<*><*><*><*><*>๐๐๐๐๐<*><*><*><*><*><*>
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito
sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit
na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi
lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang
hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng
mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga
panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito
na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa
Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki
ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang
suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos.
Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang
maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay
gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang
lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito
ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang
mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa
proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang
ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa
mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano
ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging
makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang
pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang
paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang
hindi Niya kailanman ginawa noong una."
Rekomendasyon: ๐๐๐๐
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw