Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan?
Xiaohe Puyang City, Henan Province
Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng
Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang
katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa
akin. Nasiyahan ako sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang
pagbabahagi ng salita ng Diyos, at nagawa kong tanggapin at kilalanin
ang lahat ng sinabi ng Diyos bilang katotohanan—hindi alintana kahit
gaano man nito tinusok ang aking puso o hindi sumunod sa aking mga
paniwala. Bukod dito, gaano man karami ang mga kakulangan na ipinapamata
ng aking mga kapatid, ito ay kinilala at tinanggap ko. Hindi ko
sinubukang bigyang-katwiran ang aking sarili, kung kaya’t inisip ko na
ako ay isang tao na siguradong tumanggap sa katotohanan. Tanging ang mga
tao na sadyang mayabang at makasarili at may mga paniniwala tungkol sa
salita ng Diyos, mga hindi kinikilala na ang salita ng Diyos ay ang
katotohanan ay silang hindi tumatanggap sa katotohanan. Ganito ako kung
mag-isip noon hanggang isang araw habang ako ay nakikinig sa “Fellowship
and Preaching About Life Entry,” ganap kung naintindihan ang ibig
sabihin ng pagtanggap sa katotohanan.
Sinasabi nito: “Hindi sapat
na basta lamang tanggapin na ang salita ng Diyos ay katotohanan,
kailangan mo itong tanggapin sa iyong puso at hayaan ang katotohanan na
magkaroon ng puwang sa iyong puso at gamitin ang kapangyarihan.
Kailangan itong mag-ugat sa iyong puso at maging buhay mo ito. Ito ang
totoong pagpapahayag ng pagtanggap sa katotohanan. … Ano ang ibig
sabihin ng tanggapin ito sa iyong puso? Kinikilala ng iyong puso na ang
pangungusap na ito ay katotohanan at nagtataglay ng totoong pagkilala sa
diwa ng katotohanan. Pagkatapos ay kailangang mong tanggapin nang lubos
ang katotohanang ito at hayaan ito na magkaroon ng puwang sa iyong puso
at mag-ugat dito. Pagkatapos, kailangan mong mabuhay ayon sa
katotohanang ito at tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa katotohanang
ito. Ito ang pagtanggap sa katotohanan. … Ang pagkain at pag-inom ng
salita ng Diyos at ang pagkilala na ang salita ng Diyos ay katotohanan
ay hindi nangangahulugan na tinanggap na ng isang tao ang katotohanan.
Sa halip, ito ang lubusang pagkilala sa diwa ng katotohanan sa salita ng
Diyos at ang pagtanggap dito sa iyong puso. Ito ay ang lubusang
pagtanggi sa iyong mga paniniwala tungkol sa Diyos at mga dating maling
pagkaintindi na iyong pinanghahawakan upang iyong matanggap ang salita
ng Diyos bilang katotohanan at mabuhay ayon sa salita ng Diyos. Ito ang
totoong pagtanggap sa katotohanan” (“Paano Malalaman na si Jesus Ang
Katotohanan, ang Daan, at ang Buhay” sa Fellowship and Preaching About
Life Entry II). Noong narinig ko ito, agad na nabigla ang aking puso.
Kaya, hindi iyon ang naisip ko tungkol sa pagtanggap sa katotohanan.
Pinakinggan ko ulit ito nang mabuti at sa wakas ay naintindihan ko kung
ano ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan. Ang kakayahang
kilalanin nang pasalita na ang salita ng Diyos ay katotohanan o ang
magawang tanggapin ang mga kakulangan na binabanggit ng ibang mga tao ay
hindi totoong pagtanggap sa katotohanan gaya ng inisip ko. Ang ibig
sabihin ng totoong pagtanggap sa katotohanan hindi lamang ang pagkilala
sa salita ng Diyos bilang katotohanan, ito rin ay ang pagkilala sa diwa
ng katotohanan at lubusang tanggapin ito sa iyong puso. Ito ay ang
lubusang pagtanggi sa iyong mga dating paniniwala, pananaw at maling
pagkaintindi. Ito ay ang pagpapahintulot na mag-ugat ang katotohanan sa
iyong puso at magawang mabuhay ayon sa katotohanan. Ito ang totoong
pagtanggap sa katotohanan.
Pagkatapos kong maintindihan ang lahat
ng ito, nagsimula akong magnilay-nilay sa aking sarili: Naniniwala ako
na ako ay isang tao na tumatanggap sa katotohanan, subalit natanggap ko
na ba ang salita ng Diyos sa aking puso? Nagagamit ba ng katotohanan ang
kapangyarihan sa aking puso? Tinalikuran ko na ba ang mga nakalipas na
paniniwala at mga maling pagkaintindi na umiral sa aking puso?
Pagkatapos ng maingat na pagsusuri sa aking sarili, aking natanto na
hindi ko pa nagawa ang alinman sa mga ito. Halimbawa: Ibinunyag ng Diyos
na walang totoong pagmamahal sa sangkatauhan, at lahat sila ay
pinagsasamantalahan ang bawat isa. Kahit na ipinahayag ko nang pasalita
ang aking pagtanggap sa katotohanan na sinabi ng Diyos, palagi ko ding
ramdam sa aking puso na ang aking asawa, mga anak, at mga magulang at
ako ay mayroong totoong pagmamahal sa isa’t isa. Kinilala ng aking mga
labi ang katotohanan na hindi gagawin ng Diyos na perpekto ang
sangkatauhan batay sa kanilang katayuan, kundi kung ang katotohanan ba
ay nasa kanila o hindi; subalit ang aking puso ay nananatili pa ring
nakahawak sa aking personal na mga pananaw na kung mas mataas ang aking
katayuan, mas lalo akong gagawing perpekto ng Diyos, kung mas mataas ang
aking katayuan lalo akong titingalain ng mga ibang tao. Inisip ko na
masisiyahan din ang Diyos sa akin. Samakatuwid, palagi akong nag-aalala
tungkol sa pagtamo o pagkawala ng katayuan, at palagi akong hindi
mapalagay tungkol dito. Kinilala ko sa pamamagitan ng aking bibig na
sinabi ng Diyos na ang mga kahirapan at kapinuhan, at ang pakikitungo at
pagpupungos ay ang pagmamahal ng Diyos, na pinaka-kapakipakinabang sa
buhay ng tao. Ngunit hindi ko hinangad na intindihin ang diwa ng
katotohanan ng mga salitang ito o kinilala kung gaano kamahal ng Diyos
ang sangkatauhan at kung paano ipinahayag ang pagmamahal ng Diyos,
hanggang sa hindi ko gustong tanggapin ang Diyos na gumagamit ng mga
tao, mga usapin, at mga bagay na hindi naaayon sa aking mga paniniwala
upang pinuhin ako at pakitunguhan ako, maging hanggang sa punto na ako
ay magreklamo at magmaktol tungkol dito. Alam ko na ang kahilingan ng
Diyos na maging matapat ang mga tao ay mahalaga, ngunit hindi ko ito
iginiit na isagawa o kaya ay pasukin ito. Palagi pa rin akong
nagsisinungaling at nandaraya para sa aking sariling dignidad.
Pagkatapos nito, hindi ko ginusto na lantarang ipahayag ang katotohanan.
Kapag nakakaranas ng problema na nangangailangan ng pisikal na
paghihirap habang ginagagawa ko ang aking mga tungkulin, nagsisimula
akong magtrabaho nang walang gana at hindi ko lubusang maibigay ang
aking sarili sa aking mga tungkulin. Tinatanggap ng aking bibig na
sinabi ng Diyos na hanapin ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay at
kumilos alinsunod sa kanyang mga kagustuhan, ngunit sa tunay na buhay
kapag hinaharap ko ang mga problema, ginawa ko ang mga bagay-bagay ayon
sa ninanais ko at alinsunod sa aking kalooban. Lubusan kong isinantabi
ang Diyos sa aking isip. Bukod dito, kapag sinasabi ng ibang tao ang
aking mga kakulangan na ako ay masyadong mayabang at ginagawa ko ang mga
bagay sa sarili kong pamamaraan, hindi tinatanggap ng aking puso ang
kanilang mga pamumuna. Ngunit natakot ako na sabihin ng iba na hindi ko
tinatanggap ang katotohanan, kung kaya ako ay tumatango at kinikilala
ang katotohanan kahit ito ay labag sa aking kalooban. Ngunit sa
katunayan, hindi ko isinaalang-alang ang kanilang mga pamumuna, kung
kaya hindi pa rin ako nagbago hanggang sa araw na ito. Mapagmalaki at
mayabang pa rin ako kagaya ni Satanas. ... Maraming bagay tungkol sa
akin ang nagpapahiwatig na hindi ko pa tinanggap ang katotohanan.
Subalit nang makita ko na ibinubunyag ng salita ng Diyos na hindi
tinatanggap ng lahat ng tao ang katotohanan, hindi ko tinanggap ang
salita ng Diyos bilang katotohanan, at hindi ko sinubukang intindihin
ang diwa ng salita ng Diyos at sinuri ang aking sarili. Sa halip, inisip
ko na ako ay kataliwasan sa salita ng Diyos at itinuring ko ang aking
sarili bilang isang taong tumanggap na sa katotohanan. Hindi ba ito ang
pinakamalinaw na paghahayag ng hindi pagtanggap sa katotohanan? Sa
panahon na iyon, nakita ko ang sarili ko bilang isang tao na hindi
tumanggap sa katotohanan sa anumang paraan. Ang aking mga tinaguriang
paghahayag ng pagtanggap ko sa katotohanan ay lubos na mga panlabas na
gawa lamang; ito ay maling pagpapanggap na wala sa kalingkingan ng
pagtanggap sa katotohanan. Hindi ko kilala ang sarili ko, totoong hindi
ko kilala ang sarili ko! Noong mabatid ko ito, hindi ko mapigilang
matakot. Alam ko na naniwala ako sa Diyos sa mga nakalipas na taon
subalit ako ay nabuhay sa labas ng Kanyang mga salita. Hindi ko totoong
natanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Isa lamang akong hindi
naniniwala sa aking puso nang wala ang Diyos at walang katotohanan sa
aking buhay. Kung nagpatuloy ako sa aking ganitong paniniwala, kailanman
ay hindi ko maisasabuhay ang salita ng Diyos. Hindi ako kailanman
makakawala sa impluwensya ni Satanas at mailigtas at maging perpekto. Sa
kabaliktaran, ako ay ikokondena ng Diyos at mahuhulog sa Kanyang
kaparusahan.
Purihin ang Diyos sa paggabay sa akin at
pagpapahintulot sa akin na maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng
totoong pagtanggap sa katotohanan; sa pagtulot sa akin na makita na ang
aking nakaraang kaalaman at mga pagsasagawa ay masyadong kakatwa at
hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Gusto kong magsimula muli at ituon
ang aking mga pagsusumikap sa pagtanggap sa diwa ng katotohanan sa aking
puso sa lahat ng sinabi ng Diyos at isakatuparan ko ito sa aking
pagsasagawa. Gusto kong mabuhay ayon sa katotohanan, maging isang tao na
totoong tumatanggap sa katotohanan.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos