✿~ ✿ ☆。๐๐๐๐๐๐๐๐。☆ ✿ ~✿
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay
nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng
dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay
hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay
ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa
isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang
ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na
nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong
nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo
ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang
tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang
matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi
maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na
esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang
pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo
ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng
Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang
isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang
kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng
Kanyang pangunguna."