Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kahanga-hangang Kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kahanga-hangang Kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 29, 2019

Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas




Kahanga-hangang Kaligtasan  - Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas


Ling Wu, Japan

“Kung ‘di ako iniligtas ng D’yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako ‘niligtas ng D’yos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, gapos ng sala’t ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong ‘di batid, ba’t dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D’yos ako’y tangan. Di na ko aalis, ‘di maliligaw, lalagi sa ningning na daan”

Abr 16, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Sa Pamamagitan ng Malaking Pagdurusa, Natamo ko ang Malalaking Pakinabang

Rongguang     Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Matapos na sundin ang Makapangyarihang Diyos, nabilanggo ako dahil naniwala ako sa Diyos. Nang panahong iyon ako ay isang bagong mananampalataya at binigyan ako ng Diyos ng lakas upang maging matatag sa aking patotoo. Gayunman, nagkamali ako sa paniniwala na ako ay may tayog; inakala ko na mayroon akong napakalaking pananampalataya, pag-ibig at katapatan para sa Diyos, kaya hindi ko binigyang-pansin ang pagkain at pag-inom ng mga salita Diyos ng paghatol at pagkastigo. Kahit na nagbasa ako, inihambing ko ang salita kung saan inilalantad ng Diyos ang tao sa ibang mga tao at ibinukod ang sarili ko mula sa mga salita ng paghatol ng Diyos.

Peb 24, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

Hong Wei, Beijing

August 15, 2012

Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.”