Nagniningning ang Kaluwalhatian ng Diyos mula sa Silangan
I
Pag pumapasok na ang Diyos sa bagong langit, lupa,
no'n Niya ihahayag ang isa pang
bahagi ng Kanyang kaluwalhatian.
Ipakikita muna Niya iyon sa lupain ng Canaan,
at kumislap ang liwanag sa madilim na kalupaan.
humugot ng lakas sa kapangyarihan nito,
kaya nag-iibayo ang kaluwalhatian ng Diyos,
muling nagpapakita sa lahat ng bansa.
Ipaalam sa mga tao na matagal
nang dumating ang Diyos sa lupa,
nagdala ng kaluwalhatian mula Israel
hanggang sa bansa sa Silangan.
Dahil nagniningning ang Kanyang
kaluwalhatian sa Silangan,
na dinala sa araw na ito mula sa Panahon ng Biyaya.
Ngunit nagmula ito sa Israel na Kanyang nilisan,
at mula roo'y dumating Siya at nanatili sa Silangan.
II
Pag liwanag sa Silanga'y unti-unting umaaliwalas,
kadiliman sa lupa'y magliliwanag.
Malalaman ng tao na matagal
nang nilisan ng Diyos ang Israel,
at muling bumabangon sa Silangan sa panahong ito.
Minsan nang bumaba ang Diyos sa Israel,
kalauna'y nilisan ang lupaing iyon.
Nguni't dahil ang Kanyang gawai'y
pumapatnubay sa buong sansinukob,
sa Israel di na Siya muling maisisilang.
Kidlat ay tuwirang kumikislap
mula Silangan patungong Kanluran.
Diyos ay nagtungo sa Silangan, hindi sa Kanluran.
At dinala Niya ang lupain, ang lupain ng Canaan
sa mga tao ng bansa sa Silangan.
III
Nais Niyang dalhin lahat ng tao sa Canaan,
kaya nagsasalita Siya sa Canaan
upang sansinukob ay pamahalaan.
Walang liwanag sa lupa maliban sa Canaan.
Kung 'di sila makarating doon,
nahaharap sila sa lamig at kagutuman.
Kidlat ay tuwirang kumikislap
mula Silangan patungong Kanluran.
Diyos ay nagtungo sa Silangan, hindi sa Kanluran.
At dinala Niya ang lupain, ang lupain ng Canaan
sa mga tao ng bansa sa Silangan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Malaman ang higit pa:Tagalog Christian Songs