Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

May 15, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo|Paano nakikita ang pagbabago ng disposisyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung mababago man ang iyong disposisyon o hindi, nakasalalay ito kung makaaagapay ka o hindi sa mismong mga salita ng Banal na Espiritu taglay ang tunay na pagkaunawa. Ito ay iba mula sa inyong naunawaan noong una. Ang iyong naintindihan ukol sa isang pagbabago sa disposisyon noong una ay ikaw, na madaling manghatol, sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng Diyos ay hindi na basta-basta na lamang nagsasalita. Ngunit ito ay isa lamang aspeto ng pagbabago, at sa kasalukuyan ang pinaka-kritikal na punto ay ang pagsunod sa paggabay ng Banal na Espiritu. Sinusunod ninyo ang anumang sinasabi ng Diyos; tinatalima ninyo ang anumang Kanyang sinasabi. Hindi kayang baguhin ng mga tao ang kanilang disposisyon sa kanilang ganang mga sarili; sila ay kailangang sumailalim sa paghatol at pagkastigo at masakit na pagpipino ng mga salita ng Diyos, o pakikitunguhan, didisiplinahin, at pupungusin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Pagkatapos lamang noon na matatamo nila ang pagiging masunurin at pagiging tapat sa Diyos, at hindi tangkaing linlangin Siya at makitungo sa Kanya nang basta-basta na lamang. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos na nagkakaroon ang mga tao ng isang pagbabago sa disposisyon. Yaong lamang mga sumailalim sa paghahayag, paghahatol, pagdidisiplina, at pakikitungo sa pamamagitan ng Kanyang mga salita ang hindi na mangangahas na gumawa ng mga bagay nang walang pakundangan, at magiging kalmado at mahinahon. Ang pinakamahalagang punto ay ang nagagawa nilang sundin ang mismong mga salita ng Diyos at sundin ang gawain ng Diyos, at maging ito man ay hindi nakaayon sa mga paniwala ng tao, kaya nilang isantabi ang mga ito at sadyang sundin. Kapag ang isang pagbabago sa disposisyon ay sinalita noong nakaraan, ito ay pangunahing tungkol sa pagtatanggi sa sarili, pagpapahintulot na magdusa ang laman, pagdidisiplina sa katawan ng isang tao, at pag-aalis sa mga makamundong pagnanasa mula sa sarili-ito ay isang uri ng pagbabago sa disposisyon. Nalalaman na ng mga tao na ang tunay na pagpapahayag ng isang pagbabago sa disposisyon ay ang pagsunod sa mismong mga salita ng Diyos gayundin ang pagkakaroon ng isang tunay na pagkaunawa sa Kanyang bagong gawain. Sa ganitong paraan magagawang alisin ng mga tao ang kanilang nakaraang pagkaunawa sa Diyos mula sa kanilang mga paniwala, at matatamo ang isang tunay na pagkaunawa at pagkamasunurin sa Kanya. Ito lamang ang isang tunay na pagpapahayag ng isang pagbabago sa disposisyon.

mula sa “Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maaaring magpakabait ang mga tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na taglay nila ang katotohanan. Nagagawa lamang ng sigasig ng mga tao na sumunod sila sa doktrina at sundin ang patakaran; ang mga tao na walang katotohanan ay walang pag-asa sa paglutas ng mga makabuluhang suliranin, at hindi makapaninindigan ang doktrina para sa katotohanan.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Rekomendasyon:Kahulugan ng Buhay