Sagot:
Alam ng mga taong naniniwala sa Panginoon na talagang kinapopootan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo at isinumpa sila at nagsambit ng pitong aba sa kanila. Napakamakabuluhan nito na hayaan ang mga mananampalataya sa Panginoon na mawari ang mga hipokritong Fariseo, makawala sa kanilang pagkaalipin at kontrol at makamit ang kaligtasan ng Diyos. Gayun pa man, nakakahiya ito. Maraming mananampalataya ang hindi nakakawari ng diwa ng pagkahipokrito ng mga Fariseo. Hindi nga nila maintindihan kung bakit kinapootan at isinumpa ng todo ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo. Bahagya nating pag-uusapan ngayon ang tungol sa mga problemang ito. Madalas na ipinapaliwanag ng mga Fariseo sa iba ang Biblia sa sinagoga. Madalas na nagdadasal sila sa harapan ng iba at ginagamit ang mga patakaran ng Biblia para batikusin ang mga tao. Sa mga tagalabas na nagmamasid, mukha silang mga magagalang na tagasunod ng Biblia. Kung gayon, bakit sila kinapopootan at isinusumpa ng todo ng Panginoon? Sa totoo, ang pangunahing dahilan ay sa diwa, mga hipokrito sila na tumututol sa Diyos. May pakialam lang ang mga Fariseo sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya at pagsunod sa mga patakaran; ipinaliwanag lang nila ang mga patakaran at doktrina sa Biblia at hindi kailanman ipinaniig ang kalooban ng Diyos sa sinuman, ni hindi sila nakatuon sa pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos o pagsunod sa mga utos ng Diyos. Sa katunayan, binalewala nila ang mga utos ng Diyos. Ang lahat ng bagay na kanilang ginawa ay lubos na sumasalungat sa kalooban at kagustuhan ng Diyos. Ito ang diwa ng pagkahipokrito ng mga Fariseo. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit kinapootan at isinumpa sila ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoong Jesus tulad nang inilantad Niya ang mga ito, “Bakit naman kayo’y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali’t-saling sabi? Sapagka’t sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala. Datapuwa’t sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios: Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali’t-saling sabi. Oo nga. Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao” (Mateo 15:3-9). Ngayon na inilantad ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, malinaw nating nakikita na kahit na madalas na ipinapaliwanag ng mga Fariseo sa iba ang Biblia sa sinagoga, hindi nila iginagalang o dinadakila ang Diyos sa anumang paraan. Hindi nila sinunod ang mga utos ng Diyos, at pinalitan pa ang mga utos ng Diyos ng mga tradisyon ng mga tao; nakalimutan nila ang tungkol sa mga utos ng Diyos. Hayagan nilang sinasalungat ang Diyos. Hindi ba’t ito’y hindi mapapasinungalingang ebidensiya kung paano naglingkod ang mga Fariseo sa Diyos subalit tinutulan din Siya? Paano sana nila maiiwasan na makamit ang mga sumpa at pagkapoot ng Diyos? Malinaw na ipinahayag ng mga utos ng Diyos, “Huwag kang papatay.” “Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.” Ngunit binalewala ng mga Fariseo ang mga utos ng Diyos. Hayagan silang nagbintang at nambatikos at pumatay ng mga propeta at mga taong matutuwid na ipinadala ng Diyos; direkta nilang tinutulan ang Diyos. Samakatuwid, binatikos at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, sinasabi, “Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa” (Mateo 23:33-35). Panatikong tinutulan ng mga Fariseo ang Diyos at pinatay ang mga propeta at matutuwid na tao na Kanyang ipinadala. Sinubukan nilang wasakin ang gawain ng Diyos at hadlangan ang pagsasagawa ng Kanyang kalooban. Lubha nilang ginalit ang disposisyon ng Diyos. Paano Niya sila hindi isusumpa?! Katotohanan ang lahat ng ginawa ng mga Fariseo, hindi ba? Hindi ba natin nakikita ang hipokritong diwa at pagkilos ng mga Fariseo?
Mukhang magalang sa panlabas ang mga Fariseo, ngunit traydor at tuso ang kanilang diwa; partikular na bihasa sila sa pagpapanggap at panlilinlang ng iba. Kung hindi inilantad ng Panginoong Jesus ang lahat ng kanilang masasamang gawain, kasama na ang kanilang pagkakanulo at pagtalikod sa mga utos ng Diyos, hindi natin makikita ang diwa ng pagkahipokrito ng mga Fariseo. Tignan nating muli ang pagkakalantad at pambabatikos ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo. “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. Oo nga. Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!” (Mateo 23:23-24). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28). Nagpapanggap ang mga Fariseo na napakagalang sa harapan ng iba. Sinasadya nilang manalangin sa sinagoga at sa mga kanto ng mga lansangan. Kapag nag-ayuno sila, sinasadya nilang magkaroon ng malungkot na pagpapahayag sa kanilang mga mukha. Isinulat nila ang mga banal na kasulatan sa palawit ng kanilang mga kasuotan. Kapag nagkawanggawa sila, sinisiguro nila na ang ibang tao ay nakita silang gawin ito. Siniguro nila na hindi nila nakalimutang magbayad ng kanilang mga ikapu ng yerbabuena, komino at anis. Sinunod pa nila ang maraming mga makalumang patakaran tulad ng, “Huwag kakain maliban kung hinugasan mong mabuti ang iyong mga kamay” atbp. Mahusay na inaatupag ng mga Fariseo ang maraming maliliit na detalye. Gayun pa man, hindi nila sinunod ang mga hinihingi ng batas ng Diyos, hal. ang mahalin ang Diyos, mahalin ang iba, maging matuwid, maawain, at matapat. Hindi nila sinunod ang mga utos ng Diyos sa anumang paraan. Tinalakay lang nila ang tungkol sa kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya. Isinagawa lang nila ang mga relihiyosong seremonyas at sinunod ang mga patakaran. Iyon ang taas ng kanilang pagkahipokrito at ang paraan na nalinlang nila ang iba. Malinaw na ipinapakita ng kanilang pagkilos sa atin na ang lahat ng bagay na ginawa ng mga Fariseo ay bahagi ng kanilang tangkang panlinlang at pagpigil sa iba. Hinahangad lang nilang maitatag ang kanilang mga sarili para mapuri sila. May pakialam lang sila sa pangangasiwa at pagpapatibay ng kanilang sariling posisyon at ikinabubuhay. Naglakbay sila sa maling landas ng pagkahipokrito at pagtutol sa Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit ang kanilang pagtutol sa Diyos ay naging sanhi na isumpa sila ng Diyos.
Hindi mahal ng mga Fariseo ang katotohanan. Hindi sila kailanman nagtuon sa pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos o sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Nagtuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya at naglakad sa landas ng pagtutol sa Diyos. Samakatuwid, nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa at mangaral, ang kanilang mala-satanas na katangian ng pagkahipokrito at pagkontra laban sa Diyos ay lubusang inilantad ng Diyos. Oo nga. Alam na alam ng mga Fariseo na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Hindi lang sa hindi nila hinanap ang diwa at pinagmulan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, ngunit malisyoso pa nilang inatake at siniraan ang Panginoong Jesus; sinabi nila na nagpapalayas ang Panginoong Jesus ng mga demonyo sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonyo; binansagan nila ang gawain ng Panginoong Jesus, na puno ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, bilang kabaliwan. Nagkasala sila ng kalapastanganan laban sa Banal na Espiritu at lubhang sinaktan ang disposisyon ng Diyos. Sinaktan nila ang disposisyon ng Diyos. Hindi lang nilapastangan at binatikos ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus, ngunit inudyukan at nilinlang nila ang mga mananampalataya para tumutol at batikusin ang Panginoong Jesus. Winala nila ang kaligtasan sa Panginoon ng mga matapat at ginawang kanilang mga panlibing na bagay at mga biktima. Samakatuwid, nang binatikos at isinumpa sila ng Panginoong Jesus, sinabi Niya. “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili” (Mateo 23:15). Nakakasama ito. Samakatuwid, nakikita natin na ang mga Fariseo ay mga hipokrito na tumutol at nakagawa ng kalapastanganan laban sa Diyos, mga anticristo na tumayo bilang mga kalaban ng Diyos. Masasamang grupo sila na nilamon ang mga kaluluwa ng mga tao at inakit sila sa impierno. Tama talaga. Samakatuwid, tinuligsa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo gamit ang “Pitong Aba” dahil sa kanilang masamang pagkilos. Lubusang ipinapakita nito ang pagkabanal at pagkamatuwid ng disposisyon ng Diyos na kung saan hindi maaaring masaktan.
Nakakuha tayo ngayon ng pagkawari tungkol sa hipokritong katangian ng mga Fariseo. Tignan natin ngayon ang makabagong mga pastor at elder. Ipinapaliwanag lang nila ang kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya. Nagsasagawa lang sila ng mga relihiyosong seremonya at sinusunod ang mga patakaran. Hindi talaga nila isinasabuhay ang mga salita ng Diyos, ni hindi nila isinasagawa ang Kanyang mga utos. Tulad sila ng mga Fariseo, dumadaan sa landas kung saan naglilingkod sila ngunit tinututulan din ang Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus, “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39). Iyong mga mahal ang Diyos ay dapat isabuhay ang Kanyang mga salita at dapat laging nasa isip ang Kanyang kalooban. Dapat silang maging responsible sa mga buhay ng kanilang mga kapatid. Hinaharap ngayon ng mga pastor at elder ang mga mapanglaw na iglesia at nababawasan ang pananalig at pagmamahal ng mga mananampalataya. Hindi nila hinahanap ang buhay na tubig ng buhay para sa mga mananampalataya. Kapag dumarating ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan at bigyan ng buhay ang mga tao, tinatanggihan nila ito; hindi nila ito pinag-aaralan o tinatanggap. Patuloy nilang tinututulan at binabatikos ito habang hinahadlangan ang mga mananampalataya sa paghahanap sa tunay na daan. Hindi nila hinahayaang makontak ng mga mananampalataya ang mga taong mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ni hindi nila hinahayaan silang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang masama pa nito, isinusumpa nila o inaatake ang ating mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Kanyang kaharian. Maaari pa nilang tawagin ang pulis at ipaaresto sila. Hindi ba sila gumagawa ng masama at tinututulan ang Diyos sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa? Paanong naiiba ang kanilang ginagawa mula sa paraan ng mga Fariseo sa pagtutol at pagbatikos sa Panginoong Jesus? Para protektahan ang kanilang mga posisyon at kabuhayan, ang mga pastor at elder ay hinahadlangan ang mga mananampalataya sa pagtanggap sa kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw. Hindi ba’t kinakaladkad nila ang mga tao sa impierno? Hindi ba sila iyong mga masamang lingkod na binabanggit ng Panginoong Jesus? Hindi ba sila iyong mga makabagong Fariseo?
Talagang mga hindi tunay na mananampalataya o tagalingkod ng Diyos ang mga pastor at elder. Patuloy nilang ipinagkakanulo ang mga salita ng Diyos, tinalikuran ang Kanyang mga utos at kanilang ginagawa Siyang kaaway. Sinabi ng Panginoong Jesus na tanging iyong gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit ang papayagan sa Kanyang kaharian. Gayun pa man, sinasabi ng mga pastor at elder na dahil ang mga tao ay binigyang-katuwiran sa pamamagitan ng pananalig at naligtas sa pamamagitan ng biyaya, makakapasok sila sa kaharian ng langit. Hindi ba nila ipinagkakanulo ang mga salita ng Panginoon at nagsasalita nang may direktang pananalansang sa Kanya? Hinihingi ng Panginoong Jesus na “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi” (Mateo 5:37). Gayun pa man, nagkakalat ng mga kasinungalingan ang mga pastor at elder, binabatikos at nilalapastangan ang Makapangyarihang Diyos. Sumasaksi sila ng mali at sinisira ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap” (Juan 13:20). Hindi hinahayaan ng mga pastor at elder ang mga mananampalataya na tumanggap ng mga kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Titiwalagin sa iglesia ang sinumang tumanggap sa kanila. Hinihingi sa mga tao ng Panginoong Jesus na maging matatalinong birhen, makinig sa tinig ng kasintahang lalake at pumunta’t batiin Siya. Gayun pa man, sa tuwing naririnig ng mga pastor at elder ang isang tao na sumasaksi sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, hinahatulan nila at binabatikos ito nang hindi man lang ito sinisiyasat. Hindi ko talaga alam kung anong pangungusap sa mga salita ng Panginoon ang isinasabuhay ng mga pastor at elder. Kung naniniwala talaga sa Diyos ang mga pastor at elder, kung may katiting man lang silang pagkatakot sa Diyos, hindi nila ikakalat ang mga ganitong uri ng kasinungalingan, ni hindi nila panatikong babatikusin at tututulan ang Makapangyarihang Diyos. Ito ang katotohanan. Mga makabagong Fariseo ang mga pastor at elder. Talagang tama ito!
mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay
Madalas ipaliwanag ng mga Fariseo noon ang Kasulatan, at ipagdasal ang mga nananalig sa mga sinagoga. Di ba’t nagmukha rin silang makadiyos sa mga tao? Kung gano’n, ba’t sila sinumpa at inilantad ng Panginoong Jesus, at sinabing sa aba ng mga ipokritong Fariseo? May nagawa kayang mali ang Panginoong Jesus sa kanila? Hindi ba naniniwala ang mga taong ang salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan? Nagsususpetsa pa rin ba ang mga tao na mali ang ginawa ng Panginoong Jesus? ‘Di matutukoy kung ang mga pastor at elder ay mga ipokritong Fariseo at anticristo o hindi sa pagtingin lang sa pagtrato nila sa mga tao. Ang mahalaga ay tingnan kung papa’no nila tinatrato ang Panginoon at ang katotohanan. Sa panlabas, mukha silang mapagmahal sa mga nananalig, pero mahal ba nila ang Panginoon? Kung mapagmahal sila sa mga tao pero nababagot at galit sila sa Panginoon at sa katotohanan, at tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, di ba mga ipokritong Fariseo sila? ‘Di ba mga antikristo sila? Mukhang nangangaral at nagpapakahirap nga sila, pero kung para lang sila maputunganat magantimpalaan, ibig bang sabihin sumusunod at tapat sila sa Panginoon? Para makilala kung ipokrito ang tao, kailangan lang alamin ang laman ng puso nila, at ang mga intensyon nila. Yan ang pinakamahalagang bagay sa pagkilala. Sinusuri ng Diyos ang puso ng tao. Kaya para malaman kung talagang iniibig ng tao ang Panginoon, dapat tingnan kung isinasabuhay at sinusunod nila ang Kanyang salita, at umaayon sa mga utos Niya. Alamin din kung pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoong Jesus, at kung sinusunod nila ang kalooban ng Diyos. Nakikita nating madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang mga Kasulatan sa mga tao sa mga sinagoga, nanangan sila sa mga panuntunan ng Biblia para sa lahat, at mapagmahal din sila sa mga tao. Pero ang totoo, lahat ng ginawa nila ay hindi pagsunod sa salita ng Diyos o pag-ayon sa mga utos ng Diyos, o puro pakitang-tao lang. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus nang ilantad Niya sila: “Ngunit ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa para makita ng mga tao: sapagka’t pinapalapad nila ang lalagyan ng talata sa kanilang noo’t braso, at hinahabaan ang mga laylayan ng kanilang mga damit” (Mateo 23:5). Sadya pa silang tumayo sa mga sinagoga para umusal ng mahahabang panalangin. Sa oras ng pag-aayuno sadya nilang pinalungkot ang kanilang mukha, para masabi ng mga tao’ng nag-aayuno sila. Bukod do’n, sadya rin silang gumawa ng mabuti sa mga lansangan para makita ‘yon ng lahat. Patuloy din silang naniwala sa mga sinaunang tradisyon at ritwal ng relihiyon tulad ng “huwag kumain nang ‘di naghuhugas ng kamay.” Para linlangin ang tao sa pagsuporta at pagsamba sa kanila, pinalalaki ng mga Fariseo ang maliliit na bagay para pagtakpan ang sarili nila, at hinikayat lang nila ang mga tao na sumali sa mga pagsamba, pag-awit, at pagpupuri o ituloy ang ilang tradisyon ng mga ninuno, pero hindi nila hinikayat ang mga tao na isabuhay ang salita ng Diyos, at umayon sa mga utos ng Diyos. ‘Di nila hinihikayat ang mga tao’ng ipamuhay ang katotohanan at sundin ang Diyos. Ang ginawa lang nila ay gumawa ng panlabas na bagay para lituhin at linlangin ang mga nananalig. Nang pumarito ang Panginoong Jesus para mangaral, para protektahan ang katayuan at kabuhayan nila, ang mga Fariseo’ng nagkunwaring maka-Diyos, ay tumalikod sa utos ng Diyos, sa balatkayo ng “pagtatanggol ang Biblia.” Nag-imbento sila ng mga tsismis, nagsinungaling, at galit na tinuligsa ang Panginoong Jesus, hinadlangan nila ang mga nananalig sa Kanya. Nakipagsabwatan pa sila sa mga may kapangyarihan para ipako ang Panginoong Jesus sa krus. Ayon dito, lubos na nalantad ang likas na pagkaipokrito at pagkamuhi ng mga Fariseo sa katotohanan. Sa gayo’y lubos na nabunyag ang kanilang pagiging anticristo. Ipinapakita lang niyan na ang mga Fariseo ay ipokrito, traidor, mapanlinlang, at masama ang hangarin. Mga huwad silang pastol na tumalikod sa daan ng Diyos at nanlinlang sa mga tao. Ikinulong nila ang mga nananalig, kinokontrol ang mga relihiyon para kontrahin ang Diyos, tinatanggihan, tinutuligsa at kinamumuhian ang Cristong nagkatawang-tao. Puuweba ‘yan na mga anticristo silang gustong magtayo ng sariling kaharian.
Ngayon, malinaw nating nakikita ang pagiging ipokrito ng mga Fariseo, pag ikinukumpara natin sila sa mga pastor ngayon, di ba natin matutuklasang katulad lang sila ng mga Fariseo mga taong hindi ipinamumuhay ang salita ng Panginoon? ‘Di rin nila Siya pinupuri at pinatototohanan. Mga tao lang silang pikit-matang nananalig, sumasamba, at nagpupuri sa Biblia. Patuloy lang silang naniniwala sa mga ritwal, gaya ng pagsamba, pagkain ng tinapay, pangongomunyon, at iba pa. Kinakausap lang nila ang mga tao tungkol sa pagiging matiisin, maka-Diyos, at mapagmahal, pero ‘di nila taos na minamahal ang Diyos, at bukod diyan, hindi nila sinusunod ang Diyos at ni hindi sila natatakot sa Kanya. Nakatuon lang ang gawain nila at pangangaral sa pagpapaliwanag ng kaalaman nila sa Biblia. Pero yung pagsasabuhay sa salita ng Panginoon, pa’no umayon sa mga utos Niya, at patotohanan ang mga salita Niya, pa’no dapat sundin ang kalooban ng Ama sa langit, pa’no tunay na mahalin, sundin, at sambahin ang Diyos, at lahat ng iba’t ibang bagay na hinihingi ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan, di nila hinahanap, sinisiyasat, at inuunawa ang mga intensyon ng Panginoon, at di nila hinihikayat ang mga tao na sumunod. Kaya sila lumilibot at nangangaral ng tungkol sa Biblia at teolohiya ay para magpasikat, magpalakas, tingalain at sambahin ng mga tao. Kaya nga nang dumating ang Makapangyarihang Diyos para isagawa ang paghatol Niya, para manatiling makapangyarihan sa mga relihiyoso ang mga pastor at elder, at sa ambisyon nilang lumikha ng sarili nilang kaharian, nilabag nila’ng salita ng Panginoong Jesus! Nag-iimbento sila ng mga tsismis, inaatake at nilalapastangan ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila’ng lahat para hadlangan ang mga naghahanap sa tunay na daan. Halimbawa, tinuruan ng Panginoong Jesus ang tao’ng maging matalinong birhen: Pag naririnig ng tao ang “Narito, ang kasintahang lalake,” dapat niya Siyang salubungin. Pero nang mabalitaan ng mga pastor ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, hinarangan nila’ng iglesia at pinigil ang mga naghahanap sa tunay na daan! Sinabi Niyang, “Ibigin niyo ang kapwa niyo gaya ng inyong sarili.” Pero binuyo nila’ng mga nananalig para siraan ang mga nagpapatotoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Inutos ng Panginoong Jesus na huwag magsinungaling, huwag magparatang, pero nag-imbento pa rin ang mga pastor ng mga paninira sa Makapangyarihang Diyos, at nakipagsabwatan pa sa demonyong CCP para kalabanin at tuligsain ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula rito, makikita natin na anumang sinabi at ginawa ng mga pastor at elder ay labag sa mga turo ng Panginoon. Katulad lang sila ng mga ipokritong Fariseo. Lahat sila, bulag na nanghihikayat, kumakalaban sa Diyos at nanlilinlang!
Hayaan niyong basahin ko ang isang sipi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa” (“Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mukhang mapagkumbaba, mapagpasensya at mapagmahal ang mga pastor at elder na ‘to, pero puno ng kataksilan, panlilinlang at kasamaan ang puso nila. Sa pagkukunwaring “ipagtanggol ang tunay na daan, protektahan ang kawan,” kinakalaban nila’ng Makapangyarihang Diyos at pinaplanong kontrolin ang mga nananalig para makamit ang mithiin nilang manatiling makapangyarihan sa iba’t ibang relihiyon at magtayo ng sariling kaharian. Ang ipokritong mga Fariseong ito na galit sa katotohanan at sa Diyos ang mismong grupo ng matitigas ang ulong anticristo na kumokontra sa Diyos na inilantad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. lahat ng tunay na nananalig sa Diyos, dapat matuto kung pa’no matutukoy ang kanilang pagkaipokrito, likas na pagkademonyo at anticristo. Wag na kayong magpalinlang, magpalito, magpakulong at magpakontrol sa kanila. Hanapin niyo’ng tunay na daan at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at magbalik sa harap ng luklukan ng Diyos.