Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng
Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya
ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung
saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa
lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay
matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu
Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay
nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang
mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang
sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay
nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito.
Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at
nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng
Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni
Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi
mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng
bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang
mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si
Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na
iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos