Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hun 25, 2019

Tanong 30: Pinatototohanan mo na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay sinambit ng Diyos Mismo, pero naniniwala kami na mga salita ito ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu. Samakatwid, ang gusto kong malaman ay, ano ba talaga ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao at ng mga salitang sinabi ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu?

Sagot:

Kung gusto nating malaman kung bakit ang mga ginagamit ng Diyos ay hindi katotohanan, dapat maging malinaw muna sa'tin ang "katotohanan". Sa buong kasaysayan, walang sinumang nakaalam kung ano nga ba ang katotohanan. Nang Siya'y dumating sa Panahon ng Biyaya, “Siya raw ang daan, ang katotohanan at ang buhay” (Juan 14:6). Wala pa ring nakaunawa sa tunay na kahulugan ng “katotohanan.” Nang dumating lang si Cristo, ang Makapangyarihang Diyos-nabunyag sa lahat ang mga misteryo ng “katotohanan”. Tingnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.

Nagmula ang katotohanan sa mundo, datapwat ang katotohanan sa tao'y naipasa ni Cristo. Ito'y orihinal na nagmula sa Kanya, na nagmula sa Diyos Mismo, at tunay nga na hindi kayang makamit ng sinumang tao sa mundo” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang katotohanan ang pinaka-totoo sa talinghaga ng buhay, at ang pinaka-mataas na talinghaga sa sangkatauhan. Dahil ito'y panuntunan na likhain nga ng Diyos ang tao, at gawaing personal na ginawa ng ating mapagmahal na Diyos, kaya tinawag itong “talinghaga ng buhay”. Hindi ito basta nabuo na lang kung saan, o sikat na kasabihan ng kilalang tao; sa halip, ito ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng lahat, at hindi mga salitang sinabi lamang ng lahat ng tao, ngunit ang namanang buhay ng Diyos. Kaya tinawag itong pinaka-mataas na talinghaga ng buhay” (“Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang katotohanang nasa salita ng tao ay matatawag nga na talinghaga niya; hindi ito kailanman mararanasan ng tao, at dapat silang mabuhay nang may tiwala rito. Ang piraso ng katotohanan ay maaaring makasalba sa lahat sa libu-libong taon, at ito'y ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan sa Kanyang sariling disposisyon. kumakatawan sa sariling diwa Niya, at kumakatawan din sa lahat ng kanyang nasasakupan” (Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).

Makikita natin mula sa mga salita Niya: Sa Diyos galing ang katotohanan, at sa pagpapahayag ni Cristo. Ibig sabihin, lahat ng mga salitang sinabi ng Diyos ay katotohanan. Dahil ang katotohanan ay ang diwa ng buhay ng ating Diyos, Ang disposisyon Niya, at anong mayroon Siya, at ang katotohanan ng mga positibong bagay. Ito'y walang hanggan at hindi nga magbabago. Ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan din. Talagang kaya nitong padalisayin, iligtas ang tao, at maging buhay na walang hanggan ng tao. Kaya nga, ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay katotohanan. Ang gawain at paghahayag Niya, at kung ano ang itinakda Niya ay katotohanan. Ang iniatas ng Diyos at itinatakda para sa tao, lahat ng hinihiling Niya sa tao at inuutos na ipamuhay ay katotohanan, ang katotohanan ng lahat ng positibong bagay. At sa gayon, may katotohanang matatagpuan sa bawat salitang winiwika ng Diyos. Nagpahayag Siya ng maraming katotohanan, sa bawat yugto ng gawain Niya. Ang mahalagang buhay na ipinagkaloob Niya sa'tin ay nasa loob ng mga katotohanan.

Katotohanan lahat ng inihahayag Niya sa gawain ng Kanyang dalawang pagkatawang-tao. Gaya ng mga salita Niya na makikita sa Panahon ng Biyaya: Pinayagan tayo nitong makita ang Kanyang disposisyon, pag-ibig, at banal na sangkap. Ito ang mga katotohanang tumutulong sa'tin na makilala ang Diyos. Ang pagmamahal, pagpaparaya awa at pagpapatawad sa tao ng Panginoong Jesus, at ang paghiling Niya sa taong mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa't isipan, na mahalin ang kapwa upang maging ilaw at asin ng mundo, ito'y mga positibong bagay at katotohanan. Katotohanan din ito na dapat nating taglayin. Ang Cristo ng mga huling araw-Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na; at ipinahahayag Niya ang paghatol, pagdalisay at pagperpekto. Ang lahat ng ito'y realidad ng buhay na dapat nating matamo sa Panahon ng Kaharian. Ibinubunyag sa'tin ni Cristo ang disposisyon ng Diyos na katuwiran, pagkamaharlika, poot, at kawalan ng pagpaparaya sa kasalanan. Maging ang mga misteryo ng plano sa pamamahala ng Diyos upang magligtas, ang tatlong yugto ng gawain Niya, ang sangkap at katotohanan sa loob ng yugto ng gawain Niya, at ang pagkakatawang-tao Niya, kung pa'no Niya ginagawa ang gawaing ito ng paghatol, at kung ano ang kaharian ni Cristo. Ipinakikita niya kung pa'no binubunyag ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao. Ibinubunyag Niya ang katuwiran ng Diyos, maging ang Kanyang kabanalan at ang disposisyon Niya, at ang Kanyang kasiyahan, galit at kalungkutan. Ibinubunyag Niya kung ano ang matuwid at masama, kung ano ang positibo at ano ang negatibo, at ang diwa at patunay ng pagsira ni Satanas sa lahat ng tao. Ipinapakita Niya kung pa'no Siya igagalang at lalayo sa masama, kung ano nga ang tunay na buhay at kung paano mabuhay nang may kabuluhan, at iba pa. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryong ito para maunawaan Siya, galangin at talikuran na rin ang masama, para sumunod at sambahin Siya. Ang katotohanan ng Makapangyarihang Diyos ang daan ng walang hanggang buhay na dapat nating taglayin. Ang mga yumayakap sa lahat ng katotohanan ng Diyos at ito'y isinasabuhay ay magkakaro'n ng buhay na walang hanggan. Samantalang ang mga tumatangging tanggapin ang alinman sa katotohanan ay tiyak na mapapahamak. Kaya, ang mga katotohanang inihahayag Niya sa mga huling araw ay ang gawain ng Diyos sa pagtatapos ng isang panahon at pagsisimula ng isang bago. Ang mga ginagamit ng Diyos ay ang nililigtas at ginagawang perpekto. Ang kanilang tungkulin sa gawain ng Diyos ay makipagtulungan sa gawaing ito at pamunuan ang mga napili Niyang tao. Sa gayon, anumang mga salitang sinasabi nila alinsunod sa katotohanan ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na kapaki-pakinabang sa'tin ito, hindi pa rin 'to katotohanan at 'di rin masasabing salita Niya dahil ito'y nagmula lang sa kaalaman at karanasan nila rito, at kaya lang katawanin ang pananaw ng tao, at marurumihan ng mga tao. Bukod dito, limitado ang kaalaman at karanasan ng tao tungkol sa katotohanan. Ga'no man siya pumasok sa realidad nito, 'di pa rin masasabing sinasagisag niya ang sangkap nito, o kaya'y isinasabuhay niya nang buo ang katotohanan. Kaya kahit na ipinahayag niya ang ilang mga katotohanang isinabuhay niya, ang mga salita niya'y ayon lang sa katotohanan. 'Di sila maaaring ipantay sa parehong antas. Ang mga salita lang ng nagkatawang-taong Diyos ang katotohanan. Na ibig sabihin, Ang Diyos lang ang may sangkap ng katotohanan, at Siya lang ang katotohanan. Maraming taon man tayong naniniwala, lagi tayong magiging sanggol sa harapan ng Diyos. Hindi natin kailanman maisasabuhay ang imahe Niya. Sa gayon, ang mga salita ng taong ginagamit Niya o ang may gawain ng Banal na Espiritu ay naaayon sa katotohanan lang. Hindi 'to pwedeng maging katotohanan. Isang di maikakailang katotohanan ito. Pag tinawag nating katotohanan ang salita ng tao, sinasalungat natin ang Diyos at nilalapastangan din Siya!

mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Rekomendasyon:ang panginoon ay darating