Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos
Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng
tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, gayon pa man ginawa Niya ang
Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa mga
taong iyon. Sa parehong oras ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan
ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Tinirhan
Niya ang Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at
kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ipinakita Niya
ang Kanyang sarili bilang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang
gawin ang Kanyang ministeryo, nagpakita Siya sa ordinaryo, karaniwang
katauhan, hindi Siya nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at
ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gawin ang
Kanyang ministeryo nang ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang
buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay
nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang
katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang
umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng
pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at
Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa
imahe ng katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay
dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito,
sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng
pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa
katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman,
nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-tao na buhay at gawain ay
maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang
isinasabuhay bago isagawa ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa
isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan,
sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may
karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan,
tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng
tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namuhay bilang di-banal,
ganap na karaniwang katauhan, nakikisalamuha sa lahat ng mga karaniwang
gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang
isinasabuhay matapos simulang gawin ang Kanyang ministeryo. Siya ay
naninirahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo
ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan ng higit sa
karaniwan. Ngunit Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng
Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan
ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang
pagka-Diyos; at sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay
naging ganap hanggang sa puntong kaya na Niyang isagawa ang Kanyang
ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang isagawa
ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na
parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Ang dahilan na,
sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap
na karaniwang pagkatao na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng
kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa ganap; matapos lamang na ang
Kanyang pagiging tao ay maging ganap, magkaroon ng kakayahang pasanin
ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulan ang Kanyang ministeryo.
Dahil Siya, bilang tao, ay kailangang lumago at maging ganap, ang unang
yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa
pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang
isabalikat ang Kanyang gawain at gawin ang Kanyang ministeryo, ang buhay
ng pagkakatawang-tao ng Diyos na tinatahanan Niya sa panahon ng Kanyang
ministeryo ay isa sa parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung
mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay
sinimulan ang Kanyang ministeryo nang maalab, gumagawa ng higit sa
karaniwan na mga senyales at mga himala, sa gayon Siya ay maaaring
walang panlupang diwa. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral
para sa kapakanan ng Kanyang panlupang diwa; walang laman kung walang
katauhan, at ang isang tao na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa
ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari
ng katawang-taong laman ng Diyos. Sa pagsabi na “kapag ang Diyos ay
nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang
kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang
paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao.
Kahit pagkatapos Niyang simulang gawin ang Kanyang ministeryo, ang
Kanyang pagka-Diyos ay naninirahan pa rin sa panlabas na balat ng tao
kapag ginagawa Niya ang Kanyang trabaho; ito lamang ay na sa oras na
iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin nang
nagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos upang maisagawa ang gawain sa
normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na
nagpapatira sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang
Kanyang pagkatao, ang nasa trabaho, datapwat ito ay isang pagka-Diyos na
nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa diwa ay
tinatapos sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa
pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang tagagawa ng trabaho ay ang
Kanyang pagkatao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa
ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa
laman, may balat ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng
Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa
itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang
gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya
Niya, sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang mismo ang
nag-aanyong Diyos Mismo—lahat ng iba pa ay nilikha bilang tao. Kahit
lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi
tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman
hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay
ang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng
Kanyang laman at sa Kanyang araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang
pagka-Diyos ay mahirap makita. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay
naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit sa
karaniwan na naiisip ng tao na maging, ito ay lubhang mahirap para sa
mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao
na unawain ang totoong diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa katunayan,
kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong katagal,
umaasa Akong misteryo pa rin ito sa karamihan sa inyo. Ang isyu na ito
ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang diwa ay
isang kombinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyon na ito ay
tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.
Ang buhay na
isinabuhay ni Jesus sa lupa ay isang karaniwang buhay ng laman. Siya ay
namuhay sa karaniwang pagkatao sa Kanyang laman. Ang Kanyang
awtoridad—na gawin ang gawain ng Diyos at sambitin ang salita ng Diyos, o
pagalingin ang may sakit at magpalayas ng mga demonyo, para gawin ang
ganoong hindi pangkaraniwang mga bagay—hindi naipakita ang sarili, para
sa karamihan, hanggang sa Siya ay nagsimula ng Kanyang ministeryo. Ang
Kanyang buhay bago ang edad na dalawampu’t siyam, bago Niya ginawa ang
Kanyang ministeryo, ay sapat na patunay na Siya lamang ay isang
karaniwang tao. Dahil dito, at dahil hindi pa Siya nakapagsisimula ng
Kanyang ministeryo, ang mga tao ay walang nakitang banal sa Kanya,
walang nakitang higit sa normal na tao, isang karaniwang tao—gaya noong
pinaniniwalaan Siya ng iba bilang anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay
anak Siya ng ordinaryong tao, walang ibang paraan para maihayag na Siya
ang nagkatawang-taong Diyos; kahit ganoon, sa pagdaan nang paggawa ng
Kanyang ministeryo, Siya ay gumawa ng maraming milagro, karamihan sa mga
tao ay nagsabi pa rin na anak Siya ni Jose, sapagka’t Siya ay si
Kristong may panlabas na balat ng karaniwang pagkatao. Ang Kanyang
karaniwang pagkatao at Kanyang gawain ay parehong umiiral upang matupad
ang kahalagahan ng unang pagkakatawang-tao, na nagpapatunay na ang Diyos
ay ganap na naging laman, maging isang lubos na ordinaryong tao. Na
Siya ay nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago Siya nagsimula sa Kanyang
trabaho ay patunay na Siya ay isang ordinaryong laman; at ang Kanyang
pagtatratabaho ay pagpapatunay na Siya ay isang ordinaryong laman,
sapagka’t Siya ay gumawa ng mga tanda at kababalaghan, nagpagaling ng
may sakit at nagpalayas ng mga demonyo sa katawan ng karaniwang tao. Ang
dahilan na kung bakit kaya Niyang gumawa ng mga milagro ay dahil ang
Kanyang laman ay mayroong awtoridad ng Diyos, na ang laman ay kung saan
ang Espiritu ng Diyos ay binihisan. Siya ay nagmamay-ari nitong
awtoridad dahil sa Espiritu ng Diyos, at hindi ibig sabihin nito na Siya
ay hindi laman. Ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng
mga demonyo ay ang gawain na kailangan Niyang gawin sa Kanyang
ministeryo, isang pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa
Kanyang pagkatao, at kahit anong palatandaan ang Kanyang ipinakita o
paano Niya pinatunayan ang Kanyang awtoridad, Siya pa rin ay namuhay sa
karaniwang pagkatao at isa pa ring normal na laman. Hanggang dumating sa
puntong Siya ay muling nabuhay pagkatapos mamatay sa krus, Siya ay
nanirahan sa normal na laman. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling
ng may sakit, at pagpapalayas ng mga demonyo, ay lahat naging bahagi ng
Kanyang ministeryo, lahat mga ginawa Niya sa Kanyang karaniwang
pagkatao. Bago Siya pumunta sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa
Kanyang karaniwang pagkatao, anuman ang Kanyang ginagawa. Siya ay ang
Diyos Mismo, ginagawa ang trabaho ng Diyos, dahil Siya ay
nagkatawang-taong Diyos, kumain Siya ng pagkain at nagsuot ng damit,
nagkaroon ng karaniwang pangangailangan ng tao, nagkaroon ng karaniwang
katuwiran ng tao at karaniwang pag-iisip ng tao. Ang lahat ng ito ay
patunay na Siya ay isang normal na tao, kung saan pinatunayan na ang
pagkatawang-tao ng Diyos ay laman na may karaniwang pagkatao, hindi
isang higit sa karaniwan. Ang Kanyang trabaho ay upang kumpletuhin ang
gawa ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos, upang masunod ang ministeryo
ng unang pagkakatawang-tao. Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang
isang ordinaryo at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo;
iyon ay, na ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang pagka-Diyos na gawain sa
pagkatao at sa gayong paraan talunin si Satanas. Ang pagkakatawang-tao
ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang laman,
iyon ay, ang Diyos ay nagiging laman; ang gawain na ginagawa Niya sa
laman ay ang gawain ng Espiritu, na kung saan ay natanto sa laman,
ipinahayag sa pamamagitan ng laman. Walang sinuman maliban sa laman ng
Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos;
iyon ay, pagkakatawang-tao ng Diyos lamang, itong karaniwang katauhan—at
walang sinuman—ang makakapagpahayag ng banal na gawain. Kung, noong
panahon ng Kanyang unang pagdating, ang Diyos ay hindi nagkaroon ng
karaniwang pagkatao bago ang edad ng dalawampu’t siyam—kung sa sandali
na Siya ay ipinanganak ay nakagagawa na Siya ng mga himala, kung sa
sandali na Siya ay natutong magsalita Siya ay nakapagsalita ng wika ng
langit, kung sa sandali ng unang pagtapak Niya sa lupa ay naintindihan
agad Niya ang makamundong bagay, nababatid ang bawat pag-iisip at mga
intensyon ng bawat tao—sa gayon ay hindi Siya matatawag na normal na
tao, at ang Kanyang laman ay hindi matatawag na laman ng tao. Kung ito
ay ang kaso na kalakip ni Kristo, samakatwid ang kahulugan at diwa ng
pagkakatawang-tao ng Diyos ay mawawala. Na Siya ay nagmamay-ari ng
karaniwang pagkatao na nagpapatunay na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao
sa laman; sa katunayan na Siya ay sumailalim sa normal na proseso ng
pantaong paglaki ay higit pang nagpapatunay na Siya ay normal na laman;
at bukod doon, ang Kanyang gawa ay sapat na patunay na Siya ay salita ng
Diyos, Espiritu ng Diyos, na nagiging laman. Ang Diyos ay
nagkakatawang-tao dahil sa mga pangangailangan sa trabaho; sa madaling
salita, itong yugto ng gawain ay kailangang matapos bilang laman, ginawa
sa karaniwang pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa “ang Salita ay
nagiging laman,” para sa “ang Salitang nagpapakita sa laman,” at ito ay
ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.
Maaaring maniwala ang mga tao na ang buong buhay ni Jesus ay may
kasamang mga himala, na mula sa simula hanggang sa katapusan ng Kanyang
gawain sa lupa hindi Siya nagpakita ng karaniwang pagkatao, na hindi
Siya nagkaroon ng normal na pangangailangan ng tao o kahinaan o emosyon
ng tao, hindi nangailangan ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay o
maglibang sa karaniwang pag-iisip ng tao. Payak nilang iniisip na
mayroon Siyang higit sa karaniwang pag-iisip, isang nangaingibabaw na
katauhan. Naniniwala sila na dahil Siya ay Diyos, hindi Siya dapat
mag-isip at mamuhay tulad ng karaniwang gawain ng tao, na isang normal
na tao lamang, isang tunay na nilalang, ang kayang mag-isip ng
pangkaraniwang pag-iisip ng tao at mabuhay ng isang normal na pantaong
buhay. Ang lahat ng mga ito ay mga ideya ng tao, at mga paniwala ng tao,
na labas sa orihinal na mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang
pangkaraniwang pag-iisip ng tao ay sinusuportahan ng karaniwang
katuwiran at karaniwang pagkatao; ang karaniwang pagkatao ay
nagpapatuloy ng karaniwang tungkulin ng laman; at ang normal na
tungkulin ng laman ay pinapagana ang normal na buhay ng laman sa kabuuan
nito. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtatrabaho sa laman maaaring
matupad ng Diyos ang Kanyang layunin sa pagkakatawang-tao. Kung ang
nagkatawang-taong Diyos ay nagmamay-ari lamang ng panlabas na balat ng
laman, ngunit di nag-isip ng karaniwang pag-iisip ng tao, gayon din ang
lamang ito ay hindi magkakaroon ng katuwiran ng tao, lalo pa ang
katapatan ng tao. Paanong ang isang laman na tulad nito, na walang
pagkatao, ay matutupad ang ministeryo na dapat gawin ng
nagkatawang-taong Diyos? Ang karaniwang pag-iisip ay nagpapanatili ng
lahat ng aspeto ng buhay ng tao; kung walang karaniwang pag-iisip, ang
isa ay hindi magiging tao. Sa madaling salita, ang taong hindi nag-iisip
ng karaniwang pag-iisip ay may sakit sa pag-iisip. At ang Kristo na
walang katauhan kundi tanging pagka-Diyos lamang ay hindi masasabing
laman ng nagkatawang-taong Diyos. Kaya, paanong ang laman ng
nagkatawang-taong Diyos ay walang karaniwang pagkatao? Hindi ba
kalapastangan na sabihing si Kristo ay walang pagkatao? Lahat ng gawain
na ginagawa ng karaniwang tao ay umaasa sa pagtakbo ng karaniwang
pag-iisip ng tao. Kung wala ito, ang mga tao ay kikilos nang hindi
karaniwan; hindi man lamang nila masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng
itim at puti, mabuti at masama; at sila’y walang mga etika na pantao at
mabuting panuntunan. Katulad nito, kung ang nagkatawang-taong Diyos ay
hindi nag-isip gaya ng karaniwang tao, gayon ay hindi Siya magiging
tunay na laman, isang normal na laman. Ang ganitong di-nag-iisip na
laman ay hindi makakayang makuha ang banal na gawain. Hindi niya
magagawang makisalamuha sa karaniwang gawain ng laman, lalo pa ang
mamuhay kasama ang mga tao sa lupa. At kaya ang kahalagahan ng
pagkakatawang-tao ng Diyos, ang tunay na diwa ng pag-anyo ng Diyos sa
laman, ay mawawala. Ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ay umiiral
para manatili ang karaniwang banal na gawain sa laman; ang Kanyang
karaniwang pantaong pag-iisip ay sinusuportahan ng Kanyang karaniwang
pagkatao at lahat ng Kanyang karaniwang panlupang gawain. Maaaring
sabihin na ang Kanyang karaniwang pag-iisip bilang tao ay umiiral upang
ipagpatuloy ang mga gawain ng Diyos sa laman. Kung itong laman ay hindi
nagmamay-ari ng isang karaniwang pag-iisip ng tao, ang Diyos ay hindi
makakapag-trabaho sa laman, at ang kailangan Niyang gawin sa laman ay
hindi kailanman magaganap. Kahit ang katawang-taong Diyos ay nagtataglay
ng karaniwang pag-iisip ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nasisira ng
pantaong pag-iisip; isinasabalikat Niya ang trabaho sa sangkatauhan
nang may karaniwang pag-iisip, sa ilalim ng kondisyon na Kanyang
pagmamay-ari sa pagkatao na may isip, hindi sa pamamagitan ng
nakasanayang karaniwang pagtingin ng tao. Gaano man katayog ang
pag-iisip ng Kanyang mga laman, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng
tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang
trabaho ay hindi nagmula sa pag-iisip ng Kanyang laman, kundi direktang
pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng
Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang matupad, at wala
dito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa
maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapapako sa krus ay
hindi produkto ng Kanyang pantaong pag-iisip, hindi matatamo ng kahit
sinong tao na may pantaong pag-iisip. Gayundin, ang mapanlupig na gawa
ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos,
ngunit hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito dapat ay gawain ng
Kanyang pagka-Diyos, gawain ng walang kahit sinong tao ang may kaya.
Kaya ang nagkatawang-tao na Diyos ay dapat nagmamay-ari ng isang
karaniwang pag-iisip ng tao, dapat nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao,
dahil dapat Niyang isagawa ang Kanyang gawain sa sangkatauhan sa isang
karaniwang pag-iisip. Ito ay ang diwa ng gawain ng Diyos na
nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.
Bago
isinagawa ni Jesus ang gawain, Siya’y nanirahan lamang sa Kanyang
karaniwang pagkatao. Walang sinuman ang makakapagsabi na Siya ay Diyos,
walang sinuman ang nakaalam na Siya ay nagkatawang-taong Diyos; kilala
lamang Siya ng mga tao bilang isang ganap na ordinaryong tao. Ang
Kanyang lubos na pagka-ordinaryo, karaniwang pagkatao ay patunay na ang
Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang
panahon ng pagtatrabaho ng nagkatawang-taong Diyos, hindi ang panahon ng
pagtatrabaho ng Espiritu. Ito ay patunay na ang Espiritu ng Diyos ay
ganap na natupad sa laman, na sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos
ang Kanyang laman ay gagawa ng lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Kristo
na may karaniwang pagkatao ay ang laman kung saan ang Espiritu ay
natupad, nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao, normal na katinuan, at
pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng “isinasakatuparan” ay ang Diyos ay
nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging laman; kapag ipinagpalagay natin
ito, ito’y ang Diyos Mismo ay nanirahan sa laman na may karaniwang
pagkatao, at sa paraang ito pinapahayag Niya ang Kanyang banal na
gawain—ito ang ibig sabihin ng pagkakaalam, o pagkakatawang-tao. Noong
Kanyang unang pagkakatawang-tao, kinakailangan ng Diyos na magpagaling
ng may sakit at palayasin ang mga demonyo dahil ang Kanyang trabaho ay
magligtas. Para maligtas ang buong sangkatauhan, Siya’y kailangang
maging maawain at mapagpatawad. Ang trabaho na Kanyang ginawa bago Siya
mapako sa krus ay ang magpagaling ng may sakit at magpalayas ng mga
demonyo, na babala ng Kanyang pagligtas sa tao mula sa kasalanan at
kadungisan. Dahil ito ay Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang
magpagaling ng may sakit, at dahil doon nagpakita ng mga palatandaan at
kababalaghan, na kumatawan ng biyaya noong panahong iyon; dahil ang
Kapanahunan ng Biyaya ay naging sentro ng kaloob ng biyaya, simbolo ng
kapayapaan, kasiyahan, at materyal na mga biyaya, lahat ng palatandaan
ng pananampalataya ng mga tao kay Jesus. Sa gayon ang, pagpapagaling ng
may sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagkakaloob ng biyaya na
likas na abilidad ng laman ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga
ito’y gawa ng Espiritung natupad sa laman. Ngunit habang ginagawa Niya
ang gawain, Siya ay namumuhay sa katawang-tao, hindi Siya lumampas sa
laman. Hindi mahalaga kung anumang uri ng pagpapagaling ang Kanyang
ginawa, Siya’y nagmamay-ari pa rin ng karaniwang pagkatao, namumuhay pa
rin sa karaniwang buhay ng tao. Ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na sa
panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang laman ay ginawa ang lahat ng
trabaho ng Espiritu, ay kahit anumang trabaho ang Kanyang nagawa, ginawa
Niya ito sa laman. Ngunit dahil sa Kanyang trabaho, ang mga tao ay
isinantabi ang Kanyang laman bilang pagkakaroon ng panlupang diwa,
sapagka’t ang lamang ito ay kayang gumawa ng mga kababalaghan, at sa
tiyak na natatanging sandali ay kayang gumawa ng mga bagay na higit sa
kaya ng laman. Siyempre, ang lahat ng pangyayaring ito ay nangyari
pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, gaya ng Kanyang
pagsubok sa loob ng apatnapu’ng araw o magbagong-anyo sa bundok. Kaya
kay Jesus, ang kahulugan ng pagkatawang-tao ng Diyos ay hindi pa ganap,
kundi bahagi pa lamang ang natupad. Ang buhay na Kanyang isinabuhay sa
laman bago magsimula ang Kanyang trabaho ay lubos na karaniwan sa lahat
ng aspeto. Pagkatapos Niyang simulan ang trabaho pinanatili Niya ang
panlabas na balat lamang ng Kanyang laman. At dahil ang Kanyang gawain
ay isang pagpapahayag ng pagka-Diyos, nahigitan nito ang karaniwang mga
tungkulin ng laman. Palibhasa, ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay
naiiba mula sa laman at dugo ng mga tao. Siyempre, sa Kanyang
pang-araw-araw na buhay, kailangan Niya ng pagkain, damit, tulog, at
tirahan gaya ng iba, kailangan ng lahat ng normal na pangangailangan,
nangatwiran at nag-isip gaya ng karaniwang tao. Ang mga tao ay
itinuturing pa rin Siyang isang pangkaraniwang tao, maliban sa Kanyang
ginawang trabaho na higit sa karaniwan. Sa totoo lang, anuman ang
Kanyang ginawa, Siya’y nanirahan sa ordinaryo at karaniwang pagkatao, at
hanggang sa Siya’y gumagawa ng trabaho ang Kanyang pangangatwiran ay
lubusang karaniwan, ang Kanyang pag-iisip ay lubos na malinaw, mas higit
kaysa sa sinumang normal na tao. Ito ay kinakailangan para sa
nagkatawang-taong Diyos na mag-isip at magdahilan sa ganitong paraan,
dahil ang banal na gawain na kailangan para maihayag ng laman kung saan
ang lohika ay napaka-pangkaraniwan at kung saan ang pag-iisip ay
napakaliwanag—tanging sa ganitong paraan lamang ang Kanyang laman ay
maihahayag ang banal na gawain. Sa buong tatlumpu’t tatlo at kalahating
taon na namuhay si Jesus sa lupa, pinanatili Niya ang Kanyang karaniwang
pagkatao, ngunit dahil sa Kanyang gawain noong Kanyang ika-tatlo at
kalahating taon ng ministeryo, inakala ng mga tao na Siya ay
nangingibabaw, na Siya ay higit pa sa karaniwan kaysa dati. Sa
katunayan, ang karaniwang pagkatao ni Jesus ay di nagbabago mula noon at
pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo; Ang Kanyang katauhan
ay pareho hanggang sa katapusan, ngunit dahil sa pagkakaiba ng dati at
pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, dalawang magkaibang
pananaw ang lumitaw hinggil sa Kanyang laman. Anuman ang isipin ng mga
tao, ang Diyos na nagkatawang tao ay nanatili sa Kanyang orihinal,
karaniwang pagkatao sa buong panahon, sapagkat mula nang ang Diyos ay
nagkatawang-tao, Siya ay nanirahan sa laman, ang laman na nagkaroon ng
karaniwang pagkatao. Hindi alintana kung Siya man ay gumagawa ng Kanyang
ministeryo o hindi, ang karaniwang pagkatao ng Kanyang laman ay hindi
mabubura, sapagka’t ang pagkatao ay panimulang diwa ng laman. Bago
isinagawa ni Jesus ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang laman ay
nanatiling ganap na normal, nakikisalamuha sa lahat ng mga ordinaryong
gawaing pantao; Hindi Siya lumitaw sa mas mababa sa karaniwan, hindi
nagpakita ng anumang mga tanda ng paghihimala. Noong mga panahong iyon
Siya’y tiyak na lubusang pangkaraniwang tao na sumasamba sa Diyos,
bagaman ang Kanyang trabaho ay mas matapat, mas dalisay kahit kanino.
Ito ay kung paano ang Kanyang lubos na karaniwang pagkatao ay naihayag
nito. Dahil Siya’y walang ginawa na kahit ano bago tanggapin ang Kanyang
ministeryo, walang sinuman ang may kamalayan sa Kanyang katauhan,
walang sinuman ang makapagsasabi na ang Kanyang laman ay naiiba sa
lahat, sapagka’t hindi Siya gumawa ng kahit isang milagro, hindi
nagpakita ng kahit isang sariling gawain ng Diyos. Gayunpaman,
pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, nanatili Siya sa
panlabas na balat ng karaniwang pagkatao at namuhay pa rin nang may
karaniwang katuwiran ng tao, ngunit dahil sa sinimulan Niyang gawin ang
trabaho ng Diyos Mismo, pinagpalagay ang ministeryo ni Kristo at gumawa
ng trabaho ng mga mortal na nilalang, laman-at-dugo ng mga tao, na hindi
nila kaya, ang mga tao ay umasang wala Siyang karaniwang pagkatao at
walang ganap na normal na laman kundi hindi ganap na laman. Dahil sa
trabahong ginawa Niya, sinabi ng mga tao na Siya’y Diyos na may laman na
walang karaniwang pagkatao. Ito ay isang maling pag-unawa, dahil hindi
maunawaan ng mga tao ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
Itong hindi pagkakaunawaan ay umusbong mula sa katotohanan na ang mga
trabaho na ipinahayag sa pamamagitan ng Diyos sa laman ay ang banal na
gawain, ipinahayag sa isang laman na nagkaroon ng karaniwang pagkatao.
Ang Diyos ay nakabihis ng laman, Siya’y nanahan sa laman, at ang Kanyang
gawain sa Kanyang pagkatao ay nagpalabo sa pagka-karaniwan ng Kanyang
pagkatao. Para sa kadahilanang ito ang mga tao ay naniniwala na ang
Diyos ay walang katauhan.
Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay
hindi nagawang-ganap ang pagkakatawang-tao; Natupad lamang Niya ang
unang hakbang ng gawain na kinakailangan para sa Diyos na gawing laman.
Kaya, upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao, ang Diyos ay
bumalik sa laman sa muling pagkakataon, pagsasabuhay sa lahat ng
pagka-karaniwan at katotohanan ng laman, samakatwid, ang paggawa ng
Salita ng Diyos ay inihayag sa buong normal at ordinaryong laman, gayon
man ay tinapos ang gawain na Kanyang iniwan na hindi natapos sa laman.
Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay katulad sa una, ngunit ito ay
mas makatotohanan, mas normal kaysa sa una. Bilang isang kinahinatnan,
ang paghihirap na tiniis ng ikalawang pagkatawang-taong laman ay mas
higit sa una, ngunit ang pagdurusang ito ay resulta ng Kanyang
ministeryo sa laman, na iba sa mga paghihirap ng masamang tao. Ito rin
ay nagmula sa pagka-karaniwan at katotohanan ng Kanyang laman. Dahil
isinagawa Niya ang ministeryo sa lubos na normal at totoong laman, ang
laman ay dapat magtiis ng higit na pakitungo ng paghihirap. Kung mas
normal at totoo ang laman, ay mas higit Siyang magdurusa sa pagsasagawa
ng Kanyang ministeryo. Ang Diyos ay kumikilos sa pangkaraniwang laman,
na hindi kailanma’y higit sa karaniwan. Dahil ang Kanyang laman ay
normal at dapat ding pasanin ang gawa ng pagliligtas sa tao, Siya ay
nagdurusa nang mas higit pa sa karaniwang laman—ang lahat ng ito ay
nagmula sa realidad at normalidad ng Kanyang laman. Mula sa pinagdaanang
paghihirap ng dalawang nagkatawang-taong laman na habang isinasagawa
ang Kanilang mga ministeryo, ang isa ay makikita ang diwa ng
nagkatawang-taong laman. Kung mas normal ang laman, mas higit na
kahirapan ang Kanyang dapat tiisin habang sumasailalim sa gawain; habang
mas totooang laman na sumasailalim sa trabaho, mas masaklap ang mga
paniniwalaan ng tao, at mas maraming panganib ang maaaring mangyari sa
Kanya. At gayon pa man, kung mas tunay ang laman, at kung ang laman ay
mas higit na nagtataglay ng mga pangangailangan at ganap na pakiramdam
ng isang karaniwang tao, ay mas may kakayahan Siya sa pagkuha sa gawain
ng Diyos sa laman. Laman ni Jesus ang siyang ipinako sa krus, ang
Kanyang laman na isinuko para ialay sa kasalanan; ito’y mula sa laman na
may karaniwang pagkatao na tinalo Niya si Satanas at ganap na nailigtas
ang tao mula sa krus. At ito ay bilang isang ganap na laman na ang
pangalawang nagkatawang-taong Diyos ay gumawa ng mapanlupig na gawa at
tinalo si Satanas. Tanging ang laman na ganap na karaniwan at totoo ang
makagagawa ng mapanlupig na gawa sa kabuuan nito at gumawa ng malakas na
patotoo. Iyon ay upang sabihin, ang gawain ng[a] mapanlupig
na tao ay ginawang epektibo sa pamamagitan ng katotohanan at pagiging
karaniwan ng Diyos sa laman, hindi sa pamamagitan ng higit sa karaniwang
mga himala at pagbubunyag. Ang ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos ay
upang magsalita, at sa gayong paraan upang lupigin at gawing perpekto
ang tao; sa madaling salita, ang gawain ng Espiritu na natupad sa laman,
ang tungkulin ng laman, ay makipag-usap at sa gayong paraan lupigin,
ibunyag, gawing perpekto, at aalisin nang ganap ang tao. At sa gayon,
nasa mapanlupig na gawain kung saan matatapos nang buo ang gawain ng
Diyos sa laman. Ang paunang pantubos na gawa ay simula lamang ng trabaho
ng nagkatawang-tao; ang laman na gumagawa ng mapanlupig na gawa ay
gagawing ganap ang buong gawain ng pagkakatawang-tao. Sa kasarian, ang
isa ay lalaki at ang isa’y babae; ang ibig sabihin nito ay ang
pagkakatawang-tao ng Diyos ay ganap na. Itinataboy nito ang maling
pagkaintindi ng tao sa Diyos: Ang Diyos ay maaaring maging lalaki at
babae, at ang diwa ng nagkatawang-taong Diyos ay walang kasarian. Ginawa
ng Diyos ang parehong lalaki at babae, at hindi Niya pinag-iiba
angpagitan ng mga kasarian. Sa yugtong ito ang gawain ng Diyos ay hindi
nagsagawa ng mga palatandaan at mga kababalaghan, upang makamit ng
gawain ang mga resulta nito sa pamamagitan ng mga salita. Bukod dito, sa
pagkakataong ito ang gawain ng nagkakatawang-taong Diyos ay hindi upang
pagalingin ang may sakit at palayasin ang mga demonyo, kundi ang
lupigin ang tao sa pamamagitan ng pagsasalita, sa madaling salita ang
likas na abilidad na nagmamay-ari nitong pagkakatawang-taong laman ng
Diyos ay sambitin ang mga salita at lupigin ang tao, hindi para
pagalingin at palayasin ang mga demonyo. Ang Kanyang trabaho sa
karaniwang pagkatao ay hindi upang gumawa ng mga milagro, hindi
magpagaling ng may sakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi ang
magsalita, at sa gayon ang ikalawang pagkakatawang-tao ay mas mukhang
karaniwan kaysa noong una. Nakikita ng mga tao na ang pagkakatawang-tao
ng Diyos ay hindi kasinungalingan; subalit itong nagkatawang-taong Diyos
ay iba sa nagkatawang-taong si Jesus, at kahit Sila’y parehong
pagkakatawang-tao ng Diyos, Sila’y hindi ganap na magkatulad. Si Jesus
ay nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao, ordinaryong katauhan, ngunit
Siya’y sinamahan ng mga palatandaan at mga kababalaghan. Sa ganitong
Diyos na nagkatawang-tao, ang mga mata ng tao ay walang makikitang
palatandaan o mga kababalaghan, kahit ang magpagaling ng may sakit o ang
magpalayas ng mga demonyo, o ang paglalakad sa dagat, o ang pag-aayuno
sa loob ng apatnapung araw…. Hindi Niya parehong ginagawa ang trabaho
na ginawa ni Jesus, hindi dahil ang Kanyang lamang nasa diwa ay iba kay
Jesus, kundi dahil sa hindi Niya ministeryo ang pagpapagaling ng may
sakit at pagpapalayas ng demonyo. Hindi Niya sinisira ang Kanyang
sariling gawa, hindi Niya ginagambala ang Kanyang sariling gawa. At
dahil nilupig Niya ang tao gamit ang Kanyang tunay na mga salita, hindi
kinakailangan na talunin siya ng mga milagro, at sa yugtong ito ay dapat
na ganap na matapos ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang
nagkatawang-taong Diyos na nakikita mo ngayon ay ganap na isang laman,
at walang anumang higit sa karaniwan tungkol sa Kanya. Siya ay
nagkakasakit gaya ng iba, nangangailangan ng pagkain at damit tulad ng
iba, pagiging ganap na isang laman. Kung sa oras na ito, ang
nagkakatawang-taong Diyos ay gumawa ng higit sa karaniwang mga
palatandaan at kababalaghan, kung nagpagaling Siya ng may sakit,
nagpalayas ng mga demonyo, o nakapatay sa pamamagitan ng isang salita,
paanong matutupad ang mapanlupig na gawa? Paano maipapalaganap ang
trabaho sa Hentil na mga bansa? Ang pagpapagaling sa mga maysakit at ang
pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, ang
unang hakbang sa mapantubos na gawa, at ngayong iniligtas ng Diyos ang
tao mula sa krus, hindi na Niya magagawa ang trabahong iyon. Kung sa mga
huling araw na ang “Diyos” ay pareho kay Jesus na nagpakita, isa na
nagpagaling sa may sakit, na nagpalayas sa mga demonyo, at ipinako sa
krus para sa tao, ang “Diyos” na iyon, kahit parehas ng paglalarawan sa
Diyos sa Biblia at madali para sa tao na tanggapin, ay hindi, sa diwa
nito, maging laman na suot ng Espiritu ng Diyos, kundi ng masamang
espiritu. Sapagka’t ito ay alituntunin ng gawa ng Diyos na hindi
kailanman uulitin ang Kanyang natapos na. At kaya ang gawa ng ikalawang
pagkakatawang-tao ng Diyos ay iba sa gawa noong una. Sa mga huling araw,
napagtanto ng Diyos ang mapanlupig na gawa sa isang ordinaryong,
karaniwang laman; Hindi Niya pinagaling ang may sakit, hindi mapapako sa
krus para sa tao, kundi pagsasalita lamang ng mga salita sa laman,
lupigin ang tao sa laman. Tulad lamang ng laman ng Diyos
nagkatawang-taong laman; tanging ganitong laman lamang ang
makakakumpleto ng gawa ng Diyos sa laman.
Kahit na sa yugtong ito
na ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinitiis ang paghihirap o paggawa ng
Kanyang ministeryo, ginawa Niya ito para makumpleto ang kahulugan ng
pagkakatawang-tao, dahil ito ang huling pagkakatawang-tao ng Diyos.
Dalawang beses lamang maaaring magkatawang-tao ang Diyos. Hindi maaaring
magkaroon ng pangatlong beses. Ang unang pagkakatawang-tao ay lalaki,
ang pangalawa ay babae, at gayon ang larawan ng laman ng Diyos ay ganap
na sa pag-iisip ng tao; bukod doon, ang dalawang pagkakatawang-tao ay
ganap na tinapos na ang gawa ng Diyos sa laman. Sa unang beses na ang
Diyos na nagkatawang-taong ay nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao, para
maging ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Sa oras na ito Siya din
ay nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao, ngunit ang kahulugan nitong
pagkakatawang-tao ay iba: Ito ay mas malalim, at ang Kanyang gawa ay may
mas malalim na kahulugan. Ang dahilan kung bakit ang Diyos ay naging
laman muli ay upang gawing ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao.
Nang ang Diyos ay ganap nang tinapos ang yugtong ito ng Kanyang trabaho,
ang buong kahulugan ng pagkakatawang-tao, samakatwid nga, ang gawa ng
Diyos sa laman, ay magiging ganap, at wala nang trabaho na dapat tapusin
sa laman. Iyon ay, mula ngayon ang Diyos ay hindi na muling papasok sa
laman upang gawin ang Kanyang gawain. Tanging para sa pagsalba at gawing
perpekto ang sangkatauhan kaya ginagawa ng Diyos ang trabaho ng
pagkakatawang-tao. Sa madaling salita, hindi kaugalian ng Diyos ang
pumunta sa laman, maliban sa kapakanan ng trabaho. Sa pamamagitan ng
pagiging laman para magtrabaho, ipinakita Niya kay Satanas na ang Diyos
ay isang laman, isang karaniwang tao, isang ordinaryong tao—at Siya’y
maaaring maghari nang matagumpay sa buong mundo, matalo si Satanas,
mailigtas ang sangkatauhan, lupigin ang sangkatauhan! Ang layunin ng
gawain ni Satanas ay sirain ang sangkatauhan, habang ang layunin ng
Diyos ay mailigtas ang sangkatauhan. Nililinlang ni Satanas ang tao sa
malalim na kawalan, habang ang Diyos ay inililigtas siya mula rito.
Hinihikayat ni Satanas na sambahin ito ng lahat ng tao, habang ang Diyos
ay ipinapasakop sila sa Kanyang pamamahala, pagka’t Siya ang Diyos ng
nilalang. Lahat ng trabahong ito ay nakakamit sa pamamagitan ng dalawang
pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Kanyang laman ay nasa diwa ng
pagsasama-sama ng pagkatao at pagka-Diyos at nagmamay-ari ng karaniwang
pagkatao. Kaya kung walang nagkatawang-tao na Diyos, hindi makakamit ng
Diyos ang mga resulta sa pagligtas ng sangkatauhan, at kung walang
karaniwang pagkatao ng Kanyang laman, hindi pa rin magtatagumpay ang
Kanyang gawain sa laman. Ang diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay kung
saan Siya ay dapat na nagmamay-ari ng karaniwang pagkatao; sapagka’t
kung hindi ito ay sasalungat sa tunay na pakay ng Diyos na
magkatawang-tao.
Bakit sinasabi Ko na ang kahulugan ng
pagkakatawang-tao ay hindi ganap sa gawain ni Jesus? Sapagkat ang Salita
ay hindi ganap na naging laman. Ang ginawa ni Jesus ay isang parte
lamang ng gawa ng Diyos sa laman; ginawa lamang Niya ang mapantubos na
gawa at hindi ginawa ang buong pagkuha sa tao. Para sa kadahilanang ito
ang Diyos ay naging laman muli sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng
trabaho ay tinapos na rin sa isang ordinaryong laman, na ginawa ng isang
lubos na karaniwang tao, isa na ang sangkatauhan nito ay hindi man
lamang nakahihigit. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap
na tao, at ito ay isang tao na ang pagkakakilanlan ay Diyos, isang ganap
na tao, isang ganap na laman, na gumagawa ng gawain. Sa mata ng tao,
Siya lamang ay isang laman na hindi nakahihigit sa lahat, isang
napaka-ordinaryong tao na nakakapag-salita sa wika ng langit, na hindi
nagpapakita ng mga senyales ng himala, hindi gumagawa ng milagro, lalo
na ang pagpapakita ng katotohan tungkol sa relihiyon sa malalaking
pasilyo ng tagpuan. Ang gawain ng ikalawang nagkatawang-taong laman para
sa tao’y lubos na hindi gaya noong una, lubos kaya ang dalawa ay walang
pagkakapareho, at wala noong unang gawa ang makikita ngayon. Kahit na
ang trabaho ng ikalawang nagkatawang-taong laman ay naiiba mula sa
nauna, hindi nito pinapatunayan na ang Kanilang pinagmulan ay hindi iisa
at pareho. Kung ang Kanilang pinagmulan ay pareho ay depende sa uri ng
trabaho na ginawa sa pamamagitan ng mga laman at hindi sa Kanilang
panlabas na mga balat. Sa panahon ng tatlong yugto ng Kanyang gawain,
ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao, at parehong sa oras ng
gawain ng Diyos na nagkatawang-tao nagsimula ang bagong panahon,
naghahatid ng bagong gawain; pinupunan ng pagkakatawang-tao ang
isat-isa. Imposible para sa mga mata ng tao na sabihin na ang dalawang
laman ay nagmula sa parehong pinanggalingan. Kaya nga, ito ay higit sa
kakayahan ng mata ng tao o ng isip ng tao. Ngunit sa Kanilang diwa
Sila’y pareho, pagka’t ang Kanilang gawain ay nagmumula sa parehong
espiritu. Kung nagmula ang dalawang nagkatawang-taong laman sa parehong
pinanggalingan na hindi mahahatulan ng panahon at lugar kung saan Sila
ipinanganak, o iba pang dahilan, kundi sa pamamagitan ng banal na gawa
na inihayag Nila. Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay hindi
nagsasagawa ng kahit anong gawaing ginagawa ni Jesus, dahil ang gawa ng
Diyos ay hindi umaayon sa kumbensyon, ngunit sa bawat oras na ito’y
nagbubukas ng bagong daan. Hindi layunin ng ikalawang nagkatawang-taong
laman na palalimin o patatagin ang tingin ng unang laman sa isip ng mga
tao, ngunit upang gawin itong ganap at upang gawing itong perpekto, para
palalimin ang kaalaman ng tao sa Diyos, para suwayin ang lahat ng mga
patakaran na umiiral sa puso ng mga tao, at para lipulin ang
nakakalinlang na imahe ng Diyos sa kanilang mga puso. Ito ay maaaring
sabihin na walang mga indibidwal na yugto ng sariling gawa ng Diyos ang
makapagbibigay ng ganap na kaalaman tungkol sa Kanya; bawat isa’y
nagbibigay lamang ng parte, hindi ang kabuuan. Kahit ang Diyos ay
nagpahayag ng Kanyang buong kalooban, dahil sa limitadong pag-unawa ng
tao, ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay hindi pa rin kumpleto.
Ito’y imposible, gamit ang wika ng tao, para maghatid ng buong katangian
ng Diyos; gaano kakaunti sa isang yugto ng Kanyang gawa ang buong
maihahayag ang Diyos? Siya ay nagtatrabaho sa laman sa ilalim ng takip
ng Kanyang karaniwang pagkatao, at ang makilala lang Siya sa pamamagitan
ng pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos, at hindi sa Kanyang katawang
panlabas. Ang Diyos ay pumaroon sa laman para payagan ang tao na
makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga iba’t-ibang gawa, at wala
kahit dalawang yugto sa Kanyang gawa ang pareho. Tanging sa paraang ito
magagawa ng tao na magkaroon ng kaalaman sa gawain ng Diyos sa laman,
hindi nakakulong sa isang aspeto. Kahit na ang gawain ng dalawang
nagkatawang-taong laman ay magkaiba, ang diwa ng mga laman, at ang
pinagmulan ng Kanilang trabaho, ay magkapareho; Sila lamang ay umiiral
para magawa ang dalawang magkaibang yugto ng trabaho, at lumitaw mula sa
dalawang magkaibang panahon. Kahit ano pa man, ang Diyos na
nagkakatawang-taong laman ay nagsasalo sa parehong diwa at sa parehong
pinanggalingan—ito ang katotohanan na walang kahit sino ang
makakapagtanggi.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos