Ang Patotoo ng isang Cristiano | Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan
Ding Xiang, Lungsod ng Tengzhou, Lalawigan ng Shandong
Sa
isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang
bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: "Wala akong sapat na
katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na
ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako
makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod..." Sa panahong iyon,
nagdadala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya
nakipag-usap ako sa kanya: "Lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos; ang
tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin
ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa
sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at
karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay
isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging kabalisahan,
ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at
maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos." Sa ilalim ng patnubay ng
Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang
nakapagpapalinaw. Kinikilala din ng kapatid na babaeng iyon na siya ay
nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang
puso, at ginagawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos,
at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya
ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang
suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtataglay ng
katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.
Pagkalipas ng dalawang
buwan, muling inilagay ako ng iglesia sa grupo ng pagbabago upang
tuparin ang aking tungkulin. Noong una akong dumating, hindi ko
maintindihan ang mga prinsipyo sa likod ng mga pagbabago sa teksto.
Humaharap sa sunud-sunod na mga artikulo ng mga teksto na
nangangailangan ng pagbabago, pag-aayos at patnubay, wala akong magawa
kundi mahulog sa isang estado ng pagiging negatibo. Wala akong
naintindihang anumang bagay, gayunman ay hindi ko lang kailangang
tuparin ang tungkuling ito kundi itinalaga pa sa paghahanap ng mga
kakulangan sa mga artikulo. Sobra ang hinihiling sa akin nito!
Nakaramdam lamang ako ng sobrang kagipitan at hindi na makahinahon, at
hindi ko rin alam kung paano umasa sa Diyos. Ako ay sobrang balisa na
hindi ako nakatulog nang tatlong magkakasunod na araw at gabi. Sobra
akong nataranta sa aking sitwasyon. Nang tulungan ko ang bagong pinuno
ng iglesia na iyon na lutasin ang kanyang problema, nararamdaman ko na
lubos kong naunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Ngunit paanong
nang dumaan ako sa gayong problema ngayon, hindi ko alam kung paano
haharapin ang gayong karanasan? Lumapit ako sa Diyos na dinadala ang
aking pagkalito at pagkatuliro.
Nang maglaon, nakita ko ang mga salita ng Diyos sa “Gawa
at Pagpasok (2) ”: “Kapag ang tao ay gumagawa at nagsasalita, o sa
panahon ng panalangin ng tao sa kanyang espirituwal na mga debosyon, ang
katotohanan ay biglang magiging malinaw sa kanila. Sa katotohanan,
gayunpaman, ang nakikita lamang ng tao ay kaliwanagan sa pamamagitan ng
Banal na Espiritu (natural, ito ay may kaugnayan sa pakikipagtulungan
mula sa tao) at hindi totoong tayog ng tao. Pagkatapos ng isang panahon
ng karanasan na kung saan ang tao ay nakatagpo ng iba’t-ibang tunay na
mga problema, ginawang malinaw ng naturang mga pangyayari ang tunay na
tayog ng tao. … Pagkatapos lamang ng ilang mga panahon ng naturang
karanasan marami sa mga taong nagising sa loob ng kanilang mga espiritu
ang napagtantong hindi ito ang kanilang sariling katotohanan sa
nakaraan, ngunit isang panandaliang pagbibigay-liwanag ng Espiritu
Santo, at nakatanggap lang ang tao ng liwanag. Kapag niliwanagan ng
Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, ito ay
madalas sa isang malinaw at natatanging paraan, na walang konteksto.
Iyon ay, hindi Niya isinama ang mga paghihirap ng tao sa pahayag na ito,
at sa halip direktang ibinunyag ang katotohanan. Kapag ang tao ay
nakatagpo ng mga paghihirap sa pagpasok, saka isinasama ng tao ang
kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ito ang nagiging aktwal na
karanasan ng tao.” Habang pinag-iisipan ko ang siping ito, naunawaan
ko: Ang katotohanan na naunawaan ko nang tulungan ko ang kapatid na
babae na malutas ang kaniyang problema ay nagmula sa pagpapalinaw ng
Diyos. Dahil sa kooperasyon ko noong panahong iyon kaya tinanggap ko ang
pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ngunit hindi ito ang aking tunay na
katayuan at hindi rin nagpapakita na natanggap ko na ang aspeto ng
katotohanan. Pinaliwanag sa akin ng Banal na Espiritu upang maunawaan
ang katotohanan noong panahong iyon dahil kinakailangan ito sa aking
gawain, at sa pamamagitan ng aking kooperasyon ay tinulungan Niya ako
upang malutas ang mga problema at kahirapan sa aking gawain. Ngunit bago
ako nagkaroon ng tunay na karanasan tungkol dito, ang aking katayuan ay
ganito lamang kaliit. Kaya nang nakatagpo ako ng mga paghihirap sa
pagpasok, sa pamamagitan lamang ng paglakip ng pagliliwanag ng Banal na
Espiritu ito magiging isang aktwal na karanasan sa buhay ko.
Sa
ilalim ng pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos, pinakalma ko ang
aking puso upang tumingin at umasa sa Diyos, at sa pamamagitan ng
maingat na pagkukumpara at pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo sa
pagsusulat sa likod ng mga artikulo at mga halimbawang ibinigay,
tinanggap ko nang hindi namamalayan ang pagliliwanag at patnubay ng
Diyos, na nagpahintulot sa akin upang unti-unti kong makita ang mga
suliranin sa mga artikulo, makakuha ng higit na kalinawan sa aking
pag-iisip habang binabago ko ang mga artikulo, at pahalagahan din ang
kahulugan sa likod ng bahay ng Diyos na humihingi sa amin na magsanay sa
pagsulat ng mga artikulo. Nagawa ko ring unti-unting lumabas mula sa
aking pagiging negatibo at maling pagkaunawa.
Salamat sa Diyos. Sa
pamamagitan ng karanasang ito ay nakita ko ang aking totoong katayuan
nang malinaw, itinutuwid ang mga paglilihis sa aking pag-unawa. Ito ang
nagpakita sa akin na ang aking pagkaunawa sa katotohanan na
napaliwanagan ng Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa aking tunay
na karanasan. Bukod pa rito, hindi ito nangangahulugan na nagtataglay
ako ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan. Mula ngayon, higit kong
handang dalhin ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa totoong buhay
upang magsanay at makapasok, upang ang mga katotohanang ito ay tunay na
maging katotohanan ng aking buhay.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Ang pinagmulan:Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan
Rekomendasyon:
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos