Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Peb 25, 2020

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan



Mga aklat ng ebanghelyo | Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan

(II) Mga Salita tungkol sa Pagdarasal at Pagsamba sa Diyos


11. Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabuluhan. Ano ang nakikita natin sa mga panalangin ng mga tao? Nakikita natin na direkta silang naglilingkod sa Diyos.
Kung itinuturing mong ritwal ang panalangin, tiyak na hindi mo mapaglilingkuran nang husto ang Diyos. Kung hindi ka nagdarasal nang taimtim o taos-puso, masasabi na mula sa pananaw ng Diyos, ikaw bilang isang tao ay hindi umiiral; at dahil diyan, paano mapapasaiyo ang impluwensya ng Banal na Espiritu? Ang magiging resulta ay na pagkatapos magtrabaho sandali, pagod ka na. Mula ngayon, kapag walang panalangin, hindi mo magagawang magtrabaho. Panalangin ang nagdudulot ng trabaho, at panalangin ang nagdudulot ng paglilingkod. Kung isa kang taong namumuno at naglilingkod sa Diyos, subalit hindi mo inilaan ang iyong sarili kailanman sa panalangin o naging seryoso kailanman sa iyong mga panalangin, ang paraan ng paglilingkod mo ay hahantong sa iyong pagbagsak. … Kung madalas kang makakapasok sa presensya Diyos, at madalas kang makapagdarasal sa Kanya, patunay iyon na itinuturing mo ang Diyos bilang Diyos. Kung madalas mong gawing mag-isa ang mga bagay-bagay at madalas mong nakakaligtaang manalangin, na ginagawa ito at iyon habang nakatalikod Siya, hindi mo pinaglilingkuran ang Diyos; bagkus, isinasagawa mo lamang ang sarili mong gusto. Kung magkagayon, hindi ka ba isusumpa? Sa tingin, hindi lilitaw na parang may nagawa kang nakakagambala, ni hindi magmumukhang nalapastangan mo ang Diyos, kundi gagawin mo lang ang sarili mong gusto. Sa paggawa niyon, hindi ka ba nakakaabala? Kahit, sa tingin, mukhang hindi naman, sa diwa ay nilalabanan mo ang Diyos.

—mula sa “Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

12. Pagkatapos na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at binigyan sila ng mga espiritu, iniutos Niya sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Diyos, kung gayon hindi sila makakaugnay sa Kanyang Espiritu at kaya hindi matatanggap sa daigdig ang “telebisyong satelayt” mula sa langit. Kapag wala na ang Diyos sa mga espiritu ng mga tao mayroong isang walang-lamang upuan na naiiwang bukas para sa ibang bagay, at iyan ang kung paano sinasamantala ni Satanas ang pagkakataon na makapasok. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, kaagad na natataranta si Satanas at nagmamadali upang tumakas. Sa pamamagitan ng mga pagsamo ng sangkatauhan ay ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos ang kanilang pangangailangan, nguni’t hindi Siya “naninirahan” sa loob nila sa simula. Palagi lamang Siyang nagkakaloob sa kanila ng tulong dahil sa kanilang mga pagsamo at nakakamtan ng mga tao ang tibay mula sa kalakasang panloob kaya hindi nangangahas si Satanas na pumunta rito para “maglaro” ayon sa gusto nito. Sa ganitong paraan, kung palaging nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Espiritu ng Diyos, hindi nangangahas si Satanas na manggambala. Nang walang panggagambala ni Satanas, normal ang mga buhay ng lahat ng mga tao at may pagkakataon ang Diyos na gumawa sa loob nila nang walang anumang mga paghadlang. Sa ganitong paraan, maisasakatuparan kung ano ang nais gawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao.

—mula sa “Kabanata 17” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13.(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang panalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka karaniwang nananalangin sa maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa malalaking pagtitipon. Kung hindi ka karaniwang lumalapit sa Diyos o hindi nagninilay ng mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng panalangin--at kahit na manalangin ka, hindi naman tapat ang sasabihin mo, kaya’t hindi ka talaga nananalangin.

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapapatunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa. Nakapanalangin ka na ba sa gayong paraan?

At ano naman ang tungkol sa nilalaman ng mga panalangin? Dapat kang manalangin, nang dahan-dahan, alinsunod sa iyong tunay na kalagayan at iyon ay gagawin ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagniig sa Diyos sa pagpapanatili sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang mga kinakailangan sa tao. Kapag nagsisimula kang magsagawa ng mga panalangin, ibigay mo muna ang iyong puso sa Diyos. Huwag kang magtatangkang unawain ang kalooban ng Diyos; subukin lamang sabihin sa Diyos ang mga salita sa loob ng iyong puso. Kapag ikaw ay lalapit sa harap ng Diyos, sabihin ang ganito: “O Diyos! Sa araw lamang na ito ko natatanto na dati Kitang sinuway. Ako ay totoong tiwali at kasuklam-suklam. Noong una, sinayang ko lamang ang aking oras; magmula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo, isasabuhay ko ang isang buhay na mayroong kabuluhan, at palulugurin ang Iyong kalooban. Nais ko na ang Iyong Espiritu ay palaging gumagawa sa loob ko, at palaging paliliwanagin at liliwanagan ako, upang ako ay makakapagpatotoo nang matatag at ganap sa harap Mo, nagbibigay-daan kay Satanas na makita ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng iyong tagumpay sa loob namin.” Kapag ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay ganap na mapapalaya, sa pananalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay mas magiging malapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng madalas na pananalangin sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay tiyak na gagawa sa loob mo. Kung ikaw ay palaging tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan at ginagawa ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, darating ang araw na ang iyong pagpapasya ay matatanggap sa harap ng Diyos, kapag ang iyong puso at buong pagkatao ay tatanggapin ng Diyos, at ikaw sa bandang huli ay gagawing perpekto ng Diyos. Ang panalangin ay napakahalaga para sa inyo. Kapag ikaw ay nananalangin, tinatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu, ang iyong puso sa gayon ay inaantig ng Diyos, at ang lakas ng pag-ibig para sa Diyos sa loob mo ay lumalabas. Kung hindi ka mananalangin gamit ang iyong puso, kung hindi mo bubuksan ang iyong puso para makipagniig sa Diyos, kung gayon hindi magkakaroon ng paraan ang Diyos na makagawa sa loob mo. Kung, sa pananalangin, nasabi mo na ang lahat ng mga salita sa loob ng iyong puso at ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumana, kung hindi nararamdaman na inantig ka sa loob, kung gayon ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi masigasig, na ang iyong mga salita ay hindi tunay, at hindi pa rin dalisay. Kung, sa pananalangin, ikaw ay nalulugod, kung gayon ang iyong mga panalangin ay natanggap na ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay gumana na sa loob mo. Bilang isang tao na naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring walang mga panalangin. Kung tunay mong itinuturing ang pakikibahagi sa Diyos bilang isang bagay na makahulugan at mahalaga, maaari mo bang balewalain ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring walang pakikipagniig sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, nabubuhay ka sa pagka-alipin ni Satanas; kung walang tunay na panalangin, ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Umaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na tunay na manalangin sa bawat araw at lahat ng araw. Ito ay hindi pagsunod sa doktrina, gayunman, ngunit isang epekto na dapat na matamo. Nakahanda ka bang ipagpaliban ang isang maigsing tulog at kaluguran, bumigkas muna ng pang-umagang mga panalangin sa bukang-liwayway at pagkatapos ay masiyahan sa mga salita ng Diyos? Kung ikaw ay mananalangin at kakain at iinom ng mga salita ng Diyos, sa ganitong paraan, gamit ang isang dalisay na puso, kung gayon lalo kang tatanggapin ng Diyos. Kung ginagawa mo araw-araw, isinasagawa ang pagbibigay ng iyong puso sa Diyos sa bawat araw at nakikipagniig sa Diyos, kung gayon ang iyong kaalaman ukol sa Diyos ay tiyak na madaragdagan, at mas mahusay mong magagawang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Dapat mong sabihin: “O Diyos! Nais kong tuparin ang aking tungkulin. Upang mangyaring Ikaw ay maluwalhati sa amin, at mangyaring matamasa ang patotoo sa amin, ang grupo ng mga taong ito, maiaalay ko lamang ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nakikiusap ako na gumawa Ka sa loob namin, para tunay kong maiibig at mapalugod Kita, at gawin Kang layunin na aking hinahangad.” Kung tinataglay mo ang ganitong pasanin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos; hindi ka lamang dapat manalangin para sa kapakanan ng iyong sarili, ngunit para din sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, at para sa kapakanan ng pag-ibig sa Kanya. Ang gayon ang pinakatunay na uri ng panalangin. Nananalangin ka ba sa ikatutupad ng kalooban ng Diyos?

Noong una, hindi ninyo alam kung paano manalangin, at nakaligtaan ang panalangin; sa kasalukuyan, dapat ninyong gawin ang inyong makakaya na sanayin ang inyong mga sarili na manalangin. Kung hindi mo nagagawang tawagin ang lakas sa loob mo upang ibigin ang Diyos, kung gayon paano ka makakapanalangin? Dapat mong sabihin: “O Diyos! Ang aking puso ay walang kakayahan na ibigin Ka nang tunay, nais kong ibigin Ka ngunit wala akong lakas. Ano ang dapat kong gawin? Hinihiling ko sa Iyo na buksan ang mga mata ng aking espiritu, hinihiling ko sa Iyo na antigin ang aking puso, upang sa harap Mo mahubaran ako sa lahat ng walang kibong mga kalagayan, at di-mapipigilan ng sinumang tao, pakay, o bagay; ang aking puso ay ganap na ipinapahayag ko sa harap Mo, anupa’t ang aking buong pagkatao ay iniaalay sa harap Mo, at maaari Mo akong subukin paano Mo man ibigin. Ngayon, hindi ako magbibigay ng anumang palagay sa aking mga inaasahan, ni ako ay nakagapos sa kamatayan. Gamit ang aking puso na umiibig sa Iyo, nais kong hangarin ang daan ng buhay. Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Iyong mga kamay, ang aking kapalaran ay nasa Iyong mga kamay, at, higit sa rito, ang aking buhay ay pinamamahalaan ng Iyong mga kamay. Ngayon, hinahangad ko ang aking pag-ibig sa Iyo, at hindi alintana kung hahayaan Mo man akong Ibigin Ka, at hindi alintana kung paano man manghimasok si Satanas, determinado ako na ibigin Ka.” Kapag nakasagupa ka ng gayong mga bagay, manalangin ka sa ganitong paraan. Kung gagawin mo iyon araw-araw, ang lakas upang ibigin ang Diyos ay unti-unting tataas.

Paano pumapasok ang isang tao sa tunay na panalangin?

Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay dapat nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang kaliwanagan at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong kalagayan at mga suliranin sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at mamuhi sa iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos.


Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na kulang sila ng mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nagagawa ng mga tao na magtamo ng isang normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagiging isang tao na naniniwala sa Diyos, habang lalo kang nananalangin, lalong mas inaantig ka ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mayroong mas malaking pagbabago at lalong mas nagagawang tanggapin ang pinakabagong kaliwanagan mula sa Diyos; bilang resulta, ang mga taong kagaya lamang nito ang maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon ng Banal na Espiritu.

Ano ang epekto na nakakamtan sa pamamagitan ng panalangin?

Nagagawa ng mga tao na ipatupad ang pagsasagawa ng panalangin at maunawaan ang kahalagahan ng panalangin, ngunit ang epekto na natatamo sa pamamagitan ng panalangin ay hindi magaan na bagay. Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, ibinabahagi sa Diyos ang mga salita sa iyong puso upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang kaliwanagan at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito magkakaroon ka ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin—ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.

Ang pangunahing kaalaman tungkol sa pananalangin:

1. Huwag basta sabihin lamang kung ano ang naiisip. Dapat na mayroong pasanin sa loob ng iyong puso, na ang ibig sabihin, dapat kang magkaroon ng isang layunin kapag ikaw ay nananalangin.

2. Dapat nilalaman ng iyong mga panalangin ang mga salita ng Diyos; ang mga ito ay dapat nakabatay sa mga salita ng Diyos.

3. Sa pananalangin, hindi mo maaaring ulitin ang mga nasabi mo na; hindi mo dapat banggitin ang mga bagay na lipas na. Dapat mo talagang sanayin ang iyong sarili na sabihin ang kasalukuyang mga salita ng Banal na Espiritu; sa gayon ka lamang makagagawa ng isang ugnayan sa Diyos.

4. Ang sama-samang panalangin ay dapat itampok sa paligid ng isang kaibuturan, na dapat ang gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan.

5. Dapat matutuhan ng lahat ng tao kung paano manalangin para sa iba. Dapat nilang hanapin ang bahagi sa mga salita ng Diyos na gusto nilang ipanalangin, batay sa kung saan dapat magkaroon sila ng isang pasanin, at dahil dito dapat silang madalas manalangin. Ito ay isang pagpapakita ng pagmamalasakit para sa kalooban ng Diyos.

Ang buhay ng personal na panalangin ay batay sa pagkaunawa sa kahalagahan ng panalangin at ang pangunahing kaalaman ukol sa panalangin. Ang tao ay dapat madalas manalangin para sa kanyang mga pagkukulang sa kanyang pang-araw-araw na buhay, at dapat manalangin sa saligan ng kaalaman ukol sa mga salita ng Diyos upang magkamit ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay. Dapat maitatag ng bawat isa ang kanilang sariling buhay-panalangin, dapat silang manalangin para sa kaalaman batay sa mga salita ng Diyos, dapat silang manalangin upang hanapin ang kaalaman ukol sa gawain ng Diyos. Ilatag ang iyong totoong mga pangyayari sa harap ng Diyos, at maging praktikal, at huwag mag-ukol ng pansin sa pamamaraan; ang pinakamahalaga ay makamtan ang isang tunay na kaalaman, at maranasan nang totohanan ang mga salita ng Diyos. Ang sinuman na naghahangad ng pagpasok sa espirituwal na buhay ay dapat magawang manalangin sa maraming paraan. Tahimik na panalangin, pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, makarating sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, at iba pa—itong inaasam na gawain ng pakikipagniig, ay upang makamtan ang pagpasok sa isang normal na espirituwal na buhay, paggawa sa iyong sariling kalagayan nang painam nang painam sa harap ng Diyos, at maging sanhi ng mas malaking pagsulong sa iyong buhay kailanman. Sa madaling sabi, lahat ng iyong gagawin—maging ito man ay pagkain o pag-inom ng mga salita ng Diyos, o pananalangin nang tahimik o pagpapahayag nang malakas—ay upang malinaw na makita ang mga salita ng Diyos, at ang Kanyang gawain, at ang nais Niyang matamo sa iyo. Ang lalong mas mahalaga, ito ay upang maabot ang mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos at dalhin ang iyong buhay sa susunod na antas. Ang pinakamababang pamantayan na kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay ang magawa nilang buksan ang kanilang mga puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang puso sa Diyos, kung gayon ang Diyos ay nakahandang gumawa sa tao; hindi gusto ng Diyos ang pilipit na puso ng tao, kundi ang kanyang dalisay at tapat na puso. Kung hindi tunay na sasabihin ng tao ang kanyang puso sa Diyos, kung gayon hindi aantigin ng Diyos ang puso ng tao, o gagawa sa loob niya. Kaya naman, ang pinakamahalagang bagay tungkol sa panalangin ay para sabihin ang mga salita ng iyong tunay na puso sa Diyos, pagsasabi sa Diyos ng iyong mga kapintasan at mapanghimagsik na disposisyon at ganap na pagbubukas ng iyong sarili sa Diyos. Sa gayon lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga panalangin; kung hindi, kung gayon ay itatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo. Ang pinakamababang saligan para sa panalangin ay dapat mong mapanatiling payapa ang iyong puso sa harap ng Diyos, at hindi ito dapat lumayo mula sa Diyos. Marahil, sa panahong ito, hindi ka pa nagkamit ng mas bago at ng mas mataas na pananaw, ngunit dapat mong gamitin ang panalangin upang mapanatili ang mga bagay sa kanilang dating kalagayan—hindi ka makauurong. Ito ang pinakamababa na dapat mong matamo. Kung maging ito man ay hindi mo maisasakatuparan, kung gayon pinatutunayan nito na ang iyong espirituwal na buhay ay hindi pa nakapasok sa tamang landas; bilang resulta, hindi mo nagagawang panghawakan ang iyong likas na pananaw, at mawalan ng pananampalataya sa Diyos, at ang iyong pagpapasya sa bandang huli ay mawawala. Ang iyong pagpasok sa espirituwal na buhay ay tinatandaan kung ang iyong mga panalangin ay nakapasok na o hindi sa tamang landas. Dapat pumasok ang lahat ng mga tao sa katotohanang ito, dapat gawin nilang lahat ang gawain ng sadyang sinasanay ang kanilang mga sarili sa panalangin, hindi naghihintay lang nang walang kibo, ngunit sadyang hinahangad na maantig ng Banal na Espiritu. Sa gayon lamang sila magiging mga tao na tunay na naghahangad sa Diyos.

Kapag nagsimula kang manalangin, maging makatotohanan, at hindi dapat lumabis sa iyong sarili; hindi ka makagagawa ng marangyang mga kahilingan, umaasa na sa sandaling ibuka mo ang iyong bibig ay aantigin ka ng Banal na Espiritu, liliwanagan at paliliwanagin, at pagkakalooban ng maraming biyaya. Yaon ay imposible—hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay na di-pangkaraniwan. Isinasakatuparan ng Diyos ang mga panalangin ng mga tao sa Kanyang sariling panahon at minsan sinusubok Niya ang iyong pananampalataya upang makita kung ikaw ay tapat sa harap Niya. Kapag ikaw ay nananalangin dapat kang magtaglay ng pananampalataya, pagtitiyaga, at pagpapasya. Kapag nagsisimula na silang magsanay na manalangin, hindi nadarama ng karamihan sa mga tao na sila ay naantig na ng Banal na Espiritu kaya nasisiraan ng loob. Hindi ito maaari! Dapat kang magkaroon ng tiyaga, dapat kang magtuon sa pagdama sa pag-antig ng Banal na Espiritu, at sa paghahanap at sa pagsasaliksik. Kung minsan, ang landas na iyong ginagalawan ay ang maling landas; minsan, ang iyong mga pagganyak at mga pagkaintindi ay hindi nakapaninindigan sa harap ng Diyos, at kaya hindi ka inaantig ng Espiritu ng Diyos; may mga pagkakataon din na tinitingnan ng Diyos kung ikaw ay tapat o hindi. Sa madaling sabi, dapat kang maglaan pa ng mas maraming pagsisikap sa pagsasanay sa iyong sarili. Kapag iyong natuklasan na ang landas na iyong ginagalawan ay lihis, maaari mong baguhin ang iyong paraan ng panalangin. Hangga’t tunay kang naghahangad, at nasasabik na tumanggap, kung gayon tiyak na dadalhin ka ng Banal na Espiritu sa ganitong katotohanan. May mga pagkakataon na nananalangin ka gamit ang isang pusong tunay ngunit hindi nadarama na ikaw ay talagang inantig. Sa mga panahong kagaya ng mga ito dapat kang umasa sa iyong pananampalataya, at magtiwala na tinitingnan ng Diyos ang iyong mga panalangin; dapat kang magkaroon ng pagtitiyaga sa iyong mga panalangin.

Dapat kang maging tapat, at dapat manalangin upang alisan ang iyong sarili ng katusuhan sa iyong puso. Habang ginagamit mo ang panalangin upang dalisayin ang iyong sarili kung kinakailangan, at gamitin ito upang antigin ng Espiritu ng Diyos, ang iyong disposisyon ay unti-unting magbabago. Ang tunay na buhay espirituwal ay isang buhay ng panalangin, at ito ay isang buhay na inaantig ng Banal na Espiritu. Ang proseso ng pagiging inantig ng Banal na Espiritu ay ang proseso ng pagbabago ng disposisyon ng tao. Ang buhay na hindi pa inantig ng Banal na Espiritu ay hindi isang espirituwal na buhay, ito ay relihiyosong ritwal pa rin; yaon lamang mga madalas inaantig ng Banal na Espiritu, at naliwanagan na at pinaliwanag ng Banal na Espiritu, ay ang mga taong nakapasok na sa espirituwal na buhay. Ang disposisyon ng tao ay patuloy na nagbabago habang siya ay nananalangin, at habang lalo siyang inaantig ng Banal na Espiritu, lalong mas nagiging aktibo at masunurin siya. Kaya, gayundin, ang kanyang puso ay unti-unting magiging malinis, at pagkatapos ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago. Ganito ang epekto ng tunay na panalangin.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Kahit kapag lumuluhod ang mga tao para manalangin, kinakausap nila ang Diyos sa isang daigdig na mahirap unawain, kailangan mong unawain nang malinaw na ang kanilang mga panalangin ay isa ring uri ng daluyan para sa impluwensya ng Banal na Espiritu. Kapag nagdarasal at naghahangad ang mga tao habang nasa tamang kalagayan, iimpluwensya rin ang Banal na Espiritu kasabay niyon. Ito ay isang uri ng magkasundong kooperasyon sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan mula sa dalawang magkaibang pananaw; sa madaling salita, tinutulungan ng Diyos ang mga tao na harapin ang ilang isyu. Ito ang uri ng kooperasyon mula sa mga tao kapag humaharap sila sa Diyos; isa rin itong uri ng pamamaraan na inililigtas at nililinis ng Diyos ang mga tao. Bukod pa riyan, ito ang landas para sa wastong pagpasok ng mga tao sa buhay, at hindi ito isang klase ng seremonya. Ang panalangin ay hindi basta udyok ng kasigasigan ng mga tao; kung iyon lamang iyon, sapat na sana iyon para matapos na lang at isigaw ang ilang slogan, at hindi na kailangang humiling ng anuman, hindi na kailangang sumamba o magpakabanal. Ang kabuluhan ng panalangin ay napakalalim! Kung madalas kang manalangin, at kung marunong kang manalangin—madalas na nagdarasal na kapwa nagpapasakop at makatwiran—magiging wasto lalo na ang iyong kalooban. Kung madalang mong ipahayag ang mga slogan na iyon habang nagdarasal, nang walang anumang pasanin at hindi isinasaalang-alang kung alin ang makatwiran sa ipinagdarasal mo, ano sa mga salita mo ang hindi makatwiran, at anong paraan ng pagsasalita ang hindi tunay na pagsamba, at kung hindi ka naging seryoso kailanman tungkol sa mga bagay na ito, hindi magtatagumpay ang iyong mga panalangin, at laging magiging abnormal ang iyong kalooban; hindi mo malalaman ang napakalalim na mga aral kung ano ang normal na katwiran, ano ang tunay na pagpapasakop, ano ang tunay na pagsamba, at saan dapat tumayo sa panalangin. Lahat ng ito ay mahiwagang mga bagay.

—mula sa “Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

15. Napakadalas na wala sa katwiran ang inyong mga dalangin; lagi kayong nagdarasal sa ganitong tono: “Diyos ko! Yamang pinagagampanan Mo na sa akin ang tungkuling ito, kailangan Mong gawing angkop ang lahat ng ginagawa ko para hindi maabala ang Iyong gawain at hindi mawalan ang mga interes ng mag-anak ng Diyos. Kailangan Mo akong protektahan….” Ang gayong panalangin ay walang-wala sa katwiran, hindi ba? … Tingnan mo ang mga panalangin ni Jesus (bagama’t hindi binabanggit dito ang Kanyang mga panalangin para pumalit ang mga tao sa Kanyang lugar o posisyon): Sa Halamanan ng Getsemani, ipinagdasal Niya, “Kung baga maaari….” Ibig sabihin, Kung magagawa.” Sinabi ito sa talakayan; hindi Niya sinabing, “Nagsusumamo Ako sa Iyo.” May puso at kalagayang nagpapasakop, ipinagdasal Niya, “Kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo” (Mateo 26:39). Ganito pa rin ang panalangin Niya sa pangalawang beses, at sa pangatlo ipinagdasal Niya, “Mangyari nawa ang Iyong kalooban.” Nang maunawaan ko ang mga layon ng Diyos Ama, sinabi Niya, “Mangyari nawa ang Iyong kalooban.” Nagawa Niyang lubos na magpasakop nang wala man lang anumang personal na pagpipilian. Sabi Niya, “Kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito.” Ano ang ibig sabihin niyon? Nanalangin Siya sa gayong paraan dahil naisip Niya ang malaking pagdurusa ng pagdurugo sa krus hanggang sa Kanyang huling hininga—at patungkol ito sa kamatayan—at dahil hindi pa Niya lubos na naunawaan ang mga layon ng Diyos Ama. Dahil nagawa Niyang manalangin nang gayon sa kabila ng naisip na pagdurusa, talagang nagpasakop Siya nang husto. Ang Kanyang paraan ng pagdarasal ay normal; hindi Siya nagmungkahi ng anumang mga kundisyon sa Kanyang panalangin, ni hindi Niya sinabing alisin ang saro. Sa halip, ang Kanyang layunin ay hangarin ang mga layon ng Diyos sa isang sitwasyong hindi Niya naunawaan. Nang una Siyang manalangin, hindi Siya lubos na nakaunawa, at sinabi Niya, “Kung baga maaari … kundi ang ayon sa ibig mo.” Nanalangin Siya sa Diyos na lubos na nagpapasakop. Sa pangalawang pagkakataon, nanalangin Siya sa gayon ding paraan. Sa kabuuan, tatlong beses Siya nanalangin (siyempre, ang tatlong panalanging ito ay hindi nangyari sa loob lamang ng tatlong araw), at sa Kanyang huling panalangin, lubos na Niyang naunawaan ang mga layon ng Diyos, pagkatapos niyon ay hindi na Siya nagsumamo ng anumang bagay. Sa Kanyang unang dalawang panalangin, nanalangin Siya sa kalagayan ng pagpapasakop. Gayunman, hindi talaga gayong manalangin ang mga tao. Sa kanilang mga panalangin, sinasabi ng mga tao, “Diyos ko, nagsusumamo ako na gawin Mo ito at iyon, at nagsusumamo ako na gabayan Mo ako sa ganito at ganoon, at nagsusumamo ako na ihanda Mo ang mga kundisyon para sa akin.…” Marahil ay hindi Siya naghahanda ng angkop na mga kundisyon para sa iyon at hahayaan kang magdanas ng mga paghihirap. Kung palaging sasabihin ng mga tao, “Diyos ko, hinihiling ko na gumawa Ka ng mga paghahanda para sa akin at bigyan Mo ako ng lakas.” Ang gayong pagdarasal ay talagang hindi makatwiran! Kailangan mong maging makatwiran kapag nagdarasal ka, at kailangan mong gawin iyon dahil nagpapasakop ka. Huwag limitahan ang iyong mga panalangin. Bago ka pa man magsimulang manalangin, nililimitahan mo na ito nang ganito: kailangan kong magsumamo sa Diyos at ipagawa sa Kanya ito at iyon. Ang ganitong paraan ng pagdarasal ay talagang hindi makatwiran.

—mula sa “Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

16. May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay inaantig, at nadadama mo na wala kang magagawa maliban sa ibigin ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa loob mo, at walang anumang bagay ang hindi mo maisasantabi. Kung nadadama mo ang kagaya nito, kung gayon ikaw ay naantig na ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay nabaling nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing: “O Diyos! Kami ay tunay na itinalaga at Iyong pinili. Ang Iyong kaluwalhatian ay nagbibigay sa akin ng pagmamalaki, at nakaluluwalhati para sa akin na maging isa sa Iyong mga tao. Gugugulin ko ang anumang bagay at ibibigay ang anumang bagay upang gawin ang Iyong kalooban, at itatatalaga ko ang lahat ng aking mga taon, at ang isang buong habambuhay ng mga pagsisikap, sa Iyo.” Kung ikaw ay mananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang katapusang pag-ibig at tunay na pagsunod sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng gayong karanasan kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, kung gayon sila ay talagang nakahanda na italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos sa kanilang mga panalangin: “O Diyos! Nais kong makita ang Iyong araw ng kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Ibinabangon Mo ako sa pamamagitan nang pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka sa ganitong paraan, madadama mo na wala kang magagawa maliban sa ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Sa pagsasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng isang di-mauubos na lakas sa loob mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa iyong puso ay magkakaroon ng walang hanggang kapangyarihan, at magkakaroon ng pakiramdam na ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag naantig ka na ng Diyos. Lahat niyaong nagkaroon ng gayong karanasan ay naantig na ng Diyos. Para sa kanila na madalas antigin ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang gawin ang kanilang pagbabago at nakahandang ganap na kamtin ang Diyos, ang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso ay higit na malakas, ang kanilang mga puso ay ganap na bumaling sa Diyos, wala silang pakundangan para sa kanilang pamilya, sa mundo, sa mga gusot, o sa kanilang kinabukasan, at nakahanda silang italaga ang isang habambuhay ng mga pagsisikap sa Diyos. Lahat niyaong naantig na ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos.

—mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Napakahusay ng kakayahan ni Pedro, ngunit iba ang kanyang mga kalagayan kaysa kay Pablo. Inusig Ako ng kanyang mga magulang, kabilang sila sa mga demonyong pag-aari ni Satanas, at sa dahilang ito, walang sinuman ang makakapagsabing naipasa nila ang paraang ito kay Pedro. Matalas ang pag-iisip ni Pedro, pinagkalooban ng katutubong karunungan, kinahumalingan ng kanyang mga magulang mula pagkabata; ngunit nang lumaki na, siya’y naging kaaway nila, dahil lagi niyang hinangad na makilala Ako, at ito ang nagbunsod sa kanya para talikuran niya ang kanyang mga magulang. Ang dahilan una sa lahat, naniwala siya na ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat, at nagmula sa Diyos ang lahat ng positibong bagay at direktang nagmula sa Kanya, na hindi dumaraan sa anumang pamamaraan ni Satanas. Dahil sa salungat na halimbawa ng kanyang mga magulang na magsilbing hambingan, naging daan ito para lalong maging handa siya na kilalanin ang Aking pag-ibig at awa, na lalong nagpaalab sa kanya nang higit na matinding damdamin na hanapin Ako. Masigasig niyang binigyang-pansin hindi lamang ang pagkain at pag-inom ng Aking mga salita, kundi mas higit pa sa pag-unawa sa Aking mga layunin, at palagiang mahinahon at maingat sa kanyang pag-iisip, upang palaging matalas sa karunungan ang kanyang espiritu, at kaya nagawang malugod Ako sa lahat ng kanyang ginawa. Sa ordinaryong buhay, binigyang pansin niya na maisama ang mga aral ng mga nabigo sa nakaraan upang udyukan ang kanyang sarili sa mas malaking pagpupunyagi, dahil sa pangambang maaari siyang mahulog sa mga bitag ng kabiguan. Binigyan din niya ng masusing atensyon na matutuhan ang pananampalataya at pagmamahal ng lahat ng taong nagmahal sa Diyos sa buong kapanahunan. Sa ganitong paraan, hindi lamang sa mga negatibong aspeto, kundi ang higit na mahalaga, sa mga positibong aspeto ay napabilis ang progreso ng kanyang paglago, hanggang sa siya ang taong nakakilala sa Akin nang lubusan sa Aking presensiya. Dahil dito, hindi na mahirap isipin kung paano niya maipagkakaloob sa Aking mga kamay ang lahat ng nasa kanya, hindi na bilang kanyang sariling panginoon maging sa pagkain, sa pananamit, sa pagtulog, o kung saan man siya nakatira, ngunit masaya niya Akong ginawa bilang batayan sa lahat ng bagay na tinamasa niya ang Aking kasaganaan. Napakaraming beses na isinailalim Ko siya sa pagsubok, na halos ikamatay na niya, ngunit kahit sa kabila ng daan-daang pagsubok, hindi siya nawalan kailanman ng pananampalataya sa Akin, o nadismaya sa Akin. Kahit na nang sabihin Kong isinantabi Ko na siya, hindi nanlupaypay ang kanyang puso o nawalan ng pag-asa, kundi nagpatuloy pa rin siya tulad nang dati na isinasakatuparan ang kanyang mga prinsipyo upang mahalin niya Ako sa isang praktikal na paraan. Nang sabihin Ko sa kanya, na kahit inibig niya Ako, hindi Ko siya pinuri sa halip itatapon Ko siya sa mga kamay ni Satanas sa katapusan. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, na hindi umabot sa kanyang laman kundi mga pagsubok sa pamamagitan ng mga salita, nanalangin pa rin siya sa Akin: “Diyos ko! Sa lahat ng nasa langit at sa lupa, at sa hindi mabilang na mga bagay, mayroon bang isang tao, o isang nilalang, o anumang bagay na hindi Mo hawak sa Iyong mga kamay, ang Makapangyarihan sa lahat? Nang naisin Mong magpakita sa akin ng awa, labis na nagagalak ang aking puso sa ipinadama Mong awa; nang naisin Mong magsagawa ng paghatol sa akin, bagaman maaaring hindi ako karapat-dapat, lalo kong naramdaman ang lalim ng hiwaga ng Iyong mga gawa, dahil punong-puno Ka ng awtoridad at karunungan. Bagaman maaaring mahirapan ang aking laman, naaaliw naman ako sa aking espiritu. Paanong hindi ko mapupuri ang Iyong karunungan at ang Iyong mga gawa? Kahit na ako’y mamatay pagkatapos na makilala Kita, lagi akong nakahanda at pumapayag. O, Makapangyarihan sa lahat! Tiyak na hindi Mo totoong nais na hindi Kita makita? Tiyak na hindi totoong di-karapat-dapat akong tumanggap ng Iyong paghatol? Maaari kayang may isang bagay sa akin na ayaw Mong makita?” Sa gitna ng mga ganitong uri ng pagsubok, bagaman hindi maunawaan nang husto ni Pedro ang Aking mga layunin, malinaw na itinuring niya itong isang kapurihan at karangalan sa kanyang sarili na Aking magamit (kahit na tanggapin lamang ang Aking paghatol upang maaaring makita ng sangkatauhan ang Aking kamahalan at poot), at hinding-hindi nalumbay dahil sa sumailalim sa pagsubok. Dahil sa kanyang katapatan sa Aking presensiya, at dahil sa mga pagpapala Ko sa kanya, siya ay naging isang huwaran at isang uliran sa sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Hindi ba ito ang wastong halimbawang dapat ninyong sundin?

—mula sa “Kabanata 6” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Ang nais ko lamang ay na maipapakita ang Iyong disposisyon upang ang Iyong matuwid na disposisyon ay maaaring makita ng lahat ng nilalang, at na maiibig Kita nang mas dalisay sa pamamagitan ng Iyong paghatol at matamo ang wangis ng isa na matuwid. Ang paghatol Mong ito ay mabuti, sapagkat gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na malaki pa rin sa akin ang mapanghimagsik, at na ako ay hindi pa rin naaangkop na lumapit sa harap Mo. Nais ko para sa Iyo na hatulan pa ako nang higit, kung sa pamamagitan man ito ng palabang kapaligiran o malaking mga kapighatian; anuman kung ano ang ginagawa Mo, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at ako ay payag na ihain ang aking sarili sa Iyong pagsasaayos nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawain ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos.

—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Magrekomenda nang higit pa:"Bakit mahalaga ang panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos at sumunod sa Diyos hanggang sa huli. 
"