Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan. Tila ginagawa mo na lamang basta ang gawain, palaging naniniwala na dapat mong sundin ang iyong sariling paraan hindi alintana ang ibang mga tao, at dapat kang makipagniig sapagkat ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, hindi alintana ang ibang mga tao. Hindi ninyo nagagawang matuklasan ang mga kalakasan ng iba, at hindi nagagawang siyasatin ang inyong mga sarili. Ang inyong paraan sa pagtanggap ng mga bagay ay talagang mali. Maaaring sabihin na maging sa ngayon nagpapakita pa rin kayo ng napakaraming pansariling pagkamatuwid, na parang ang dating sakit ay muling nagbalik. Hindi kayo nag-uusap sa isa’t-isa upang matamo ang lubos na pagkakapalagayang-loob, na parang anong kahihinatnan ang natamo sa pagdalaw sa iglesiang yaon, o kumusta ang inyong panloob na kalagayan kamakailan lamang, at iba pa—hindi kayo talaga nakikipag-usap kagaya nito. Kayo ay pangunahin nang walang mga pagsasagawa kagaya ng pagsasantabi sa inyong sariling mga pagkaintindi o pagtatanggi sa inyong mga sarili. Nag-iisip lamang yaong mga nasa liderato ng pagpapasigla sa mga kapatid sa mga iglesia sa ibaba sa pamamagitan ng kanilang pagsasamahan, at nalalaman lamang niyaong mga sumusunod na maghangad sa kanilang mga sarili. Pangunahing nang hindi ninyo nalalaman kung ano ang paglilingkod o kung ano ang pakikipagtulungan, at iniisip lamang ninyo ang pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, ng pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang isabuhay ang paraan ni Pedro, at wala ng iba pa. Iyo pang sinasabi, maging anuman ang kalagayan ng ibang mga tao, hindi ka rin naman pasasakop anuman ang mangyari, at kahit na anupaman ang nakakatulad ng ibang mga tao, ikaw sa iyong sarili ay naghahangad ng pagka-perpekto ng Diyos, at iyon ay magiging sapat. Sa katunayan, hindi pa nakatagpo ang iyong kalooban ng anumang matibay na pagpapahayag sa katotohanan sa aumang paraan. Hindi ba ito lahat ang uri ng pag-uugali na inyong ipinakikita sa kasalukuyan? Pinanghahawakang mahigpit ng bawat isa sa inyo ang inyong sariling pananaw, at nais ninyong lahat na maging perpekto. Nakikita Ko na naglingkod kayo sa mahabang panahon at hindi gaanong sumulong, lalong lalo na sa leksiyong ito ng paggawang magkakasama sa pagkakaisa hindi kayo nakagawa ng anumang pagsulong! Sa pagpunta sa mga iglesia nakikipagtalastasan ka sa sarili mong paraan, at siya ay nakikisama sa kanyang paraan. Madalang na magkaroon ng pagtutulungan na mayroong pagkakaisa. At ang mga tao sa ibaba na nangagsisusunod ay higit pa sa ganitong paraan. Iyon ay upang sabihin na bihirang nauuunawaan ng sinuman sa kalagitnaan ninyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat paglingkuran ng isang tao ang Diyos. Kayo ay nalilito, at tinatrato ang mga ganitong uri ng mga leksiyon bilang isang walang halagang bagay, sa gayon na lamang kalawak anupa’t maraming mga tao ang hindi lamang ipinatutupad ang ganitong aspeto ng katotohanan, sinasadya pa nilang gumawa ng mali. Maging ang mga tao na naglilingkod sa maraming mga taon ay naglalaban at nagbabangayan. Hindi ba ang lahat ng ito ay ang inyong tunay na tayog? Kayong mga tao na naglilingkod na magkakasama sa araw-araw ay kagaya ng mga Isaraelita na tuwirang naglingkod sa Diyos Sarili Niya sa templo araw-araw. Paano nangyaring kayong mga taong kagaya ng mga pari ay hindi ninyo nalalaman kung paano ang makipagtulungan at kung paano ang maglingkod?
Sa panahong yaon, pinaglingkuran ng mga Israelita si Jehova nang tuwiran sa templo. Ang kanilang pagkakakilanlan ay kagaya ng sa pari. (Mangyari pa na hindi ang bawat tao ay isang pari. Ilan lamang sa mga naglingkod kay Jehova sa templo ang mayroong pagkakakilanlan ng mga pari.) Magsusuot sila ng mga korona na ibinigay ni Jehova sa kanila (na nangangahulugan na ginawa nila ang mga korona alinsunod sa mga kinakailangan ni Jehova, hindi sa ibinigay nang tuwiran sa kanila ni Jehova ang mga korona) at sa kanilang kasuotang pampari na ibinigay sa kanila ni Jehova papasok sila sa templo nang nakayapak upang tuwirang paglingkuran si Jehova, mula umaga hanggang gabi. Ang kanilang paglilingkod kay Jehova ay hindi pagbabaka-sakali sa anumang paraan o pagsalangsang sa kalooban; ang lahat ay alinsunod sa mga patakaran, na walang sinuman sa mga tuwirang naglilingkod kay Jehova ang makalalabag. Kailangan nilang lahat sumunod sa mga patakarang ito; kung hindi, ang pagpasok sa templo ay ipinagbabawal. Kung ang sinuman sa kanila ay lumabag sa mga patakaran ng templo, iyon ay, kung susuwayin ng sinuman ang mga utos ni Jehova, kailangan silang tratuhin alinsunod sa mga batas na ipinalabas ni Jehova, nang walang sinumang pinahihintulutang tumutol, at walang sinumang pinahihintulutan na protektahan sila. Kahit na gaano man karaming mga taon naglingkod sa Diyos ang taong iyon, ang lahat ay dapat sumunod sa mga patakaran. Ito ang dahilan kung bakit simula’t sapul napakaraming mga pari ang nagsusuot ng kanilang mga kasuotang pampari at pinaglilingkuran si Jehova sa ganitong paraan sa buong isang taon, bagamat hindi sila binigyan ni Jehova ng natatanging pagtrato, at magpupunta pa rin sila sa harap ng dambana o sa templo sa buong panahon ng kanilang buhay. Gayon ang kanilang katapatan at pagpapasakop. Hindi nakapagtataka na pinagpala sila ni Jehova sa ganitong paraan; lahat ng ito ay dahil sa katapatan na sila ay tumanggap ng pabor at nakita ang lahat ng mga gawa ni Jehova. Sa panahong gumagawa si Jehova sa Israel, ang mga taong Kanyang pinili, ang Kanyang mga kahilingan sa kanila ay mabibigat. Lahat sila ay talagang masunurin at hinihigpitan ng mga patakaran, na nagsilbing bantay na igagalang nila si Jehova. Ang lahat ng mga ito ay mga administratibong kautusan ni Jehova. Kung sa mga paring iyon mayroong sinuman na hindi nagpanatili sa Sabbath o lumabag sa mga utos ni Jehova at natuklasan ng mga karaniwang tao, ang tao ay bibitbitin kaagad sa harap ng dambana at babatuhin hanggang sa mamatay, sa gayo’y isasakripisyo sa harap ng “dambana ng karaniwang tao” na inilatag ni Jehova. Hindi pinahihintulutan na ilagay ang kanilang mga bangkay sa templo o sa palibot ng templo. Hindi ipinahintulot ni Jehova ang gayon. Kung gagawin iyon ninuman, ituturing sila bilang yaong mga naghandog ng “karaniwang mga sakripisyo,” at itinatapon sa isang malaking hukay at papatayin. Mangyari pa, mawawala ng lahat ng gayong mga tao ang kanilang mga buhay, walang ititirang buhay. Mayroon pa ngang iba na naghandog ng “karaniwang apoy,” sa ibang pananalita, yaong mga taong hindi nagsakripisyo sa mga araw na inilaan ni Jehova ay susunugin ng apoy ni Jehova sa kanilang mga bagay na pangsakripisyo, hindi pinahihintulutan sa dambana. Ang mga kinakailangan sa mga pari ay gaya ng mga sumusunod: Hindi pinahihintulutang pumasok sa templo, at maging sa panlabas na patyo ng templo, nang hindi muna naghuhugas ng mga paa; hindi papapasukin sa templo nang hindi isinusuot ang mga kasuotang pampari; hindi papapasukin sa templo nang hindi isinusuot ang mga koronang pampari; hindi papapasukin sa templo kung nadumihan ng isang bangkay; hindi papapasukin sa templo matapos hawakan ang kamay ng isang taong hindi matuwid nang hindi muna naghuhugas ng kanyang sariling mga kamay;Jehovah / Jehova hindi papapasukin sa templo matapos ang mga ugnayang seksuwal sa mga babae (ito ay hindi magpakailanman, sa loob lamang ng tatlong buwan), hindi pinahihintulutan na makita ang mukha ni Jehova, kapag ang panahon ay natapos, na nangangahulugang pagkatapos pa lamang ng tatlong buwan saka pa lamang sila pahihintulutan na suutin ang malilinis na mga kasuotang pampari, at maglilingkod sa patyo sa loob ng pitong araw bago magawang pumasok sa templo upang makita ang mukha ni Jehova; sila ay pinahihintulutan na isuot ang lahat ng mga kasuotang pampari sa loob lamang ng templo at hindi pinahihintulutan na isuot ito sa labas ng templo, upang maiwasan na madumihan ang templo ni Jehova; kailangang dalhin niyaong lahat ng mga pari ang mga kriminal na lumabag sa mga kautusan ni Jehova sa harap ng dambana ni Jehova kung saan sila papatayin ng mga karaniwang tao, kung hindi mahuhulog ang apoy sa pari na nakakita nito. Kung kaya palagi silang tapat kay Jehova, sapagkat ang mga kautusan ni Jehova ay masyadong mabigat sa kanila, at tiyak na hindi sila mangangahas na basta na lamang labagin ang Kanyang mga administratibong batas. Ang mga Israelita ay tapat kay Jehova sapagkat nakita nila ang Kanyang ningas, nakita ang kamay kung saan kinakastigo ni Jehova ang mga tao, at dahil din sa dati na nilang iginagalang si Jehova sa kanilang mga puso. Kung gayon ang kanilang nakamit ay hindi lamang ang ningas ni Jehova; nakamit din nila ang pagmamalasakit at pag-iingat mula kay Jehova, at nakamit ang mga pagpapala ni Jehova. Ang kanilang katapatan ay ang sumunod sila sa mga salita ni Jehova sa kanilang ginawa, nang walang sinumang sumusuway. Kung lalabag ang sinuman, ipatutupad pa rin ng mga tao ang mga salita ng Diyos, at papatayin ang lahat niyaong lumalaban kay Jehova, nang walang anumang kalayaan sa pagkukubli. Lalo na yaong mga lumabag sa Sabbath, yaong mga nagkasala ng kahalayan at yaong mga nagnanakaw ng mga handog kay Jehova ay parurusahan nang mas mabigat. Yaong mga lumabag sa Sabbath ay kanilang (ang mga karaniwang tao) binabato hanggang sa mamatay o sila ay lalatiguhin hanggang sa mamatay, nang walang pinaliligtas. Yaong mga nakagawa ng mga pagkilos ng kahalayan, maging yaong mga nagnasa sa isang nakabibighaning babae, o maging yaong mga nagkaroon ng pagnanasa matapos makita ang isang masamang babae, o naging mapagnasa matapos makita ang isang dalaga—ang lahat ng ganitong uri ng tao ay papatayin. Kung tinukso ng sinumang dalaga na hindi nagsusuot ng isang pantabing o isang belo ang isang lalaki sa ipinagbabawal na gawain, ang babaeng iyon ay papatayin. Kung ito ay isang pari (yaong mga taong naglilingkod sa templo) ang lumabag sa ganitong uri ng mga kautusan, siya ay ipapako sa krus o ibibitin. Walang ganitong uri ng tao ang hahayaang mabuhay, at walang kahit sinuman ang makasusumpong ng pabor kay Jehova. Ang mga kaanak ng ganitong uri ng tao ay hindi pahihintulutan na maghandog ng mga sakripisyo kay Jehova sa harap ng dambana sa loob ng tatlong taon pagkatapos ng kanyang kamatayan, at hindi sila pahihintulutan na maipamahagi ang mga sakripisyo na ipinagkakaloob ni Jehova sa karaniwang mga tao. Kapag natapos lamang ang panahon saka sila maaaring maglagay ng primera klaseng baka o kambing sa dambana ni Jehova. Kung mayroon pang ibang pagsalangsang, kailangan nilang mag-ayuno sa harap ni Jehova ng tatlong araw, magmamakaawa para sa Kanyang biyaya. Ang kanilang pagsamba kay Jehova ay hindi lamang dahil sa ang mga kautusan ni Jehova ay masyadong mabigat at totoong mahigpit; kundi dahil sa biyaya ni Jehova, at dahil din tapat sila kay Jehova. Dahil doon, ang kanilang paglilingkod hanggang sa kasalukuyan ay sa katulad pa ring paraan ng katapatan, at hindi sila kailanman tumigil sa kanilang pagsusumamo sa harap ni Jehova. Sa kasalukuyang panahon natatanggap pa rin ng mga tao sa Israel ang pagmamalasakit at proteksyon ni Jehova, at hanggang sa kasalukuyan si Jehova ang biyaya sa gitna nila, at palaging sumusunod sa mga ito. Nalalaman nilang lahat kung paaano nila dapat igalang si Jehova, at kung paano nila dapat paglingkuran si Jehova, at nalalaman nilang lahat kung paano sila dapat maging upang tanggapin ang pagmamalasakit at proteksyon mula kay Jehova, sapagkat iginagalang nila si Jehova sa kanilang mga puso. Ang lihim sa tagumpay ng lahat ng kanilang paglilingkod ay walang iba kundi ang paggalang. Ngunit ano ang nakakatulad ninyong lahat sa kasalukuyan? Mayroon ba kayong anumang pagkakatulad sa mga tao ng Israel? Iniisip mo ba na ang paglilingkod sa kasalukuyan ay kagaya ng pagsunod sa pangunguna ng isang kilalang espirituwal na tao? Wala talaga kayong anumang katapatan at paggalang. Nakatatanggap kayo ng napakalaking biyaya, kayo ay katumbas ng mga paring Israelita, sapagkat lahat kayo ay tuwirang naglilingkod sa Diyos. Bagamat hindi kayo pumapasok sa templo, ang inyong natatanggap at ang inyong nakikita ay higit na marami kaysa tinanggap ng mga pari na naglingkod kay Jehova sa templo. Ngunit naghihimagsik at lumalaban kayo nang mas maraming beses kaysa sa kanilang ginawa. Ang inyong pagagalang ay napakaliit, at bilang resulta nakatatanggap kayo ng napakaliit na biyaya. Bagamat nag-aalay kayo nang sobrang liit, tumatanggap kayo nang higit na mas marami kaysa sa mga Israelita. Hindi ba ito mabuting pagtrato sa inyo? Sa panahon ng gawain sa Israel, walang sinuman ang mangangahas na hatulan si Jehova kung gugustuhin nila. Paano naman kayo? Kung hindi dahil sa ang gawaing Aking ginagawa sa gitna ninyo ay para lupigin kayo, paano Ko mapapayagan ang inyong pagwawala para magdala ng kahihiyan sa Aking pangalan? Kung ang kapanahunan kung saan kayo nabubuhay ay sa Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman sa inyo ang mananatiling buhay, kung ang pag-uusapan ay ang inyong mga pagkilos at mga salita. Napakaliit ng inyong paggalang! Palagi ninyo Akong sinisisi sa hindi pagbibigay sa inyo ng maraming pabor, at sinasabi pa na hindi Ko kayo binibigyan ng sapat na mga salita ng pagpapala, na sumpa lamang ang mayroon Ako para sa inyo. Hindi ba ninyo nalalaman na sa gayong kaliit na paggalang imposible
para sa inyo na tanggapin ang Aking mga pagpapala? Hindi ba ninyo nalalaman na madalas Akong sumusumpa at naghahagis ng paghatol sa gitna ninyo dahil sa nakalulungkot na kalagayan ng inyong paglilingkod? Nararamdaman ba ninyong lahat na kayo ay nagkasala? Paano Ko ipagkakaloob ang Aking mga pagpapala sa isang grupo ng mga tao na mapanghimagsik at hindi sumusunod? Paano Ko basta na lamang ipagkakaloob ang Aking biyaya sa gitna ng mga tao na nagdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan? Ang pagtrato sa inyong mga tao ay totoong napakabuti na. Kung ang mga Israelita ay naging kasing-mapaghimagsik kagaya ninyo ngayon, matagal Ko na sana silang nilipol. Ngunit wala akong ibang pagtrato sa inyo maliban sa kaluwagan. Hindi ba ito kabaitan? Nais ba ninyo ng mas malalaking biyaya kaysa dito? Ang tanging pinagpapala ni Jehova ay yaong mga gumagalang sa Kanya. Kinakastigo Niya yaong mga naghihimagsik laban sa Kanya, hindi kailanman nagpapatawad kaninuman. Hindi ba kayong mga tao sa kasalukuyan na hindi nakaaalam kung paanong maglingkod ay higit pang nangangailangan ng pagkastigo at paghatol, upang ang inyong mga puso ay maaari pang ganap na maituwid? Ang pagkastigo at paghatol ba sa ganitong uri ay hindi ang pinakamahusay na pagpapala sa inyo? Hindi ba ito ang inyong pinakamahusay na proteksiyon? Kung wala ito, matatagalan ba ng sinuman sa inyo ang nagniningas na apoy ni Jehova? Kung tunay kayong makapaglilingkod na kasingtapat kagaya ng mga tao ng Israel, hindi rin ba ninyo taglay ang biyaya bilang inyong madalas na nakakasama? Hindi rin ba madalas din kayong magkaroon ng kagalakan at sapat na pabor? Nalalaman ba ninyong lahat kung paano kayo dapat maglingkod?
Sa kasalukuyan ang kinakailangan sa inyo para gumawang magkakasama nang may pagkakaisa ay katulad sa kung paano hiniling ni Jehova sa mga Israelita na paglingkuran Siya. Kung hindi, tapusin na lamang ang inyong paglilingkod. Sapagkat kayo’y mga tao na naglilingkod nang tuwiran sa Diyos, kahit papaano kailangan ninyong magawang maging tapat at masunurin sa inyong paglilingkod, at kailangang magawang matutuhan ang mga aral sa isang praktikal na paraan. Lalo na yaong mga gumagawa sa iglesia, mangangahas ba ang sinuman sa mga kapatid sa ibaba na makitungo sa inyo? Mangangahas ba ang sinuman na sabihin sa inyo nang harapan ang inyong mga pagkakamali? Mataas kayong nakatindig sa ibabaw ng lahat, namamahala talaga kayo bilang mga hari! Ni hindi man kayo nag-aaral o pumapasok sa gayong praktikal na aral, at nagsasalita pa rin kayo ukol sa paglilingkod sa Diyos! Sa kasalukuyan hiniling sa iyo na pangunahan ang ilang bilang ng mga iglesia, at hindi lamang sa hindi ka nagtatanggi ng iyong sarili, nanghahawak ka pa sa iyong sariling mga pagkaintindi at mga opinyon, at sinasabi ang mga bagay kagaya ng “Sa tingin ko ang bagay na ito ay dapat gawin sa ganitong paraan, kagaya ng sinabi ng Diyos na hindi tayo dapat papipigil sa iba, at sa kasalukuyan hindi tayo dapat pasasakop nang basta-basta.” Kung gayon ang bawat isa ay nanghahawak sa kanyang sariling opinyon, at walang sinuman ang sumusunod sa iba pa. Bagamat malinaw mong nalalaman na ang iyong paglilingkod ay hindi makausad, sasabihin mo pa ring, “Sa aking pananaw, ang akin ay hindi gaanong malayo. Magkagayunman ay mayroon tayong tig-isang panig; sabihin mo ang sa iyo, at sasabihin ko ang akin; talakayin mo ang tungkol sa iyong mga pananaw at magsasalita ako tungkol sa aking pagpasok.” Hindi mo kailanman inako ang pananagutan para sa maraming mga bagay na dapat pakitunguhan, o pinababayaan lamang ninyo, ang bawat isang tao ay nagbubulalas ng kanyang sariling opinyon, maingat na pinoprotektahan ang kanyang sariling katayuan, dangal, at kahihiyan. Walang sinuman ang nakahandang magbaba ng sarili niya, sinuman ay hindi kusang susuko upang susugan ang isa pa at masusugan para magawang sumulong ang buhay nang mas mabilis. Napakadalang na kapag kayo ay gumagawang magkakasama ang sinuman sa inyo ay magsasabing: Nais kong marinig kang nakikisama sa akin tungkol sa aspetong ito ng katotohanan, sapagkat hindi malinaw sa akin ang tungkol dito. O upang sabihing: mas marami kang mga karanasan kaysa sa akin sa bagay na ito; maaari mo ba akong bigyan ng ilang direksiyon, pakiusap? Hindi ba ito magiging isang mahusay na paraan ng pagsasagawa nito? Kayong mga nasa itaas na mga antas ay nakaririnig ng napakaraming katotohanan, at nauunawaan ang napakarami tungkol sa paglilingkod. Kung kayong mga tao na nakikipagtulungan upang gumawa sa mga iglesia ay hindi matututo sa bawat isa, at mag-uusap, makabawi sa mga pagkukulang ng bawat isa, mula saan kayo matututo ng mga aral? Kapag nakasasagupa kayo ng anuman, kailangan ninyong magsamahan sa isa’t-isa, upang ang inyong buhay ay makinabang. At dapat ninyong maingat na pagsamahan ang tungkol sa anumang uri ng mga bagay bago gumawa ng mga pagpapasya. Tanging sa paggawa lamang nito kayo magiging mapanagot sa iglesia at hindi sa kawalang-ingat. Pagkatapos ninyong dalawin ang lahat ng mga iglesia, kailangan ninyong magtipon-tipon at pagsamahan ang tungkol sa lahat ng mga usaping inyong natutuklasan at mga suliraning inyong nasasagupa sa gawain, at pag-isipan ang pagliliwanag at pagpapalinaw na inyong tinanggap—ito ay isang napakahalagang pagsasagawa ng paglilingkod. Kailangan ninyong magtamo ng may pagkakaisang pagtutulungan para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at para sa nagpapatuloy na pagpapasigla sa mga kapatid. Makipagtulungan ka sa kanya at makikipagtulungan siya sa iyo, sinususugan ang isa’t-isa, darating sa isang mas mahusay na kahihinatnan ng gawain, upang magmalasakit sa kalooban ng Diyos. Tanging ito ang tunay na pakikipagtulungan, at ang gayong mga tao lamang ang mayroong tunay na pagpasok. Maaaring mayroong ilang mga pananalita na hindi angkop sa panahon ng pakikipagtulungan, ngunit hindi yaon mahalaga. Pagsamahan ang tungkol dito kalaunan, at kumuha ng isang malinaw na pagkaunawa ukol rito; huwag itong ipagwalang-bahala. Pagkatapos ng ganitong uri ng pagsasamahan maaari kang bumawi sa mga pagkukulang sa mga kapatid. Tanging sa walang humpay na pag-abot sa mas malalim kagaya nito sa iyong gawain makakaya mong matamo ang mas mainam na mga kahihinatnan. Ang bawat isa sa inyo, bilang mga tao na naglilingkod, ay kailangang maipagtanggol ang kapakanan ng iglesia sa lahat ng mga bagay na iyong ginagawa, sa halip na atupagin ang iyong sariling mga kapakanan. Hindi katanggap-tanggap na gawin ito nang nag-iisa, kung saan pinahihina mo siya at pinahihina ka niya. Ang mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay hindi karapat-dapat na maglingkod sa Diyos! Ang disposisyon ng uri ng taong ito ay napakasama; wala ni isang patak ng pagkatao ang nananatili sa kanila. Sila ay isandaang porsiyentong Satanas! Sila ay mga hayop! Maging sa ngayon ang gayong mga bagay kagaya nito ay nangyayari pa rin sa inyo, umaaabot hanggang sa pag-atake sa bawat isa sa panahon ng pagsasamahan, sinasadyang paghahanap ng mga pagdadahilan, pamumula ng buong mukha sa pakikipagtalo dahil sa ilang malilit na bagay, hindi nakahanda ang sinuman na magparaya, itinatago ng bawat tao kung ano ang nasa loob sa isa pa, pinagmamasdang mabuti ang kabilang panig at nagiging alisto. Ang ganito bang uri ng disposisyon ay karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos? Ang ganito bang gawain kagaya ng sa iyo ay makapagbibigay ng panustos sa mga kapatid? Hindi lamang sa hindi mo nagagawang gabayan ang mga tao tungo sa tamang landas ng buhay, ang totoo ipinapasok mo ang iyong tiwaling disposisyon sa mga kapatid. Hindi mo ba sinasaktanKatapatan ang iba? Napakasama ng iyong konsensiya, nabubulok hanggang sa pinakagitna! Hindi ka pumapasok sa katotohanan, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Bukod pa diyan, ibinubunyag mo ang iyong napakasamang kalikasan sa ibang mga tao nang walang kahihiyan, talagang wala kang nalalamang kahihiyan! Ipinagkatiwala sa iyo ang mga kapatid, ngunit dinadala mo sila sa impiyerno. Hindi ka ba isang tao na nabubulok ang konsensiya? Ikaw ay lubos na walang kahihiyan!