Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ring napakahalagang paksa, at ito ay kapaki-pakinabang na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig sabihin nito ay ang Judaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya ay kakaunti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya. Ang kanilang mga mananampalataya ay pupunta sa magkakaibang lugar kapag sila ay namatay. “Kaiba” mula kanino? Mula sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga taong walang pananampalataya, na pinag-uusapan pa lang natin. Pagkatapos nilang mamatay, ang mga mananampalataya ng limang relihiyong ito ay pupunta sa isang lugar, isang lugar na kaiba mula sa mga hindi mananampalataya. Ang espirituwal na daigdig ay gagawa rin ng paghatol tungkol sa kanila batay sa lahat ng kanilang ginawa bago sila namatay, kasunod noon ay ipoproseso sila nang naaayon. Ngunit bakit ang mga taong ito ay inilagay sa isang lugar upang maproseso? Mayroong isang mahalagang dahilan para rito. At ano ang dahilang ito? Sasabihin Ko sa inyo sa pamamagitan ng paggamit ng isang halimbawa. Ngunit bago Ko gawin ito, maaaring iisipin ninyo sa inyong mga sarili: “Marahil dahil sila ay may kaunting paniniwala sa Diyos! Hindi sila ganap na mga hindi sumasampalataya.” Hindi ito ang dahilan kung bakit. May napakahalagang dahilan kung bakit sila inilalagay sa ibang lugar.
Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Panampalataya
Halimbawa ang Budismo: Magsasabi Ako sa inyo ng isang katotohanan. Ang isang Budista ay, una, isang tao na umanib sa Budismo, at sila yaong mga nakaaalam kung ano ang kanilang paniniwala. Kapag ginugupit ng mga Budista ang kanilang mga buhok at naging isang monghe o isang mongha, ito ay nangangahulugan na inihiwalay nila ang kanilang mga sarili mula sa mundo na walang kinalaman sa relihiyon at iiwan sa malayo ang maingay na mundo ng tao. Araw-araw ay inaawit nila ang mga sutra at ang mga pangalan ni Buddha, kumakain lamang ng pagkaing hindi karne, isinasabuhay nila ang mapagtimping mga pamumuhay, at pinalilipas nila ang kanilang mga araw kasama ng malamig, banayad na ilaw ng gasera. Ginugugol nila ang kanilang buong mga buhay sa ganitong paraan. Kapag ang kanilang pisikal na buhay ay natapos, gumagawa sila ng isang buod ng kanilang buhay, ngunit sa kanilang mga puso hindi nila alam kung saan sila pupunta pagkatapos nilang mamatay, sino ang kanilang makikilala, at anong katapusan ang magkakaroon sila—sa kanilang mga puso hindi malinaw sa kanila ang tungkol sa mga bagay na ito. Wala silang ginawa kundi ang bulag na paggugol sa kanilang buong buhay kasama ng isang pananampalataya, kung saan pagkatapos ay lilisan sila mula sa mundo kasama ng kanilang bulag na mga pag-asam at mga pangarap. Ang gayon ang katapusan ng kanilang pisikal na buhay kapag iniwan nila ang mundo ng mga buhay, at pagkatapos iyon, magbabalik sila sa kanilang katutubong lugar sa espirituwal na daigdig. Kung ang taong ito ay muling magkakatawang-tao upang bumalik sa mundo at ipagpatuloy ang paglinang nila sa kanilang mga sarili ay nakasalalay sa kanilang asal at paglinang sa sarili bago pa sila namatay. Kung sila ay walang ginawa sa buong panahon na sila ay nabubuhay, kaagad silang muling magkakatawang-tao at muling pababalikin sa mundo, kung saan muli silang magiging monghe o mongha. Batay sa proseso sa unang pagkakataon, ang kanilang pisikal na katawan ay malilinang nang kusa, kung saan pagkatapos ay mamamatay sila at magbabalik sa espirituwal na daigdig, kung saan sila ay sisiyasatin, pagkatapos noon—kung walang mga suliranin—makababalik na ulit sila sa mundo ng tao, at muling magiging kaanib sa Budismo at maipagpatuloy ang kanilang paglinang sa sarili. Pagkatapos nilang muling magkatawang-tao nang tatlo hanggang pitong beses, sila ay muling babalik sa espirituwal na daigdig, kung saan sila pupunta sa bawat panahon na magtatapos ang kanilang pisikal na buhay. Kung ang kanilang iba-ibang mga katangian at asal sa mundo ng tao ay sa pagpapanatili ng panlangit na mga kautusan sa espirituwal na daigdig, kung gayon mula sa puntong ito patuloy sila na mananatili doon; hindi na sila muling magkakatawang-tao bilang tao, ni magkakaroon pa ng panganib na sila ay parusahan dahil sa paggawa ng masama sa lupa. Hindi na nila kailanman muling mararanasan pa ang ganitong proseso. Sa halip, batay sa kanilang mga kalagayan, magkakaroon sila ng isang posisyon sa espirituwal na dako. Ito ang tinutukoy ng mga Buddhist na “pagtatamo ng kaliwanagan bilang Buddha.” Ang ibig lang sabihin ng pagtatamo ng kaliwanagan bilang Buddha ay pagkakaroon ng kaganapan bilang opisyal ng espirituwal na daigdig, at doon ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon sa muling pagkakatawang-tao o kaparusahan. Higit pa roon, nangangahulugan ito nang hindi na pagdurusa sa paglala ng pagiging tao pagkatapos na muling magkatawang-tao. Kaya mayroon pa bang pagkakataon na sila ay muling maging laman bilang isang hayop? (Wala na.) Ang ibig sabihin nito ay na sila ay nananatiling may ginagampanang papel sa espirituwal na daigdig, at hindi na muling magkakaroon ng katawan. Ito ay isang halimbawa ng pagtatamo ng kaganapan ng kaliwanagan bilang Buddha sa Buddhism. Para naman sa mga hindi nagtatamo ng kaganapan, sa pagbabalik nila sa espirituwal na daigdig, sila ay sinisiyasat at pinatutunayan ng kaukulang tagapamahala, at napatunayang hindi masigasig na naglilinang ng sarili o naging matapat sa pag-awit ng mga sutra at mga pangalan ni Buddha na iniuutos ng Buddhism; sa halip, nakagawa sila ng maraming kasamaan, at maraming ginawa na masama. Kapag bumalik sila sa espirituwal na daigdig, isang paghatol ang ginawa para sa kanilang kasamaan, kasunod noon ay tiyak na parurusahan sila. Sa ganito, walang mga itatangi. Kaya, kailan matatamo ng ganitong tao ang kaganapan? Sa buhay kung kailan hindi na sila gumagawa ng masama—kung, pagkabalik sa espiriutwal na daigdig, nakita na hindi sila gumawa ng mali bago sila namatay. Pagkatapos ay patuloy silang na muling magkakaroon ng katawan, patuloy na aawit ng mga sutra at mga pangalan ni Buddha, palilipasin nila ang kanilang mga araw sa malamig, banayad na liwanag ng gasera, hindi sila papatay ng anumang buhay na bagay, hindi kakain ng karne, at hindi makikibahagi sa mundo ng tao, iiwan ang mga kaguluhan nito sa kalayuan, at ang hindi pagkakaroon ng pakikipagtalo sa iba. Sa panahon ng prosesong ito, hindi sila gumagawa ng masama, pagkatapos nito ay babalik sila sa espirituwal na daigdig, at pagkatapos masiyasat ang lahat ng kanilang mga pagkilos at asal, sila ay muling ipadadala sa mundo ng tao, sa isang pag-inog na nagpapatuloy ng tatlo hanggang pitong ulit. Kung walang mga kabalisahan sa panahong yaon, ang pagtatamo nila ng kaliwanagan bilang Buddha ay mananatiling hindi apektado, at hindi maaantala. Ito ay isang katangian ng pag-inog ng buhay at kamatayan sa lahat ng tao na may panananampalataya: nagagawa nilang “magtamo ng kaganapan ,” at upang gumanap ng isang posisyon sa espiriutwal na daigdig. Ito ang pinagkaiba nila sa mga taong hindi sumasampalataya. Una, nang sila ay buhay sa mundo, ano ang asal nilang mga nakaganap ng posisyon sa espirituwal na daigdig? Hindi sila dapat makagawa ng kasamaan nang walang pasubali: Hindi sila dapat pumatay, manunog, manggahasa, o magnakaw; kapag sila nandaya, nanlinlang, nagnakaw, o nanloob, hindi sila magtatamo ng kaganapan. Na ang ibig sabihin, kung sila ay may anumang kinalaman o kaugnayan sa paggawa ng masama, hindi sila makatatakas sa kaparusahan ng espirituwal na daigdig. Ang espirituwal na daigdig ay gumagawa ng angkop na mga pagsasaayos para sa mga Buddhist na nagtatamo ng kaliwanagan bilang Buddha: Maaari silang italaga upang mangasiwa sa kanila na lumilitaw na naniniwala sa Buddhism, at sa Matandang Lalaki sa Langit, at ang mga Buddhist ay bibigyan ng isang kapangyarihan, maaari nilang pangasiwaan ang mga taong hindi sumasampalataya, kung hindi maaari silang maging napakababang tagapamahala. Ang gayong gampanin ay alinsunod sa kalikasan ng mga kaluluwang ito. Ito ay isang halimbawa ng Buddhism.
Sa limang relihiyon na ating napag-usapan, ang Kristiyanismo ay tila natatangi. At ano ang natatangi sa Kristiyanismo? Ito ang mga tao na naniniwala sa tunay na Diyos. Paanong maaaring mangyari na yaong mga naniniwala sa tunay na Diyos ay naitala rito? Yamang ang Kristiyanismo ay isang uri ng pananampalataya, kung gayon ito ay, nang walang pag-aalinlangan, may kaugnayan lamang sa pananampalataya—ito ay isang uri ng seremonya, isang uri ng relihiyon, at isang bagay na hiwalay mula sa pananampalataya ng mga tunay na sumusunod sa Diyos. Ang katwiran kung bakit inilista Ko ito sa gitna ng limang pangunahing relihiyon ay dahil ang Kristiyanismo ay naibaba sa kaparehong antas ng Judaism, Buddhism, at Islam. Karamihan sa mga Kristiyano ay hindi naniniwala na mayroong isang Diyos, o na Siya ang namamahala sa lahat ng bagay, lalong hindi sila naniniwala sa Kanyang pag-iral. Sa halip, ginagamit lamang nila ang mga Banal na Kasulatan upang magsalita tungkol sa teolohiya, ginagamit ang teolohiya upang turuan ang mga tao na maging mabait, upang magtiis ng pagdurusa, at upang gumawa ng mabubuting bagay. Ganyang uri ng relihiyon ang Krsitiyanismo: Pinagtutuunan lamang nito ng pansin ang mga teoryang panteolohiya, wala itong anumang kaugnayan sa gawain ng Diyos sa pamamahala at pagliligtas sa tao, ito ay ang relihiyon nilang mga sumusunod sa Diyos na hindi kinikilala ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay may prinsipyo sa pakikitungo Niya sa kanila. Hindi Siya biglang humaharap at basta makikitungo sa kanila, kagaya sa mga hindi sumasampalataya. Ang Kanyang pakikitungo sa kanila ay kapareho ng sa mga Buddhist: Kung, habang sila ay buhay, ang isang Kristiyano ay may disiplina sa sarili, nagagawang mahigpit na sumunod sa Sampung Utos at sumunod sa mga batas at utos sa mga kahilingang kanilang ginagawa sa kanilang sariling asal—at kung magagawa nila ito sa buong buhay nila—kung gayon kakailanganin din nilang gumugol ng kaparehong dami ng panahon sa pag-inog ng buhay at kamatayan bago nila tunay na matatamo ang tinatawag na pagdadala. Pagkatapos na matamo itong pagdadala, mananatili sila sa espirituwal na daigdig, kung saan sila gaganap ng isang posisyon at magiging isa sa mga tagapamahala nito. Gayundin, kung sila ay nakagawa ng kasamaan sa lupa, kung sila ay makasalanan at nakagawa ng napakaraming kasalanan, kung gayon ito ay hindi maiiwasan na sila ay parurusahan at didisiplinahin sa magkakaibang kasidhian. Sa Buddhism, ang pagtatamo ng kaganapan ay nangangahulugang pagpasok sa Purong Lupain ng Sukdulang Kaligayahan, ngunit ano ang tawag nila roon sa Kristiyanismo? Ito ay tinatawag na “pagpasok sa langit” at pagiging “nadala.” Yaong mga tunay na nadala ay daranas din ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng tatlo hanggang pitong beses, pagkatapos nito, sa pagkamatay, sila ay darating sa espirituwal na daigdig, na para lamang silang nakatulog. Kung sila ay papasa sa pamantayan makakapanatili sila upang gumanap ng isang papel, at, hindi kagaya ng mga tao sa lupa, hindi muling magkakatawang-tao sa isang payak na paraan, o alinsunod sa kapulungan.
Sa lahat ng relihiyong ito, ang katapusang sinasabi at pinagsusumikapan nila ay kapareho ng pagtatamo ng kaganapan sa Buddhism—ito lamang ay nakakamit sa magkakaibang mga pamamaraan. Pare-pareho lamang sila. Para sa bahagi ng mga tao ng mga relihiyong ito na nagagawang mahigpit na sumunod sa mga relihiyosong panuntunan sa kanilang asal, binibigyan sila ng Diyos ng isang angkop na hantungan, isang angkop na lugar na pupuntahan, at pangangasiwaan sila nang naaayon. Ang lahat ng ito ay makatuwiran, ngunit hindi ito kagaya ng iniisip ng tao, oo? Ngayon, pagkarinig sa kung anong mangyayari sa mga Kristiyano, paano ninyo ito nararamdaman? Nalungkot ba kayo para sa kanila? Nakikisimpatiya ba kayo sa kanila? (Bahagya.) Wala nang magagawa pa—sarili lamang nila ang kanilang masisisi. Bakit Ko sinasabi ito? Ang gawain ng Diyos ay totoo, ang Diyos ay buhay at totoo, at ang Kanyang gawain ay nakatuon sa lahat ng sangkatauhan at sa bawat tao—kaya bakit hindi ito matanggap ng mga Kristiyano? Bakit sila parang mga baliw na sinasalungat at inuusig ang Diyos? Mapalad pa nga sila sa pagkakaroon ng isang katapusang gaya nito, kaya bakit kayo naaawa sa kanila? Ang pagtrato sa kanila sa ganitong paraan ay nagpapakita ng malaking pagpapaubaya. Batay sa lawak ng kanilang pagsalungat sa Diyos, dapat silang wasakin—gayunman hindi ito ginagawa ng Diyos, at pinakikitunguhan lamang ang Kristiyanismo kagaya ng isang karaniwang relihiyon. Kaya kailangan pa bang magdetalye tungkol sa ibang mga relihiyon? Ang kakaibang paniniwala ng lahat ng relihiyong ito ay upang ang mga tao ay magtiis ng maraming kahirapan, huwag gagawa ng masama, magsalita ng magagandang bagay, gumawa ng mabubuting gawa, huwag sumumpa sa iba, huwag kaagad hahatol sa iba, ilayo ang kanilang sarili mula sa pakikipagtalo, gumawa ng mabubuting bagay, maging isang mabuting tao—karamihan sa mga relihiyosong pagtuturo ay ganito. At kaya, kung ang mga taong ito na may pananampalataya—ang mga taong ito ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon—ay nagagawang mahigpit na sumusunod sa mga relihiyosong alituntunin, kung gayon hindi sila makagagawa ng malalaking pagkakamali o kasalanan sa panahong sila ay nasa lupa, at pagkatapos muling magkatawang-tao ng tatlo hanggang pitong beses, kung gayon karamihan sa mga taong ito, ang mga tao na nagagawang mahigpit na sumunod sa mga relihiyosong alituntunin, ay mananatiling gaganap ng isang papel sa espirituwal na daigdig. At marami ba ng gayong mga tao? (Hindi sila marami.) Saan nababatay ang inyong sagot? Hindi madali ang gumawa ng mabuti, o ang sumunod sa mga relihiyosong mga patakaran at mga kautusan. Hindi hinahayaan ng Buddhism na kumain ng karne ang mga tao—magagawa mo ba iyon? Kung kinakailangan mong suutin ang abuhing mga balabal at bigkasin ang mga sutra at awitin ang mga pangalan ni Buddha sa isang templo ng mga Buddhist nang buong araw, magagawa mo ba ito? Hindi ito magiging madali. Ang Kristiyanismo ay mayroong Sampung Utos, mga utos at mga batas, ang mga ito ba ay madaling sundin? Hindi madali! Halimbawa ang huwag sumumpa sa iba: Ang mga tao ay walang kakayahan na sumunod sa patakarang ito. Hindi magawang pigilan ang kanilang mga sarili, sila ay sumusumpa—at pagkatapos sumumpa hindi na nila ito mababawi, kaya ano ang ginagawa nila? Kinukumpisal nila ang kanilang mga kasalanan sa gabi. Kung minsan, pagkatapos nilang sumumpa sa iba, mayroon pa ring poot sa kanilang mga puso, at nakararating pa sila sa pagpaplano kung kailan nila sila sasaktan. Sa kabuuan, sa kanila na nabubuhay sa gitna nitong patay na doktrina, hindi madali ang hindi magkasala o gumawa ng masama. At kaya, sa bawat relihiyon, iilang tao lamang ang nagagawang magtamo ng kaganapan. Iniisip mo na dahil napakaraming tao ang sumusunod sa mga relihiyong ito, marami ang makapananatili upang gumanap ng tungkulin sa espirituwal na dako. Ngunit hindi sila ganoon karami, kakaunti lamang ang makapagtatamo nito. Iyan na ang lahat para sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong may pananampalataya. Ang ipinagkaiba nila ay na maaari silang magtamo ng kaganapan, kung saan ay iyon ang kanilang kaibahan sa mga taong hindi sumasampalataya.
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
_______________________________