Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 4, 2018

Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?

Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?

Ang pangitain ng malaking kalamidad sa mga huling araw-apat na blood moon ay naganap at ang mga bituin sa kalangitan ay nagkaroon ng isang kakaibang hitsura; malapit na ang malaking sakuna, at marami sa mga may pananampalataya sa Panginoon ang nakaramdam ng Kanyang ikalawang pagbabalik o na Siya ay dumating na.

Nob 8, 2017

Kidlat ng Silanganan | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan

Biblia, Jesus, Jehovah, Kaligtasan, Panalangin

Kidlat ng Silanganan | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan

 Kung nais mong maging karapat-dapat magamit ng Diyos, nararapat mong malaman ang gawain ng Diyos; nararapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, nararapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, nararapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, sa gayon hindi ninyo ito magagawa kung hindi ninyo alam ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (Diyos) masabi sa inyo ang mga tunay na nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay maniniwala.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, nararapat ninyong unahing maunawaan ang katotohanan ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehovah. At nararapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung ipinag-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman ng Diyos, at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong pag-uusapan kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pagsasagawa, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.

Nob 7, 2017

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Jesus, Jehovah, Adam, Biblia, panalangin



Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

  Ang ilang mga pagsasamahang ito ay nagkaroon ng epekto sa bawat isang tao. Sa ngayon, sa wakas ay mararamdaman talaga ng mga tao ang tunay na pag-iral ng Diyos at ang Diyos ay totoong napakalapit sa kanila. Bagamat ang mga tao ay naniniwala sa Diyos sa maraming mga taon, hindi nila kailanman tunay na naintindihan ang Kanyang mga saloobin at mga ideya gaya nang naiintindihan nila ngayon, o tunay na naranasan ang Kanyang praktikal na mga gawa gaya nang nararanasan nila sa ngayon. Maging sa kaalaman o sa aktwal na pagsasagawa, karamihan sa mga tao ay natuto ng isang bagong bagay at nagkamit ng mas mataas na pagkaunawa, at napagtanto nila ang kanilang pagkakamali sa kanilang sariling mga paghahangad sa nakaraan, napagtanto ang kababawan ng kanilang karanasan at na masyadong marami ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos, at naunawaan na ang pinakakulang sa tao ay ang kaalaman sa Disposisyon ng Diyos. Ang kaalamang ito sa bahagi ng mga tao ay isang uri ng madamdaming kaalaman; upang maabot ang makatwirang kaalaman ay kinakailangan ng unti-unting pagpapalalim at pagpapalakas sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Bago tunay na maintindihan ng tao ang Diyos, sa pansarili maaring masabi na sila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos sa kanilang mga puso, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa sa mga tiyak na katanungan kagaya ng kung anong uri ng Diyos Siya talaga, ano ang Kanyang kalooban, ano ang Kanyang disposisyon, at ano ang Kanyang tunay na saloobin tungo sa sangkatauhan. Nailalagay nito sa malaking kompromiso ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos—ang kanilang pananampalataya ay hindi makararating sa kadalisayan o pagka-perpekto. Kahit na ikaw ay nasa harapan ng salita ng Diyos, o nadarama mo na nakaharap mo na ang Diyos sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, hindi pa rin ito masasabing lubos mo na Siyang naiintindihan. Sapagkat hindi mo nalalaman ang mga saloobin ng Diyos, o kung ano ang Kanyang iniibig at Kanyang kinamumuhian, kung ano ang ikinagagalit Niya at kung ano ang nakagagalak sa Kanya, wala kang tunay na pagkaunawa sa Kanya. Ang iyong pananampalataya ay itinayo sa isang pundasyon ng kalabuan at kathang-isip, batay sa iyong pansariling mga kagustuhan. Ito ay malayo pa rin sa tunay na pananampalataya, at ikaw ay malayo pa rin sa pagiging isang tunay na mananampalataya. Ang mga pagpapaliwanag sa mga halimbawa mula sa mga kuwento mula sa Biblia ay nagtulot sa mga tao na malaman ang puso ng Diyos, kung ano ang Kanyang iniisip sa bawat hakbang sa Kanyang gawain at bakit Niya ginawa ang gawaing ito, ano ang Kanyang orihinal na layunin at Kanyang plano nang Kanyang gawin ito, kung paano Niya nakamit ang Kanyang mga ideya, at kung paano Niya inihanda at binuo ang Kanyang plano. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, makakamit natin ang isang detalyado, tiyak na pagkaunawa sa bawat partikular na layunin ng Diyos at bawat tunay na saloobin sa panahon ng Kanyang anim na libong taon ng gawaing pamamahala, at ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao sa magkakaibang mga pagkakataon sa magkakaibang mga panahon. Ang pagkaunawa sa kung ano ang iniisip ng Diyos, kung ano ang Kanyang saloobin, at ang disposisyon na Kanyang ibinubunyag habang hinaharap Niya ang bawat sitwasyon, ay makatutulong sa bawat tao na lalo pang mapagtanto nang mabuti ang Kanyang pag-iral, at lalo pang madama nang mabuti ang Kanyang pagiging totoo at pagiging tunay. Ang Aking layunin sa paglalahad sa mga kuwentong ito ay hindi upang maunawaan ng mga tao ang kasaysayan ng Biblia, ni hindi upang tulungan silang makabisado ang mga aklat sa Biblia o ang mga tao rito, at lalong hindi upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang nasa likod ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang bawat maliit na bahagi Niya, at makamit ang isang mas tunay at mas wastong pagkaunawa at kaalaman ukol sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa ng puso ng mga tao ang, paunti-unti, maging bukas sa Diyos, mapalapit sa Diyos, at maunawaan Siya nang mas mabuti, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang diwa, at makilalang mabuti ang tunay na Diyos Mismo.

Nob 6, 2017

Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig

pag-ibig, karunungan, tumalima, Jehovah, Ebanghelyo

Kidlat ng Silanganan | Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig

  Ang hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo ay ang unang hakbang ng gawain ng panlulupig; ito ang kasalukuyang ikalawang hakbang ng gawain ng panlulupig. Bakit tinatalakay ang pagka-perpekto sa gawain ng panlulupig? Pagtatayo ito ng isang saligan para sa hinaharap—ito ang kasalukuyang huling hakbang sa gawain ng panlulupig, at pagkatapos nito, sila ay sasailalim sa malaking kapighatian, at sa panahong iyon ang gawain sa pagperpekto sa mga tao ay opisyal na magsisimula. Ang pangunahing bagay ngayon ay paglupig; gayunman, ito rin ang unang hakbang ng pagperpekto, pagperpekto sa pagkaunawa at pagkamasunurin ng mga tao, na syempre ay pagtatatag pa rin ng isang saligan para sa gawain ng panlulupig. Kung gusto mong maging perpekto, kailangan mong makapanindigan sa gitna ng kapighatian sa hinaharap at ilagay ang iyong buong lakas sa pagpapalawak sa susunod na hakbang ng gawain. Ito ay pagiging perpekto, at iyon ang punto kung kailan ang mga tao ay lubos na makakamit ng Diyos. Ang tinatalakay sa sandaling ito ay pagkalupig, na siya ring pagiging perpekto; gayunman, ang ginagawa sa ngayon ay ang saligan ng pagiging perpekto sa hinaharap. Upang gawing perpekto, ang mga tao ay kailangang makaranas ng kahirapan, at kailangang maranasan nila ito sa saligan ng pagkalupig. Kung hindi taglay ng mga tao ang kasalukuyang saligang ito, kung hindi sila lubusang nalupig, kung gayon magiging mahirap para sa kanila na makapanindigan sa susunod na hakbang. Ang pagkalupig lamang ay hindi pagtatamo ng panghuling layunin—ito ay pagsaksi lamang para sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang pagiging perpekto ay ang panghuling layunin, at kung hindi ka pa ginawang perpekto, kung gayon ikaw ay ibibilang na walang saysay. Sa pagsagupa sa kahirapan sa hinaharap, sa gayon lamang maaaring makita ang totoong tayog ng mga tao, iyon ay, ang totoong kadalisayan ng iyong pag-big sa Diyos ay makikita. Ngayon, sinasabi ng lahat ng mga tao: “Maging anuman ang gawin ng Diyos kami ay susunod, at kami ay nakahandang maging mga pagkakaiba, upang itakda ang pagiging makapangyarihan ng Diyos, disposisyon ng Diyos. Hindi alintana kung ipagkaloob man Niya o hindi ang Kanyang biyaya sa amin o isumpa man Niya kami o hatulan kami, pasasalamatan namin Siya.” Ang pagsasabi mo nito ngayon ay isa lamang munting pagkaunawa, ngunit kung ito ay maaaring gamitin sa realidad ay nakabatay kung ang iyong pagkaunawa ay tunay na makatotohanan. Na ngayon ay nakita at naunawaan ng mga tao ang mga bagay na ito ay ang tagumpay ng gawain ng panlulupig; maaari ka mang gawing perpekto o hindi ay pangunahing makikita kapag dumating ang kahirapan sa iyo. Sa panahong iyon makikita kung mayroon kang dalisay na pag-ibig sa iyong puso na para sa Diyos o wala, at kung mayroon ka talagang dalisay na pag-ibig para sa Kanya, sasabihin ninyong: “Kami ay mga pagkakaiba lamang; kami ay mga nilikha sa mga kamay ng Diyos.” At kapag iyong ipalalaganap ang ebanghelyo sa ibang mga bansa, iyong sasabihing: “Isa lamang akong taga-serbisyo at dahil sa aming tiwaling mga disposisyon kaya nagsalita nang marami sa amin ang Diyos kaya nakita namin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kung hindi sinabi ng Diyos ang gayong mga bagay hindi namin magagawang makita Siya, hindi namin matitikman ang Kanyang karunungan, at hindi kami makapagtatamo ng gayong kadakilang kaligtasan, ng gayong kalaking pagpapala.” Kung talagang pinanghahawakan ninyo ang gayong pananaw, kung gayon mainam ang inyong ginagawa. Nakapagsabi na kayo ngayon ng napakaraming mga bagay kaagad at palagi ninyong isinisigaw ang mga sawikaing: “Kami’y mga pagkakaiba at mga taga-serbisyo; kami ay nakahandang lupigin at maging maugong na mga saksi para sa Diyos ….” Hindi maaaring ipagsigawan lamang ang gayon at tapos na ito, at patunayan na ikaw ay isang tao na mayroong tayog. Kailangan mong magkaroon ng tunay na pagkaunawa, at ang iyong pagkaunawa ay kailangang subukin.

Okt 31, 2017

Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”

Jesus, Makapangyarihang Diyos, Jehovah, totoo, Biyaya

Kidlat ng Silanganan | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”

  Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

Okt 17, 2017

Salita ng Diyos | Umiiral ba ang Trinidad?

katotohanan, Jesus, Espiritu, Diyos, gawain

Kidlat ng SilangananSalita ng Diyos | Umiiral ba ang Trinidad?



  Noon lang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka lamang naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na ay ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, pinaniniwalaan nila na kung ang Ama lamang o ang Anak lamang hindi ito maipagpapalagay na Diyos. Ang pinagsama-sama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maipagpapalagay ng Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mananampalataya, kasama ang bawat at lahat ng tagasunod na kabilang sa inyo, panghawakan mo ang paniwalang ito. Ngunit, maging kung ang pananampalatayang ito ay tama, walang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay patungkol sa Diyos Mismo. Bagamat ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubhang nahawaan na ng mga relihiyosong paniwala. Tinanggap na ninyo nang buong lalim ang ganitong mga karaniwang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay dumaloy nang napakalalim sa loob ninyo. Samakatwid, gayundin sa bagay na ito ay nagpaubaya kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagkat ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Ang mga ito ay mga karaniwang mga paniwalaa ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, idinulot ng mga paniwalang ito sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob ng maraming mga taon na ito, marami ng mga tanyag na teologo ang nagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, ngunit ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong natatanging magkaka-ugnay na mga tao ay naging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga pangangatuwiran ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, ngunit walang sinumang tao ang may buong linaw na may pagkaintindi sa kahulugan nito. Ito ay sapagkat ang “dakilang Trinidad” na pinahahalagahan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagkat wala pang nakakita sa totooong mukha ng Diyos o nagkaroon man ng sinumang mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita para magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang imbestigahan kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang panahon ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kani-kanyang anyo ng bawat tao; at paanong ganap na nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa napakaraming mga taon, wala ni isa mang tao ang nakaalam sa katotohanan sa mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagkat wala isa mang tao ang nakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-ulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan sa lahat ng masigasig at debotong mananampalataya ng relihiyon na nakatuon tungkol sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbuo niya ng gayong mga paniwala, sapagkat bakit hindi isinama ng Amang si Jehovah ang Kanyang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehovah, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehovah, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa oras ng paglikha, ngunit sa halip isinagawa ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehovah at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag na Jehovah, kung gayon hindi ba palalampasin ng Diyos ang pagdurusang dulot ng paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehovah sa lahat ng ito; kung ang sisi ay dapat na maihayag, hayaang ilagay ito sa Banal na Espiritu, na sa libu-libong taon ay nagpatuloy sa Kanyang gawain sa pangalang Jehovah, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay gumawa nang walang anyo o imahen, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, at maririnig lang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa tao? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa ang Diyos sa kasalukuyan ay hindi na sila matiis at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehovah pa lang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pagitan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong katauhan ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para magpaliwanag, ngunit ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga katauhan.” Paano ito maipapaliwanag? Kaya mo bang ipaliwanag ito? Mga kapatid! Papaanong kayo ay naniniwala sa ganitong uri ng Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at kahit na ngayong nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng di-matinag na pananampalataya sa isang Diyos na ito sa apat na katauhan. Kayo ay hinihimok na lumabas, ngunit kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay kayang makarating hanggang sa paniniwala sa “apat na Diyos” at walang gagawin ukol dito; iniisip ba ninyo na ito ay milagro? Hindi ko makakayang sabihin na kayo ay maaaring makagawa ng ganito kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral saanmang dako sa mundong ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala nitong konsepto ng kasangkapan na magkalakip na ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay napakalaking kamalian at hindi man lang umiiral sa mundong ito! Ngunit maging ang ganitong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagkat ang inyong mga kaisipan ay hindi ganoon kapayak, at ang inyong mga saloobin ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga ito ay masyadong angkop at malikhain, lalong hindi ang mga ito maigugupo maging ng sinumang Satanas. Ang nakakaawa ay ang mga saloobing ito ay pawang mga kamalian at hindi man lang umiiral! Hindi pa ninyo nakita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan ang mga pinakahangal sa mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Totoo ba ito? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob ng napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawat henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon totoong imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagkat pinagbaha-bahagi ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap masabi kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siya magiging inyong Diyos? Makikilala pa ba ninyo ang Diyos? Makababalik pa ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa ng kaunti ang Aking Pagdating, malamang ay pinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehovah at si Jesus pabalik sa Israel at inaring ganap ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang huling mga araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumating na, at pagkatapos lamang na Aking maisagawa ang yugto ng gawaing ito sa pamamagitan ng Aking sariling kamay saka pa lamang matitigil ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, naipapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan sa pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Gaano ba karami ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo sa kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino ang iyong sinasampalatayanan. Bagamat sa bawat salita na iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong tunay na pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay isang bilang ng gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?