Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito?
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post
Nob 28, 2019
Nob 19, 2019
Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 1/2)
Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Okt 4, 2019
Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan
Ni Zhi cheng
Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo.
Hul 10, 2019
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|3 Pamamaraan Kung Paano Manalangin Upang Makinig ang Diyos
Cheng Shi
Mga kapatid:
Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal.
Hun 29, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Paano Malalaman ang Realidad
Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad.
Ene 24, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?
May 10, 2018
Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan
Ang Patotoo ng isang Cristiano | Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan
Ding Xiang, Lungsod ng Tengzhou, Lalawigan ng Shandong
Sa
isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang
bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: "Wala akong sapat na
katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na
ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako
makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod..." Sa panahong iyon,
nagdadala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya
nakipag-usap ako sa kanya: "Lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos; ang
tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin
ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa
sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at
karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay
isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging kabalisahan,
ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at
maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos." Sa ilalim ng patnubay ng
Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang
nakapagpapalinaw. Kinikilala din ng kapatid na babaeng iyon na siya ay
nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang
puso, at ginagawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos,
at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya
ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang
suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtataglay ng
katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.
Mar 12, 2018
Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas
Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi
niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya
ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino
ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking
agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago
ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman.
Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga
bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig,
at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa
Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga
tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng
ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay
tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman
natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha
siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking
pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang
madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng
sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling
puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng
tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang
tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano
pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos,
at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit
na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang
kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao
ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng
kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya,
pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot
sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang
ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito;
walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang
pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito
ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba
silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang
tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang
ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang
naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o
nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito
na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga
nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na
walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking
pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay
nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas
bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa
lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao
sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila
manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.
Peb 13, 2018
Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?
Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?
Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga't kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ene 22, 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang pananalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka talaga nananalangin sa panahon ng maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa panahon ng malalaking pagtitipon. Kung hindi ka normal na lumalapit sa Diyos o hindi binubulay ang mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng pananalangin--at kahit na ikaw ay nananalangin, ang iyong mga labi ay kikilos lamang, hindi ka talaga nananalangin.
Nob 27, 2017
Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos
I
Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?
Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)