Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at
ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang
Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may
kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang
Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat
ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng
Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang
magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang
Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang
tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi
ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng
nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng
isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa
paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu;
anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat
Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol
sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na
ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang
Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain."
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?