Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949,
hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa
relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at
pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong
nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng
Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay
na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga
taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga
patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han"
ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming
gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga
bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong
pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang
pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga
Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga
Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at
denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos
at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa
tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng
pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay
pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na
nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay
pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng
pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong
panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa
garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at
karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito
ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong
pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na
bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at
damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang
pananampalataya.
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan