Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang pagbabago ng disposisyon? Dapat kang maging isang mangingibig ng katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos habang nararanasan mo ang Kanyang gawain, at danasin ang lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino, sa pamamagitan nito ikaw ay dinadalisay sa mala-satanas na mga lason sa loob mo. Ito ang pagbabago sa disposisyon. … Ang pagbabago sa disposisyon na sinasabi sa tahanan ng Diyos ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagkat iniibig niya at kayang tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakarating siya sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin at lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nauunawaan ang kabalintunaan at pagiging mapanlinlang ng tao.
Nalalaman niya ang kasalatan at pagiging kahabag-habag ng tao, at nauunawaan sa wakas ang kalikasan at pinakadiwa ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, maitatanggi niya at matatalikuran ang kanyang sarili nang lubos, mabubuhay sa pamamagitan ng salita ng Diyos, at maisasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Nakikilala ng gayong tao ang Diyos at nagawang baguhin ang kanyang disposisyon.
mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Ang isang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa isang pagbabago sa iyong kalikasan. Ang kalikasan ay hindi isang bagay na maaari mong makita mula sa panlabas na mga paggawi; ang kalikasan ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng pag-iral ng mga tao. Ito ay may tuwirang kinalaman sa mga pagpapahalaga sa buhay ng tao, ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kaluluwa, at ang pinakadiwa ng tao. Kung hindi kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, kung gayon sila ay walang mga pagbabago sa ganitong mga aspeto. Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nakapasok nang tuluyan sa katotohanan, binago ang kanilang mga pagpapahalaga at mga pananaw sa pag-iral at buhay, namalas ang mga bagay sa katulad na paraan ng sa Diyos, at magagawang lubos na magpasakop at italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos saka lamang maaaring sabihin na ang kanilang mga disposisyon ay nabago.
mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ang pagbabago sa disposisyon sa buhay ay maaaring ibuod bilang isang proseso, mula sa pagtutol sa Diyos at pagtataksil sa Diyos hanggang sa huli ay pagiging masunurin sa Diyos, pagiging matapat sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Kapag kaya na ng mga tao na maging masunurin sa Diyos, nagagawa nang sambahin ang Diyos, mayroon silang katotohanan at mayroong pagkatao sa panahong ito. Ang ganitong uri ng tao ay isang tao na nagbago na ang disposisyon sa buhay. Makikita na natin ngayon nang malinaw ang proseso ng pagbabago ng disposisyon sa buhay; ito sa katunayan ang proseso ng pagpasok sa katotohanan, ito ang proseso ng pagtanggap sa katotohanan bilang buhay, at ito rin ang proseso ng pagkilala ng tao sa Diyos. Isang tao na may tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, isang taong ang puso ay ganap na hawak ng Diyos, na kayang mahalin ang Diyos, na kayang maging matapat sa Diyos, ginagawa ang lahat upang mapalugod ang Diyos; ang ganitong uri ng tao ay isang taong nakamit ng Diyos. Ngayon hindi kayang mahalin ng puso ng tao ang Diyos, hindi kayang maging masunurin sa Diyos, pinatutunayan na hawak pa rin ni Satanas ang puso ng tao, at gayundin na kinokontrol pa rin ng lason ni Satanas at ng pilosopiya ni Satanas ang puso ng tao. Kapag nakamit na ng tao ang lahat ng katotohanan na dapat niyang taglayin, kapag natanggap na niya ang lahat ng ito sa kanyang puso, makakamit niya ang isang bagong buhay. Kapag nakamit na ng tao ang bagong buhay, susunod na ang pagtalima sa Diyos, pagmamahal para sa Diyos, at pagsamba sa Diyos; sa panahong ito lubusang magbabago ang disposisyon sa buhay ng isang tao. Ang proseso ng pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isang tao ay siya ring proseso ng pagpapanibago ng disposisyon sa buhay ng isang tao. Dati-rati, ang buhay ni Satanas, ang mga lason ni Satanas ang gumawa sa kalikasan ng tao; ngayon, ang mga bagay na ito ay pinaguho ng lahat ng katotohanan na tinanggap ng tao. Ang puso ng tao ay taglay ng katotohanan, ang katotohanan ay siyang naging panginoon ng puso, sa gayon napapanibago ang disposisyon sa buhay ng isang tao; dati-rati kontrolado ni Satanas ang puso ng tao, ngayon ito ay taglay ng mga salita ng Diyos, taglay ng Diyos. Iba na ang panginoon na kumokontrol sa puso ng tao, sumusunod din at nagbabago ang disposisyon na ipinahahayag sa buhay; ganito ang pagbabago sa disposisyon sa buhay. Noong si Satanas pa ang namamayani sa kalooban mo, masunurin ka kay Satanas, binibigyang-kasiyahan mo si Satanas, at ang lahat ay ginagawa ayon kay Satanas. Sa kasalukuyan ang katotohanan ang namamayani sa kalooban mo; sinusunod mo ang katotohanan, at binibigyang-kasiyahan ang Diyos. Ganito ang proseso para makamit ng Diyos ang tao: Dati-rati ay napakadali para sa iyong mahalin si Satanas, at mahirap ang mahalin ang Diyos; ngayong may katotohanan sa kalooban mo, mahal mo na ngayon ang katotohanan, at madali na ngayong mahalin ang Diyos, at kapag hinihiling na mahalin si Satanas, anuman ang sinasabi para kumbinsihin ka, hindi mo gagawin ito. Kung kaya, sa sandaling mamayani ang katotohanan sa tao, ganap na nagbabago ang tao, at nagiging isang bagong tao. Kaya masasabi na nagbago ang disposisyon sa buhay ng isang tao pangunahing sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan at pagkakamit sa katotohanan.
mula sa “Ang Kahuluhugan ng Pagbabago ng Disposisyon at ang Apat na Proseso ng Pagbabago ng Disposisyon” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (IV)
Inirekomendang pagbabasa:Pananampalataya sa Diyos
Inirekomendang pagbabasa:Pananampalataya sa Diyos