Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas
Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi
niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya
ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino
ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking
agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago
ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman.
Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga
bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig,
at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa
Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga
tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng
ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay
tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman
natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha
siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking
pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang
madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng
sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling
puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng
tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang
tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano
pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos,
at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit
na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang
kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao
ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng
kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya,
pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot
sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang
ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito;
walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang
pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito
ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba
silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang
tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang
ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang
naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o
nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito
na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga
nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na
walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking
pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay
nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas
bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa
lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao
sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila
manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.
Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang
kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula
sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng
limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala. Maraming umiyak
sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang
mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang
mabuhay; maraming mga mapusok ang tingin sa Akin, katulad ng gutom na
lobo, na nagnanais na Ako’y lamunin at punan ang kanilang mga tiyan;
maraming nagyuko ng kanilang mga ulo sa katahimikan dahil sa kanilang
pagsuway at nakaramdam ng hiya, nagdarasal para sa Aking awa, o
kusang-loob na tinatanggap ang Aking pagkastigo. Kapag Ako ay nagsalita,
lumilitaw ang iba’t-ibang kahibangan ng tao, at lumalabas ang kanyang
tunay na anyo sa gitna ng liwanag, at sa makinang na liwanag, hindi
magawang mapatawad ng tao ang kanyang sarili. Kaya, siya ay
nagmamadaling humarap sa Akin upang lumuhod at ikumpisal ang kanyang mga
kasalanan. Dahil sa “katapatan” ng tao, siya ay muli kong inakay sa
karo ng kaligtasan, at samakatuwid nagpapasalamat sa Akin ang tao, at
nagbigay sa Akin ng kaibig-ibig na sulyap. Ngunit ayaw pa rin niyang
tunay na kumubli sa Akin, at hindi pa niya ganap na ibinigay ang kanyang
buong puso sa Akin. Ipinagmamalaki niya lamang Ako, ngunit hindi niya
Ako tunay na minamahal, dahil hindi pa niya ibinabaling ang kanyang
isipan sa Akin; ang kanyang katawan ay nasa Aking harapan, ngunit ang
kanyang puso ay nasa Aking likuran. Dahil ang pang-unawa ng tao sa mga
panuntunan ay masyadong kulang at wala siyang interes na humarap sa
Akin, nagbigay Ako sa kanya ng angkop na tulong, upang magawa niyang
tumungo sa Akin mula sa gitna ng kanyang matigas na kamangmangan. Ito
ang tiyak na awa na aking ibinibigay sa tao, at ito ang paraan ng Aking
pagsusumikap upang iligtas ang tao.
Ang tao sa buong sansinukob ay nagdiriwang sa araw ng Aking
pagdating, at ang mga anghel ay makikiisa sa hanay ng masa. Kapag si
Satanas ay nagdulot ng suliranin, ang mga anghel, dahil sa kanilang
paglilingkod sa langit, ay laging tumutulong sa Aking mga tao. Hindi
sila nalilinlang ng diyablo dahil sa kahinaan ng tao, ngunit nakakakuha
nang higit na karanasan sa binalot ng hamog na buhay ng tao bilang isang
resulta ng mabangis na pagsalakay ng puwersa ng kadiliman. Sumuko ang
lahat ng tao sa ilalim ng Aking pangalan, at walang sinumang titindig
upang lantarang sumalungat sa Akin. Dahil sa trabaho ng mga anghel,
tinatanggap ng tao ang Aking pangalan at ang lahat ay nasa gitna ng agos
ng Aking gawa. Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon! Ang mundong
relihiyoso—paano ito hindi masisira ng Aking awtoridad sa lupa? Sino pa
ang mangangahas na sumuway at tumutol sa Akin? Ang mga tagasulat? Lahat
ng relihiyosong opisyal? Ang mga pinuno at mga awtoridad sa lupa? Ang
mga anghel? Sino ang hindi makikipagdiwang sa pagiging sakdal at
kaganapan ng Aking katawan? Sa mga tao, sino ang hindi kumakanta ng mga
papuri sa Akin nang walang tigil, na siyang ganap na masaya? Nakatira
ako sa lupain ng pugad ng malaking pulang dragon, ngunit hindi ito
nagdudulot sa Akin nang panginginig sa takot o tumakbo palayo, dahil ang
lahat ng kanyang mga tao ay nagsimula nang magsawa dito. Hindi
kailanman nagawa ang “tungkulin” sa anumang bagay sa harap ng dragon; sa
halip, ang lahat ng bagay ay patuloy sa kanilang sariling gawain,
pinipili ang landas na mainam para sa kanila. Paanong ang mga bansa sa
mundo ay hindi maglalaho? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi
babagsak? Paanong ang Aking mga tao ay hindi magdidiwang? Paanong hindi
sila kakanta nang may kagalakan? Ito ba ang gawain ng tao? Ito ba ay
gawa ng mga kamay ng tao? Binigyan Ko ang tao ng dahilan ng kanyang
buhay, at nagbigay sa kanya ng mga materyal na bagay, ngunit ang tao ay
hindi masaya sa kanyang kasalukuyang kalagayan at humihiling na siya’y
makapasok sa Aking kaharian. Ngunit paano siya madaling makakapasok sa
Aking kaharian, na walang binabayarang halaga, at hindi nais na
maghandog ng kanyang walang pag-iimbot na debosyon? Sa halip na humiling
ng anuman sa tao, nagbigay Ako ng mga pangangailangan niya, upang ang
Aking kaharian sa lupa ay mapunan nang may kaluwalhatian. Aking
ginabayan ang tao patungo sa kasalukuyang panahon, siya ay umiiral sa
kalagayang ito, at siya ay nakatira sa gitna ng paggabay ng Aking
liwanag. Kung ito ay hindi ganoon, sino sa mga tao sa mundo ang may alam
ng kanilang mga inaasam-asam? Sino ang makakaunawa ng Aking kalooban?
Idinagdag ko ang Aking mga probisyon sa mga pangangailangan ng tao;
hindi ba ito alinsunod sa mga batas ng kalikasan?
Kahapon kayo ay nanirahan sa gitna ng hangin at ulan, ngayon kayo’y
ika’y siya nang nakapasok sa Aking kaharian at naging kanyang mga tao,
at inyong pagsasayahan bukas ang Aking mga pagpapala. Sino ang nag-akala
ng mga ganoong bagay? Ilang kagipitan at paghihirap ang inyong
mararanasan sa inyong buhay, alam ninyo ba? Aking ipinapauna sa gitna ng
hangin at ulan, at nakisalamuha ng ilang taon sa tao, at iyon ay
sinundan hanggang sa kasalukuyan. Hindi ba ito mga hakbang ng aking
plano sa pamamahala? Sino ang nagdagdag sa Aking plano? Sino ang
maaaring humiwalay mula sa mga hakbang sa Aking plano? Ako ay
naninirahan sa puso ng daang-milyong mga tao, Ako ay Hari sa
daang-milyong mga tao, at Ako ay tinanggihan at inalipusta sa
daang-milyong mga tao. Ang Aking imahe ay hindi tunay na nasa loob ng
puso ng tao. Ang tao ay bahagyang nakadama ng Aking maluwalhating
pagtanggap sa Aking mga salita, ngunit dahil sa panghihimasok sa kanyang
mga saloobin, wala siyang tiwala sa kanyang sariling damdamin; mayroon
lamang ng isang malabong Ako sa kanyang puso, ngunit ito ay hindi
nagtatagal doon. At kaya, ang kanyang pagmamahal sa Akin ay: Ang kanyang
pagmamahal sa Akin ay mukhang pasumpong-sumpong, na para bang ang
kayang pagmamahal sa Akin ay kung kailan naisin, na parang ang kanyang
pagmamahal ay pagkindat sa paningin sa ilalim ng malabong liwanag ng
buwan. Ngayon, dahil lamang sa Aking pagmamahal na ang tao ay nananatili
at mayroong mabuting kapalaran upang mabuhay. Kung hindi ganito, sino
sa sangkatauhan ang hindi, bilang isang resulta ng kanilang mga
patpating pangangatawan, mapuputol ng isang sinag ng ilaw? Hindi pa rin
kilala ng tao ang kanyang sarili. Nagyayabang siya sa Akin, at
nagmamalaki tungkol sa kanyang sarili sa Aking likuran, ngunit walang
sinuman ang “sumasalungat” sa Aking harapan. Gayunman, hindi alam ng tao
ang kahulugan ng pagsalungat na Aking binabanggit; sa halip, patuloy
niya Akong sinusubukang linlangin, sa halip, patuloy niya Akong
sinusubukang lokohin, at patuloy ng pagtataas sa kanyang sarili—at dito,
hindi ba siya lantarang lumalaban sa Akin? Tinitiis Ko ang kahinaan ng
tao, ngunit wala Akong kahit na kaunting pagkaawa sa paglaban sa
sariling gawa ng tao. Kahit alam niya ang kahulugan nito, ayaw niyang
kumilos alinsunod sa kahulugang ito at nanlilinlang lamang sa Akin na
angkop sa kanyang sariling kagustuhan. Aking ginawang payak ang Aking
kalooban sa Aking mga salita sa lahat ng oras, ngunit ang tao ay hindi
handa sa pagkadaig—at sa parehong oras, siya ay nagpapakita ng kanyang
disposisyon. Sa gitna ng Aking paghatol ang tao ay lubos na maniniwala,
at sa gitna ng Aking pagkastigo tuluyang niyang isasabuhay ang Aking
imahe at magiging Aking patunay sa lupa!
Marso 22, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos