Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 19, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 1/2)



Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

Nob 10, 2019

Ang Salita sa Diyos | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan (Sipi I)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman.

Okt 10, 2019

Tagalog Prayer Song | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos



Tagalog Prayer Song | "Panalangin ng Bayan ng Diyos" (With Panalangin Lyrics) | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos



Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono,

puno ng dalangin sa puso.

Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya;

sila'y buhay sa liwanag.

Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin

nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos.

Nawa'y buong baya'y mahalin ang salita ng Diyos

at sikaping kilalanin ang Diyos.

Hul 6, 2019

XVIII. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao Kung Ano ang Pagsunod sa Kalooban ng Diyos at Kung Ano ang Tunay na Patotoo tungkol sa Pananampalataya sa Diyos

1. Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nagmimisyon lang ang isang tao para sa Panginoon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7 :21-23).

Hun 27, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)
Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan.

Hun 11, 2019

Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3) Anong Ibig Sabihin ng Panginoong Hesus Nang Sabihin Niyang “Tapos na” sa Krus?


Tagalog Gospel Movie "Ang Sugo ng Ebanghelyo" (Clips 1/3) Anong Ibig Sabihin ng Panginoong Hesus Nang Sabihin Niyang “Tapos na” sa Krus?

Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya.

May 8, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Landas... (8)

Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba.

Dis 19, 2018

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.