Tagalog Gospel Reflection:Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas”
Ni Yang Xin, Lalawigan ng Shandong
Ang araw ay lumubog sa kanluran, at ang huling liwanag ng papalubog na araw ay lumaganap sa buong mundo habang papauwi ako pagkatapos ng isang pagtitipon, iniisip ang sinabi ng pastor: “Minsang iniligtas, kung gayon tayo ay palaging ligtas, sapagkat sinasabi ng Biblia, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:9-10). Habang naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, hangga’t naniniwala tayo sa ating mga puso at kinikilala Siya gamit ang ating mga bibig, kung gayon tayo ay ligtas, at kung tayo ay minsang iniligtas kung gayon tayo ay palaging ligtas. Hangga’t namamalagi tayong gumagawa at ginugugol ang ating mga sarili para sa Panginoon at magtitiis hanggang sa wakas, kung gayon kapag bumalik ang Panginoon, tayo ay kaagad na dadalhin sa kaharian ng langit!” Sumagot ako ng Amen sa mga salita ng pastor: “Oo! Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tayo ay matubos, kaya hangga’t tumatawag tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, nagkukumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at tayo ay ililigtas ng Kanyang biyaya—minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos tiyak na tayo ay dadalhin sa kaharian ng langit.” Sa nakaraang mga taon sa aking paniniwala sa Panginoon, palagi kong matatag na pinaniwalaan na ang pananaw na ito ay wasto, at kahit minsan hindi ko ito pinagdudahan.