4. Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na magkatawang-tao Siya at gawin Niya Mismo iyon?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawain sa kabuuang plano sa pamamahala ng Diyos ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha sa mundo—personal na isinagawa ng Diyos Mismo, at kung hindi naging ganoon, hindi makakaya ninuman na likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa kabuuan ng sangkatauhan, at ito ay personal na isinagawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw na malinaw: Mayroon pang higit na pangangailangan para sa katapusan ng lahat ng gawain ng Diyos na gagawin ng Diyos Mismo. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagsakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isasakatuparan ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi maaaring katawanin ng tao, o gagawin ng tao ang Kanyang gawain. Upang matalo si Satanas, upang matamo ang sangkatauhan, at upang mabigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pangungunahan ang tao at personal na gagawa sa tao; para sa kapakanan ng Kanyang kabuuang plano sa pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawain na ito. Kung naniniwala lang ang tao na ang Diyos ay dumating upang mamasdan niya at pasayahin siya, kung gayon ang ganoong paniniwala ay walang halaga, walang kabuluhan ang mga ito. Ang kaalaman ng tao ay masyadong mababaw! Sa pamamagitan lamang ng pagpapatupad nito sa Sarili Niya maaaring gawin ng Diyos ang gawaing ito nang ganap at kumpleto. Walang kakayahan ang tao na gawin ito sa pangalan ng Diyos. Yayamang wala siyang pagkakakilanlan ng Diyos o ng Kanyang diwa, wala siyang kakayahang gawin ang Kanyang gawain, at kahit magkaroon man ang tao, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto. Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay para sa kapakanan ng pagtubos, upang tubusin ang kabuuan ng sangkatauhan mula sa kasalanan, upang gawing may kakayahan ang tao na maging malinis at mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang gawain ng panlulupig ay personal ding isinagawa ng Diyos sa tao. Kung, sa yugtong, magsasalita lamang ang Diyos ukol sa propesiya, kung gayon ang isang propeta o sinumang mayroong kaloob ay maaaring matagpuan upang palitan ang Kanyang puwesto; kung ang mga propesiya ay sinasalita lamang, makapaninindigan ang tao sa Diyos. Ngunit kung personal na gagawin ng tao ang gawain ng Diyos Mismo at siyang gagawa sa buhay ng tao, magiging imposible para sa kanya na gawin ang gawaing ito. Ito ay kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo: Kailangang personal na maging tao ang Diyos upang magawa ang gawaing ito. Sa Panahon ng Salita, kung ang propesiya ay ipinahahayag lamang, kung gayon si Elias na propeta ay maaaring masumpungan upang gawin ang gawaing ito, at hindi na kakailanganin na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Sapagkat ang gawain na isinasagawa sa yugtong ito ay hindi basta pagpapahayag ng propesiya, at dahil higit na kailangan na ang gawain sa mga salita ay gagamitin upang lupigin ang tao at matalo si Satanas, ang gawaing ito ay hindi maaaring gawin ng tao, at kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo. Sa Kapanahunan ng Kautusan si Jehovah ay gumawa ng bahagi sa gawain ng Diyos, pagkatapos nito ay nagpahayag Siya ng ilang mga salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao para sa gawain ni Jehovah, at mahuhulaan ng mga manghuhula ang mga bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang mga panaginip sa Kanyang pangalan. Ang gawain na isinagawa noong pasimula ay hindi ang gawain sa tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, ang tao ay kinailangan lamang na mamalagi sa kautusan. Kaya si Jehovah ay hindi naging tao at hindi ibinunyag ang Sarili Niya sa tao; sa halip Siya ay nagpahayag nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang pangalan, at nagbigay daan sa kanila upang tuwirang gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng digmaan kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikidigma kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang pagkakataon ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ang tumalo kay Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto ng digmaan. Kapag nagsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na trabahuin ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain sa pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain sa pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain sa pakikidigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing isinagawa ni Jehovah noong pasimula ay ang pangunguna lang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa kabilang dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng digmaan sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay kinabibilangan ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging tao ang Diyos, at kung hindi Siya naging tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kumakatawan ito sa gawain ng tuwirang pakikidigma laban kay Satanas. Kung ito ay isinagawa ng tao sa pangalan ng Diyos, kapag tumayo ang tao sa harapan ni Satanas, hindi susuko si Satanas at magiging imposible na talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang dumating upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anumang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. At kaya, Siya ay nagsuklob ng katawang-tao at isinagawa ang gawain at binigyang-daan ang ganap na pagsuko ni Satanas. Sa panahon ng pagsisimula ng gawain sa mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito, pinapagpahayag nang tuwiran sa mga salitang ito, kung gayon ay hindi niya magagawang makipag-usap sa kanila, at kung ang propesiya ay ipinahayag, kung gayon ay wala itong kakayahang sa panlulupig ng tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumating ang Diyos upang talunin si Satanas at bigyang-daan ang ganap na pagsuko nito. Lubos Niyang natalo si Satanas, ganap na nalupig ang tao, at lubos na natamo ang tao, at sa gayon ang yugtong ito ng gawain ay makukumpleto, at makakamit ang tagumpay. Sa pamamahala ng Diyos, hindi maaaring humalili ang tao sa Diyos. Lalo na, ang gawain para sa pangunguna sa panahon at paglulunsad sa bagong gawain ay higit na nangangailangan ng pagiging personal na pagsasagawa ng Diyos Mismo. Ang pagbibigay sa tao ng pagbubunyag at paglalaan sa kanya ng propesiya ay maaaring gawin ng tao, ngunit kung ito ay gawain na kailangang personal na gawin ng Diyos, gawain ukol sa digmaan sa pagitan ng Diyos Mismo at ni Satanas, kung gayon ang ganitong gawain ay hindi maaaring isagawa ng tao. Sa panahon ng unang yugto ng gawain, nang wala pang digmaan laban kay Satanas, personal na pinangunahan ni Jehovah ang mga tao ng Israel gamit ang propesiyang ipinahayag ng mga propeta. Pagkatapos nito, ang ikalawang yugto ng gawain ay ang digmaan kay Satanas, at personal na naging tao ang Diyos Mismo, dumating na nasa katawang-tao upang isagawa ang gawaing ito. Ang anumang may kinalaman sa digmaan kay Satanas ay kinapapalooban din ng pagkakatawang-tao ng Diyos, nangangahulugan na ang digmaang ito ay hindi maaaring isagawa ng tao. Kung ang tao ang makikidigma, hindi niya makakayang talunin si Satanas. Paano siyang magkakaroon ng lakas na makipaglaban dito habang nasa ilalim pa rin ng sakop nito? Ang tao ay nasa gitna: Kung ikaw ay hihilig patungo kay Satanas nabibilang ka kay Satanas, ngunit kung iyong napalugod ang Diyos nabibilang ka sa Diyos. Kung ang tao ay hahalili sa Diyos sa gawain ng digmaang ito, makakaya ba niya? Kung nagawa niya, hindi ba maaaring matagal na siyang namatay? Maaaring matagal na siyang nakapasok sa mundo sa ibaba? At kaya, hindi kayang palitan ng tao ang Diyos sa Kanyang gawain, na ibig sabihin na hindi taglay ng tao ang diwa ng Diyos, at kung ikaw ay nakipagdigma kay Satanas kakayanin mong matalo ito. Maaari lamang gumawa ng ilang gawain ang tao; maaari lamang makahalina ng ilang tao, ngunit hindi siya maaaring humalili sa Diyos sa gawain ng Diyos Mismo. Paano makikidigma ang tao laban kay Satanas? Ikaw ay kukuning bihag ni Satanas bago ka pa man magsimula. Ang Diyos Mismo lamang ang maaaring makidigma kay Satanas, at sa batayang ito ang tao ay maaaring sumunod sa Diyos at sundin Siya. Sa paraan lang na ito maaaring matamo ng Diyos ang tao at makatatakas sa pagkakagapos kay Satanas. Masyadong limitado ang maaaring makamtan ng tao gamit ang kanyang karunungan, awtoridad at mga kakayahan; hindi niya kakayaning gawing buo ang tao, ang pangunahan siya, at, higit pa rito, ang talunin si Satanas. Hindi kakayanin ng talino at karunungan ng tao na hadlangan ang mga pamamaraan ni Satanas, kaya papano siya makikidigma rito?
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ito ay tiyak na dahil pinasama ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang binabalak iligtas ng Diyos, na kailangang maging tao ang Diyos upang makidigma kay Satanas at personal na maging pastol ng tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay lumitaw nang upang matalo si Satanas, at lumitaw din nang upang higit na mailigtas. Iyon ay dahil ang tanging maaaring makidigma kay Satanas ay ang Diyos, maging ito man ay sa Espiritu ng Diyos o sa katawang-tao ng Diyos. Sa madaling sabi, hindi maaaring ang mga anghel ang siyang makidigma kay Satanas, lalong hindi maaaring ito ay ang tao, na ginawang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na gawin ito, at ang tao ay lalo namang mas inutil. Sa gayon, kung nanaisin ng Diyos na trabahuin ang buhay ng tao, kung nanaisin Niyang personal na pumunta sa lupa upang trabahuin ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging tao, iyon ay, kailangan Niyang personal na suutin ang katawang-tao, at sa Kanyang likas na pagkakakilanlan at sa gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ng tao ang gumawa sa gawaing ito, kung gayon ang digmaan na ito ay mabibigo magpakailanman na makamit ang epekto nito, at hindi matatapos kailanman. Kapag ang Diyos ay naging tao upang personal na makidigma laban kay Satanas doon pa lamang magkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lang mapapahiya si Satanas, at maiiwang walang kahit anumang pagkakataon na magsamantala o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di maaaring makamtan ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang hindi makakayang gawin sa pangalan ng Diyos ng sinumang tao na makalaman, sapagkat ang gawain na kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at basta na lang hindi kakayaning mapagbago ang tiwaling disposisyon ng tao. Siya ay mawawalan ng kakayahan sa pagliligtas sa tao mula sa krus, o ang panlulupig sa lahat ng mapaghimagsik na katangian ng sangkatauhan, ngunit makakaya lamang na gumawa ng kaunting lumang gawain batay sa tuntunin, o ng anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aalala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi makakayang matamo ang tao, lalong hindi matalo si Satanas? At kaya, ang digmaan kay Satanas ay maipatutupad lamang ng Diyos Mismo, at hindi basta makakayang gawin ng tao. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi makakayang gawin ng tao ang gawain sa pagbubukas ng bagong panahon, ni, higit pa rito, hindi niya kayang ipatupad ang gawain ng pakikidigma kay Satanas. Maaari lamang mapasaya ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, sa pamamagitan nito ay natalo si Satanas; ito lang ang isang bagay na kayang gawin ng tao. At kaya, sa bawat sandaling magsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa bawat sandaling magsisimula ang gawain sa bagong panahon, ang gawaing ito ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo, sa pamamagitan nito pangungunahan Niya ang buong panahon, at magbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dahil ang tao ang siyang hahatulan, ang tao sa laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang direktang hahatulan, ang gawain ng paghatol ay hindi tutuparin sa espirituwal na mundo. datapuwa't sa gitna ng tao. Walang sinuman ang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. … Lubos lamang na matatalo si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao, maaaring direktang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang hindi pagkamatuwid ng tao; ito ay ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ang Kanyang pagka-katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang karapat-dapat na, at nasa posisyon upang hatulan ang tao, sapagka't Siya ang nagmamay-ari ng katotohanan, at pagkamatuwid, at kaya magagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga wala sa katotohanan at pagkamatuwid ay hindi akma na hatulan ang iba.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos na ito ay isinagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan na pagkatawang-tao dahil ang mga ito ay napakahalaga sa buong gawaing pamamahala. Halos masasabi na, kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang buong gawaing pamamahala ay maaaring nahinto, at ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ay magiging walang anuman kundi walang saysay na salita. Kung mahalaga o hindi ang gawain na ito ay batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at ang pagkatotoo ng kabuktutan ng sangkatauhan, at ang kalubhaan ng pagsuway ni Satanas at ang kanyang panggugulo sa gawain. Ang isang tama para sa gawain ay nakasalalay sa kalikasan ng kanyang gawain, at ang kahalagahan ng gawain. Kung nauukol sa kahalagahan ng gawain na ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin-ang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, o gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao-ang unang aalisin ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at ang kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa katawan, ito ay napagpasyahan sa huli na ang gawain na ginawa sa katawan ay mas kapaki-pakinabang para sa tao kaysa sa gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at nag-aalok ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras ng pagpapasya kung ang gawain ay ginawa sa pamamagitan ng Espiritu o sa pamamagitan ng katawang-tao. May isang kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain. Ang mga ito ay hindi walang batayan na mga pag-guniguni, at ni hindi ang mga ito nagkataong isinagawa; mayroong tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang katulad ng katotohanan sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka't ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng PagKatapatanhatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka't ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dahil sa mga paghatol na ito kaya nagagawa ninyong makita na ang Diyos ay isang Diyos na matuwid, na ang Diyos ay ang Diyos na banal. Dahil sa Kanyang kabanalan at pagiging matuwid kaya Niya kayo hinatulan at dumalaw ang Kanyang matinding galit sa inyo. Sapagkat maaari Niyang ibunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita ang pagiging rebelyoso ng sangkatauhan, at dahil maaari Niyang ibunyag ang Kanyang kabanalan kapag nakikita ang karumihan ng sangkatauhan, sapat ito upang ipakita na Siya ay Diyos Mismo na banal at walang dungis, ngunit naninirahan din sa lupaing marumi. Kung Siya ay isang tao na dinudungisan ang sarili niya kasama ng iba pa at kung wala Siyang anumang mga elemento ng kabanalan o isang matuwid na disposisyon, hindi Siya magiging karapat-dapat para manghatol sa pagiging hindi matuwid ng sangkatauhan o maging hukom ng sangkatauhan. Kung hahatulan ng tao ang tao, hindi ba ito magiging parang pagsampal sa kanilang sariling mukha? Paano nagkaroon ang isang tao ng karapatan para hatulan ang kaparehong tao, na kasingdumi lamang nila? Ang kaisa-Isa na maaaring humatol sa lahat ng maruming sangkatauhan ay ang banal na Diyos Mismo, at paano magagawang hatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano magkakaroon ng kakayahan ang tao na makita ang mga kasalanan ng tao, at paano sila magiging karapat-dapat na hatulan ang tao? Kung hindi tinaglay ng Diyos ang karapatan na hatulan ang mga kasalanan ng tao, kung gayon paano Siya naging ang matuwid na Diyos Mismo? Kapag ang tiwaling mga disposisyon ng mga tao ay nabunyag, Siya ay nagsasalita upang hatulan sila, at sa gayon lamang nila makikita na Siya ay banal.
mula sa “Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Para sa lahat ng mga nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng pagtaguyod ng mga layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan na masaksihan ang tunay na mga gawa at ang tunay na mukha ng Diyos. Kapwa ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos, at ang kapwa ay maaari lamang matupad sa pamamagitan ng normal at tunay na katawan. Ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakatawang-tao, at kung bakit dapat ito ay nasa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil ang mga tao ay hinihingang makilala ang Diyos, ang mga imahe ng malabo at hindi pangkaraniwang mga Diyos ay dapat maiwaksi mula sa kanilang mga puso, at dahil kinakailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung tanging tao ang gagawa sa pagwawaksi ng mga imahe ng malabong Diyos mula sa mga puso ng mga tao, kung gayon siya ay mabibigo na makamit ang tamang epekto. Ang mga imahe ng malabong Diyos sa mga puso ng mga tao ay hindi maaaring mailantad, maiwaksi, o ganap na mapaalis sa pamamagitan ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posible na palayasin ang malalim na pagkabaon ng mga bagay na ito mula sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang maaaring ipalit sa mga malabo at hindi pangkaraniwang mga bagay na ito upang pahintulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang takdang epekto. Kinikilala ng tao na ang Diyos na kanyang hinahangad ng mga nakaraang panahon ay malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, ngunit ang nagkatawang-taong Diyos. Ang mga pagkaintindi ng tao ay inihantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at pagkatotoo ng nagkatawang-taong Diyos ay ang katumbalikan ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kanilang kaibahan sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa pagkatotoo ang malalabong mga bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling gawa, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng gawaing ito na Kanyang kahalili. Hindi mahalaga kung gaano kayaman ang wika ng tao, hindi niya kaya na magsalita nang maliwanag ang katotohanan at pagiging karaniwan ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa mas kapaki-pakinabang na paraan, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung ang Diyos ay personal na gagawa sa gitna ng tao at ganap na itatanghal ang Kanyang larawan at ang Kanyang pagka-Diyos. Ang epektong ito ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng anumang maka-lamang tao. … Ang gawain ng katawan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian, gayunpaman, ay naglalakip sa tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at ito ay isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang kaligtasan ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, painumin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawan ang maaaring pagkatiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sasaklolo ng tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan na tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng mga tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng pagiging Diyos at ang pamumuhay kasama ng mga tao. Tanging ang gawaing ito ang magsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Wawakasan na ng nagkatawang-taong Diyos ang kapanahunan nang ang likod lamang ni Jehovah ang nagpakita sa sangkatauhan, at tatapusin din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling nagkatawang-taong Diyos ay dinadala ang lahat ng sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lang Niya tatapusin ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; mas mahalaga, ibinubunyag Niya sa sangkatauhan ang isang tunay at pangkaraniwang Diyos, na matuwid at banal, na nagbubukas ng gawain ng plano sa pamamahala at nagpapakita ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at dadalhin sa katapusan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago ng libo-libong taon. Dadalhin Niya ang kapanahunan ng kalabuan sa isang ganap na katapusan, tatapusin Niya ang kapanahunan kung saan ang buong sangkatauhan ay ninais na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nagawa, wawakasan Niya ang kapanahunan na kung saan ang buong sangkatauhan ay naglingkod kay Satanas, at aakayin ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Ang lahat ng ito ay ang kinalabasan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na Espiritu ng Diyos. … Ang mga guni-guni ng tao ay, kung tutuusin, walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi mapapagpanggapan ng tao. Ang hindi-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang mga gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na gumagawa ng gawain Niya sa pagitan ng mga tao. Ito ang pinaka-mainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan ang tao ay nakikita ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito maaaring matamo sa pamamagitan ng isang hindi nagkatawang-taong Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao