Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ngayon na ang oras upang pagpasyahan ang pagtatapos ng bawat tao, hindi ang yugto kung saan sinimulan Kong gawin ang tao. Sinusulat ko sa Aking libro ang mga salita at gawa ng bawat tao, maging ang kanilang landas bilang Aking mga tagasunod, likas na karakter, at huling pagganap. Sa paraang ito, walang uri ng tao ang makatatakas sa Aking mga kamay at ang lahat ay mapupunta sa kanilang mga ka-uri kapag Ako ay nagtakda. Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan. Wala ng iba pang pagpipilian kundi ito lamang. Dapat mapagtanto ninyo na ang lahat ng hindi susunod sa kalooban ng Diyos ay maparurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan.
mula sa “Dapat Gumawa Ka nang Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
May isang kasabihan na dapat ninyong tandaan. Naniniwala Ako na napakahalaga ng kasabihang ito, dahil para sa Akin, hindi na mabilang ang mga beses na ito'y naaalala sa bawat araw. Bakit ganoon? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap Ako sa isang tao, sa tuwing makaririnig Ako ng kuwento ng isang tao, sa bawat oras na makaririnig Ako ng karanasan ng isang tao o ng kanilang patotoo sa pananampalataya sa Diyos, palagi Kong ginagamit ang kasabihang ito upang timbangin kung ang indibidwal ba na ito ay ang uri ng tao na gusto ng Diyos, ang uri ng tao na nais ng Diyos. Kaya ano ang kasabihan na ito, sa gayon? … Ito ang "lumakad sa landas ng Diyos; matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan." Ngunit bakit Ko tinatalakay ang kasabihan na ito? Anuman ang pananaw ninyo, o ang iisipin ninyo, kailangan Kong talakayin ang kasabihang ito dahil ito ay lubos na may katuturan sa kung paano itatatag ng Diyos ang kalalabasan ng tao. Anuman ang kasalukuyang pag-unawa ninyo sa kasabihang ito, o kung paano ang pagtrato ninyo dito, sasabihin Ko pa rin sa inyo: Kung may isang tao na maisasagawa ang kasabihang ito at makamit ang pamantayan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, mapapanatag sila na sila'y maliligtas, mapapanatag sila na may mabuti silang kalalabasan. Kung hindi mo makamit ang pamantayan na inilatag ng kasabihang ito, maaaring sabihin na hindi matukoy ang kalalabasan mo. Kaya makikipag-usap ako sa inyo tungkol sa kasabihang ito para sa kahandaan ng isipan ninyo, at sa gayon ay malaman ninyo kung anong uri ng pamantayan ang gagamitin ng Diyos na panukat sa inyo.
mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Paano Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng Tao at ang Pamantayan ng Pagtatatag Niya sa Kalalabasan ng Tao
Bago ka magkaroon ng anumang sariling mga pananaw o mga konklusyon, dapat mo munang maunawaan ang saloobin ng Diyos sa iyo, kung ano ang iniisip ng Diyos, bago ka magpasya kung tama o hindi ang sarili mong pag-iisip. Hindi kailanman ginamit ng Diyos ang pamantayan ng oras upang itakda ang kalalabasan ng isang tao, at hindi Niya kailanman ginamit ang sukat ng paghihirap na tiniis ng isang tao upang itakda ang kanilang kalalabasan. Kung gayon ano ang ginagamit ng Diyos na pamantayan sa pagtakda ng kalalabasan ng tao? Ang paggamit sa mga pamantayan ng panahon upang itakda ang kalalabasan ng isang tao—ito ang madalas na tumatalima sa mga pagkaintindi ng mga tao. At mayroon ding mga indibidwal na madalas ninyong makita, ang mga tao na sa isang punto ay nakatuon nang husto, gumugol ng marami, nagbayad ng malaki, nagdusa nang matindi. Ang mga ito ay ang mga, sa pananaw ninyo ay, maaring iligtas ng Diyos. Ang lahat ng mga ipinakikita ng mga taong ito, ang tanging isinabubuhay nila, ay tiyak na pagkaintindi ng sangkatauhan tungkol sa pamantayang gagamitin ng Diyos sa pagtatakda ng kalalabasan ng tao. Hindi alintana kung ano ang pinaniniwalaan ninyo, hindi Ko iisa-isahing ililista ang mga halimbawang ito. Sa makatuwid, hangga’t hindi ito ang pamantayan ng sariling pag-iisip ng Diyos, tiyak na nagmula ito sa imahinasyon ng tao, at ito ay ganap na mga pagkaintindi ng tao. Ano ang kahihinatnan ng pikit-matang paggiit mo sa sarili mong pagkaintindi at imahinasyon? Walang alinlangan, ang tanging kahihinatnan ay ang pagkamuhi ng Diyos sa iyo. Ito ay dahil lagi mong ipinangangalandakan ang mga kwalipikasyon mo sa harapan ng Diyos, nakikipagkumpitensya at nakikipagtalo ka sa Diyos, at hindi mo sinubukang tunay na unawain ang kaisipan ng Diyos, at hindi mo rin sinubukang unawain ang mga layunin at saloobin ng Diyos na para sa sangkatauhan. Ang pagpapatuloy na tulad nito ay pagpuri sa iyong sarili higit sa lahat, hindi pagpuri sa Diyos. Naniniwala ka sa iyong sarili; hindi ka naniniwala sa Diyos. Ayaw ng Diyos ang ganitong uri ng tao, at hindi ililigtas ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Kung mapakakawalan mo ang ganitong uri ng pananaw, at maitatama mo ang mga maling pananaw ng nakaraan; kung makapagpapatuloy ka na ayon sa mga hinihingi ng Diyos; mula sa puntong ito simulan mo nang isabuhay ang landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan; parangalan mo ang Diyos bilang dakila sa lahat ng bagay; huwag mong gamitin ang sarili mong mga kinahuhumalingan, mga pananaw, o mga paniniwala upang pakahulugan ang iyong sarili, pakahulugan ang Diyos. At sa halip, hanapin mo ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, kamtin mo ang isang pagtanto at pag-unawa sa mga saloobin ng Diyos sa sangkatauhan, at gamitin mo ang pamantayan ng Diyos upang masiyahan Siya—kahanga-hanga ang bagay na iyan! Ito ay nangangahulugang paumpisa ka na sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.
Yamang hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa ganito o sa ganoong paraan, ang kanilang mga ideya at pananaw, bilang batayan upang itakda ang kalalabasan ng tao, kung gayon anong uri ng pamantayan ang ginagamit Niya? Ginagamit ng Diyos ang mga pagsubok upang itakda ang kalalabasan ng tao. Mayroong dalawang mga pamantayan sa paggamit ng mga pagsubok upang itakda ang kalalabasan ng tao: Ang una ay ang bilang ng mga pagsubok na pinagdaanan ng mga tao, at ang pangalawa ay ang resulta ng mga pagsubok na ito. Ito ang dalawang tagapagpahiwatig na magtatakda sa kalalabasan ng tao. Ngayon ipapaliwanag natin ang dalawang mga pamantayang ito.
Una sa lahat, kapag ikaw ay nahaharap sa isang pagsubok mula sa Diyos (tandaan: Posibleng maliit lamang ang pagsubok na ito sa iyong mga mata at walang saysay para banggitin), titiyakin ng Diyos na may kamalayan kang kamay ng Diyos ito sa iyo, at ang Diyos ang naglaan sa pangyayaring ito para sa iyo. Kapag musmos pa ang iyong tayog, maglalaan ang Diyos ng mga pagsubok upang subukin ka. Tutugma ang mga pagsubok na ito sa iyong tayog, kung saan ito ay iyong mauunawaan at mapaglalabanan. Anong bahagi sa iyo ang susubukin? Susubukin ang saloobin mo sa Diyos. Malaki ba ang kahalagahan ng saloobin na ito? Siyempre ito ay mahalaga! Karagdagan pa, bukod-tangi itong mahalaga! Dahil itong saloobin ng tao ang resulta na gusto ng Diyos, ito ang pinakamahalagang bagay para sa Diyos. Kung hindi gayon, ang Diyos ay hindi sana gugugol ng Kanyang pagsisikap sa mga tao sa ganitong uri ng mga gawain. Nais ng Diyos na makita ang saloobin mo sa Kanya sa pamamagitan ng mga pagsubok na ito; gusto Niyang makita kung ikaw ay nasa tamang landas o hindi; at nais Niyang makita kung may takot ka sa Diyos at umiiwas sa kasamaan o hindi. Samakatuwid, hindi alintana sa pagkakataon na yan kung marami o kaunti ang nauunawaan mong katotohanan, haharap ka pa rin sa pagsubok ng Diyos, at kasunod sa anumang pag-unlad sa dami ng katotohanang nauunawaan mo, magpapatuloy ang Diyos sa paglalaan ng mga pagsubok na para sa iyo. Kapag muli kang nahaharap sa isang pagsubok, nais ng Diyos na makita kung ang mga pananaw, mga ideya, at ang saloobin mo sa Diyos ay may anumang paglago sa sandaling iyan. Sabi ng ilang mga tao: “Bakit nais ng Diyos na laging makita ang mga saloobin ng mga tao? Hindi ba nakita ng Diyos ang paraan ng pagsasagawa nila sa katotohanan? Bakit nais pa rin Niyang makita ang mga saloobin ng tao?” Isa itong kalokohang walang kabuluhan! Yamang ganito gumawa ang Diyos, tiyak na nakapaloob ang Kanyang mga layunin dito. Laging inoobserbahan ng Diyos ang mga tao, minamasdan ang bawat salita at gawa nila, ang bawat kilos at galaw nila, kahit ang bawat pag-iisip at mga ideya nila. Ang lahat ng mga mangyayari sa mga tao: ang mga mabubuting gawa, ang mga pagkakamali, ang mga kasalanan, at kahit ang mga pagrerebelde at pagkakanulo nila, itatala lahat ng Diyos ang mga ito bilang ebidensiya sa pagtataguyod ng kanilang mga kalalabasan. Habang lumalaki nang paunti-unti ang gawain ng Diyos, makaririnig ka ng higit pang mga katotohanan, tatanggapin mo ang higit pang mga positibong bagay, mga positibong impormasyon, at ang reyalidad ng katotohanan. Sa pag-usad ng prosesong ito, madadagdagan din ang mga kahilingan ng Diyos sa iyo. Kasabay nito, maglalaan din ang Diyos ng mas mabibigat na mga pagsubok para sa iyo. Ang Kanyang layunin ay upang suriin kung umunlad ba ang saloobin mo sa Diyos sa pagkakataon na yan. Siyempre, sa panahon na ito, ang pananaw na hihilingin ng Diyos sa iyo ay naaayon sa pagkaunawa mo sa reyalidad ng katotohanan.
Habang dahan-dahan na umuunlad ang iyong tayog, ang pamantayan na hihilingin ng Diyos sa iyo ay dahan-dahan din na madadagdagan. Kapag musmos ka pa, magbibigay ang Diyos sa iyo ng isang napakababang pamantayan; kapag mas mataas na ang iyong tayog, magbibigay ang Diyos sa iyo ng mas mataas na pamantayan. Ngunit ano ang gagawin ng Diyos kapag naunawaan mo na ang buong katotohanan? Ihaharap ka ng Diyos sa mas malalaki pang mga pagsubok. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, ang nais ng Diyos na matamo, ang nais ng Diyos na makita, ay ang mas malalim na kaalaman mo tungkol sa Diyos at ang tunay na takot mo sa Kanya. Sa pagkakataon na ito, ang mga hihilingin ng Diyos sa iyo ay mas mataas at “mas malupit” kaysa sa hiniling Niya noong mas musmos pa ang iyong tayog (tandaan: Tinitingnan ito ng mga tao bilang malupit, ngunit para sa Diyos ito ay makatwiran). Kapag nagbibigay ang Diyos ng mga pagsubok sa mga tao, anong uri ng reyalidad ang nais Niyang gawin? Patuloy na hinihiling ng Diyos na ibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Kanya. Sasabihin ng ilang tao: “Paano ang pagbigay ng isang tao nito? Ginagawa ko ang aking tungkulin, iniwan ko ang tahanan at kabuhayan ko, gumugol ako para sa Diyos. Hindi ba ito halimbawa ng pagbibigay ng aking puso sa Diyos? Sa paanong paraan ko pa maaaring ibigay ang aking puso sa Diyos? Maaari kaya na ang mga ito ay hindi halimbawa ng pagbibigay ng aking puso sa Diyos? Ano ang partikular na hinihiling ng Diyos?” Napakasimple ang kahilingan na ito. Sa katunayan, may ilang taong nagbigay na ng kanilang puso sa Diyos sa iba’t ibang antas at sa iba’t ibang yugto ng kanilang mga pagsubok. Ngunit hindi kailanman ibinigay ng karamihan sa mga tao ang kanilang puso sa Diyos. Kapag nagbibigay ng isang pagsubok ang Diyos sa iyo, nakikita ng Diyos kung ang puso mo ay sa Kanya, sa laman, o kay Satanas. Kapag nagbibigay ng isang pagsubok ang Diyos sa iyo, nakikita ng Diyos kung sumasalungat ka o kaayon ka sa Kanya, at nakikita Niya kung nasa panig Niya ang iyong puso. Kapag wala ka pa sa gulang at nahaharap ka sa mga pagsubok, ang iyong tiwala ay napakababa, at hindi mo alam kung ano ang kailangan mong gawin upang bigyang-kasiyahan ang mga layunin ng Diyos dahil limitado ang pagkaunawa mo sa katotohanan. Sa kabila ng lahat na ito, maaari mo pa ring gawin ang tunay at taimtim na pananalangin sa Diyos, maging handang ibigay ang iyong puso sa Diyos, gawin ang Diyos bilang pinakanamumuno sa buhay mo, at maging handa upang ialay sa Diyos ang mga bagay na pinakamahalaga sa pananaw mo. Ganito kapag naibigay mo na ang iyong puso sa Diyos. Habang nakikinig ka sa mas maraming mga sermon, at mas dumarami ang nauunawaan mong katotohanan, lalago rin nang dahan-dahan ang iyong tayog. Ang pamantayan na hinihiling ng Diyos sa iyo sa panahon na ito ay magkaiba sa hiniling sa iyo nang wala ka pa sa gulang; Hihiling Siya ng mas mataas na pamantayan kaysa sa ibinigay Niya noon. Kapag unti-unting ibinibigay sa Diyos ang puso ng tao, ito ay palapit nang palapit sa Diyos; kapag tunay nang malapit ang tao sa Diyos, unti-unti silang nagkakaroon ng isang puso na may takot sa Kanya. Nais ng Diyos ang ganitong uri ng puso.
Kapag nais ng Diyos na makuha ang puso ng isang tao, bibigyan Niya sila ng maraming mga pagsubok. Sa panahon ng mga pagsubok na ito, kung hindi makukuha ng Diyos ang puso ng taong ito, o kung hindi Niya makikita na may anumang saloobin ang taong ito-ang ibig sabihin ay hindi Niya nakikita na nag-uumpisa ang taong ito sa paggawa ng mga bagay o kumikilos sa isang paraan na may takot sa Diyos, at hindi Niya nakikita mula sa taong ito ang isang saloobin at kapasyahan na umiwas sa kasamaan. Kung ganito pa rin ito, pagkatapos ng maraming mga pagsubok, iuurong ng Diyos ang pagtitiis Niya sa indibidwal na ito, at hindi na Siya magpaparaya para sa taong ito. Hindi na Siya magbibigay ng mga pagsubok sa kanila, at hindi na Siya gagawa pa sa buhay ng mga ito. Kung gayon, ano ang kinalaman nito sa kalalabasan ng taong ito? Ito ay nangangahulugan na wala silang kalalabasan. Posible na walang nagawang masama ang taong ito. Posible rin na wala silang ginawang nakagagambala o nakaaabala. Posible rin na hindi sila lantarang lumalaban sa Diyos. Gayunman, ang puso ng taong ito ay nakatago mula sa Diyos. Hindi sila kailanman nagkaroon ng malinaw na saloobin at pananaw sa Diyos, at hindi malinaw para sa Diyos kung ibinigay ba nila sa Kanya ang kanilang mga puso, at hindi malinaw para sa Kanya kung nagsisikap ba ang taong ito na hangarin na matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Naubos na ang pagtitiis ng Diyos para sa mga taong ito, hindi na Siya magdurusa, hindi na Siya magbibigay ng awa, at hindi na Siya gagawa sa buhay ng mga ito. Tapos na ang paniniwala ng taong ito sa Diyos. Ito ay dahil sa lahat ng maraming pagsubok na ibinigay ng Diyos sa taong ito, hindi natamo ng Diyos ang resulta na gusto Niya.
mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Kahulugan ng Buhay
Rekomendasyon:Kahulugan ng Buhay