Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mar 29, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Ang mga Pamantayan ng Tunay na Mabuting Tao

Moran Linyi City, Shandong Province

Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin. Dati, kapag may hinahawakan akong gawain, madalas na sinasabi ng aking pinuno na ang aking pagganap ay parang sa isang “palatangong-tao,” hindi ang pagganap ng isang tao na nagsasa-gawa sa katotohanan. Hindi ko kailanman dinibdib ito, ngunit sa halip kung iniisip ng ibang mga tao na isa akong mabuting tao, kuntento na ang pakiramdam ko.

Isang araw, nabasa ko ang talatang ito: “Kung sa iyong paniniwala sa Diyos hindi mo hahanapin ang katotohanan, kung gayon kahit na hindi ka lumalabas na nagkakasala, hindi ka pa rin isang tunay na mabuting tao. Yaong mga hindi naghahanap ng katotohanan ay tiyak na walang pagpapahalaga sa pagkamatuwid, hindi rin nila kayang mahalin ang minamahal ng Diyos o kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Lubos na hindi sila makatatayo sa tabi ng Diyos, lalo na ang maging akma sa Diyos. Kung gayon paano matatawag na mabubuting tao ang mga taong walang pagpapahalaga sa pagkamatuwid? Hindi lamang walang pagpapahalaga sa pagkamatuwid ang mga taong inilalarawa ng mga ordinaryong tao bilang mga ‘palatangong-tao’ wala rin silang mga layunin sa buhay. Sila ay mga tao lamang na hindi kailanman gustong galitin ang sinuman, kaya anong silbi nila? Ang isng tunay na mabuting tao ay nagpapahiwating ng isang tao na minamahal ang mga positibong bagay, isang tao na naghahanap sa katotohanan at naghahangad para sa liwanag, isang tao na kayang kilalanin ang mabuti mula sa masama at may mga tamang layunin sa buhay; tanging ang ganitong uri ng tao ang minamahal ng Diyos” (“Upang Pagsilbihan ang Diyos Kailangang Matutunan ng Isang Tao kung Paano Kilalanin ang mga Tao” sa Kasaysayan ng Pagbabahagi at Kaayusan ng Gawain ng Iglesia I). Matapos basahin ang mga salitang ito, bigla kong nakita ang liwanag. Ngayon nakita ko na na ang isang mabuting tao ay hindi isang tao na may magiliw na pakikitungo sa mga ordinaryong tao and hindi nakikipagtalo o nakikipag-away sa kanila, o isang tao na kayang bigyan ang kanilang mga kapatid ng mabuting impresyon at makakuha ng mabuting opinyon mula sa kanila. Ang isang tunay na mabuting tao ay isang tao na minamahal ang mga positibong bagay at hinahanap ang katotohanan at pagkamatuwid, isang tao na may mga tunay na layunin sa buhay, na may pagpapahalaga sa pagkamatuwid, na makakakilala sa mabuti at masama, minamahal kung ano ang minamahal ng Diyos at kinamumuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos; isang tao na gustong ibigay ang lahat ng kanilang makakaya sa pagsasagawa sa kanilang mga tungkulin at may kagustuhan at katapangan na ilaan ang kanilang buhay sa katotohanan at pagkamatuwid. Tungkol naman sa aking sariling mga kilos, nasaan dito ang anumang pagpapahalaga sa pagkamatuwid? Sa tuwing bumabalik ang isang kapatid mula sa pagpapalaganap sa ebanghelso na nagsasabi kung gaano kahirap ito, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagtatalo sa aking kalooban nagsisimulang magreklamo, pakiramdam na ang pagpapalaganap sa ebanghelyo ay hindi madali, na talagang masyadong mahira ito, walang kaalam-alam na pinapanigan ang katawang tao at hind na gustong magbahagi. Noong nakita ko ang mga kaguluhan sa iglesia na kinasasangkutan ng mga bagay na tulad ng pamamahagi ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, kung seryoso ang mga ito, magbabahagi ako gamit ang mga mahinahon na salita upang lutasin ang isyu; kung hindi sila seryoso, palalampasin ko ang isyu sa pamamagitan ng pagbubulag-bulagan, natatakot na ang ibang tao ay magkakaroon ng opinyon sa akin kung hindi ako magsasalita nang naaangkop. Noong nakita ko ang aking kasamahan na gumagawa ng ilang bagay na walang kinalaman sa katotohanan o hindi isinasaalang-alang ang kanyang mga kapaligiran, ginusto kong ilabas ang isyu sa kanya, ngunit naisip ko, “Makakaya ba niya kung ilalabas ko ang isyu na ito? Hindi sulit na saktan ang aking mabuting relasyon dahil lamang sa napakaliit na bagay. Maghihintay na lamang ako hanggang sa susunod at saka ko ilalabas ito.” Sa ganitong paraan nakahanap ako ng mga katwiran para sa aking sarili upang magpatuloy ako’t palampasin ito.

Ngayon nakita ko na pinantayan ko lang ang mga pamantayan ni Satanas ng isang mabuting tao, at ito ay isa lamang na “palatangong-tao” sa mga mata ng mga ordinaryong tao: isang tao na hindi kailanman gustong magalit ang sinuman at hindi katuld ng mabuting tao na ikinatutuwa ng Diyos na minamahal ang mga positibong bagay, hinahanap ang katotohanan at may pagpapahalaga sa pagkamatuwid. Nakita ko ang mga impresyon ng mga ibang tao tungkol sa akin bilang mas mahalaga kaysa sa pagtamo ng katotohanan at kuntento na ako sa papuri lamang ng mga ibang tao; paano naman ako magiging isang tao na may mga tamang layunin sa buhay? Maaari kaya na ang mga papuri ng ibang mga tao ay kumatawan sa aking pagtamo sa katotohanan? Maaari kaya na ang magandang opinyon ng mga ibang tao sa akin ay kumatawan na may buhay ako? Kung naniwala ako sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang katotohanan o pagkamatuwid, hindi ba’t ang paghahanap ay isang pagbabago sa aking disposisyon, ngunit sa halip ay palaging hinahanap ang aking sariling reputasyon at inililigtas ang aking sariling mukha, anong silbi nito kapag sumusunod sa Diyos? Ano ang posibleng matatamo ko kung susunod sa ganitong paraan hanggang sa huli? Ako ay isang tiwaling nilikha, na sagad hanggang sa buto. Kung talagang nakakuha ako ng mataas na pagtingin ng lahat at nasa mataas na estado sa kanilang mga isip, kung gayon hindi ba’t ako ay naging ang arkanghel na iyon na nagsikap para sa posisyon ng Diyos? Hindi ba’t ako ay naging tunay na kalaban ng Diyos? Hindi ba ito ang uri ng tao na nakagawa ng moral na kasalanan sa mga mata ng Diyos? Ang mga inililigtas at ginagawang perpekto ng Diyos ay yaong tunay na mabubuting tao na naghahanap ng katotohanan at pagkamatuwid. Hindi sila ang mga di-makatwirang tao na hindi masabi ang mabuti mula sa masama, na hindi malinaw tungkol sa pagmamahal at pagkamuhi at walang pagpapahalaga sa pagkamatuwid, lalong hindi ang masasamang tao na may pakialam lamang tungkol sa kanilang sariling mga reputasyon at galit sa Diyos. Kung pagtuloy kong gagamitin ang iniisip ng mga ordinaryong tao na isang mabuting tao bilang mga pamantayan para sa aking sariling kilos, masusumpa ako na isang bagay para sa pagtatanggal at pagpaparusa ng Diyos.

O, Diyos ko! Nagpapasalamat ako sa Iyong pamamatnubay at pagliliwanag na nagpahintulot sa akin na makilala kung ano talaga ang pagiging isang tunay na mabuting tao, at dagdag pa, ito ay nagpahintulot sa akin na makita ang aking sariling maling mga palagay at kamangmangan, at upang makilala ang aking sariling pagrerebelde at pagtutol. O, Diyos ko! Magmula ngayon, gusto kong gamitin ang “hanapin ang katotohanan at magkaroon ng pagpapahalaga sa pagkamatuwid” bilang mga pamantayan ng aking kilos, upang hangarin na pumasok sa mas malalim na katotohanan, upang hangarin ang pagbabago sa aking disposisyon at magsikap na sa lalong madaling panahonay maging isang tunay na mabuting tao na malinaw tungkol sa pagmamahal at pagkamuhi at may pagpapahalaga sa pagkamatuwid.
Inirekomendang pagbabasa:Mga Aklat ng Ebanghelyo