♪.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*💯🎻*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng
kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa
pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa
masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na
ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila
at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba
Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang,
humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong
salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao
ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba.
Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang
nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa
Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan
pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng
isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang
nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita
na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na
iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?