Sa mga talatang ito ng Biblia, sa bawat isang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, ang nabunyag ay ang hindi nagmamaliw na mga pag-asa at pag-aalala sa sangkatauhan, gayundin ang metikulosong pangangalaga ng Diyos at ang pagpapahalaga sa mga tao. Hanggang sa ngayon, walang anuman dito ang nagbago—nakikita ba ninyo ito? Kapag inyong nakikita ito, hindi ba kaagad-agad lamang na napapalapit ang inyong puso sa Diyos? Kung kayo ay nabubuhay sa kapanahunang iyon at ang Panginoong Jesus ay nagpakita sa inyo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, sa isang nasasalat na anyo para inyong makita, at kung Siya ay umupo sa harapan ninyo, kumain ng tinapay at isda at ipinaliwanag ang mga kasulatan sa inyo, nakipag-usap sa inyo, kung gayon ano ang mararamdaman ninyo? Makararamdam ba kayo ng kaligayahan? Paano kung nagkasala? Ang nakaraang mga maling pagkaunawa at pag-iwas sa Diyos, ang mga pakikipag-alitan sa at mga pag-aalinlangan sa Diyos—hindi ba sila basta na lamang maglalaho lahat? Hindi ba magiging mas angkop ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao?
Sa pamamagitan ng pagpapakahulugan sa limitadong mga kabanatang ito ng Biblia, nakatuklas ba kayo ng anumang mga kapintasan sa disposisyon ng Diyos? Nakatuklas ba kayo ng anumang pagsisinsay sa pag-ibig ng Diyos? Nakatuklas ba kayo ng anumang panlilinlang o kasamaan sa pagiging makapangyarihan sa lahat o karunungan ng Diyos? Siguradong hindi! Ngayon masasabi ba ninyo nang may katiyakan na ang Diyos ay banal? Masasabi ba ninyo nang may katiyakan na ang mga damdamin ng Diyos ay pagbubunyag lahat ng Kanyang diwa at disposisyon? Umaasa Ako na pagkatapos ninyong mabasa ang mga salitang ito, kung ano ang inyong naintindihan mula rito ay makatutulong sa inyo at makapagbibigay sa inyo ng mga pakinabang sa inyong paghahangad ng isang pagbabago sa disposisyon at isang pagkatakot sa Diyos. Umaasa din ako na ang mga salitang ito ay magkakabunga sa inyo na lumalago araw-araw, sa gayon sa panahon ng paghahangad na ito na unti-unti kayong mapapalapit sa Diyos, unti unti kayong mapapalapit sa mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos, nang upang hindi na kayo maiinip sa paghahangad ng katotohanan at hindi na ninyo mararamdaman na ang paghahangad sa katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon ay isang napakagulo o isang bagay na hindi na kailangan. Ito ay, sa halip, ang pagpapahayag ng tunay na disposisyon ng Diyos at ang banal na diwa ng Diyos na nag-uudyok na masabik sa liwanag, upang masabik sa katarungan, at upang nasain na hangarin ang katotohanan, upang hangarin ang pagpapalugod sa kalooban ng Diyos, at upang maging isang tao na nakamit ng Diyos, upang maging isang totoong tao.
Tinalakay natin sa araw na ito ang tungkol sa ilang mga bagay na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya nang Siya ay magkatawang-tao sa unang pagkakataon. Mula sa mga bagay na ito, nakita natin ang disposisyon na Kanyang ipinahayag at ibinunyag na nasa laman, gayundin ang bawat aspeto ng kung ano ang Mayroon at kung ano Siya. Ang lahat ng mga aspetong ito ng kung ano ang mayroon at ano Siya ay mistulang talagang makatao, ngunit ang katotohanan ang diwa ng lahat ng Kanyang ibinunyag at ipinahayag ay hindi maihihiwalay mula sa Kanyang sariling disposisyon. Ang bawat pamamaraan at bawat aspeto ng Diyos na nagkatawang-taong na nagpapahayag sa Kanyang disposisyon sa pagiging tao ay mayroong ugnayang hindi maihihiwalay sa Kanyang sariling diwa. Kaya, lubhang napakahalaga na ang Diyos ay dumating sa sangkatauhan sa paraan ng pagkakatawang-tao at ang gawain na Kanyang ginawa sa laman ay napakahalaga rin. At, ang disposisyon na Kanyang ibinunyag at ang kalooban na Kanyang ipinahayag ay higit na mas mahalaga sa bawat taong nabubuhay sa laman, sa bawat taong nabubuhay sa katiwalian. Ito ba ay isang bagay na nagawa ninyong maintindihan? Pagkatapos ninyong maintindihan ang disposisyon ng Diyos at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya, nakagawa na ba kayo ng anumang mga konklusyon kung paano ninyo dapat tratuhin ang Diyos? Bilang tugon sa katanungang ito, sa pagtatapos nais Kong bigyan kayo ng tatlong mga babala: Una, huwag susubukin ang Diyos. Gaano man ang iyong nauunawaan tungkol sa Diyos, gaano man karami ang iyong nalalaman tungkol sa Kanyang disposisyon, lubos mo huwag Siyang susubukin. Ikalawa, huwag kang makipagpaligsahan para sa katayuan sa Diyos. Anumang katayuan ang ibigay sa iyo ng Diyos o anumang uri ng gawain ang ipagkatiwala sa iyo, anumang uri ng tungkulin ang iatang sa iyo upang tuparin, at gaano man kadami ang iyong ginugol at isinakripisyo para sa Diyos, lubos na huwag makipagpaligsahan para sa katayuan sa Kanya. Ikatlo, huwag makipagpaligsahan sa Diyos. Naiintindihan mo man o maaari mong sundin kung ano ang gawin sa iyo ng Diyos, kung anuman ang isinasaayos Niya para sa iyo at ang mga bagay na idudulot Niya sa iyo, lubos na huwag kang makikipagpaligsahan sa Diyos. Kapag naisakatuparan mo ang tatlong babalang ito, sa gayon ikaw ay magiging medyo ligtas, at hindi mo mapagagalit ang Diyos kaagad-agad. Iyan lang lahat ang maibabahagi para sa araw na ito!
Hulyo 23, 2014
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “ang pagpapahayag nito ng.”
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?