🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹✨🌹🌹
Mga Tauhan:
Zheng Yi:
Isang Kristiyanong Chinese. Nang magtrabaho siya sa Amerika, siniyasat
niya ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet at tinanggap ang
gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang
tatlong taon, nagbalik siya sa China, at itinuro ang ebanghelyo ng
kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa kapatid niyang si Zheng Rui.
Zheng Weiguo:
Ama ni Zheng Yi, ang pastor ng isang United Front Work Department ng
bayan sa China. Ginawa niya ang red re-education ng kanyang mga anak sa
bahay, matinding kinontra ang pananalig nila sa Makapangyarihang Diyos
at sinubukang pigilin ito.
Zheng Weiguo: Xiaoyi,
Xiaorui, hindi pa rin yata n'yo nauunawaan ang patakaran ng estado. Kung
ang alam mo lang ay ang nakalaan sa kalayaan sa pananalig sa
konstitusyon, ibig bang sabihin ay nauunawaan mo ang Communist Party?
Napakaraming taon ko nang nagtatrabaho sa United Front. Malinaw na sa
'kin 'yon. Ang pinaka-ayaw ng CCP sa lahat ay ang pagpapakita ng Diyos
at ang Kanyang gawain. Matagal nang isinumpa ng gobyerno ang
Kristiyanismo bilang kulto, at ang Biblia bilang aklat ng kulto, at
napakarami nang kopya nito ang sinunog. Determinado ang gobyernong CCP
na lubos na ipagbawal ang lahat ng bahay-iglesia. Nang manalig ka kay
Jesus noong araw, tinutulan ko 'yon. At ngayo'y nananalig ka na sa
Makapangyarihang Diyos, talagang hindi ko ito papayagan! Alam mo ba kung
tungkol saan ang Makapangyarihang Diyos? Pinatototohanan nila na ang
Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagpapakita para gumawa,
ang pagpapakita ni Cristong Tagapagligtas sa mga huling araw na
nagpahayag pa sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ng
mahigit sa isang milyong salita. Kapag kumalat ito, hindi mailalarawan
ang ibubunga nito! Ang Communist Party at si Cristong Tagapagligtas ay
mortal na magkaaway. Hindi ba titigil ang CCP sa panunupil at pag-aresto
sa mga Kristiyanong 'yon? Alam mo ba? Matagal nang itinakda ng CCP ang
mga taong nananalig sa Kidlat ng Silanganan bilang pinaka-wanted na
kriminal sa estado. Sinuman ang sunggaban nila ay walang awang
parurusahan. Ni walang sinumang makapagpiyansa para makalaya sila. Hindi
biro 'yan! Para sabihin ko sa 'yo ang totoo, para lubos na mapuksa ang
Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa mga taon na ito, nagpalabas ng
maraming lihim na dokumento ang Central Government, at paulit-ulit na
sinupil at tinugis ang Kidlat ng Silanganan. Buong maghapon din kaming
nagdaraos ng mga pulong para pag-aralan kung paano supilin at ipagbawal
ang Kidlat ng Silanganan. Patungkol naman sa Kidlat ng Silanganan,
napakalinaw ng saloobin ng pamunuang sentral, ang, "Hindi paaatrasin ang
mga kawal hangga't walang pagbabawal." Samakatwid, talagang
pinagbabawalan kitang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Narinig mo ba?
Zheng Yi:
Pa, dahil alam n'yo na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang
pagbalik ng Panginoong Jesus at ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa
mga huling araw para ipangaral at patotohanan ang lahat ng katotohanang
ipinahayag ng Tagapagligtas para sa kaligtasan ng sangkatauhan,
siguradong alam n'yo kung gaano kahirap para sa gobyernong CCP na
supilin, arestuhin at hatulan ang Kidlat ng Silanganan nang gayon.
Napakalaking kasalanan ang kalabanin ang Diyos at kumilos nang masama
laban sa Langit. Matapos itong pag-aralan, nalaman ko na natupad na nang
lubusan ng Kidlat ng Silanganan ang propesiya ng Panginoong Jesus: "Sapagka't
gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa
kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo
24:27). Ang pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ay ang pagpapakita
at gawain ng Anak ng tao. Pa, Ma, hindi n'yo pa nababasa ang salitang
ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi n'yo nauunawaan kung
tungkol saan ang Kidlat ng Silanganan. Kung gusto n'yong maunawaan ang
Kidlat ng Silanganan, kailangan n'yong basahin ang salita ng
Makapangyarihang Diyos para makita kung ito ang katotohanan, ang
pagbigkas ng Espiritu ng Diyos na nagsasalita sa sangkatauhan, at ang
pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Napakahalagang
pag-aralan ang mga ito. Ngayo'y inilunsad na ng gobyernong CCP ang
nakakatakot na pakikidigma ng mga tao laban sa Kidlat ng Silanganan. Ang
Kidlat ng Silanganan lamang ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw.
Ito ay hindi isang bansa ni isang lahi. Kailangan bang ilunsad ng
gobyernong CCP itong pakikidigma ng mga tao laban sa Kidlat ng
Silanganan? Ipinahayag pa ng CCP, "Hindi paaatrasin ang mga kawal
hangga't walang pagbabawal." Ang pakikipagdigmaang ito ng CCP sa Diyos
ay nakatalagang isumpa at parusahan ng Diyos!
Zheng Rui:
Pa, tama ang kapatid ko. Kung gugunitain natin ang pagpapakita at
gawain ng Diyos sa kasaysayan, lahat ng tao, lahi o bansang iyon na
kumalaban sa Diyos ay isinumpa at pinuksa ng Diyos. Halimbawa, tatlong
libong taon na ang nakararaan, pinatay ang Faraon ng Egipto dahil
pinarusahan siya sa pagkalaban sa Diyos. Matapos magpakita ang
Panginoong Jesus para gumawa, winasak ng malaking salot ng Diyos ang
Imperyong Romano dahil sa pagkalaban sa Kanya at malupit na pagpapahirap
sa Kanyang mga piling tao. Siguradong wawasakin ng malaking
kapahamakang pabababain ng Diyos ang CCP dahil sa pagkalaban kay Cristo
sa mga huling araw. Pa, maraming taon kayong nag-aral ng relihiyon,
siguradong alam n'yo ang mga bagay na ito, 'di ba? Ano ang pakiramdam
n'yo sa pagkalaban ng CCP sa Makapangyarihang Diyos?
Zheng Weiguo(Pastor
ng isang United Front Work Department ng bayan): Ang totoo, nakita na
namin sa simula pa lang naang Kidlat ng Silanganan ay hindi isang
karaniwang relihiyon.Nasaksihan nila ang pagbalik ng Panginoong Jesus,
ibig sabihin,personal nang dumating sa mundo si Cristong Tagapagligtas
sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan.Kung pinapayagan ng
gobyerno na patuloy na mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo para sa
Diyos ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,aabutin lang ng ilang taon
para tanggapin ng napakaraming tao ang Makapangyarihang Diyos. Alam mo
na ang CCP ay isang partidong ateistana galit sa pananalig sa Diyos.Ang
digmaan sa pagitan ng CCP at ng mga taong nananalig sa Diyos ay isang
digmaang ideolohikal.Mabigat na pakikibaka ito.Paano natulutan ng CCP
ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Paano nito natulutan ang pag-iral ng
iglesia?Kaya bumuo ng patakaran ang gobyernong CCP para supilin at
ipagbawal ang pananalig sa relihiyonsa pamamagitan ng pag-aalis at
pagbabawal sa lahat ng relihiyon para mangingibabaw ang ateismo sa
China.Ito lang ang paraan para magtuluy-tuloy ang paghahari ng CCP sa
China!Kaya, mula nang mapunta rito ang kapangyarihan, palagi nang
sinusupil at ipinagbabawal ng CCP ang pananalig sa relihiyon.Sa panahong
ito, napakaraming Kristiyanong naaresto at nabilanggo,kaya maraming
pamilyang Kristiyano ang nawasak. Ang ilang Kristiyano ay namatay pa sa
bilangguan.Alam naming totoo ito.Bakit parami nang parami ang mga taong
nananalig sa Diyos?Ang pangunahing dahilan ay napakabilis ng pagkalat ng
Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.Maraming tao mula sa iba't
ibang grupo ang tumanggap sa Makapangyarihang Diyos dahil nabasa nila
ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.Napakabisa ng aklat na
ito!Kumakalat ito ngayon at lumalawak sa mundo.Naging sakit ng ulo ito
sa pamunuang sentral.Hindi makakatulog ang gitnang pamunuan hangga't
hindi naipagbabawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.Xiaoyi,
Xiaorui, unawain n'yo ito,kung may tapang ang CCP na tawaging kulto ang
mga relihiyong orthodox tulad ng Kristiyanismo at Katolisismo,paano ito
magiging maluwag sa Kidlat ng Silanganan? Nitong mga huling taon,
tinawag ding kulto ng Central Government ang Kidlat ng Silangananat
naging puntirya ng pag-atake at pagbabawal. Kapag nananalig kayo sa
Kidlat ng Silanganan, hindi n'yo ba inihaharang ang dibdib n'yo sa dulo
ng baril?Katalinuhan ba 'yan o katangahan?
Mu Xinping(asawa
ni Zheng Weiguo): Xiaoyi, Xiaorui, narinig kong sinabi ito ng tatay
n'yo noong araw.Ngayong ginagawa ng CCP ang lahat para supilin at
ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,at pinakikilos din ang
media para makakuha ng maraming opinyon ng publiko sa buong pagsisikap
na tuligsain ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.May ilang Three-Self
Church pa na ipinagbawal at ang iba pang mga iglesia ay giniba.Mukhang
determinado ang CCP na alisin ang lahat ng pananalig sa
relihiyon!Narinig ko ring sinabi ng tatay n'yo na maraming
mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos ang naaresto.Layon ng CCP na
ipapatay ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos.Kung nananalig kayo
sa Makapangyarihang Diyos, aarestuhin kayo sa malao't madali.Hindi lang
n'yo sinisira ang kinabukasan n'yo, baka manganib pa ang buhay n'yo!
Xiaoyi, Xiaorui, sa bagay na ito kailangan n'yong makinig sa tatay
n'yo.Hindi kayo maaaring manalig sa Makapangyarihang Diyos! Okey?
═════❀.❋.❀══════❀.❋.❀═════❀.❋.❀═════❀.❋.❀═════
Zheng Rui(Isang
Kristiyano): Ma, Pa, alam nating lahat na mula nang mamuno ang CCP,
sinimulan na nitong usigin ang mga pananalig sa relihiyonsa pamamagitan
ng walang-habas na panunupil sa Kristiyanismo at Katolisismo, at
pag-aresto at pagpatay sa maraming Kristiyano. Sa loob ng napakaraming
taon,tumitindi ang panunupil ng CCPsa mga pananalig sa relihiyon.
Matagal na silang isinumpa ng Diyos.Tingnan n'yo ang walang-humpay na
mga kalamidad at kamalasan sa China.Ang pagkalaban ng CCP sa Diyos at
mga kilos nila laban sa Langit ang naghatid ng napakaraming kalamidad sa
mga tao sa China.Nang mamuno ang CCP, pineste na ang China ng
napakaraming kalamidad at kamalasan.Bakit hindi pinag-iisipan ng CCP ang
sarili nila? Kapag may mga kalamidad, nagpahayag pa nga ng pagsisisi sa
publiko ang sinaunang mga emperador! Di-gaanong maunlad ang CCP kumpara
sa mga sinaunang emperador! Hindi nito isinaalang-alang ang kalooban ng
Langit at ng mga tao. Bastos pa nga nitong tinawag na kulto ang
Kristiyanismo at Katolisismo. Ang pinaka-nakasusuklam ay itinuring pa ng
CCP na aklat ng kulto ang Banal na Biblia. Bakit itinuturing ng CCP na
masama ang Diyos, ang salita at ang gawain ng Diyos? Ipinapakita lang
nito na napakasama ng CCP!
Zheng Yi(Isang
Kristiyano): Tama 'yan! Pa, Ma,Matagal ko nang narinig na ang nagtatag
ng Communist Party ay ang Satanistang si Karl Marx.Satanismo ang
pinakamasamang kulto. Bakit napakasama ng CCP? Direkta ang kaugnayan
nito sa pananalig at pagsamba ng mga komunista kay Marx.Ang CCP ay isang
grupo ng mga demonyong ateista na hayagang lumalaban sa Diyos! Ano ang
batayan nito sa paghatol sa relihiyong orthodox? Ano ang batayan nito sa
pagtawag sa Banal na Biblia na aklat ng kulto? Ano ang batayan nito sa
pagtawag na kulto sa Kidlat ng Silanganan? Batay ba ito sa ateismo ng
Marxist-Leninist at sa Communist Manifesto? Bakit galit na galit na
tinutuligsa ng CCP ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Bakit ito
naglulunsad ng napakatindingpalakad na hanapin-at-arestuhin laban kay
Cristo sa mga huling araw at sa Kanyang mga alagad?Bakit pa rin ito
nangangampanya sa media para maglabas ng mga tsismis, paninirang-puri at
paghatol sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos?
Nagpapakamatay ba ito? Hinuhukay nila ang sarili nilang libingan sa
pagkabalan sa Diyos. Nakasaad sa Biblia na totoo ito. Nang marinig ni
Haring Herodes ang tungkol sa pagsilang ng Hari ng Israel sa
Betlehem,iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa bayan na
wala pang dalawang taon.Hindi niya papayagan kailanman na maghari si
Cristo sa lupa. Kaya pala walang-awang sinusupil at ipinagbabawal ng CCP
ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pinaghahanap si Cristo at
nililipol ang lahat ng Kanyang alagaday dahil takot na takot din ito na
si Cristo ang maghari sa lupa,takot na takot na tanggapin ng
sangkatauhan ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Pa,
wala ba talagang ideya ang Communist Party na ang gawain ng pagpapakita
ni Cristo ay ang gawain ng Espiritu ng Diyosat ang pagdating ng Lumikha
sa mundo para iligtas ang sangkatauhan? Alam ba ng CCP kung ano ang
kinakalaban nila? Pakiramdam ba nila hindi pa sapat ang laki ng mga
kalamidad sa China?Hindi ba inilalagay ng CCP sa panganib ang bansa at
ang mga mamamayan nito sa pagkalaban nila sa Diyos nang ganito?
Zheng Weiguo:
Xiaoyi, bakit tinatawag na kulto ng CCP ang Kristiyanismo? Bakit
tinatawag ng CCP na aklat ng kulto ang Biblia? Dapat mong malinawan
'yan.Nangangaral at nagpapatotoo ang Biblia tungkol sa pagpapakita at
gawain ng Diyos.Sa loob ng libu-libong taon,dahil sa mga impluwensya ng
Biblia, dumami nang dumami ang mga taong nananalig sa Diyos.Basta't
nariyan ang Kristiyanismo at ang Biblia,tiyak na hindi makakapanaig ang
ateismong Marxist-Leninist at ebolusyonismo.Kaya nga ang tingin ng CCP
sa Kristiyanismo ay mga puwersa ng kaaway.Natural na tatawagin nitong
aklat ng kulto ang Biblia.Ang patotoo, lalo na, ng Kidlat ng Silanganan
na nagbalik na ang Panginoong Jesusang higit na kinatatakutan ng CCP.Ang
CCP at si Cristong Tagapagligtas ay mortal na magkaaway. Hindi ba nito
magagawa ang lahat para supilin ang mga pananalig sa relihiyon at
ipagbawal ang mga bahay-iglesia? Ang madalas na mga pulong ng Central
Committee at pagpapalabas ng lihim na mga dokumentoay nagpapatunay na
ang mabilis na pag-unlad ng mga pananalig sa relihiyon ay nagdala ng
krisis ng pamamahala sa Communist Party. Inulit-ulit ng Central
Committee lalo nana ang mga miyembro ng CCP at ang mga opisyal ng estado
ay talagang pinagbawalang manalig saDiyos.Huwag n'yong kalimutan ang
edukasyon ng CCP:Ang mga anak ng mga miyembro ng CCP ay kailangang
manalig sa Marxism-Leninism at sa Ideya ni Mao Tse-tung. Ipinagbabawal
talaga ang pananalig sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay kataksilan sa
CCP! Kailangang sundin ng mga anak ng mga miyembro ng CCP ang Party,
sundan ang Party at laging makibilang sa CCP! Alam mo ba?Simula nang
ipangaral at patotohanan ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
ayon sa ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, naging lubos na alerto ang
CCP, sa takot na kumalat ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
sa buong mundo. Kaya ginawa ng gobyerno ang lahat para supilin at
arestuhin ang Kidlat ng Silanganan,na nakatuon sa lubos na pagbabawal sa
Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano man ang sabihin n'yo, ang CCP na
ngayon ang may kapangyarihan. Hangga't may Communist Party, hind kayo
maaaring manalig sa Diyos. Ang totoo, hindi ako sang-ayon sa
pagpapahirap ng CCP sa mga pananalig sa relihiyon,pero wala akong
magagawa. Miyembro ako ng Communist Party na ang kabuhayan ay nagmumula
sa CCP. Kailangan kong sundin ang Party. Kung hindi ako opisyal ng CCP,
ano ang ikabubuhay ng pamilya natin? Hindi ba lahat ng tinatamasa natin
ngayon ay nagmumula sa CCP? Huwag n'yong kalilimutan 'yan.
Zheng Yi(Isang
Kristiyano): Pa, sa sinabi n'yo ngayon,parang nauunawaan n'yo ang lahat
ng ginagawa ng CCP. Pero naniniwala ba kayo sa parusa? Kung susundan
n'yo ang halimbawa ng CCP sa paggawa ng kasamaan at ipapahamak n'yo ang
mga nananalig sa Diyos, nagkakasala kayo nang malakina siguradong
tatanggap ng mga parusa. Pa, ang CCP ay isang partidong ateista, isang
makademonyong rehimen laban sa Diyos. Hindi nito kinilala kailanman na
mayroong Diyos. Ano ang mga katangian nito para magdesisyon kung aling
iglesia ang tunay na daan o isang kulto? Lahat ng bagay sa langit at
lupa pati na ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos. Ang Diyos ang
Lumikha. Ang Lumikha lamang ng buong sanlibutan ang may pinakamataas na
awtoridad. Ang Diyos lamang ang katotohanan, at ang Kanyang pagpapakita
at gawain ang tunay na daan. Ang Makapangyarihang Diyos ang
pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pagpapakita ni Cristong Tagapagligtas sa
mga huling arawna pumarito para ipahayag ang katotohanan para sa
paghatol at kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi lamang ayaw kilalanin at
tanggapin ng CCP ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos,
kinakalaban at tinutuligsa pa nito ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ba
napakasama at konserbatibo ng kilos na ito? Kinalaban na ng CCP ang
Diyos at napakaraming beses na silang nagkasala. Ito ay isang
makademonyong rehimen na higit na namumuhi sa katotohanan at kumakalaban
sa Diyos. Ano pala ang isang kulto? Dapat ipaliwanag na anumang partido
o grupong pulitikal na kumakalaban at kumikilos laban sa Diyos ay isang
kulto.Anumang organisasyon ng masasamang espiritu at demonyo na
nililinlang at ginagawang tiwali ang sangkatauhan ay isang kulto.Anumang
partido o organisasyong sumusuporta sa materyalismo, ebolusyonismoat
mga kamalian laban sa katotohanang ipinahayag ng Diyos ay isang
kulto.Pa, dapat mo palang linawin kung alin ang kulto.Ang mga
ideolohikal na teorya ng CCP ay mga kamalian ng isang kulto.Lahat ng
ginagawa ng CCP ay kumakalaban at labis na konserbatibo laban sa Diyos.
Ang CCP ang talagang masama at kulto!
Zheng Rui(Isang
Kristiyano): Pa, Ma, dumating na sa mundo ang Makapangyarihang Diyos na
nagkatawang-tao sa mga huling arawpara ipahayag ang katotohanan para
linisin at iligtas ang sangkatauhan.Katulad ito ng tunay na liwanag sa
langit na tumatanglaw sa madilim na mundopara ipakita sa tao na ang
liwanag at katuwiran ay bumaba na sa lupa. Bakit galit na galit na
kinakalaban at tinutuligsa ng CCPang pagpapakita at gawain ng
Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw? Bakit nito ginawa
ang lahat para puksain si Cristo at ipagbawal ang Iglesia ng
Makapangyarihang Diyos? Kabuktutan ito talaga laban sa Langit at ayaw
nila ng pagbabago! Bakit kaya kapag mas positibo at mas makatotohanan
ang isang bagay, mas tutugisin at tutuligsain ito ng CCP, at hindi
titigil ang CCP hangga't hindi ito lubos na naipagbabawal? Hindi ba
lubhang nakakatakot ang CCP! Hindi ba tunay na masama at isang kulto ang
CCP? Pa, Ma, sinusunod ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Cristo
at pinatototohanan ang Kanyang pagpapakita at gawainat ipinapangaral ang
lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Lubos na
makatarungan ang kanilang mga kilos. Baliw na kinakalaban ng CCP ang
Diyos, at napakalupit na inaaresto at pinahihirapan ang mga sumusunod at
nagpapatotoo kay Cristo, paano ito hindi isusumpa ng Diyos? Paano ito
hindi maghahatid ng walang-katapusang mga panganib sa mga tao sa China?
Lahat ng malaking kapahamakang nangyari sa China ay may tuwirang
kaugnayan sa pagkalaban ng CCP sa Diyos. Pa, Ma, matatanggap ba n'yo ang
sinasabi namin?
Zheng Weiguo: Inaamin ko na sa
mga taon na nasa kapangyarihan ang Communist Party, hindi lang iilan ang
nagawa nitong kasamaan. Ngayong hindi na tagapagligtas ang Communist
Party sa puso ng mga karaniwang tao.Ni hindi ito ang pulang araw o mahal
na ama at ina.Napakalinaw nito sa puso ko. Ano't anuman, ang CCP pa rin
ang may kapangyarihan sa China.Partidong rebolusyonaryo ang may
kakayahang gawin ang anuman kung kailangan.Kung nananalig kayo sa
Makapangyarihang Diyos, maaari kayong arestuhin anumang oras o manganib
pang mamatay. Samakatwid, hindi ko kayo papayagan kailanman na manalig
sa Makapangyarihang Diyos para na rin sa inyong kapakanan. May kasabihan
nga na, "Ang isang matalinong tao ay umaakma sa sitwasyon." Hindi mo
maaaring iharang ang dibdib mo sa dulo ng baril. Nauunawaan n'yo ba ang
ibig kong sabihin? Nilinaw ko ito sa inyo ngayon. Pinahihintulutan
lamang ng edukasyong komunista ang mga pananalig sa Marxism-Leninism at
ang Ideya ni Mao Tse-tung. Bawal na bawal ang manalig sa Diyos! Ang mga
anak ng mga miyembro ng Communist Party ay maaari lamang makinig sa
Party at sumama sa Party. Hindi nila maaaring tanggapin, sundin at
patotohanan si Cristo kailanman! Ang mga anak ng mga miyembro ng
Communist Party ay kailangang manalig palagi sa Communist Party sa
maraming henerasyon!
mula sa script ng pelikulang Red Re-Education sa Bahay