(XI) Mga Salita tungkol sa Relasyon ng Tao sa Diyos
128. Ang disposisyon ng Diyos ay lantad sa lahat at hindi nakatago, dahil hindi kailanman sinadyang umiwas ang Diyos sa sinumang tao at hindi Niya kailanman sinadyang hangarin na itago ang Sarili Niya upang hindi Siya makilala o maunawaan ng mga tao. Ang disposisyon ng Diyos ay palaging bukas at palaging nakaharap sa bawat tao sa isang lantad na paraan. Sa pamamahala ng Diyos, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain na lantad sa lahat; at ginawa Niya sa bawat tao ang Kanyang gawain. Sa paggawa Niya ng gawaing ito, patuloy Niyang ibinubunyag ang Kanyang disposisyon, patuloy Niyang ginagamit ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya upang gabayan at tustusan ang bawat tao. Sa bawat panahon at sa bawat yugto, maganda man o pangit ang mga kalagayan, ang disposisyon ng Diyos ay laging lantad sa bawat indibidwal, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay laging lantad sa bawat indibidwal, sa parehong paraan ng palagi at walang-patid na paglalaan at pag-alalay ng Kanyang buhay sa sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng ito, ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling nakatago para sa ilan. Bakit ganoon? Dahil bagama’t nabubuhay ang mga taong ito sa loob ng gawain ng Diyos at sumusunod sila sa Diyos, hindi nila kailanman pinagsikapang unawain o ginustong makilala ang Diyos, at mas lalo na ang mapalapit sa Diyos.
Para sa mga taong ito, ang pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos ay nangangahulugang malapit na ang kanilang katapusan; nangangahulugan ito na malapit na silang hatulan at mapatunayang may sala sa pamamagitan ng disposisyon ng Diyos. Dahil dito, hindi kailanman ginusto ng mga taong ito na unawain ang Diyos o ang Kanyang disposisyon, at hindi nila sinikap na matamo ang mas malalim na pagkaunawa o kaalaman sa kalooban ng Diyos. Hindi nila nilalayong maintindihan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng sinadyang pakikisama—habang-panahon lang sila na nagpapakasaya at hindi nagsasawa sa paggawa ng mga bagay na gusto nila; nananampalataya sa Diyos na nais nilang panampalatayanan; nananampalataya sa Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga imahinasyon, ang Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga pagkaintindi; at nananampalataya sa isang Diyos na hindi maihihiwalay sa kanila sa araw-araw nilang pamumuhay. Pagdating sa tunay na Diyos Mismo, ganap silang umiiwas, walang pagnanais na maunawaan Siya, makinig sa Kanya, at mas lalo nang kakaunti ang layunin na mapalapit sa Kanya. Ginagamit lang nila ang mga salitang ipinahahayag ng Diyos upang pagandahin ang sarili nilang anyo, upang maging mabenta sila. Para sa kanila, iyon na ang pagiging matagumpay na mananampalataya at iyon na ang mga taong may pananampalataya sa Diyos sa kanilang mga puso. Sa kanilang mga puso, ginagabayan sila ng kanilang mga imahinasyon, ng kanilang mga pagkaintindi, at kahit ang kanilang mga personal na pakahulugan sa Diyos. Sa kabilang banda, ang tunay na Diyos Mismo ay lubos na walang kaugnayan sa kanila. Dahil sa sandaling maunawaan nila ang tunay na Diyos Mismo, maunawaan nila ang tunay na disposisyon ng Diyos, at maunawaan nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nangangahulugan ito na parurusahan ang kanilang mga gawa, ang kanilang mga pananampalataya, at ang kanilang mga pinagkakaabalahan. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw nilang unawain ang diwa ng Diyos, at kung bakit nag-aatubili sila at ayaw nilang maging aktibo sa pagsasaliksik o pananalangin upang mas maunawaan ang Diyos, mas lalong malaman ang kalooban ng Diyos, at mas lalong maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Mas gugustuhin pa nila na ang Diyos ay kathang-isip lamang, hungkag at mailap. Mas nanaisin pa nila na ang Diyos ay maging ganap na gaya ng nasa imahinasyon nilang Siya, isang Diyos na sunud-sunuran sa kanila, di-nauubos ang panustos at laging nariyan. Kapag nais nilang tamasahin ang biyaya ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang biyayang iyon. Kapag kailangan nila ang pagpapala ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang pagpapalang iyon. Kapag humaharap sila sa kahirapan, hinihiling nila sa Diyos na palakasin ang kanilang loob, na maging tagasalo nila. Ang kaalaman ng mga taong ito tungkol sa Diyos ay nananatili sa nasasaklawan ng biyaya at pagpapala. Ang pagkaunawa nila sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at sa Diyos ay nalilimitahan din ng kanilang mga imahinasyon at pawang mga titik at doktrina lamang. Nguni’t may ilang taong sabik na maunawaan ang disposisyon ng Diyos, nagnanais na tunay na makita ang Diyos Mismo, at tunay na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ang mga taong ito ay nagpupursiging mahanap ang realidad ng katotohanan at kaligtasan ng Diyos, at nagnanais na matanggap ang paglupig, pagligtas, at pagperpekto ng Diyos. Ginagamit ng mga taong ito ang kanilang mga puso upang basahin ang alita ng Diyos, ginagamit ang kanilang mga puso upang pahalagahan ang bawat kalagsayan ng bawat tao, pangyayari, o bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanila, at nananalangin at nagsasaliksik nang may katapatan. Ang nais nila higit sa lahat ay malaman ang kalooban ng Diyos at maunawaan ang tunay na disposisyon at diwa ng Diyos. Ito ay para hindi na sila magkasala sa Diyos, at sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, mas makita pa nila ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at ang tunay Niyang panig. Ito rin ay upang iiral ang bukod-tanging tunay na Diyos sa kanilang mga puso, at upang magkaroon ang Diyos ng lugar sa kanilang mga puso, sa paraang ito hindi na sila mabubuhay sa kalagitnaan ng mga imahinasyon, pagkaintindi, o pagka-mailap. Para sa mga taong ito, ang dahilan kung bakit mayroon silang matinding kagustuhan na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at Kanyang diwa ay dahil ang disposisyon ng Diyos at diwa ay mga bagay na maaaring kailanganin ng sangkatauhan sa anumang sandali sa kanilang mga karanasan, mga bagay na tumutustos sa buhay sa kanilang habang-buhay. Sa sandaling maunawaan nila ang disposisyon ng Diyos, magagawa nilang lalong igalang ang Diyos, lalo silang makakatuwang sa gawain ng Diyos, at lalo silang makapagbibigay-halaga sa kalooban ng Diyos at makatutupad ng kanilang tungkulin sa abot ng kanilang mga kakayahan. Ito ang dalawang uri ng tao pagdating sa kanilang saloobin sa disposisyon ng Diyos. Ang una ay ayaw maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Kahit pa sabihin nilang nais nilang maunawaan ang disposisyon ng Diyos, makilala ang Diyos Mismo, makita kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at talagang pahalagahan ang kalooban ng Diyos, sa kaibuturan ng kanilang mga kalooban mas gugustuhin nilang wala na lang ang Diyos. Ito ay dahil palaging sumusuway at lumalaban sa Diyos ang ganitong uri ng mga tao; nilalabanan nila ang Diyos para sa puwesto sa sarili nilang mga puso at madalas ay nagdududa o itinatanggi pa ang pag-iral ng Diyos. Ayaw nilang hayaang manahan sa kanilang mga puso ang disposisyon ng Diyos o ang Diyos Mismo. Nais lang nilang pagbigyan ang sarili nilang mga kagustuhan, mga imahinasyon, at mga ambisyon. Kaya ang mga taong ito ay maaaring mananampalataya sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at maaari ring isakripisyo ang kanilang mga pamilya at hanapbuhay para sa Kanya, nguni’t hindi nila tinatapos ang kanilang masasamang kagawian. Ang iba pa nga ay nagnanakaw o nagwawaldas ng mga kaloob, o isinusumpa ang Diyos nang palihim, samantalang ang iba ay maaaring gamitin ang kanilang mga katungkulan upang paulit-ulit na magpatotoo tungkol sa kanilang mga sarili, palaguin ang kanilang mga sarili, at makipag-agawan sa Diyos para sa mga tao at katungkulan. Gumagamit sila ng sari-saring mga paraan at hakbang para sambahin sila ng mga tao, palaging sinusubukang makuha ang mga tao at panghawakan sila. Ang mga iba nga ay sinasadya pang ilihis ang mga tao para isiping sila ay Diyos at maaaring tratuhing parang Diyos. Hinding-hindi nila sasabihin sa mga tao na sila rin mismo ay makasalanan, na sila rin ay tiwali at mayabang, at huwag silang sambahin, at gaano man sila kahusay, ito ay dahil lamang sa pagpaparangal sa Diyos at dapat din lang naman nilang ginagawa. Bakit hindi nila ito binabanggit? Dahil lubha silang natatakot na mawala ang kanilang lugar sa puso ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong tulad nito ay hindi kailanmang dumakila sa Diyos at hindi kailanmang sumaksi tungkol sa Diyos, katulad ng hindi kailanman nilang pagsubok na unawain ang Diyos. Maaari ba nilang makilala ang Diyos nang hindi Siya nauunawaan? Imposible! Kaya, bagama’t maaaring simple ang mga salita sa paksang “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo”, ang kanilang kahulugan ay hindi pare-pareho para sa lahat. Para sa isang taong madalas sumuway sa Diyos, lumalaban sa Diyos, at masama ang pakikitungo sa Diyos, ito ay nangangahulugang pagpaparusa; samantalang para sa isang tao na naghahangad ng realidad ng katotohanan at madalas na lumalapit sa Diyos upang hanapin ang kalooban ng Diyos, walang dudang para siyang isda na pinakawalan sa tubig.
Para sa mga taong ito, ang pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos ay nangangahulugang malapit na ang kanilang katapusan; nangangahulugan ito na malapit na silang hatulan at mapatunayang may sala sa pamamagitan ng disposisyon ng Diyos. Dahil dito, hindi kailanman ginusto ng mga taong ito na unawain ang Diyos o ang Kanyang disposisyon, at hindi nila sinikap na matamo ang mas malalim na pagkaunawa o kaalaman sa kalooban ng Diyos. Hindi nila nilalayong maintindihan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng sinadyang pakikisama—habang-panahon lang sila na nagpapakasaya at hindi nagsasawa sa paggawa ng mga bagay na gusto nila; nananampalataya sa Diyos na nais nilang panampalatayanan; nananampalataya sa Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga imahinasyon, ang Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga pagkaintindi; at nananampalataya sa isang Diyos na hindi maihihiwalay sa kanila sa araw-araw nilang pamumuhay. Pagdating sa tunay na Diyos Mismo, ganap silang umiiwas, walang pagnanais na maunawaan Siya, makinig sa Kanya, at mas lalo nang kakaunti ang layunin na mapalapit sa Kanya. Ginagamit lang nila ang mga salitang ipinahahayag ng Diyos upang pagandahin ang sarili nilang anyo, upang maging mabenta sila. Para sa kanila, iyon na ang pagiging matagumpay na mananampalataya at iyon na ang mga taong may pananampalataya sa Diyos sa kanilang mga puso. Sa kanilang mga puso, ginagabayan sila ng kanilang mga imahinasyon, ng kanilang mga pagkaintindi, at kahit ang kanilang mga personal na pakahulugan sa Diyos. Sa kabilang banda, ang tunay na Diyos Mismo ay lubos na walang kaugnayan sa kanila. Dahil sa sandaling maunawaan nila ang tunay na Diyos Mismo, maunawaan nila ang tunay na disposisyon ng Diyos, at maunawaan nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nangangahulugan ito na parurusahan ang kanilang mga gawa, ang kanilang mga pananampalataya, at ang kanilang mga pinagkakaabalahan. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw nilang unawain ang diwa ng Diyos, at kung bakit nag-aatubili sila at ayaw nilang maging aktibo sa pagsasaliksik o pananalangin upang mas maunawaan ang Diyos, mas lalong malaman ang kalooban ng Diyos, at mas lalong maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Mas gugustuhin pa nila na ang Diyos ay kathang-isip lamang, hungkag at mailap. Mas nanaisin pa nila na ang Diyos ay maging ganap na gaya ng nasa imahinasyon nilang Siya, isang Diyos na sunud-sunuran sa kanila, di-nauubos ang panustos at laging nariyan. Kapag nais nilang tamasahin ang biyaya ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang biyayang iyon. Kapag kailangan nila ang pagpapala ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang pagpapalang iyon. Kapag humaharap sila sa kahirapan, hinihiling nila sa Diyos na palakasin ang kanilang loob, na maging tagasalo nila. Ang kaalaman ng mga taong ito tungkol sa Diyos ay nananatili sa nasasaklawan ng biyaya at pagpapala. Ang pagkaunawa nila sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at sa Diyos ay nalilimitahan din ng kanilang mga imahinasyon at pawang mga titik at doktrina lamang. Nguni’t may ilang taong sabik na maunawaan ang disposisyon ng Diyos, nagnanais na tunay na makita ang Diyos Mismo, at tunay na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ang mga taong ito ay nagpupursiging mahanap ang realidad ng katotohanan at kaligtasan ng Diyos, at nagnanais na matanggap ang paglupig, pagligtas, at pagperpekto ng Diyos. Ginagamit ng mga taong ito ang kanilang mga puso upang basahin ang alita ng Diyos, ginagamit ang kanilang mga puso upang pahalagahan ang bawat kalagsayan ng bawat tao, pangyayari, o bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanila, at nananalangin at nagsasaliksik nang may katapatan. Ang nais nila higit sa lahat ay malaman ang kalooban ng Diyos at maunawaan ang tunay na disposisyon at diwa ng Diyos. Ito ay para hindi na sila magkasala sa Diyos, at sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, mas makita pa nila ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at ang tunay Niyang panig. Ito rin ay upang iiral ang bukod-tanging tunay na Diyos sa kanilang mga puso, at upang magkaroon ang Diyos ng lugar sa kanilang mga puso, sa paraang ito hindi na sila mabubuhay sa kalagitnaan ng mga imahinasyon, pagkaintindi, o pagka-mailap. Para sa mga taong ito, ang dahilan kung bakit mayroon silang matinding kagustuhan na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at Kanyang diwa ay dahil ang disposisyon ng Diyos at diwa ay mga bagay na maaaring kailanganin ng sangkatauhan sa anumang sandali sa kanilang mga karanasan, mga bagay na tumutustos sa buhay sa kanilang habang-buhay. Sa sandaling maunawaan nila ang disposisyon ng Diyos, magagawa nilang lalong igalang ang Diyos, lalo silang makakatuwang sa gawain ng Diyos, at lalo silang makapagbibigay-halaga sa kalooban ng Diyos at makatutupad ng kanilang tungkulin sa abot ng kanilang mga kakayahan. Ito ang dalawang uri ng tao pagdating sa kanilang saloobin sa disposisyon ng Diyos. Ang una ay ayaw maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Kahit pa sabihin nilang nais nilang maunawaan ang disposisyon ng Diyos, makilala ang Diyos Mismo, makita kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at talagang pahalagahan ang kalooban ng Diyos, sa kaibuturan ng kanilang mga kalooban mas gugustuhin nilang wala na lang ang Diyos. Ito ay dahil palaging sumusuway at lumalaban sa Diyos ang ganitong uri ng mga tao; nilalabanan nila ang Diyos para sa puwesto sa sarili nilang mga puso at madalas ay nagdududa o itinatanggi pa ang pag-iral ng Diyos. Ayaw nilang hayaang manahan sa kanilang mga puso ang disposisyon ng Diyos o ang Diyos Mismo. Nais lang nilang pagbigyan ang sarili nilang mga kagustuhan, mga imahinasyon, at mga ambisyon. Kaya ang mga taong ito ay maaaring mananampalataya sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at maaari ring isakripisyo ang kanilang mga pamilya at hanapbuhay para sa Kanya, nguni’t hindi nila tinatapos ang kanilang masasamang kagawian. Ang iba pa nga ay nagnanakaw o nagwawaldas ng mga kaloob, o isinusumpa ang Diyos nang palihim, samantalang ang iba ay maaaring gamitin ang kanilang mga katungkulan upang paulit-ulit na magpatotoo tungkol sa kanilang mga sarili, palaguin ang kanilang mga sarili, at makipag-agawan sa Diyos para sa mga tao at katungkulan. Gumagamit sila ng sari-saring mga paraan at hakbang para sambahin sila ng mga tao, palaging sinusubukang makuha ang mga tao at panghawakan sila. Ang mga iba nga ay sinasadya pang ilihis ang mga tao para isiping sila ay Diyos at maaaring tratuhing parang Diyos. Hinding-hindi nila sasabihin sa mga tao na sila rin mismo ay makasalanan, na sila rin ay tiwali at mayabang, at huwag silang sambahin, at gaano man sila kahusay, ito ay dahil lamang sa pagpaparangal sa Diyos at dapat din lang naman nilang ginagawa. Bakit hindi nila ito binabanggit? Dahil lubha silang natatakot na mawala ang kanilang lugar sa puso ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong tulad nito ay hindi kailanmang dumakila sa Diyos at hindi kailanmang sumaksi tungkol sa Diyos, katulad ng hindi kailanman nilang pagsubok na unawain ang Diyos. Maaari ba nilang makilala ang Diyos nang hindi Siya nauunawaan? Imposible! Kaya, bagama’t maaaring simple ang mga salita sa paksang “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo”, ang kanilang kahulugan ay hindi pare-pareho para sa lahat. Para sa isang taong madalas sumuway sa Diyos, lumalaban sa Diyos, at masama ang pakikitungo sa Diyos, ito ay nangangahulugang pagpaparusa; samantalang para sa isang tao na naghahangad ng realidad ng katotohanan at madalas na lumalapit sa Diyos upang hanapin ang kalooban ng Diyos, walang dudang para siyang isda na pinakawalan sa tubig.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
129. Noong ang Diyos ay bumangon mula sa Kanyang higaan, ang una Niyang inisip ay ito: ang lumikha ng isang buhay na tao, isang tunay, na buhay na tao—yaong makakasalamuha at Kanyang madalas na makakasama. Ang taong ito ay maaaring makinig sa Kanya, at maaaring pagtiwalaan ng Diyos at maaaring makipag-usap sa kanya. Sa gayon, sa unang pagkakataon, ang Diyos ay kumuha ng isang dakot na lupa at ginamit ito upang likhain ang kauna-unahang buhay na tao na Kanyang inisip, at pagkatapos ang buhay na nilalang na ito ay binigyan Niya ng isang pangalan—Adan. Sa sandaling nakamit ng Diyos ang buhay at humihingang taong ito, ano ang Kanyang nadama? Sa unang pagkakataon, nakaramdam Siya ng kagalakan sa pagkakaroon ng isang minamahal, ng isang makakasama. Naramdaman din Niya sa unang pagkakataon ang pananagutan ng pagiging isang ama at ang pagmamalasakit na kaagapay nito. Ang buhay at humihingang taong ito ay nakapagdulot ng kasiyahan at kagalakan sa Diyos; naginhawaan Siya sa unang pagkakataon. Ito ang unang bagay na kailanman ay ginawa ng Diyos na hindi naisakatuparan gamit ang Kanyang mga saloobin o maging ng mga salita, ngunit nagawa gamit ang Kanyang sariling dalawang kamay. Nang ang uri ng nilalang na ito—isang buhay at humihingang tao—ay tumayo sa harap ng Diyos, gawa sa laman at sa dugo, na may katawan at anyo, at nagagawang makipag-usap sa Diyos, nakaranas Siya ng isang uri ng kagalakan na hindi pa Niya kailanman nadama noong una. Tunay Niyang nadama ang Kanyang pananagutan at ang buhay na nilalang na ito ay hindi lamang may hatak sa Kanyang puso, ngunit ang kanyang bawat maliit na galaw ay nakakaantig din sa Kanya at nagpapasigla sa Kanyang puso. Kaya nang ang buhay na nilalang na ito ay tumayo sa harapan ng Diyos, ito ang unang pagkakataon na inisip Niya na magkamit ng mas maraming tao na kagaya nito. Ito ang magkakasunod na mga pangyayari na nagsimula sa unang saloobing ito ng Diyos. Para sa Diyos, ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nagaganap sa unang pagkakataon, ngunit sa unang mga pangyayaring ito, maging anuman ang Kanyang nadama noon—kagalakan, pananagutan, pagmamalasakit—wala Siyang mababahaginan na sinuman. Simula sa sandaling iyon, tunay na nadama ng Diyos ang isang kalumbayan at isang kalungkutan na hindi pa Niya kailanman nadama noong una. Nadama Niya na hindi matatanggap o mauunawaan ng mga tao ang Kanyang pagmamahal at pagmamalasakit, o ang Kanyang mga layunin sa mga tao, kaya nakaramdam pa rin Siya ng kalungkutan at hapdi sa Kanyang puso. Bagama’t ginawa Niya ang mga bagay na ito para sa tao, walang malay ang tao ukol dito at hindi naintindihan. Maliban sa kaligayahan, ang kagalakan at kaaliwan na idinulot ng tao sa Kanya ay mabilis na nakasama nito ang Kanyang unang mga pagkaramdam ng kalumbayan at kalungkutan. Yaon ang mga saloobin at mga damdamin ng Diyos sa panahong iyon. Habang ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay na ito, sa Kanyang puso napunta Siya mula sa kagalakan patungo sa kalumbayan at mula sa kalumbayan patungo sa pagdurusa, lahat ay may kahalong bagabag. Ang gusto lamang Niyang gawin ay mabilis na hayaan ang taong ito, ang sangkatauhang ito na malaman kung ano ang nasa Kanyang puso at kaagad na maintindihan ang Kanyang mga saloobin. Sa gayon, sila ay magiging Kanyang mga tagasunod at magiging kaayon Niya. Hindi na sila makikinig sa pagsasalita ng Diyos ngunit mananatiling walang kibo; hindi na sila magiging walang malay sa kung paano ang pagsama sa Diyos sa Kanyang gawain; higit sa lahat, hindi na sila magiging mga taong nagwawalang-bahala sa mga kinakailangan ng Diyos. Ang unang mga bagay na ito na binuo ng Diyos ay totoong makabuluhan at nagtataglay ng malaking kahalagahan para sa Kanyang plano ng pamamahala at para sa mga tao sa araw na ito.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
130. Gen 2:15–17 At kinuha ni Jehova ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ni Jehova sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.
May nakuha ba kayo na kahit anong bagay mula sa mga bersikulong ito? Ano ang naramdaman ninyo sa bahaging ito ng banal na kasulatan? Bakit hinango mula sa banal na kasulatan ang “Utos ng Diyos kay Adan”? Ang bawat isa na ba sa inyo ay may dagliang larawan ng Diyos at ni Adan sa inyong mga isipan? Maaari ninyong subukin na guni-gunihin: Kung kayo iyong naroon sa eksenang iyon, ano kaya ang magiging anyo ng Diyos sa inyong puso? Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa larawang ito? Ito ay nakapupukaw at makabagbag-damdaming larawan. Bagama’t ang Diyos at ang tao lamang ang narito, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay lubhang karapat-dapat na kainggitan: Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay walang-kabayarang ipinagkaloob sa tao, bumabalot sa tao; ang tao ay parang bata at inosente, walang kabigatan at walang alalahanin, napakaligayang nabubuhay sa ilalim ng pagtingin ng Diyos; nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao, habang ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pag-iingat at pagpapala ng Diyos; ang bawat isang bagay na ginagawa at sinasabi ng tao ay malapit na naka-ugnay at hindi maihihiwalay sa Diyos.
Maaari ninyong sabihin na ito ang unang utos na ibinigay ng Diyos sa tao simula noong nilikha siya. Ano ang nilalaman ng utos na ito? Taglay nito ang kalooban ng Diyos, nguni’t taglay rin nito ang Kanyang mga alalahanin para sa sangkatauhan. Ito ang unang utos ng Diyos, at ito rin ang unang pagkakataon na nag-alala ang Diyos tungkol sa tao. Ang ibig sabihin, mayroong pananagutan ang Diyos para sa tao mula pa noong sandaling nilikha Niya siya. Ano ang Kanyang pananagutan? Kailangan Niyang ingatan ang tao, alagaan ang tao. Umaasa Siyang magtitiwala at susunod ang tao sa Kanyang mga salita. Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos mula sa tao. Dahil sa pag-asang ito kaya sinasabi ng Diyos ang mga sumusunod: “Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Ang mga simpleng salitang ito ay kumakatawan sa kalooban ng Diyos. Ibinubunyag din ng mga ito na ang puso ng Diyos ay nagsimula nang magpakita ng malasakit para sa tao. Sa gitna ng lahat ng bagay, si Adan lang ang nilikha sa wangis ng Diyos; si Adan lang ang nabuhay na taglay ang hininga ng buhay ng Diyos; maaari siyang lumakad kasama ang Diyos, makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kaya siya binigyan ng Diyos ng ganoong utos. Ginawang napakalinaw ng Diyos sa utos na ito kung ano ang maaaring gawin ng tao, at kung ano rin ang hindi niya maaaring gawin.
————————————————————————
————————————————————————
Sa iilang simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos. Nguni’t anong uri ng puso ang makikita natin? May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? May malasakit ba doon? Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos sa mga bersikulong ito ay hindi lamang mapahahalagahan ng mga tao, kundi mainam at totoong madarama rin. Hindi ba ganoon nga? Ngayong nasabi ko na ang mga bagay na ito, sa palagay ba ninyo ay iilang simpleng salita lamang ang mga ito? Hindi gaanong simple, di ba? Nakita ba ninyo ito dati? Kung personal na sabihin ng Diyos sa iyo ang iilang salita na ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong kalooban? Kung ikaw ay isang taong hindi mahabagin, kung ang puso mo ay mala-yelo sa lamig, kung gayon wala kang anumang mararamdaman, hindi mo pahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi mo susubukang maunawaan ang puso ng Diyos. Nguni’t kung ikaw ay isang taong may konsensya, may kabaitan, samakatwid iba ang mararamdaman mo. Makararamdam ka ng init, madadama mong ikaw ay nililingap at minamahal, at madadama mo ang kasayahan. Hindi ba tama iyan? Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos? Madadama mo kayang kaugnay ka ng Diyos? Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso? Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos? Makikita mo mula rito kung gaano talaga kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos. Nguni’t ang lubhang mas mahalaga pa ay ang pagpapahalaga at pagkaunawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos.
Sa iilang simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos. Nguni’t anong uri ng puso ang makikita natin? May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? May malasakit ba doon? Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos sa mga bersikulong ito ay hindi lamang mapahahalagahan ng mga tao, kundi mainam at totoong madarama rin. Hindi ba ganoon nga? Ngayong nasabi ko na ang mga bagay na ito, sa palagay ba ninyo ay iilang simpleng salita lamang ang mga ito? Hindi gaanong simple, di ba? Nakita ba ninyo ito dati? Kung personal na sabihin ng Diyos sa iyo ang iilang salita na ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong kalooban? Kung ikaw ay isang taong hindi mahabagin, kung ang puso mo ay mala-yelo sa lamig, kung gayon wala kang anumang mararamdaman, hindi mo pahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi mo susubukang maunawaan ang puso ng Diyos. Nguni’t kung ikaw ay isang taong may konsensya, may kabaitan, samakatwid iba ang mararamdaman mo. Makararamdam ka ng init, madadama mong ikaw ay nililingap at minamahal, at madadama mo ang kasayahan. Hindi ba tama iyan? Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos? Madadama mo kayang kaugnay ka ng Diyos? Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso? Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos? Makikita mo mula rito kung gaano talaga kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos. Nguni’t ang lubhang mas mahalaga pa ay ang pagpapahalaga at pagkaunawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
131. Sa larawang ito ng “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan,” anong uri ng papel ang ginagampanan ng Diyos noong kasama Niya sina Adan at Eva? Sa anong uri ng pagganap nagpapakita ang Diyos sa isang mundo na may dadalawang tao lamang? Bilang Diyos? … Sa palagay ng ilan sa inyo ang Diyos ay nagpapakita bilang isang kapamilya nina Adan at Eva, habang ang ilan ay nagsasabing nagpapakita ang Diyos bilang pinuno ng pamilya at ang sabi ng iba bilang isang magulang. Ang lahat ng ito ay napakaangkop. Nguni’t saan Ako patungo? Nilikha ng Diyos ang dalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eva. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o kamahalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eva ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, gumabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay. Sa halip na ilagay ang Sarili Niya sa isang mataas at makapangyarihan na katayuan, personal na ginamit ng Diyos ang mga balat upang gumawa ng damit para sa tao. Hindi mahalaga kung ang balabal na balahibong ito ay ginamit upang takpan ang kanilang kahinhinan o sanggahan sila mula sa lamig. Sa madaling salita, itong damit na ginamit upang takpan ang katawan ng tao ay personal na ginawa ng Diyos gamit ang sarili Niyang mga kamay. Sa halip na likhain ito sa pamamagitan ng pang-isipan o mahimalang mga pamamaraan, gaya ng nasa imahinasyon ng mga tao, marapat na ginawa ng Diyos ang isang bagay na sa palagay ng tao ay hindi magagawa at hindi dapat gawin ng Diyos. Maaaring simpleng bagay ito na marahil sa palagay ng ilan ay ni hindi na dapat pang banggitin, nguni’t hinahayaan nito ang lahat ng sumusunod sa Diyos na dati ay puno ng malalabong kaisipan tungkol sa Kanya upang magkaroon ng maliwanag na pagkaunawa sa Kanyang pagkatotoo at pagiging kaibig-ibig, at upang makita ang Kanyang tapat at mapagpakumbabang kalikasan. Nagagawa nitong payukuin dahil sa hiya ang mapagmataas na ulo ng mga lubhang napakayabang na tao na nag-iisip na sila’y mataas at malakas sa harap ng pagiging totoo at pagpapakumbaba ng Diyos. Dito, nakatutulong pa ang pagiging totoo at pagpapakumbaba ng Diyos upang maipakita sa mga tao kung gaano Siya kaibig-ibig. Sa paghahambing, ang “napakalaking” Diyos, “kaibig-ibig” na Diyos, at Diyos na “makapangyarihan sa lahat” sa puso ng mga tao ay napakaliit, nakakawalang-gana, at hindi kayang labanan ang kahit isang hampas. Kapag nakita mo ang bersikulong ito at narinig ang kuwentong ito, bumababa ba ang tingin mo sa Diyos dahil ginawa Niya ang ganoong bagay? May ilang tao ang maaaring ganoon, nguni’t para sa iba, ito ay ang lubos na kabaliktaran. Iisipin nila na ang Diyos ay totoo at kaibig-ibig, at ang mismong pagkatotoo at pagiging kaibig-ibig ng Diyos ang tumitinag sa kanila. Habang lalo nilang nakikita ang tunay na panig ng Diyos, lalo nilang mapahahalagahan ang tunay na pag-iral ng pag-ibig ng Diyos, ang kahalagahan ng Diyos sa kanilang mga puso, at kung paano Siya nananatili sa tabi nila sa bawat sandali.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
132. Mula sa simula hanggang ngayon, tanging tao lamang ang may kakayahang makipag-usap sa Diyos. Iyan ay, sa gitna ng lahat ng nabubuhay at mga nilalang ng Diyos, walang iba kundi tao lang ang kayang makipag-usap sa Diyos. Ang tao ay may mga tainga para makarinig siya, at mga mata para makakita siya, mayroon siyang wika, at kanyang sariling mga ideya, at malayang kalooban. Nagmamay-ari siya ng lahat ng kailangan para marinig ang Diyos na nagsasalita, at maintindihan ang kalooban ng Diyos, at tanggapin ang tagubilin ng Diyos, at kaya ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga hangarin sa tao, na gusto Niyang gawin ang tao bilang isang kasama na pareho ang pag-iisip gaya Niya at kayang maglakad na kasama Niya. Mula pa nang nagsimula Siyang mamahala, naghihintay ang Diyos na ibigay ng tao ang kanyang puso sa Kanya, na hayaan ang Diyos na dalisayin at sangkapan ito, upang gawin siyang kasiya-siya sa Diyos at mahal ng Diyos, upang gawin siyang igalang ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang Diyos ay lubos na umasa at nag-abang sa kalalabasang ito.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
133. Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga pamantayan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang sangkatauhan ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang pagka-mapanghimagsik ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang napakaingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na gusto Niya Mismong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa pangunahing proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang pagsisipag, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una. Kaya, sa buong sansinukob, maliban sa mga taong nilalayon ng Diyos na pamahalaan at iligtas, walang mga nilalang ang kailanman ay naging malapit sa Diyos, na may gayong katalik na kaugnayan sa Kanya. Sa Kanyang puso, ang sangkatauhan na nais Niyang pamahalaan at iligtas ang pinakamahalaga, at pinahahalagahan Niya ang sangkatauhang ito sa ibabaw ng lahat; kahit na nagbayad Siya ng napakalaking halaga para rito, at kahit na patuloy Siyang sinasaktan at sinusuway nila, hindi Siya kailanman sumuko para sa kanila at nagpapatuloy nang walang kapaguran sa Kanyang gawain, nang walang reklamo o pagsisisi. Ito ay dahil nalalaman Niyang sa malao’t madali, ang mga tao ay magigising isang araw sa Kanyang panawagan at maaantig ng Kanyang mga salita, makikilala na Siya ang Panginoon ng paglikha, at magbabalik sa Kanyang panig …
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
134. Nalalaman ng lahat ng nakabasa sa Biblia na maraming bagay ang nangyari nang ipanganak ang Panginoong Jesus. Ang pinakadakila sa mga ito ay ang tinutugis ng hari ng mga diyablo, hanggang sa punto na ang lahat ng bata na edad dalawang taon pababa sa lugar na iyon ay pinagpapatay. Maliwanag na sinuong ng Diyos ang malaking panganib sa pagkakatawang-tao sa gitna ng mga tao; ang malaking halaga na Kanyang binayaran sa pagbuo ng Kanyang pamamahala sa pagliligtas sa sangkatauhan ay maliwanag din naman. Ang mga dakilang pag-asa na pinanghawakan ng Diyos sa katawang-tao para sa Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan ay maliwanag din. Nang maisagawa ng Diyos na nasa katawang-tao ang gawain sa gitna ng sangkatauhan, ano ang Kanyang naramdaman? Dapat na maintindihan ng mga tao iyon nang kaunti, tama? Ano’t anuman, ang Diyos ay maligaya na maaari Niyang umpisahang paunlarin ang Kanyang bagong gawain sa sangkatauhan. Nang ang Panginoong Jesus ay mabautismuhan at opisyal na sinimulan ang Kanyang gawain upang tuparin ang Kanyang ministeryo, ang puso ng Diyos ay napuno ng kagalakan dahil pagkatapos ng maraming taon ng paghihintay at paghahanda, maisusuot na Niya sa wakas ang laman ng isang karaniwang tao at masisimulan ang Kanyang bagong gawain sa anyo ng isang tao na laman at dugo na maaaring makita at mahipo ng mga tao. Sa wakas ay maaari na Siyang makipag-usap nang harap-harapan at masinsinan sa mga tao sa pamamagitan ng pagkakakilanlan ng isang tao. Sa wakas ay maaari nang humarap ang Diyos sa mga tao sa wika ng tao, sa paraan ng isang tao; maaari na Siyang maglaan para sa sangkatauhan, liwanagan sila, at tulungan sila gamit ang wika ng tao; maaari na Siyang kumain sa kaparehong hapag at mamuhay sa kaparehong lugar sa kanila. Maaari na rin Niyang makita ang mga tao, makita ang mga bagay, at makita ang lahat ng bagay gaya ng nagawa ng mga tao at maging sa pamamagitan ng kanilang sariling mga mata. Para sa Diyos, ito na ang Kanyang unang tagumpay sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Maaari din itong masabi na ito ay tagumpay ng isang dakilang gawain—ito mangyari pa ang lubos na ikinaliligaya ng Diyos. Simula noon ay ang unang pagkakataon na nakaramdam ang Diyos ng isang uri ng kaaliwan sa Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Ang lahat ng pangyayaring ito ay totoong praktikal at talagang likas, at ang kaaliwan na naramdaman ng Diyos ay totoong totoo. Para sa sangkatauhan, sa bawat pagkakataon na isang bagong yugto ng gawain ng Diyos ang naipagtagumpay, at sa bawat pagkakataon na nakararamdam ng kasiyahan ang Diyos, ay kapag ang sangkatauhan ay magiging mas malapit sa Diyos, at kapag ang mga tao ay lalong mapapalapit sa kaligtasan. Sa Diyos, ito rin ang paglulunsad ng Kanyang bagong gawain, kapag ang Kanyang plano ng pamamahala ay umuusad ng isang hakbang pasulong, at, higit pa rito, kapag ang Kanyang kalooban ay nalalapit sa lubos na pagtatagumpay. Para sa sangkatauhan, ang pagdating ng gayong pagkakataon ay mapalad, at talagang mabuti; para sa lahat niyaong naghihintay para sa pagliligtas ng Diyos, ito ay napakahalagang balita. Kapag ang Diyos ay nagpapatupad ng isang bagong yugto ng gawain, pagkatapos ay mayroon Siyang isang bagong pasimula, at kapag ang bagong gawain at bagong pasimula na ito ay naumpisahan na at naipakilala sa gitna ng sangkatauhan, at kapag ang kalalabasan ng yugto ng gawaing ito ay natiyak na, at ito ay naipagtagumpay, at nakita na ng Diyos ang panghuli nitong mga epekto at bunga. Ito rin ay kapag sa mga epektong ito ay nalugod ang Diyos, at ang Kanyang puso, mangyari pa, ay maligaya. Sapagkat, sa mga mata ng Diyos, nakita na Niya at napagpasyahan ang mga tao na Kanyang hinahanap, at nakamit na Niya ang grupong ito, isang grupo na magagawang maging matagumpay ang Kanyang gawain at nagbibigay sa Kanya ng kaluguran, ang Diyos ay muling nakatitiyak, isinasantabi Niya ang Kanyang mga alalahanin, at nakararamdam Siya ng kaluguran. Sa ibang salita, kapag nagawang masimulan ng katawang-tao ng Diyos ang bagong gawain sa tao, at sinimulan na Niyang gawin ang bagong gawain na dapat Niyang gawin nang walang kahadlangan, at kapag naramdaman Niyang ang lahat ay naipagtagumpay, nakita na Niya ang katapusan. At dahil sa katapusan na ito Siya ay nalulugod, at mayroong masayang puso. Paano naipahahayag ang kaligayahan ng Diyos? Maiisip ba ninyo iyon? Iiyak ba ang Diyos? Maaari bang umiyak ang Diyos? Maaari bang ipalakpak ng Diyos ang Kanyang mga kamay? Maaari bang sumayaw ang Diyos? Maaari bang kumanta ang Diyos? Ano kayang kanta iyon? Mangyari pa ang Diyos ay maaaring kumanta ng isang maganda, nakaaantig na kanta, isang kanta na maaaring ipahayag ang Kanyang galak at kaligayahan sa Kanyang puso. Maaari Niya itong kantahin para sa sangkatauhan, kantahin para sa Sarili Niya, at kantahin ito para sa lahat ng bagay. Ang kaligayahan ng Diyos ay maaaring ipahayag sa kahit anumang paraan—ang lahat ng ito ay normal sapagkat ang Diyos ay may mga kagalakan at mga kalungkutan, at ang Kanyang iba’t ibang mga damdamin ay maaaring ipahayag sa iba’t ibang mga paraan. Ito ay Kanyang karapatan at ito ang pinaka-normal na bagay. Hindi kayo dapat mag-isip ng anupamang bagay ukol dito, at huwag ninyong itanyag ang inyong sariling mga pagbabawal sa Diyos, sinasabi sa Kanya na hindi Niya dapat ginagawa ang ganito o ganoon, hindi Siya dapat kumilos ng ganito o ganoon, upang limitahan ang Kanyang kaligayahan o anumang damdaming kung anong mayroon Siya. Sa puso ng mga tao ang Diyos ay hindi maaaring maging masaya, hindi Niya magagawang lumuha, hindi Siya maaaring tumangis—hindi Siya maaaring magpahayag ng anumang damdamin. Sa pamamagitan ng pinag-usapan natin dito nang dalawang beses, naniniwala Ako na hindi na ninyo titingnan ang Diyos sa ganitong paraan, ngunit hahayaan ang Diyos na magkaroon ng ilang kalayaan at kaginhawahan. Ito ay napakainam na bagay. Sa hinaharap kung magagawa ninyong tunay na maramdaman ang kalungkutan ng Diyos kapag narinig ninyo ang tungkol sa pagiging malungkot Niya, at magagawa ninyong tunay na maramdaman ang Kanyang kaligayahan kapag nabalitaan ninyo ang tungkol sa Kanyang pagiging masaya—ano’t anuman, magagawa ninyong malaman at maintindihan nang malinaw kung ano ang nakapagpapasaya sa Diyos at kung ano ang nakapagpapalungkot sa Kanya—kung ikaw ay nalulungkot kapag malungkot ang Diyos, at sumasaya sapagkat masaya ang Diyos, makakamit na Niya nang lubos ang iyong puso at wala ng magiging balakid sa Kanya. Hindi mo na tatangkain na ipilit ang Diyos sa kathang-isip ng tao, mga pagkaintindi, at kaalaman. Sa panahon na iyon, ang Diyos ay magiging buhay at malinaw sa iyong puso. Siya ang magiging Diyos ng iyong buhay at ang Panginoon ng lahat sa iyo. Mayroon ba kayong ganitong uri ng paghahangad? Tiwala ba kayo na matatamo ninyo ito?
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
135. Noong naging katawang-tao ang Diyos at namuhay sa gitna ng sangkatauhan sa mahabang panahon, pagkatapos Niyang naranasan at nasaksihan ang iba’t ibang mga paraan ng pamumuhay ng mga tao, ang mga karanasang ito ay naging Kanyang batayang-aklat para sa pagbabagong-anyo ng Kanyang wika ng pagka-Diyos tungo sa wika ng tao. Mangyari pa, ang mga bagay na ito na Kanyang nakita at narinig sa buhay ay nagpayaman din sa karanasang pantao ng Anak ng tao. Kapag gusto Niyang maunawaan ng mga tao ang ilang katotohanan, ipaunawa sa kanila ang ilan sa kalooban ng Diyos, maaari Niyang gamitin ang mga talinghaga kagaya ng mga nasa itaas upang sabihin sa mga tao ang tungkol sa kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan sa sangkatauhan. Ang mga talinghagang ito ay may kaugnayang lahat sa buhay ng mga tao; walang isa man ang malayo sa mga buhay ng tao. Nang ang Panginoong Jesus ay namuhay kasama ng sangkatauhan, nakita Niya ang mga magsasaka na inaasikaso ang kanilang mga bukirin, alam Niya kung ano ang mga panirang damo at kung ano ang lebadura; naiintindihan Niya na gusto ng mga tao ang kayamanan, kaya ginamit Niya pareho ang mga talinghaga ukol sa kayamanan at ukol sa perlas; malimit Niyang makita ang mga mangingisda na naghahagis ng kanilang mga lambat; at iba pa. Nakita ng Panginoong Jesus ang mga aktibidad na ito sa mga buhay ng sangkatauhan, at naranasan din Niya ang gayong uri ng buhay. Siya ay kagaya ng bawat iba pang normal na tao, nararanasan ang pagkain ng tatlong beses isang araw ng tao at mga pang-araw-araw na gawain. Personal Niyang naranasan ang buhay ng isang karaniwang tao, at nasaksihan Niya ang mga buhay ng iba. Noong nasaksihan Niya at personal na naranasan ang lahat ng ito, ang inisip Niya ay hindi kung paano magkaroon ng isang magandang buhay o kung paano Siya makapamumuhay nang mas malaya, mas may kaginhawahan. Noong nararanasan Niya ang tunay na buhay ng tao, nakita ng Panginoong Jesus ang paghihirap sa buhay ng mga tao, nakita Niya ang paghihirap, ang kaabahan, at ang kalungkutan ng mga tao sa ilalim ng pagtitiwali ni Satanas, namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at namumuhay sa kasalanan. Habang personal Niyang nararanasan ang buhay ng tao, naranasan din Niya kung gaano kahina ang mga tao na namumuhay sa kalagitnaan ng katiwalian, at nakita Niya at naranasan ang kahapisan ng mga namumuhay sa kasalanan, na nangaligaw sa pagpapahirap ni Satanas, ng masama. Noong nakita ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, nakita ba Niya ang mga ito gamit ang Kanyang pagka-Diyos o ang Kanyang pagkatao? Ang Kanyang pagkatao ay talagang umiral—ito ay buháy na buháy—mararanasan Niya at makikita ang lahat ng ito, at mangyari pa, nakita rin Niya sa Kanyang kakanyahan, sa Kanyang pagka-Diyos. Iyon ay, si Cristo Mismo, nakita ito ng Panginoong Jesus ang tao, at ang lahat ng Kanyang nakita ang nakapagpadama sa Kanya ng kahalagahan at pangangailangan sa gawain na Kanyang tinanggap sa pagkakataong ito sa katawang-tao. Bagama’t nalalaman Niya sa Sarili Niya na ang pananagutan na kailangan Niyang tanggapin sa katawang-tao ay napakalawak, at kung gaano kalupit ang pagdurusa na Kanyang haharapin, nang Kanyang nakita na ang sangkatauhan ay mahina sa kasalanan, nang Kanyang nakita ang pagiging aba ng kanilang mga buhay at ang kanilang mahinang pagpupunyagi sa ilalim ng kautusan, nakadama Siya ng ibayong kadalamhatian, at lalo siyang naging alalang-alala na mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Hindi alintana kung anumang uri ng mga paghihirap ang Kanyang haharapin o kung anumang uri ng pagkahapis ang Kanyang daranasin, lalo Siyang naging determinado na tubusin ang sangkatauhang namumuhay sa kasalanan. Sa panahon ng prosesong ito, masasabi mong nagsimulang maintindihan ng Panginoong Jesus nang lalong mas malinaw ang gawain na kinailangan Niyang gawin at kung ano ang naipagkatiwala sa Kanya. Lalo ring nadagdagan ang Kanyang kasabikan na tapusin ang gawain na Kanyang tatanggapin—upang akuin ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, upang ipambayad-sala para sa sangkatauhan upang hindi na sila mamuhay sa pagkakasala at malilimutan ng Diyos ang kasalanan ng tao dahil sa handog para sa kasalanan, nagpapahintulot sa Kanya na ipagpatuloy pa ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Maaaring masabi na sa puso ng Panginoong Jesus, nakahanda Siyang ialay ang Sarili Niya para sa sangkatauhan, upang isakripisyo ang Sarili Niya. Nakahanda rin Siyang magsilbi bilang handog para sa kasalanan, magpapako sa krus, at sabik Siyang makumpleto ang gawaing ito. Nang nakita Niya ang miserableng kalagayan ng buhay ng mga tao, mas lalo Niyang ginusto na tuparin ang Kanyang misyon agad-agad hamgga’t maaari, nang walang pagkaantala kahit isang minuto o saglit. Nang nagkaroon Siya ng gayong pakiramdam ng pagmamadali, hindi Niya inisip kung gaano kalaki ang Kanyang magiging pasakit, ni inisip man Niya kung gaano katinding kahihiyan ang kakailanganin Niyang tiisin—mayroon lamang siyang pinanghahawakang isang paninindigan sa Kanyang puso: Hangga’t iniaalay Niya ang Kanyang Sarili, hangga’t Siya ay ipinapako sa krus bilang isang handog para sa kasalanan, ang kalooban ng Diyos ay maisasakatuparan at magagawa Niyang makapagpasimula ng panibagong gawain. Ang mga buhay ng sangkatauhan sa kasalanan, ang kanilang kalagayan ng pag-iral sa kasalanan ay lubos na mababago. Ang Kanyang paninindigan at kung ano ang pinagpasyahan Niyang gawin ay may kaugnayan sa pagliligtas sa tao, at mayroon lamang Siyang isang layunin: upang gawin ang kalooban ng Diyos, nang sa gayon ay matagumpay Niyang maumpisahan ang susunod na yugto sa Kanyang gawain. Ito ang kung ano ang nasa isip ng Panginoong Jesus sa panahong iyon.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
136. Kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao, nagiging isang karaniwan at normal na tao, namumuhay sa gitna ng sangkatauhan, kasama ng mga tao, hindi ba Niya makikita at mararamdaman ang mga pamamaraan, mga batas, at mga pilosopiya ng mga tao para mabuhay? Ano ang nararamdaman Niya sa mga pamamaraan at mga kautusang ito para mabuhay? Nakakaramdam ba Siya ng pagkamuhi sa Kanyang puso? Bakit Siya makadarama ng pagkamuhi? Anu-ano ba ang mga pamamaraan at mga kautusan ng sangkatauhan para mabuhay? Sa anong mga prinsipyo ba ang mga ito nag-uugat? Ano ang batayan ng mga ito? Ang mga pamamaraan, mga kautusan, atbp. ng sangkatauhan para mabuhay—ang lahat ng ito ay nililikha batay sa lohika, kaalaman, at pilosopiya ni Satanas. Ang mga taong nabubuhay sa ilalim ng ganitong uri ng mga kautusan ay walang pagkatao, walang katotohanan—sinasalungat nilang lahat ang katotohanan, at mga laban sa Diyos. Kung titingnan natin ang kakanyahan ng Diyos, makikita natin na ang Kanyang kakanyahan ay ang eksaktong kabaligtaran ng lohika, kaalaman, at pilosopiya ni Satanas. Ang Kanyang kakanyahan ay puno ng pagkamatuwid, katotohanan, at kabanalan, at iba pang mga realidad ng lahat ng positibong bagay. Ang Diyos, taglay ang kakanyahang ito at namumuhay sa gitna ng gayong sangkatauhan—ano ang nararamdaman Niya sa Kanyang puso? Hindi ba ito puno ng pasakit? Ang Kanyang puso ay nasasaktan, at ang pasakit na ito ay isang bagay na walang sinumang tao ang makakaintindi o makakatanto. Sapagkat ang lahat ng bagay na Kanyang kinakaharap, nasasagupa, naririnig, nakikita, at nararanasan ay katiwalian, kasamaan ng buong sangkatauhan, at ang kanilang paghihimagsik laban at pagsalangsang sa katotohanan. Ang lahat ng nanggagaling sa mga tao ay ang pinagmumulan ng Kanyang pagdurusa. Na ang ibig sabihin, sapagkat ang Kanyang kakanyahan ay hindi katulad ng sa mga taong tiwali, ang katiwalian ng mga tao ay nagiging sanhi ng Kanyang pinakamalaking pagdurusa. Kapag ang Diyos ay nagiging tao, nagagawa ba Niyang makakita ng isang tao na may kaparehong wika sa Kanya? Hindi ito masusumpungan sa gitna ng sangkatauhan. Walang nasusumpungan na maaaring makipagtalastasan, na maaaring magkaroon ng ganitong pakikipagpalitan sa Diyos—anong uri ng damdamin ang masasabi mong mayroon ang Diyos? Ang mga bagay-bagay na tinatalakay ng mga tao, na kanilang iniibig, na kanilang hinahabol at kinasasabikan ay may kinalamang lahat sa kasalanan, may mga tunguhing masama. Kapag kinakaharap lahat ito ng Diyos, hindi ba ito parang isang patalim sa Kanyang puso? Sa harap ng ganitong mga bagay, maaari ba Siyang magkaroon ng kagalakan sa Kanyang puso? Makakasumpong ba Siya nang kaaliwan? Yaong mga namumuhay kasama Niya ay mga taong puno ng pagiging mapanghimagsik at kasamaan—paanong hindi magdurusa ang Kanyang puso? Gaano ba talaga kalaki ang pagdurusang ito, at sino ang mayroong pakialam dito? Sino ang nagbibigay-pansin? At sino ang magpapahalaga rito? Hindi kailanman maiintindihan ng mga tao ang puso ng Diyos. Ang Kanyang pagdurusa ay isang bagay na lalong hindi nagagawang pahalagahan ng mga tao, at ang pagiging malamig at manhid ng sangkatauhan ang lalo pang nagpapasidhi ng pagdurusa ng Diyos.
Mayroong ilang tao na madalas nakikisimpatiya sa paghihirap ni Cristo sapagkat mayroong isang talata sa Biblia na nagsasabing: “May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon; datapuwa’t ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang Kaniyang ulo.” Kapag naririnig ito ng mga tao, isinasapuso nila ito at naniniwala na ito ang pinakamalaking pagdurusa na binabata ng Diyos, at ang pinakamalaking pagdurusa na binabata ni Cristo. Ngayon, sa pagtingin dito mula sa pananaw ng mga katunayan, ganoon nga ba? Hindi naniniwala ang Diyos na ang mga paghihirap na ito ay pagdurusa. Hindi Siya kailanman nagrereklamo laban sa kawalang-katarungan para sa mga paghihirap ng katawang-tao, at hindi Niya kailanman pinapagbayad ang mga tao o gumawa upang gantimpalaan Siya ng anumang bagay. Gayunman, kapag Kanyang nasasaksihan ang lahat ng bagay ng sangkatauhan, ang tiwaling mga buhay at ang kasamaan ng mga taong tiwali, kapag Kanyang nasasaksihan na ang sangkatauhan ay nasa mahigpit na paghawak ni Satanas at ibinilanggo ni Satanas at hindi makatatakas, na ang mga taong namumuhay sa pagkakasala ay hindi nakakaalam kung ano ang katotohanan—hindi Niya kayang tiisin ang lahat ng kasalanang ito. Ang Kanyang pagkamuhi sa mga tao ay nadaragdagan araw-araw, ngunit kailangan Niyang batahin ang lahat ng ito. Ito ang matinding pagdurusa ng Diyos. Hindi lubusang maipapahayag ng Diyos kahit na ang tinig ng Kanyang puso o ang Kanyang mga damdamin sa kalipunan ng Kanyang mga tagasunod, at walang sinuman sa Kanyang mga tagasunod ang tunay na makakaunawa sa Kanyang pagdurusa. Walang sinuman ang nagtatangka man lamang na intindihin o aliwin ang Kanyang puso—binabata ng Kanyang puso ang pagdurusang ito araw-araw, taun-taon, nang paulit-ulit. Ano ang inyong nakikita sa lahat ng ito? Ang Diyos ay hindi humihingi sa mga tao ng anumang kapalit para sa kung ano ang Kanyang naibigay, ngunit dahil sa kakanyahan ng Diyos, tiyak na hindi Niya mahahayaan ang kasamaan, katiwalian, at kasalanan ng sangkatauhan, kundi nakakaramdam ng ibayong pagkamuhi at pagkasuklam, na nagbibigay-daan sa puso ng Diyos at sa Kanyang katawang-tao na magbata ng hindi matapus-tapos na pagdurusa.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
137. Maaaring sabihin na ang mga serye ng mga bagay na sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay mapag-alaala, at ginawa sa mabubuting hangarin. Sila ay puno ng kabutihan at pagmamahal na pinanghawakan ng Diyos tungo sa mga tao, at puno ng pagpapahalaga at mabusising pangangalaga na mayroon Siya para sa malapit na kaugnayan na Kanyang itinatag sa sangkatauhan sa panahong nasa Kanyang katawang-tao. Higit pa rito, sila ay puno ng pagbabalik sa nakaraan at ang pag-asa na nagkaroon Siya para sa buhay ng pagkain at pamumuhay kasama ng Kanyang mga tagasunod sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. Kaya, ayaw ng Diyos na makadama ang mga tao ng pagiging malayo sa pagitan ng Diyos at ng tao, ni hindi gustong ilayo ng sangkatauhan ang kanilang mga sarili mula sa Diyos. Higit pa rito, ayaw ng Diyos na madama ng sangkatauhan na ang Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay hindi na ang Panginoon na totoong malapit sa mga tao, na hindi na Siya kasama ng sangkatauhan sapagkat Siya ay nagbalik na sa espirituwal na daigdig, nagbalik na sa Ama na hindi kailanman magagawang makita o maabot ng mga tao. Ayaw Niyang maramdaman ng mga tao na mayroong anumang pagkakaiba sa kalagayan sa pagitan Niya at ng sangkatauhan. Kapag nakikita ng Diyos ang mga tao na gustong sumunod sa Kanya ngunit inilalagay Siya sa isang angkop na distansiya, ang Kanyang puso ay nagdurusa sapagkat nangangahulugan ito na ang kanilang mga puso ay masyadong malayo sa Kanya, nangangahulugan ito na magiging masyadong mahirap para sa Kanya na makamit ang kanilang mga puso. Kaya kung Siya ay nagpakita sa mga tao sa isang espirituwal na katawan na hindi nila magagawang makita o mahipo, ito ang maglalayong muli sa tao mula sa Diyos, at mag-aakay ito sa sangkatauhan na maling makita si Cristo pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay bilang naging napakataas, naiiba ang uri kaysa sa mga tao, at yaong hindi na makikisalo sa mesa at kakain kasama ng tao sapagkat ang mga tao ay makasalanan, marumi, at hindi kailanman magiging malapit sa Diyos. Upang maalis ang ganitong mga maling akala ng sangkatauhan, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng maraming bagay na madalas Niyang ginagawa sa katawang-tao, gaya nang nakatala sa Biblia, “Kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.” Ipinaliwanag din Niya ang mga kasulatan sa kanila, gaya ng nakagawian Niyang gawin. Ang lahat ng ito na ginawa ng Panginoong Jesus ang nagpadama sa bawat taong nakakita sa Kanya na ang Panginoon ay hindi nagbago, na Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus. Bagamat Siya ay ipinako sa krus at naranasan ang kamatayan, Siya ay muling nabuhay, at hindi iniwanan ang sangkatauhan. Siya ay nagbalik upang pumagitna sa mga tao, at ang lahat sa Kanya ay hindi nagbago. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan ng mga tao ay ang dati pa ring Panginoong Jesus. Ang Kanyang pagkilos at ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao ay ramdam na kilalang kilala. Siya ay puno pa rin ng kagandahang-loob, biyaya, at pagpapaubaya—Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus na minahal ang iba gaya ng pag-ibig Niya sa Sarili Niya, na makakapagpatawad sa sangkatauhan ng makapitumpung pito. Gaya ng dati, Siya ay kumaing kasalo ng mga tao, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila, at higit na mas mahalaga, kagaya lamang noong una, Siya ay yari sa laman at dugo at maaaring mahipo at makita. Ang Anak ng tao sa ganitong paraan ay nagtulot sa mga tao na madama ang pagiging malapit ang loob, upang mapanatag, at upang madama ang kagalakan ng pagbawi sa isang bagay na nawala, at nadama rin nila ang kapanatagan na sapat upang buong tapang at buong pagtitiwala na simulang umasa at tingalain ang Anak ng tao na ito na makakapagpatawad sa sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Nagsimula rin silang manalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus nang walang mga pag-aalinlangan, manalangin upang makamit ang Kanyang biyaya, ang Kanyang pagpapala, at upang magtamo ng kagalakan at kapayapaan mula sa Kanya, upang makamit ang pangangalaga at pag-iingat mula sa Kanya, at simulan ang pagsasagawa ng mga pagpapagaling at pagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magagawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkabigo. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula nang kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting nagbago mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa Kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo sa katawang-tao. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may laman at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila rin ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang pagpapakumbaba, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nabibigo sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras.
Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulan sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot o mawawalan ng pag-asa, at yaong tumatanggap sa Kanya bilang handog para sa kasalanan ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong maliliit na bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
138. Kinasuklaman ng Diyos ang tao dahil ang tao ay may poot sa Kanya, nguni’t sa Kanyang puso, ang Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit, at awa para sa sangkatauhan ay nanatiling hindi nagbabago. Kahit noong nilipol Niya ang sangkatauhan, ang puso Niya’y nanatiling hindi nagbago. Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa ganap na hangganan, kinailangan ng Diyos, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan, na lipulin ang sangkatauhang ito. Nguni’t dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba’t ibang mga paraan upang tubusin ang sangkatauhan upang makapagpatuloy silang mabuhay. Sa halip, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ibigay sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, sa paghihintay na manumbalik ang tao. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may nakatakdang panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa opisyal na simula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso sa layuning mapanumbalik ang tao, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos. Kahit gaano pa katindi ang sakit o pighating pinagdadaanan ng puso ng Diyos, patuloy Niyang ibinigay ang Kanyang pag-aalaga, malasakit, at masaganang awa sa sangkatauhan. Ano ang nakikita natin mula rito? Walang duda, nakikita natin na ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay totoo at hindi bukang-bibig lamang. Ito ay tunay, nadarama at may halaga, hindi huwad, may halo, mapandaya o mapagkunwari. Hindi kailanman gumagamit ang Diyos ng anumang pandaraya o lumilikha ng mga huwad na larawan para ipakita sa mga taong Siya ay kaibig-ibig. Hindi Siya kailanman gumagamit ng di-tunay na patotoo para maipakita sa mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, o ipangalandakan ang Kanyang pagiging kaibig-ibig at kabanalan. Hindi ba karapat-dapat para sa pag-ibig ng tao ang mga aspetong ito ng disposisyon ng Diyos? Hindi ba karapat-dapat sambahin ang mga ito? Hindi ba karapat-dapat itangi ang mga ito? Sa puntong ito, nais Ko kayong tanungin: Matapos ninyong marinig ang mga salitang ito, sa palagay ba ninyo ang kadakilaan ng Diyos ay pawang mga salita lamang sa isang pilas ng papel? Ang pagiging kaibig-ibig ba ng Diyos ay mga hungkag na salita lamang? Hindi! Tiyak na hindi! Ang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang kadakilaan, kabanalan, pagpaparaya, pag-ibig, at iba pa—ang lahat nitong iba’t ibang aspeto ng disposisyon at diwa ng Diyos ay nagiging mabisa tuwing ginagawa Niya ang Kanyang gawain, nakapaloob sa Kanyang kalooban para sa tao, at natutupad at nasasalamin din sa bawat tao. Nadama mo man dati ito o hindi pa, inaalagaan ng Diyos ang bawat tao sa bawat posibleng paraan, gamit ang Kanyang tapat na puso, karunungan, at iba’t ibang kaparaanan upang mapainit ang puso ng bawat tao, at magising ang espiritu ng bawat tao. Ito ay isang di-matututulang katunayan.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
139. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; nagawa man silang tiwali o sumusunod sa Kanya, itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang mga minamahal Niya—o gaya ng sinasabi ng mga tao, ang mga taong pinakamahalaga sa Kanya—at hindi Kanyang mga laruan. Bagama’t sinasabi ng Diyos na Siya ang Lumikha at ang tao ay Kanyang nilikha, na para bang may kaunting pagkakaiba sa antas, ang realidad ay lahat ng nagawa ng Diyos para sa sangkatauhan ay sobra-sobra para sa ganitong kalikasan ng relasyon. Mahal ng Diyos ang sangkatauhan, inaalagaan ang sangkatauhan, at nagpapakita ng malasakit para sa sangkatauhan, patuloy rin at walang-tigil na naglalaan para sa sangkatauhan. Hindi Niya kailanman nararamdaman sa Kanyang puso na ito ay karagdagang gawain o bagay na karapat-dapat bigyan ng malaking parangal. Ni hindi rin Niya nararamdaman na ang pagliligtas sa sangkatauhan, pagtutustos sa kanila, at pagbibigay sa kanila ng lahat ng bagay, ay pagbibigay ng napakalaking ambag sa sangkatauhan. Tahimik at walang-imik lamang Siyang naglalaan para sa sangkatauhan, sa sarili Niyang paraan at sa pamamagitan ng sarili Niyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya. Gaano man karami ang paglalaan at gaano man karaming tulong ang natatanggap ng sangkatauhan mula sa Kanya, hindi kailanman iniisip ng Diyos ang tungkol dito ni sinisikap na umako ng parangal. Ito ay itinatakda ng diwa ng Diyos, at tiyak rin na isa itong tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, nakatala man ito o hindi sa Biblia o sa anumang ibang mga aklat, hindi kailanman natin nakikitang ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga kaisipan, at hindi kailanman natin nakikitang inilalarawan o ipinahahayag ng Diyos sa mga tao kung bakit Niya ginagawa ang mga bagay na ito, o bakit masyado Niyang kinakalinga ang sangkatauhan, upang magpasalamat ang sangkatauhan sa Kanya o purihin Siya. Kahit Siya ay nasasaktan, kapag ang Kanyang puso ay may pinagdadaanang matinding sakit, hindi Niya kailanman kinalilimutan ang Kanyang pananagutan sa sangkatauhan o ang Kanyang malasakit para sa sangkatauhan, tinitiis Niya lamang ang lahat ng sakit at kirot nang tahimik at nag-iisa. Sa kabaligtaran, patuloy ang Diyos na naglalaan para sa sangkatauhan tulad ng lagi Niyang ginagawa. Kahit na ang sangkatauhan ay madalas na nagpupuri sa Diyos o nagpapatotoo para sa Kanya, walang kahit na ano sa mga asal na ito ang hinihingi ng Diyos. Ito ay dahil hindi kailanman hinahangad ng Diyos na ang anuman sa mabubuting bagay na ginagawa Niya para sa sangkatauhan ay maipagpalit sa pagkilala ng utang na loob o para ito ay mabayaran. Sa kabilang dako, ang mga may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, ang mga tunay na sumusunod sa Diyos, nakikinig sa Kanya at tapat sa Kanya, at ang mga sumusunod sa Kanya—ito ang mga tao na madalas na makatatanggap ng mga pagpapala ng Diyos, at igagawad ng Diyos ang ganoong mga pagpapala nang walang pasubali. Higit pa rito, ang mga pagpapalang natatanggap ng mga tao mula sa Diyos ay madalas na higit pa sa kanilang imahinasyon, at higit rin sa anumang maibabalik ng mga tao kapalit ng kanilang nagawa o sa halagang kanilang pinagbayaran.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
140. Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos
Ang Diyos ay isang Diyos na buhay, at dahil magkakaiba ang paggawa ng mga tao sa iba’t ibang sitwasyon, ang saloobin ng Diyos sa mga paggawang ito ay magkakaiba rin sapagkat Siya ay hindi isang sunud-sunuran, at hindi rin Siya walang halaga. Ang pagkilala sa saloobin ng Diyos ay isang mahalagang hangarin para sa sangkatauhan. Dapat malaman ng mga tao, sa pamamagitan ng pagkilala sa saloobin ng Diyos, kung paano nilang malalaman ang disposisyon ng Diyos at mauunawaan nang paunti-unti ang Kanyang puso. Kapag unti-unti mong maunawaan ang puso ng Diyos, hindi mo mararamdaman na mahirap gawin ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dagdag pa, kapag naiintindihan mo ang Diyos, malamang na hindi ka gagawa ng mga konklusyon tungkol sa Kanya. Kapag tumigil ka sa paggawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos, malamang na hindi ka magkakasala laban sa Kanya, at walang kamalayan na dadalhin ka ng Diyos sa pagkakilala sa Kanya, at sa gayong paraan magkakaroon ka ng takot sa Diyos sa iyong puso. Titigil ka sa pagtukoy sa Diyos gamit ang mga doktrina, ang mga titik, at ang mga teorya na iyong pinagkadalubhasaan. Sa halip, sa pamamagitan ng palaging paghahanap sa mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi mo mamamalayang nagiging isa kang tao na kaayon ng puso ng Diyos.
Ang gawain ng Diyos ay hindi nakikita at hindi nagagalaw ng sangkatauhan, ngunit para sa Diyos, ang mga pagkilos ng bawat isang tao, kasama na ang kanilang saloobin sa Kanya—hindi lamang napapansin ng Diyos ang mga ito, kundi nakikita pa rin. Ito ay isang bagay na dapat makilala at maging malinaw sa lahat. Maaaring lagi mong tinatanong sa iyong sarili: “Alam ba ng Diyos ang ginagawa ko rito? Alam ba ng Diyos kung ano ang iniisip ko ngayon? Marahil ay alam Niya, marahil hindi.” Kung tutularan mo ang ganitong uri ng pananaw, sumusunod at naniniwala sa Diyos ngunit nag-aalinlangan sa Kanyang gawain at sa Kanyang pag-iral, hindi magtatagal ay darating ang araw na magagalit Siya sa iyo, dahil ikaw ay lumalakad na sa gilid ng isang mapanganib na bangin. May nakita na Akong mga tao na naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi pa rin nila nakakamit ang realidad ng katotohanan, ni hindi pa rin nila nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Walang anumang pag-unlad ang kanilang tayog at buhay, nakikinig lamang sila sa pinakamababaw na doktrina. Ito ay dahil sa hindi kailanman sineryoso ng mga taong ito ang salita ng Diyos bilang mismong buhay nila, at hindi nila kailanman hinarap at tinanggap ang Kanyang pag-iral. Sa tingin mo ba ay napupuno ang Diyos ng kasiyahan kapag nakikita Niya ang ganitong mga tao? Naaaliw ba nila Siya? Sa kasong iyon, ang paraan ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ang nagpapasya sa kanilang kapalaran. Ito man ay tanong ng kung paano mo sinusunod o itinuturing ang Diyos, ang sarili mong saloobin ang pinakamahalagang bagay. Huwag isawalang-bahala ang Diyos sa iyong isipan na para Siyang walang halaga. Laging isipin ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang buhay na Diyos, isang tunay na Diyos. Hindi Siya nandoon sa ikatlong langit na walang ginagawa. Sa halip, patuloy Siyang nakatingin sa puso ng lahat, nakatingin sa kung ano ang binabalak mo, sa bawat maliit na salita at gawa, nakatingin sa iyong pagkilos at sa iyong saloobin sa Diyos. Handa ka mang ibigay ang iyong sarili sa Diyos o hindi, ang lahat ng pag-uugali mo at kaibuturan ng iyong kaisipan at mga ideya ay nasa harapan ng Diyos, tinitingnan Niya ang mga ito. Ito ay ayon sa iyong pag-uugali, ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong saloobin sa Diyos, na ang opinyon at ang saloobin Niya sa iyo, ay patuloy na nagbabago. Gusto Kong mag-alok ng ilang payo sa mga taong ilalagay ang kanilang mga sarili tulad ng isang maliit na sanggol sa mga kamay ng Diyos, na parang dapat Siyang mahaling sa iyo, na parang hindi ka Niya kailanman maaaring iwanan, na parang ang Kanyang saloobin sa iyo ay nakatakda at hindi kailanman maaaring baguhin: Tumigil sa pangangarap! Ang Diyos ay matuwid sa pagtrato Niya sa bawat isang tao. Marubdob Niyang hinaharap ang gawain ng paglupig at kaligtasan ng sangkatauhan. Iyan ang Kanyang pamamahala. Seryoso Siya sa pagtrato sa bawat isang tao, hindi tulad ng isang alagang hayop na pinaglalaruan. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi isang uri ng pagpapalayaw o pamimihasa; ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan ay hindi mapagpalayaw o walang pakialam. Sa kabaligtaran, ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay para pahalagahan, kaawaan, at igalang ang buhay; ipinahihiwatig ng Kanyang awa at pagpaparaya ang mga inaasahan Niya sa tao; ang Kanyang awa at pagpaparaya ang kailangan ng sangkatauhan upang mabuhay. Ang Diyos ay buhay, at talagang mayroong Diyos; Ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan ay may prinsipyo, talagang hindi isang dogmatikong panuntunan, at maaari itong baguhin. Ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan ay unti-unting nagbabago at nagbabagong-anyo sa paglipas ng panahon, ng pangyayari, at sa saloobin ng bawat isang tao. Kaya dapat kang maging napakalinaw sa bagay na ito, at intindihin na hindi nagbabago ang diwa ng Diyos, at ang Kanyang disposisyon ay naihahayag sa iba’t ibang panahon, at sa iba’t ibang konteksto. Maaaring iniisip mo na hindi seryoso ang usaping ito, at ginagamit mo ang sarili mong mga pagkaintindi upang isipin kung paano ang dapat na paggawa ng Diyos sa mga bagay-bagay. Ngunit may mga oras na ang ganap na kabaliktaran ng iyong pananaw ay totoo, at sa pamamagitan ng paggamit ng sarili mong pagkaintindi upang subukin at sukatin ang Diyos, napasiklab mo na ang Kanyang galit. Ito ay dahil hindi kumikilos ang Diyos na tulad ng sa tingin mong pagkilos Niya, at hindi ituturing ng Diyos ang bagay na ito na tulad ng sinasabi mong gagawin Niya. Kaya ipinapaalala Ko sa iyo na mag-ingat at maging mahinahon sa pagturing mo sa lahat ng bagay sa iyong paligid, at matututuhan mo kung paano sundin ang prinsipyo ng paglakad sa landas ng Diyos sa lahat ng bagay—pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kailangan mong bumuo ng isang matatag na pag-unawa sa mga bagay ng kalooban at saloobin ng Diyos; humanap ng mga taong niliwanagan upang maitalastas ito sa iyo, at hanaping may pananabik. Huwag tingnan ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang sunud-sunuran—walang-pakundangang humuhusga, dumarating sa mga walang-pakundangang konklusyon, hindi tinatrato ang Diyos nang may paggalang na nararapat sa Kanya. Sa proseso ng pagliligtas ng Diyos, kapag pinapakahulugan Niya ang iyong kalalabasan, bibigyan ka man Niya ng awa, o pagpaparaya, o paghatol at pagkastigo, ang saloobin Niya sa iyo ay hindi nakapirmi. Ito ay nakasalalay sa iyong saloobin sa Diyos, at ang pag-unawa mo sa Diyos. Huwag hayaan na ang isang aspeto ng iyong kaalaman o pang-unawa sa Diyos ang pamalagiang ipagpakahulugan sa Kanya. Huwag maniwala sa isang patay na Diyos; maniwala sa isang buhay na Diyos.
—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
141. Ang Paniniwala sa Kapalaran ay Hindi Pamalit sa Isang Kaalaman sa Dakilang Kapangyarihan ng Lumikha
Matapos maging isang tagasunod ng Diyos nang napakaraming taon, mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng inyong kaalaman sa kapalaran at yaong sa makamundong mga tao? Tunay ba ninyong nauunawaan ang pagtatadhana ng Lumikha, at tunay ba ninyong nakikilala ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha? May ilang tao ang may malalim, taos-pusong nadaramang pagkaunawa sa pariralang “ganyan ang kapalaran,” subalit hindi sila nananalig man lamang sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi naniniwala na ang kapalaran ng tao ay inihanda at isinaayos ng Diyos, at hindi pumapayag na pasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga ganoong tao ay para bang natangay ng agos ng dagat, ihinampas ng mga alon, lumulutang sa agos, walang magawa kundi ang maghintay nang walang kibo at isuko ang kanilang mga sarili sa kapalaran. Ngunit hindi nila nakikilala na ang kapalaran ng tao ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi nila maaaring matalos ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa sarili nilang pagkukusa, at sa gayon makamit ang kaalaman sa awtoridad ng Diyos, pasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos, huminto sa paglaban sa kapalaran, at mabuhay sa ilalim ng pangangalaga, proteksyon, at paggabay ng Diyos. Sa ibang salita, ang pagtanggap sa kapalaran ay hindi katulad ng pagpapasakop sa kapangyarihan ng Lumikha; ang paniniwala sa kapalaran ay hindi nangangahulugang tinatanggap, kinikilala, at nalalaman ng isang tao ang kapangyarihan ng Lumikha; ang paniniwala sa kapalaran ay ang pagkilala lang sa katotohanang ito at sa panlabas na pambihirang pangyayari, na iba sa pag-alam kung paano pinamamahalaan ng Lumikha ang kapalaran ng sangkatauhan, mula sa pagkilala na ang Lumikha ang pinagmumulan ng kapamahalaan sa lahat ng kapalaran ng lahat ng bagay, at higit pa mula sa pagpapasailalim sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha para sa kapalaran ng sangkatauhan. Kapag ang isang tao ay naniniwala lamang sa kapalaran—kahit malalim ang saloobin niya dito—ngunit sa gayo’y hindi malaman, makilala, makapagpasailalim, at matanggap ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha sa kapalaran ng sangkatauhan, samakatwid ang buhay niya ay magiging isang trahedya, isang buhay na isinasabuhay nang walang saysay, isang kahungkagan; siya ay hindi pa rin mapapasailalim sa kapamahalaan ng Lumikha, upang maging isang nilikhang nilalang sa pinakatotoong kahulungan ng parirala, at tamasahin ang pagsang-ayon ng Lumikha. Ang isang tao na tunay na nakatatalos at nakakaranas sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha ay dapat aktibo, hindi walang-kibo o nasa kawalang-kakayahang kalagayan. Habang sabay na tinatanggap na lahat ng bagay ay itinadhana, siya ay dapat magtaglay ng isang tumpak na kahulugan ng buhay at kapalaran: na ang bawat buhay ay nasa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Lumikha. Kapag ang isang tao ay lumingon sa daan na kanyang tinahak, kapag ginugunita niya ang bawat yugto ng kanyang paglalakbay, makikita niya na sa bawat hakbang, nakakapagod man o magaan ang landas ng isang tao, ang Diyos ay gumagabay sa landas ng isang tao, pinaplano ito. Ang maingat na mga pagsasayos ng Diyos, ang Kanyang maingat na pagpaplano, ang umakay sa tao, nang di niya nalalaman, tungo sa ngayon. Ang makayang tanggapin ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, tanggapin ang Kanyang pagliligtas—anong dakilang kayamanan yaon! Kapag ang saloobin ng isang tao sa kapalaran ay pagsasawalang-kibo, pinapatunayan nito na siya ay tumututol sa lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanya, na siya ay walang masunuring saloobin. Kapag ang saloobin ng isang tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay aktibo, samakatwid kapag nilingon niya ang sarili niyang paglalakbay, kapag tunay niyang nauunawaan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas marubdob niyang nanaisin na pasailalim sa lahat na isinasaayos ng Diyos, magkakaroon ng mas higit na pagpupunyagi at pagtitiwala na hayaan ang Diyos na isaayos ang kanyang kapalaran, huminto sa pagrerebelde laban sa Diyos. Sapagkat nakikita ng isang tao na kapag hindi niya naiintindihan ang kapalaran, kapag hindi niya nauunawaan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, kapag nangangapa siya nang pasulong nang kusang-loob, pasuray-suray at pagiray-giray, sa kalituhan, ang paglalakbay ay napakahirap, masyadong nakakasakit ng damdamin. Kaya kapag nakilala ng mga tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin at tanggapin ito, na magpaalam sa masasakit na araw nang sinubukan nilang magtatag ng isang mabuting buhay sa sarili nilang dalawang mga kamay, sa halip na ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa kapalaran at hangarin ang kanilang tinatawag na mga layunin sa buhay sa sarili nilang kaparaanan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya Siya nakikita, kapag hindi niya malinaw na nakikilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang-halaga, kahabag-habag. Saanman naroroon ang isang tao, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanap-buhay niya at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala lamang sa kanya ng walang-katapusang sakit ng damdamin at di-maibsang pagdurusa, kung kaya hindi niya kayang lumingon. Tanging kapag tinanggap ng isang tao ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, pasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at hanapin ang tunay na buhay ng tao, na siya ay unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, mapapagpag ang lahat ng kahungkagan sa buhay.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
142. Tanging Yaong mga Nagpapasailalim sa Dakilang Kapangyarihan ng Lumikha ang Maaaring Makatamo ng Tunay na Kalayaan
Dahil hindi nakikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang pasuwail, na may mapanghimagsik na saloobin, at palaging nais isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasa nang walang-saysay na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang kapalaran. Subalit hindi sila kailanman magtatagumpay; nahahadlangan sila sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay. Ano ang sanhi ng sakit na ito? Dahil ba sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay di-masuwerteng naipanganak? Malinaw na alinman dito ay hindi totoo. Pangunahin, ito ay dahil sa mga landas na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay. May ilang tao na maaaring hindi nakatanto ng mga bagay na ito. Subalit kapag tunay mong nalalaman, kapag tunay mong nakikilala na ang Diyos ay may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, kapag tunay mong nauunawaan na ang lahat ng naplano at napagpasyahan ng Diyos para sa iyo ay isang malaking benepisyo, at isang malaking proteksyon, kung gayon unti-unting gagaan ang iyong sakit, at ang buo mong pagkatao ay magiging maalwan, malaya, napalaya. Batay sa mga kalagayan ng karamihan sa mga tao, bagaman sa pansariling antas hindi nila nais na manatiling namumuhay tulad ng dati, bagaman nais nila ng ginhawa mula sa kanilang sakit, talagang hindi nila tunay na mauunawaan ang praktikal na kahalagahan at kahulugan ng dakilang kapangyarihan ng Lumikha sa kapalaran ng tao; talagang hindi nila makilala at makapagpasakop sa kapangyarihan ng Lumikha, mas lalong hindi alam kung paano hahanapin at tatanggapin ang mga pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha. Kung kaya kapag hindi talaga makilala ng mga tao ang katotohanan na ang Lumikha ay may dakilang kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay na pantao, kung hindi sila tunay na makapagpapasakop sa kapamahalaan ng Lumikha, samakatwid magiging mahirap para sa kanila ang mahimok at mapigilan ng paniniwala na “ang kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang sariling mga kamay,” magiging mahirap para sa kanila na ipagpag ang sakit ng kanilang matinding pakikibaka laban sa kapalaran at sa awtoridad ng Lumikha, at di man kailangang sabihin magiging mahirap din para sa kanila ang maging tunay na napalaya at nakalagan, maging mga taong sumasamba sa Diyos. May pinakasimpleng paraan upang mapalaya ang sarili mula sa ganitong kalagayan: ang magpaalam sa dating sariling paraan ng pamumuhay, ang magpaalam sa sariling dating mga layunin sa buhay, lagumin at suriin ang sariling dating istilo ng pamumuhay, pananaw sa buhay, mga pagsusumikap, mga pagnanais, at mga minimithi, at pagkatapos ay ihambing ang mga ito sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos sa tao, at tingnan kung tugma ang alinman sa mga ito sa kalooban at mga hinihingi ng Diyos, kung may alinman sa mga ito ang naghahatid ng mga tamang prinsipyo sa buhay, nagdadala sa isang tao sa isang mas malaking pagkaunawa sa katotohanan, at hinahayaan siya na mabuhay nang may pagkatao at kawangis ng tao. Kapag paulit-ulit mong sinisiyasat at maingat na sinusuri ang iba’t ibang layunin sa buhay na kinakamit ng mga tao at ang kanilang sari-saring magkakaibang paraan ng pamumuhay, matutuklasan mo na ni isa sa kanila ay hindi akma sa orihinal na layon ng Lumikha nang Kanyang likhain ang sangkatauhan. Lahat ng ito ay naglalayo sa mga tao mula sa dakilang kapangyarihan at pangangalaga ng Lumikha; lahat ng ito ay mga hukay na kinababagsakan ng sangkatauhan, at siyang nagbubulid sa kanila sa impiyerno. Matapos mong makilala ito, ang tungkulin mo ay isantabi ang iyong lumang pananaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mag-alaga sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyo, subukan lamang na magpasailalim sa mga pagsasaayos at paggabay ng Diyos, na magkaroon ng walang pagpipilian, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos. Madali itong pakinggan, ngunit isang bagay na mahirap gawin. Kayang tiisin ng ilang tao ang sakit nito, ang iba’y hindi. May ilan na handang sumunod, ang iba ay hindi. Yaong mga hindi handa ay kulang sa pagnanais at sa kapasiyahan na gawin ito; malinaw na batid nila ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, alam na alam na ang Diyos ang Siyang nagpaplano at nagsasaayos ng kapalaran ng tao, gayunman ay patuloy na sumisipa at nakikibaka, hindi pa rin handang ilagay ang kanilang mga kapalaran sa palad ng Diyos at magpasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at dagdag pa, naghihinanakit sila sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos. Kung kaya palaging magkakaroon ng ilang tao na nagnanais makita ang kanilang mga sarili kung ano ang kaya nilang gawin; nais nilang baguhin ang kanilang mga kapalaran sa sarili nilang dalawang mga kamay, o makamit ang kaligayahan sa ilalim ng kanilang sariling kapangyarihan, ang makita kung malalampasan nila ang hangganan ng awtoridad ng Diyos at pangibabawan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang kalungkutan ng tao ay hindi ang paghahanap ng tao ng maligayang buhay, hindi sa hinahangad niya ang katanyagan at tagumpay o mga pakikibaka laban sa kanyang sariling kapalaran sa kalituhan, kundi pagkatapos niyang makita ang pag-iral ng Lumikha, matapos niyang matutuhan ang katotohanan na ang Lumikha ang may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, hindi pa rin niya maiwasto ang kanyang mga paraan, hindi maalis ang kanyang mga paa sa pusali, ngunit pinatitigas ang kanyang puso at nagpupumilit sa kanyang mga pagkakamali. Mas nanaisin pa niyang magpatuloy sa paghahaplit sa putikan, matigas ang ulong nakikipagpaligsahan sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha, tinututulan ito hanggang sa mapait na katapusan, wala ni katiting na pagsisisi, at tanging kapag siya’y nakahigang wasak at nagdurugo saka siya magpapasyang sumuko at bumalik. Ito ang tunay na pighati ng tao. Kaya sinasabi Ko, yaong pinipili ang magpasailalim ay matatalino, at yaong pinipili ang tumakas ay suwail.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
143. Ang Buhay na Ginugol sa Paghahanap ng Katanyagan at Yaman ay Iiwan ang Isang Tao na Nalilito sa Harap ng Kamatayan
Dahil sa dakilang kapangyarihan at pagtatadhana ng Lumikha, ang isang nalulungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang anuman sa pangalan niya ay magkakaroon ng mga magulang at isang pamilya, ng pagkakataon na maging kasapi ng sangkatauhan, ng pagkakataon na maranasan ang buhay ng tao at makita ang mundo; at natatamo rin ang pagkakataon na maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, malaman ang kahanga-hangang paglikha ng Lumikha, at higit sa lahat, malaman at mapasailalim sa awtoridad ng Lumikha. Subalit hindi tunay na sinasamantala ng karamihan ng mga tao ang pambihira at madaling lumipas na pagkakataong ito. Inuubos ng isang tao ang panghabambuhay na halaga ng enerhiya sa paglaban sa kapalaran, ginugugol ang lahat ng kanyang panahon sa pagiging abala para buhayin ang kanyang pamilya at nagpapabalik-balik sa pagitan ng kayamanan at katayuan. Ang mga bagay na pinakaiingat-ingatan ng mga tao ay ang pamilya, salapi, at katanyagan; tinitingnan nila ang mga bagay na ito bilang pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa kanilang mga kapalaran, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang mga isip ang mga katanungan na pinakamahalagang suriin at unawain: bakit buhay ang tao, paano dapat mabuhay ang tao, ano ang kahalagahan at kahulugan ng buhay. Sa kanilang buong buhay, gaano man karaming taon ang mga iyon, nagiging abala lang sila sa paghahanap ng katanyagan at mabuting kapalaran, hanggang sa lumipas ang kabataan nila, hanggang sila ay tumanda at maging kulubot; hanggang sa makita nila na hindi mapapahinto ng katanyagan at mabuting kapalaran ang pagdausdos tungo sa katandaan, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso; hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang malilibre mula sa batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, na hindi matatakasan ninuman ang kapalarang nakalaan sa kanila. Tanging kapag napilitan lamang silang harapin ang huling sugpungan ng buhay na tunay na mauunawaan nila na kahit na magmay-ari ang isang tao ng milyon-milyon na ari-arian, kahit marami siyang pribilehiyo at may mataas na ranggo, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan, bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya. Kapag ang isang tao ay may mga magulang, naniniwala siya na ang kanyang mga magulang ang lahat; kapag ang isang tao ay may ari-arian, iniisip niya na ang salapi ang pangunahing sandigan niya, na ito’y bagay na mahalaga sa buhay; kapag ang mga tao ay may katayuan, mahigpit ang pagkapit nila dito at isasapalaran nila ang kanilang mga buhay dahil dito. Tanging kapag bibitawan na ng mga tao ang mundong ito na matatanto nilang ang mga bagay na pinaggugulan nila ng kanilang buhay para kamtin ay parang lumilipas lang na mga ulap, wala dito ang maaari nilang panghawakan, wala dito ang maaari nilang isama, wala dito ang maaaring maglibre sa kanila mula sa kamatayan, wala dito ang maaaring magbigay ng makakasama o aliw sa isang malungkot na kaluluwa sa pagbabalik nito; at lalong wala dito ang maaaring magbigay sa tao ng kaligtasan, magpahintulot sa kanilang mapangibabawan ang kamatayan. Ang katanyagan at mabuting kapalaran na natatamo ng isang tao sa materyal na mundo ay maaaring makapagbigay sa kanya ng panandaliang kasiyahan, lumilipas na kaaliwan, isang huwad na pakiramdam ng kaluwagan, dahilan para mawala sa landas ang isang tao. Kaya habang sila’y kumukuwag-kuwag sa malawak na dagat ng sangkatauhan, nananabik sa kapayapaan, kaginhawahan, at kapanatagan ng puso, ang mga tao’y muli’t muling nadadala sa ilalim ng mga alon. Kapag malalaman pa lamang ng mga tao ang mga katanungan na pinakamahalagang maunawaan—kung saan sila nanggaling, bakit sila buhay, saan sila papunta, at iba pa—sila ay naaakit ng katanyagan at mabuting kapalaran, inililigaw, kinokokontrol ng mga ito, tuluyang nawawala. Mabilis lumilipas ang panahon; dumadaan ang mga taon sa isang kisapmata; bago pa matanto ng isang tao, siya ay nakapagpaalam na sa pinakamaiinam na taon ng kanyang buhay. Kapag malapit nang lumisan ang isang tao mula sa mundo, unti-unti niyang matatanto na ang lahat sa mundo ay inaanod, na hindi na siya makakapit sa mga pag-aari niya; doon tunay na nararamdaman ng isang tao na siya ay walang kahit anong pag-aari, tulad ng isang tumataghoy na sanggol na kalalabas lang sa mundo. Sa puntong ito, napipilitan siyang pag-isipan kung ano ang nagawa niya sa buhay, ano ang kabuluhan ng pagiging buhay, ano ang kahulugan nito, bakit naparito siya sa mundo; at sa puntong ito, mas ninanais niyang malaman kung tunay na may buhay sa kabilang buhay, kung tunay na umiiral ang Langit, kung talagang mayroong kabayaran…. Habang mas papalapit ang isang tao sa kamatayan, mas ninanais niyang maunawaan kung tungkol saan talaga ang buhay; habang mas papalapit siya sa kamatayan, tila mas hungkag ang puso niya; habang mas papalapit siya sa kamatayan, mas nararamdaman niya ang kawalang-magawa; kaya lumalaki ang takot niya sa kamatayan sa bawat araw. May dalawang dahilan kung bakit kumikilos ang mga tao sa ganitong paraan habang papalapit sila sa kamatayan: Una, malapit nang mawala sa kanila ang katanyagan at kayamanan kung saan nila iniasa ang kanilang buhay, na iiwan na nila ang lahat na nakikita sa mundo; at ikalawa, kakaharapin na nila, nang mag-isa, ang isang hindi pamilyar na mundo, isang misteryoso, di-kilalang mundo kung saan sila natatakot pumunta, kung saan wala silang mga mahal sa buhay at walang susuporta. Dahil sa dalawang dahilang ito, lahat ng humaharap sa kamatayan ay di-mapalagay, nakakaranas ng sindak at isang pakiramdam ng kawalang-magawa na hindi nila kailanman naranasan. Tanging kapag ang mga tao ay talagang nakarating na sa puntong ito na matatanto nila na ang unang bagay na dapat maunawaan ng isang tao, kapag umapak siya sa mundong ito, ay kung saan nanggaling ang mga tao, bakit buhay ang mga tao, sino ang nagdidikta ng kapalaran ng tao, sino ang nagbibigay at may kapangyarihan sa pag-iral ng tao. Ang mga ito ang tunay na mahahalaga sa buhay, ang pangunahing batayan para sa kaligtasan ng tao, hindi ang pagkakatuto kung paano suportahan ang sariling pamilya, o kung paano makakamtan ang katanyagan at kayamanan, hindi ang matutuhan kung paano mamumukod-tangi sa karamihan ng tao o kung paano magkaroon ng isang mas marangyang pamumuhay, mas lalong hindi upang matutuhan kung paano mahihigitan o tagumpay na makipagpaligsahan sa iba. Bagaman ang iba’t ibang kasanayan para sa kaligtasan sa buhay na pinaggugugulan ng mga tao ng kanilang buhay para makabisado ay maaaring makapaghandog ng isang kasaganaan sa mga materyal na kaginhawahan, ang mga ito ay di-kailanman nakapagdadala sa puso ng isang tao ng tunay na kapayapaan at kasiyahan, sa halip ay patuloy na nagiging dahilan para mawala ng mga tao ang kanilang direksyon, mahirapang kontrolin ang kanilang mga sarili, mapalampas ang bawat pagkakataon na matutuhan ang kabuluhan ng buhay; at sila’y lumilikha ng mga problema tungkol sa kung paano ang wastong pagharap sa kamatayan. Sa ganitong paraan, nasisira ang mga buhay ng mga tao. Tinatrato ng Lumikha ang lahat nang patas, binibigyan ang bawat isa ng panghabambuhay na mga pagkakataon na maranasan at makilala ang Kanyang dakilang kapangyarihan, subalit tanging kapag papalapit na ang kamatayan, kapag nakaamba na sa isang tao ang kawit ni kamatayan, doon lamang nakikita ng tao ang liwanag—at sa gayon ay huli na.
Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kung malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at kawalang-magawa, na walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na di mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao kahit na nang isang minuto, nang isang segundo. Habang mas nararamdaman ng mga tao ito, mas lalo nilang ninanais na patuloy na mabuhay; habang mas nararamdaman ng mga tao ito, mas kinatatakutan nila ang pagsapit ng kamatayan. Tanging sa punto lang na ito tunay na mapagtatanto nila na ang kanilang mga buhay ay hindi sa kanila, na hindi sa kanila para kontrolin, at na walang sinuman ang makapagsasabi kung siya ay mabubuhay o mamamatay, na ang lahat ng ito ay wala sa kanyang kontrol.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
144. Sumailalim sa Kapamahalaan ng Lumikha at Mahinahon na Harapin ang Kamatayan
Sa sandaling ipanganak ang isang tao, sinisimulan ng isang malungkot na kaluluwa na danasin ang buhay sa mundo, na danasin ang awtoridad ng Lumikha na isinaayos ng Lumikha para dito. Di man kailangang sabihin, para sa tao, sa kaluluwa, ito ay isang napakagandang pagkakataon na magkaroon ng kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha, na makilala ang Kanyang awtoridad at personal na maranasan ito. Nabubuhay ang mga tao sa ilalim ng mga batas na inilatag para sa kanila ng Lumikha, at para sa sinumang makatwirang tao na may konsensya, ang pagtanggap sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha at malaman ang Kanyang awtoridad sa loob ng ilang dekada ng kanilang buhay sa mundo ay hindi isang bagay na mahirap gawin. Kaya napakadali sana para sa isang tao ang makilala, sa pamamagitan ng kanyang sariling mga karanasan sa buhay sa nakaraang ilang dekada, na lahat ng kapalaran ng tao ay itinadhana, at maunawaan o ibuod kung ano ang kahulugan ng maging buhay. Kasabay ng pagyakap ng isang tao sa mga aral ng buhay, unti-unti niyang mauunawaan kung saan nanggagaling ang buhay, na maintindihan kung ano ang tunay na kinakailangan ng puso, ano ang makapagdadala sa kanya sa tunay na landas ng buhay, ano dapat ang misyon at layunin sa buhay ng tao; at unti-unting makikilala niya na kung hindi niya sasambahin ang Lumikha, kung hindi siya pasasailalim sa Kanyang kapamahalaan, samakatwid kapag haharapin niya ang kamatayan—kapag ang isang kaluluwa ay haharap nang muli sa Lumikha—mapupuno ang kanyang puso ng walang hanggang takot at pagkabalisa. Kapag ilang dekada nang nabubuhay ang isang tao sa mundo at hindi pa rin niya alam kung saan nanggaling ang buhay ng tao, hindi pa rin niya nakikilala kung sa kaninong palad nakalagay ang kapalaran ng tao, samakatwid hindi nakapagtataka na hindi niya makakayang harapin ang kamatayan nang mahinahon. Ang isang tao na nakatamo ng kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha matapos makaranas ng ilang dekada ng buhay, ay isang tao na may tamang pagpapahalaga sa kahulugan at halaga ng buhay; isang tao na may malalim na kaalaman sa layunin ng buhay, na may tunay na karanasan at pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha; at higit pa, isang tao na nagpapasailalim sa awtoridad ng Lumikha. Nauunawaan ng ganoong tao ang kahulungan ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, nauunawaan niya na dapat sambahin ng tao ang Lumikha, na lahat ng pag-aari ng tao ay nagmumula sa Lumikha at babalik sa Kanya balang-araw di-kalayuan sa hinaharap; nauunawaan ng ganoong tao na ang Lumikha ang nagsasaayos ng kapanganakan ng tao at may kapangyarihan sa kamatayan ng tao, at ang kapwa kamatayan at buhay ay itinadhana ng awtoridad ng Lumikha. Kaya, kapag tunay na naiintindihan ng isang tao ang mga bagay na ito, siya ay natural na makakaharap sa kamatayan nang mahinahon, isasantabi ang lahat ng makamundong pag-aari niya nang mahinahon, tatanggapin at masayang magpapasailalim sa lahat ng kasunod, at malugod na tatanggapin ang huling sugpungan ng buhay na isinaayos ng Lumikha sa halip na walang taros na katakutan at labanan ito. Kung tinitingnan ng isang tao ang buhay bilang isang pagkakataon para maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha at makilala ang Kanyang awtoridad, kung nakikita niya na ang kanyang buhay ay isang pambihirang pagkakataon upang gampanan ang sariling tungkulin bilang isang nilikhang tao at tuparin ang kanyang misyon, sa gayon siya ay talagang mayroong wastong pananaw sa buhay, magkakaroon ng buhay na pinagpala at ginagabayan ng Lumikha, lalakad sa liwanag ng Lumikha, makikilala ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, mapapasailalim sa Kanyang kapamahalaan, magiging isang saksi sa Kanyang mahimalang mga gawain at sa Kanyang awtoridad. Di man kailangang sabihin, ang ganoong tao ay talagang minamahal at tinatanggap ng Lumikha, at tanging ang ganoong tao ang maaaring magkaroon ng mahinahong saloobin para sa kamatayan, magagalak na salubungin ang huling sugpungan ng buhay. Si Job ay malinaw na nagkaroon ng ganitong uri ng saloobin ukol sa kamatayan; nasa posisyon siya noon na masayang tanggapin ang huling sugpungan ng buhay, at nang madala ang kanyang paglalakbay sa buhay tungo sa isang maayos na katapusan, nang makumpleto ang kanyang misyon sa buhay, bumalik siya sa tabi ng Lumikha.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
145. Tanging sa Pagtanggap sa Dakilang Kapangyarihan ng Lumikha na Maaaring Makabalik ang Isang Tao sa Kanyang Tabi
Kapag ang isang tao ay walang malinaw na pagkaunawa at karanasan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos, tiyak na magiging magulo ang kaalaman niya tungkol sa kapalaran at sa kamatayan. Hindi makita ng mga tao nang malinaw na ang lahat ng ito ay nasa palad ng Diyos, hindi natatanto na ang Diyos ang may kontrol at may kapangyarihan sa mga ito, hindi nakikilala na hindi maaaring isantabi o matakasan ang ganoong kapangyarihan; kung kaya kapag nahaharap sa kamatayan walang katapusan ang kanilang huling mga salita, alalahanin, at panghihinayang. Pinipigilan sila ng sobrang bagahe, sobrang pag-aatubili, sobrang pagkalito, at nagiging dahilan ang lahat ng ito para matakot sila sa kamatayan. Para sa sinumang isinilang sa mundong ito, ang kanilang kapanganakan ay kinakailangan at ang kanilang kamatayan ay hindi maiiwasan, at walang sinumang makakalampas sa landas na ito. Kung nais ninuman na lisanin ang mundong ito nang hindi nasasaktan, kung nais ng isang tao na makaharap ang huling sugpungan ng buhay na walang pag-aatubili o pag-aalala, ang tanging paraan ay ang umalis nang walang mga panghihinayang. At ang tanging paraan ng pag-alis na walang mga panghihinayang ay ang makilala ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, makilala ang Kanyang awtoridad, at pasakop sa mga ito. Tanging sa ganitong paraan maaaring manatiling malayo mula sa mga alitan ng tao, mula sa kasamaan, mula sa pang-aalipin ni Satanas; tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay ang isang tao tulad ni Job, ginagabayan at pinagpapala ng Lumikha, isang buhay na malaya at napalaya, isang buhay na may kahalagahan at kahulugan, isang buhay na tapat at bukas-puso; tanging sa ganitong paraan maaaring magpasakop ang isang tao, tulad ni Job, na masubukan at mabawian ng Lumikha, magpasakop sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha; tanging sa ganitong paraan maaaring sambahin ng isang tao ang Lumikha nang buong buhay niya at makamit ang Kanyang papuri, gaya ng ginawa ni Job, at marinig ang Kanyang tinig, makita ang Kanyang pagpapakita; tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay at mamatay ang isang tao nang maligaya, tulad ni Job, na walang sakit, walang inaalala, walang mga panghihinayang; tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay sa liwanag, tulad ni Job, daanan ang bawat sugpungan ng buhay nang magaan, maayos na makumpleto ang sariling paglalakbay sa liwanag, matagumpay na makamtan ang sariling misyon—na maranasan, matutuhan, at makilala ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha bilang isang nilalang—at mamatay sa liwanag, at magpakailanma’y tumindig sa tabi ng Lumikha bilang isang taong nilalang, na pinupuri Niya.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
146. Ayon sa normal na mga batas ng pag-iral ng tao, bagaman ito ay isang napakahabang proseso mula nang unang makatagpo ng tao ang paksa tungkol sa pag-alam sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha hanggang sa makilala niya ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, at mula doon hanggang sa punto na kaya na niyang magpasakop dito, kung talagang bibilangin niya ang mga taon, wala pang higit sa tatlumpu o apatnapung taon ang panahon kung kailan may pagkakataon siyang matamo ang mga gantimpalang ito. At kadalasan, ang mga tao ay nadadala ng kanilang mga pagnanais at kanilang mga ambisyon na makatanggap ng mga pagpapala; hindi nila mabatid kung saan naroon ang diwa ng buhay ng tao, hindi naiintindihan ang kahalagahan ng pag-alam sa dakilang kapangyarihan ng Lumikha, at sa gayon ay hindi nila pinahahalagahan ang ganitong kahalagang pagkakataon na pumasok sa mundo ng tao upang maranasan ang buhay ng tao, maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, at hindi natatanto kung gaano kahalaga ito para sa isang nilikhang nilalang na makatanggap ng personal na paggabay ng Lumikha. Kaya sinasabi Ko, yaong mga taong nagnanais na agad na matapos ang gawain ng Diyos, yaong mga nagnanais na sana’y isaayos na agad ang katapusan ng tao sa lalong madaling panahon, upang makita nila kaagad ang Kanyang persona at agad silang pagpalain, ay may sala ng pinakamalubhang uri ng pagsuway at sukdulang kahangalan. At yaong mga nagnanais, sa panahon ng kanilang limitadong oras, na maintindihan ang natatanging pagkakataong ito na makilala ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, ay ang marurunong na tao, ang matatalinong tao. Ang dalawang magkaibang pagnanais na ito ay naglalantad ng dalawang lubhang magkaibang pananaw at mga pagsusumikap: Yaong mga naghahanap ng mga pagpapala ay makasarili at napakasama; wala silang ipinakikitang pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos, hindi kailanman hinahangad na malaman ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi kailanman naghahangad na magpasakop dito, nais lang nilang mabuhay ayon sa kanilang kagustuhan. Sila ay masasamang taong nagwawalang-bahala; sila ang kategorya na mawawasak. Yaong mga naghahangad na makilala ang Diyos ay kayang isantabi ang kanilang mga pagnanais, handang magpasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at mga pagsasaayos ng Diyos; sinusubukan nilang maging mga uri ng tao na masunurin sa awtoridad ng Diyos at nagpapalugod sa hangarin ng Diyos. Ang ganoong mga tao ay nabubuhay sa liwanag, nabubuhay sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos; tiyak na papupurihan sila ng Diyos. Kahit ano pa, ang pagpili ng tao ay walang silbi, ang mga tao ay walang masasabi kung gaano katagal ang gawain ng Diyos. Mas mabuti para sa mga tao na ilagay ang kanilang sarili sa pagsasaayos ng Diyos, magpasakop sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Kung hindi mi ilalagay ang iyong sarili sa Kanyang pagsasaayos, ano ang magagawa mo? Mawawalan ba ang Diyos? Kung hindi mo ilalagay ang iyong sarili na nasa kapangyarihan ng Diyos, kung sinusubukan mong maging tagapamuno, gumagawa ka ng hangal na desisyon, at tanging ikaw lamang ang mawawalan sa katapusan. Kung makikipagtulungan lamang ang mga tao sa Diyos sa lalong madaling panahon, kung magmamadali lamang silang tanggapin ang Kanyang mga pagsasaayos, alamin ang Kanyang awtoridad, at unawain ang lahat ng ginawa Niya para sa kanila, doon lamang sila magkakaroon ng pag-asa, hindi mawawalan ng kabuluhan ang kanilang mga buhay, makakamit nila ang kaligtasan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
147. Ang Pagtanggap sa Diyos Bilang Iyong Natatanging Panginoon ang Unang Hakbang sa Pagtamo ng Kaligtasan
Ang mga katotohanan tungkol sa awtoridad ng Diyos ay mga katotohanan na dapat seryosong isaalang-alang ng bawat tao, dapat maranasan at maunawaan sa kanilang puso; pagkat ang mga katotohanang ito ay may kinalaman sa buhay ng bawat tao, sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap ng bawat tao, sa mahalagang sugpungan na dapat pagdaanan ng bawat tao sa buhay, sa kaalaman ng tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at sa saloobin na dapat niyang taglay sa pagharap sa awtoridad ng Diyos, at siyempre, sa huling hantungan ng bawat tao. Kaya kinakailangan ng isang habambuhay na halaga ng enerhiya upang malaman at maunawaan ang mga yaon. Kapag sineryoso mo ang awtoridad ng Diyos, kapag tinanggap mo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, unti-unti mong matatanto at mauunawaan na ang awtoridad ng Diyos ay tunay na umiiral. Ngunit kung hindi mo kailanman nakikilala ang awtoridad ng Diyos, hindi kailanman tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan, kung gayon kahit ilang taon ka pang mabuhay, hindi ka makakatamo kahit bahagyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kung hindi mo tunay na nakikilala at nauunawaan ang awtoridad ng Diyos, kung gayon kapag nakarating ka sa dulo ng daan, kahit na naniwala ka sa Diyos nang maraming dekada, wala kang maipapakita sa iyong buhay, tiyak na wala kang kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Hindi ba’t ito’y isang napakalungkot na bagay? Kaya kahit gaano pa kalayo ang nalakbay mo sa buhay, kahit gaano ka pa katanda ngayon, kahit gaano pa katagal ang natitira sa iyong paglalakbay, una mong dapat kilalanin ang awtoridad ng Diyos at seryosohin ito, tanggapin ang katotohanan na ang Diyos ang iyong natatanging Panginoon. Ang makatamo ng malinaw, tamang kaalaman at pagkaunawa sa mga katotohanang ito tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay isang sapilitang leksiyon para sa lahat, ang susi sa pag-alam sa buhay ng tao at pagtamo sa katotohanan, ang buhay at pangunahing leksiyon ng pagkilala sa Diyos na kinakaharap ng bawat isa bawat araw, at di maiwasan ninuman. Kung may isa sa inyo na nais tahakin ang pinakamadaling daan upang makarating sa layuning ito, kung gayon sinasabi Ko sa iyo, yaon ay imposible! Kung nais mong takasan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas lalong imposible iyon! Ang Diyos lamang ang tanging Panginoon ng tao, ang Diyos lamang ang tanging Maestro ng kapalaran ng tao, kaya imposible para sa tao ang diktahan ang sarili niyang kapalaran, imposible para sa kanya na lampasan ito. Kahit gaano pa kagaling ang mga kakayahan ng tao, hindi niya maaaring maimpluwensyahan, mas lalong hindi niya maisasaayos, maihahanda at makokontrol, o mababago ang mga kapalaran ng iba. Ang natatanging Diyos Mismo lamang ang nagdidikta ng lahat ng bagay para sa tao, sapagkat Siya lamang ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad na may kapangyarihan sa ibabaw ng kapalaran ng tao; at sa gayon tanging ang Lumikha ang natatanging Panginoon ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ang may tangan sa kapangyarihan hindi lamang sa ibabaw ng nilikhang sangkatauhan, ngunit kahit na sa mga di-nilikhang nilalang na hindi nakikita ng tao, sa mga bituin, sa kosmos. Ito ay isang hindi mapapabulaanang katotohanan, isang katotohanan na tunay na umiiral, na hindi maaaring mabago ninuman o ng anuman. Kung may isa sa inyo ang hindi pa rin nasisiyahan sa mga bagay sa kasalukuyan, naniniwala na ikaw ay may ilang espesyal na kasanayan o kakayahan, at iniisip pa rin na maaari kang maging masuwerte at mabago mo ang iyong kasalukuyang mga kalagayan o di-kaya ay matakasan ang mga ito; kung pagtangkaan mong baguhin ang iyong sariling kapalaran sa mga paraan ng pagpupunyagi ng tao, at sa gayon ay mamukod-tangi sa iba at magtamo ng katanyagan at kayamanan; samakatwid sinasabi Ko sa iyo, ginagawa mong mas mahirap ang mga bagay para sa iyong sarili, naghahanap ka lamang ng gulo, hinuhukay mo ang iyong sariling libingan! Isang araw, sa malao’t madali, matutuklasan mo na mali ang pinili mo, na nasayang ang iyong mga pagpupunyagi. Ang iyong ambisyon, ang iyong pagnanais na makibaka laban sa kapalaran, at ang iyong sariling kasuklam-suklam na pag-uugali, ang magdadala sa iyo sa walang pabalik na daan, at dahil dito magbabayad ka ng mapait na halaga. Bagaman sa kasalukuyan hindi mo nakikita ang kalubhaan ng kahihinatnan, habang iyong nararanasan at higit na pinapahalagahan nang mas malalim ang katotohanan na ang Diyos ang Panginoon ng kapalaran ng tao, unti-unti mong matatanto kung ano ang Aking sinasabi ngayon at ang tunay na mga implikasyon nito. Kung tunay bang mayroon kang puso at espiritu, kung ikaw ba ay isang tao na nagmamahal sa katotohanan, ito ay nababatay sa uri ng saloobin mayroon ka tungo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos at tungo sa katotohanan. At natural, ito ang nagpapasya kung maaari mong tunay na malaman at maunawaan ang awtoridad ng Diyos. Kung kailanma’y hindi mo naramdaman sa iyong buhay ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at Kanyang mga pagsasaayos, lalong hindi ang kilalanin at tanggapin ang awtoridad ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging lubos na walang halaga, walang duda na ikaw ang layon ng pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos, salamat sa daan na iyong tinahak at ang pagpiling ginawa mo. Subalit yaong, sa gawain ng Diyos, kayang tanggapin ang Kanyang pagsubok, tangggapin ang Kanyang dakilang kapangyarihan, magpasakop sa Kanyang awtoridad, at unti-unting makakamit ng tunay na karanasan ng Kanyang mga salita, ay makapagkakamit ng tunay na kaalaman ng awtoridad ng Diyos, tunay na pagkaunawa ng Kanyang dakilang kapangyarihan, at magiging tunay na tauhan ng Lumikha. Tanging ang ganoong mga tao ang tunay na maliligtas. Sapagkat kanilang nakilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, sapagkat tinanggap nila ito, tunay at tumpak ang kanilang pagpapahalaga at pagpapasakop sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Kapag sila ay naharap sa kamatayan, tulad ni Job, magkakaroon sila ng isang isip na hindi natatakot sa kamatayan, magpapasakop sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos sa lahat ng bagay, na walang indibidwal na pagpipilian, na walang indibidwal na pagnanais. Tanging ang ganoong tao ang makakabalik sa tabi ng Lumikha bilang isang tunay na nilalang na tao.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
148. Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng bagay at nagtutustos sa lahat ng bagay. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ang nagtatamasa ng lahat ng bagay habang ang Diyos ang nagtutustos ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Makikita nang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay. Iyon ay, ang lahat ng bagay ay nasa mga mata ng Diyos at nasa loob ng Kanyang saklaw ng pagsusuri. Kaya bang makita ng sangkatauhan ang lahat ng bagay? Ang nakikita ng sangkatauhan ay limitado—ito lamang ay kung ano ang kanilang nakikita sa harap ng kanilang mga mata. Kung aakyatin mo ang bundok na ito, ang iyong makikita ay ang bundok na ito. Hindi mo makikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pupunta ka sa tabing-dagat, makikita mo ang panig na ito ng karagatan, ngunit hindi mo alam kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung makarating ka sa kagubatang ito, makakakita ka ng mga halaman sa harap ng iyong mga mata at sa paligid mo, ngunit hindi mo kayang makita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, at mas malalim. Ang lahat ng kanilang makikita ay kung ano ang nasa harap ng kanilang mga mata at nasa saklaw ng kanilang paningin. Kahit na alam ng mga tao ang disenyo ng apat na panahon sa isang taon at ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay, hindi nila kayang pamahalaan o pamunuan ang lahat ng bagay. Sa kabilang banda, ang paraan na nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay ay kagaya ng paraan na makikita ng Diyos ang isang makina na personal Niyang ginawa. Malalaman Niya nang lubos ang bawat bahagi nito. Kung ano ang mga prinsipyo nito, kung ano ang mga disenyo nito, at kung ano ang gamit nito—alam ng Diyos ang lahat ng bagay na ito nang payak at malinaw. Kaya ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Kahit na patuloy na nagsasaliksik ang tao sa siyensya at mga batas ng lahat ng bagay, ito ay nasa limitadong saklaw lamang, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, iyon ay walang hanggan. Kung nagsasaliksik ang tao ng isang bagay na napakaliit na nagawa ng Diyos, maaari nilang gugulin ang kanilang buong buhay sa pananaliksik dito nang hindi nakakamtan ang anumang totoong resulta. Ito ay kung bakit mo ginagamit ang kaalaman at kung ano ang iyong natutuhan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makakayanang makilala o maunawaan ang Diyos. Ngunit kapag ginamit mo ang daan ng paghahanap sa katotohanan at paghahanap sa Diyos, at tingnan ang Diyos mula sa perspektibo ng pagkilala sa Diyos, kung gayon isang araw aaminin mo na ang mga gawa at karunungan ng Diyos ay nasa kahit saan, at malalaman mo rin kung bakit ang Diyos lamang ang tinatawag na Panginoon ng lahat ng bagay at ang bukal ng buhay ng lahat ng bagay. Kung mas nagtataglay ka ng nasabing kaalaman, ganoon rin kahigit mong mauunawaan kung bakit ang Diyos ay tinawag na Panginoon ng lahat ng bagay. Lahat ng bagay at bawat bagay, kasama ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagtustos ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, sa sangkatauhang ito, ay walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng ganoong kapangyarihan at ganoong diwa upang mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng bagay. Kapag iyong nakamit ang nasabing pagkaunawa, tunay mong tatanggapin na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, tunay mong tinatanggap ang Diyos at hayaan Siyang maging iyong Diyos at iyong Panginoon. Kapag nagkaroon ka ng nasabing pagkakaunawa at ang iyong buhay ay umabot sa nasabing punto, hindi ka na susubukin at hahatulan pa ng Diyos, ni hihingi Siya ng anumang pangangailangan mula sa iyo, dahil nauunawaan mo ang Diyos, nakikilala ang Kanyang kalooban, at tunay na tinatanggap ang Diyos sa iyong puso. Ito ay isang mahalagang dahilan para sa pagtatalakay ng mga paksang ito tungkol sa pamumuno at pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ay upang magbigay sa mga tao ng mas marami pang kaalaman at pang-unawa; hindi lamang upang kilalanin mo, ngunit upang bigyan ka ng mas praktikal pang kaalaman at pang-unawa ng mga mga kilos ng Diyos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao