Xiaoxue, Malaysia
Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.