Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa
isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng
Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat,
paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng
pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos
sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng
iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay
mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa
nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at
puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa
malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon
ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin
sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag
at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap
niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na
pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at
tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig,
nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad
nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na
pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos