Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mar 25, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha

Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng buong sangnilikha. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamangkaligtasan Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng buong sangnilikha. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehova ay gumawa sa Israel at isinakatuparan ni Jesus Mismo ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao kaya Siya ay nasa gawain sa Judea—at anuman ang katayuan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak sa labas ng Israel. Hindi Siya gumawa kasama ng mga taga Egipto; hindi Siya gumawa kasama ng mga Indiyano; gumawa lamang Siya kasama ng mga Israelita. Dahil dito ang mga tao ay bumubuo ng sari-saring mga pagkaintindi; dagdag pa rito, pinaplano nila ang gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sinasabi nila na kapag ang Diyos ay gumagawa, dapat itong maisakatuparan sa gitna ng mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala nang iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, ni mayroon Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay lalo pang mahigpit sa “pagdidisiplina” sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa sakop ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa ang buong sangnilikha; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa Israel lamang? Kung magkagayon, ano ang silbi para sa Kanya na gawin ang kabuuan ng Kanyang sangnilikha? Nilikha Niya ang buong mundo; naisasakatuparan Niya ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawa’t tao sa sansinukob. Kung sila man ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inápó ni Adan ang bawa’t tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang nakakaalis mula sa saklaw ng sangnilikha ng Diyos, at walang kahit isang tao ang nakakatakas sa tatak na “inápó ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay mga inápó ni Adan; sila rin ay mga pinásámáng inápó nina Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, kundi ang lahat ng mga tao; gayon pa man, naisusumpa ang ilan sa mga nilikha, at napagpapala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang tungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay gumawa nang kasama nila dahil sila ang mga taong pinaka-bahagyang-masama. Ang mga Tsino ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi man lamang makaaasang makakapantay nila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumubuo ang mga tao ng maraming pagkaintindi at maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain tungo sa mga bansang Gentil, sapagka’t Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng buong sangnilikha. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehova at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehova—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay gagawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at tungo sa bawa’t bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ang Panginoong lumalang ng mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng buong sangnilikha. Kung Siya man ay gumagawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawaing ginagawa Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay gawain pa rin ng buong sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi ba natutupad na Niya ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawaing ito na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa lupaing ito at ang paggawa sa gitna nitong mga sinumpang tao ay lalong salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang anumang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang tinalikuran ni Jehova. Natatalikuran ng mga tao ang ibang tao, nguni’t kung sila ay tinalikuran ng Diyos, mawawalan ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng sangnilikha, ang pagiging nasakop ni Satanas o natalikuran ng ibang tao ay parehong masasakit na pangyayari, nguni’t kung ang isang bahagi ng sangnilikha ay tinatalikuran ng Panginoon ng sangnilikha, nangangahulugan ito na ang kanyang katayuan ay lubusang kababa-babaan. Isinumpa ang mga inápó ni Moab, at ipinanganak sila sa loob nitong di-maunlad na bansa; walang duda, ang mga inápó ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtaglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, ang gawaing ginagawa sa gitna nila ay pinaka-may-kakayahang magwasak ng mga pagkaintindi ng tao, at ito rin ang gawaing pinaka-kapaki-pakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Ang Kanyang paggawa sa gitna ng mga taong ito ay ang pagkilos na pinaka-may-kakayahang magwasak ng mga pagkaintindi ng tao; dahil dito naglulunsad Siya ng isang kapanahunan; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang unang gawain ay isinakatuparan sa Judea, sa loob ng sakop ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang gawaing naglulunsad ng kapanahunan. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang isinasakatuparan sa gitna ng mga bayan ng mga bansang Gentil; lalong higit pa, isinasakatuparan ito sa gitna niyaong mga sinumpang tao. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na pinaka-may-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay nagiging” ang Diyos ng buong sangnilikha sa sansinukob at nagiging ang Panginoon ng lahat ng mga bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

Mayroong ilang mga tao sa kasalukuyan na hindi pa rin nakakaunawa kung anong uri ng bagong gawain ang nailunsad ng Diyos. Nakágáwâ ang Diyos ng isang bagong pasimula sa mga bansang Gentil at nakapagsimula ng ibang kapanahunan at nakapaglunsad ng isa pang gawain, at Siya ay gumagawa sa gitna ng mga inápó ni Moab. Hindi ba ito ang Kanyang pinakabagong gawain? Wala ni isa sa buong mga kapanahunan ang nakaranas ng gawaing ito, ni mayroong sinumang nakarinig nito, lalo na ang pahalagahan ito. Ang karunungan ng Diyos, pagiging-kamangha-mangha ng Diyos, pagiging-di-maarok ng Diyos, kadakilaan ng Diyos, kabanalan ng Diyos ay umaasa sa yugtong ito ng gawain sa huling mga araw, upang lumitaw nang malinaw. Hindi ba ito bagong gawain na nagwawasak sa mga pagkaintindi ng tao? Mayroon pa rin yaong mga nag-iisip nang ganito: “Yamang sinumpa ng Diyos si Moab at nagsabi na tatalikuran Niya ang mga inápó ni Moab, paano Niya kaya sila ililigtas ngayon?” Sila ay yaong mga tao mula sa mga bansang Gentil na isinumpa at sapilitang pinalabas ng Israel; tinawag silang “mga asong Gentil” ng mga Israelita. Sa paningin ng lahat, hindi lamang sila mga Gentil na aso, kundi mas masahol pa, ang mga anak ng pagkawasak; sa ibang salita, hindi sila ang mga piniling tao ng Diyos. Kahit na orihinal silang ipinanganak sa loob ng sakop ng Israel, hindi sila bahagi ng mga bayan ng Israel; pinatalsik din sila sa mga bansang Gentil. Sila ang mga pinakamababang tao. Dahil nga sila ang pinakamababa sa gitna ng sangkatauhan kaya isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawaing paglulunsad-ng-isang panibagong-kapanahunan sa gitna nila. Dahil kinatawan sila ng masamang sangkatauhan at hindi walang-pagpili o layunin ang gawain ng Diyos, ang gawain na Kanyang isinasakatuparan sa gitna ng mga taong ito ngayon ay gawain ding isinasakatuparan sa gitna ng sangnilikha. Si Noe ay bahagi ng sangnilikha, gayundin ang kanyang mga inápó. Sinuman sa mundo na may laman at dugo ay bahagi ng sangnilikha. Ang gawain ng Diyos ay nakatuon sa lahat ng sangnilikha; hindi ito isinasakatuparan ayon sa kung ang isa ay naisumpa matapos siyang likhain. Ang Kanyang gawaing pamamahala ay nakatuon sa buong sangnilikha, hindi doon sa mga napiling tao na hindi naisumpa. Dahil nais ng Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa gitna ng Kanyang sangnilikha, tiyak na isasakatuparan Niya ito hanggang sa matagumpay na kaganapan; gagawa Siya kasama yaong mga tao na kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Samakatuwid, winawasak Niya ang lahat ng mga kalakaran sa paggawa kasama ang mga tao; sa Kanya, ang mga salitang “sinumpa,” “kinastigo” at “pinagpala” ay walang kahulugan! Ang mga taong Judio ay napakahusay, at ang piniling bayan ng Israel ay hindi rin naman masama; sila ay mga tao na may mabuting kakayahan at pagkatao. Unang inilunsad ni Jehova ang Kanyang gawain sa gitna nila at isinakatuparan ang Kanyang unang gawain, nguni’t mawawalan ito ng kahulugan kung gagamitin Niya sila ngayon bilang mga tagatanggap ng Kanyang gawaing panlulupig. Bagaman bahagi rin sila ng sangnilikha at may maraming positibong aspeto, mawawalan ng kahulugan kung isasakatuparan ang yugtong ito ng gawain sa gitna nila. Hindi Niya magagawang lupigin ang sinuman, ni magagawa Niyang kumbinsihin ang buong sangnilikha. Ito ang kabuluhan ng paglilipat ng Kanyang gawain sa mga taong ito ng bansa ng malaking pulang dragon. Ang pinakamalalim na kahulugan dito ay nasa Kanyang paglulunsad ng isang kapanahunan, sa Kanyang pagwawasak ng lahat ng mga patakaran at lahat ng mga pagkaintindi ng tao at pati na rin sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Kung isinakatuparan ang Kanyang kasalukuyang gawain sa gitna ng mga Israelita, sa sandaling sumapit na sa pagtatapos ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, maniniwala ang lahat na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, na ang mga Israelita lamang ang piniling bayan ng Diyos, na ang mga Israelita lamang ang karapat-dapat magmana ng pagpapala at pangako ng Diyos. Sa panahon ng mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos sa bansang Gentil ng malaking pulang dragon; natutupad Niya ang gawain ng Diyos bilang ang Diyos ng buong sangnilikha; nakukumpleto Niya ang Kanyang buong gawaing pamamahala, at tatapusin Niya ang pinakasentrong bahagi ng Kanyang gawain sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang pagliligtas sa tao ang ubod ng tatlong yugto ng gawaing ito—na, ang buong sangnilikha ay pasambahin sa Panginoon ng buong sangnilikha. Samakatuwid, ang bawa’t yugto ng gawaing ito ay napaka-makahulugan; walang-pasubaling hindi gagawa ang Diyos ng isang bagay na walang kahulugan o halaga. Sa isang banda, itong yugto ng gawain ay binubuo ng paglulunsad ng isang kapanahunan at pagtatapos ng nakalipas na dalawang kapanahunan; sa kabilang banda binubuo ito ng pagwawasak sa lahat ng mga pagkaintindi ng tao at lahat ng mga lumang paraan ng paniniwala ng tao at kaalaman. Ang gawain ng nakaraang dalawang kapanahunan ay isinakatuparan ayon sa iba’t ibang mga pagkaintindi ng tao; ang yugtong ito, gayunpaman, ay ganap na nag-aalis sa mga pagkaintindi ng tao, at sa gayon ay lubos na nilulupig ang sangkatauhan. Sa pamamagitan ng paglupig sa mga inápó ni Moab at sa pamamagitan ng gawaing isinakatuparan sa gitna ng mga inápó ni Moab, lulupigin ng Diyos ang buong sangkatauhan sa buong sansinukob. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan nitong yugto ng Kanyang gawain, at ito ang pinakamahalagang aspeto ng yugtong ito ng Kanyang gawain. Kahit na alam mo na ngayon na ang iyong sariling katayuan ay mababa at ikaw ay may mababang halaga, mararamdaman mo pa rin na nakatagpo mo na ang pinaka-masayang bagay: Nakakamana ka ng isang malaking pagpapala, nagtatamo ng isang dakilang pangako, at natatapos mo ang dakilang gawaing ito ng Diyos, at nakikita mo ang tunay na mukha ng Diyos, nalalaman ang likas na disposisyon ng Diyos, at nagagawa ang kalooban ng Diyos. Ang nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay isinakatuparan sa Israel. Kung sa gitna pa rin ng mga Israelita isinakatuparan ang yugtong ito ng Kanyang gawain sa panahon ng mga huling araw, hindi lamang maniniwala ang buong sangnilikha na ang mga Israelita lamang ang piniling bayan ng Diyos, kundi hindi rin makakamit ng buong planong pamamahala ng Diyos ang ninanais nitong epekto. Sa panahon kung kailan ang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan sa Israel, walang bagong gawain ang kailanma’y naisakatuparan at wala kailanmang gawain ng Diyos na paglulunsad-ng-kapanahunan ang naisakatuparan sa mga bansang Gentil. Itong yugto ng gawaing paglulunsad-ng-kapanahunan ay unang isinasakatuparan sa mga bansang Gentil, at dagdag pa rito, una itong isinasakatuparan sa gitna ng mga inápó ni Moab; nailulunsad nito ang buong kapanahunan. Nawawasak ng Diyos ang anumang kaalamang nakapaloob sa mga pagkaintindi ng tao at hindi napapahintulutan ang anuman sa mga ito na patuloy na umiral. Nawawasak Niya ang mga pagkaintindi ng tao sa Kanyang gawaing panlulupig, yaong mga luma, mga sinaunang paraan ng kaalaman ng tao. Hinahayaan Niya ang mga tao na makita na walang mga patakaran sa Diyos, na walang anuman ang luma tungkol sa Diyos, na ganap na napalaya ang gawain na ginagawa Niya, ganap na malaya, na tama Siya sa anumang bagay na ginagawa Niya. Dapat ganap mong ipasakop ang iyong sarili sa anumang gawain na ginagawa Niya sa gitna ng sangnilikha. Anumang gawain na ginagawa Niya ay makahulugan at ginagawa ayon sa Kanyang sariling kagustuhan at karunungan at hindi ayon sa mga pagpipili at pagkaintindi ng tao. Ginagawa Niya yaong mga bagay na kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain; kung hindi kapaki-pakinabang ang isang bagay sa Kanyang gawain hindi Niya ito gagawin, kahit gaano man ito kabuti! Gumagawa Siya at pinipili ang tagatanggap at lugar para sa Kanyang gawain nang ayon sa kahulugan at layunin ng Kanyang gawain. Hindi siya kumakapit sa mga nakaraang patakaran, ni sinusunod panalanginNiya ang mga lumang pamamaraan; sa halip, pinaplano Niya ang Kanyang gawain nang ayon sa kabuluhan ng gawain; sa katapusan gusto Niyang maabot ang tunay na epekto nitKristoo at ang inaasahang layunin nito. Kung hindi mo nauunawan ang mga bagay na ito ngayon, walang makakamit na anumang epekto ang gawaing ito sa iyo.